CHAPTER 5

Chapter 5: Kid




DAYS have passed and I didn't bother to make a plan. Walang saysay rin naman iyon kung sakaling maisipan kong gumawa ng plano dahil may mamamatay at mamamatay na mga inosenteng tao kahit anong gawin ko.

Knowing that ruthless mafia boss, he would not make second thoughts about killing someone. Parang pagpitas lang ng bulaklak ang ginawa niyang pagpatay sa isang tao. Ni 'di man lang nangilabot sa mga ginagawa niya!

I heaved a deep sighed nang maalala ko si Lucia. Sa kakarampot na minutong nagkakilala kami ay parang gumaan ang loob ko ngunit kasabay rin no'n ang inuusig kong konsensiya. Alam ko sa isip ko na tinangka ko siyang gamitin, that I've take advantage her innocence in order for me to escaped.

Kung saan ka man ngayon, Lucia, sana'y makamit mo ang kapayapaan kahit na ganoon ang ginawa sa 'yo ng amo mo.

Iba na rin ang katulong na nagsisilbi at nagbibigay ng pangangailangan ko. Mas matanda iyon kumpara sa naunang nakilala ko pero minabuti ko na lang na huwag masyadong makipag-usap sa kaniya dahil baka iyon pa ang maging dahilan ng pagkawala ng buhay sa mata nito.

Kapag natutulog ako sa gabi o tuwing lalapat ang katawan sa higaan ay paulit-ulit kong nakikita ang ginawa ng taong iyon. Anong karapatan niya para kumitil ng buhay?

I was so furious but I coudn't do anything.  All I can do was to cursed him into the depths of my mind, torture him with my awful words, and continously dragged him to the pits of hell with my thougths.

Naputol ang pag-iisip ko at napalingon sa pinto nang marinig ang marahang pagkatok roon. "Ma'am Jeyk, ito na po ang pananghalian nin'yo," anuns'yo nito kasabay nang pagbukas ng pinto.

Nginitian ko lang ito at tumango. 'Gaya ng ginagawa ni Lucia sa 'kin ay nagbigay galang muna ito bago at pagkatapos nilapag ang pagkain, saka isinara ang pinanggalingang pintuan.

Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ako rito. Wala na rin kasi sa akin ang cellphone ko. Baka buwan na nga 'ata ang nilagi ko sa apat na sulok na k'wartong 'to.

Matagal na ring hindi ko narinig ang boses ni Agon at ng mga kaibigan nito. Siguro ay hindi ito naglalagi sa mansiyon niya o hindi kaya ay may iba pang ginagawa kaya hindi siya nakauuwi rito. It's possible na hindi ko lang talaga naririnig dahil sound proof itong pinaglalagyan ko? I brushed the thought off my mind. Bakit ko ba iniisip ang mga taong iyon?

I got off my bed and eat but I stopped when I felt something on my chest. Panadalian lang iyon kaya hindi ko na pinansin pa. Pinagpatuloy ko ang pagkain hanggang sa matapos ako.

Iniwan ko na roon sa mesa na nasa gilid ng pinto ang pinagkainan, I know that Karen, the new maid, will picked that up.

Pumasok na ako sa banyo para gawin ang routine ko. Mabilis akong natapos sa pagligo at kasalukuyang nasa veranda para lumanghap ng sariwang hangin.

The sky was gloomy today, I think there's a storm coming. Napapikit ako sa malamig na hanging nalalanghap, seems it will rain any moment.

Medyo malakas rin ang hangin at nagsasayawan ang mga puno sa loob ng mansiyon at maraming nagliliparang mga tuyong dahon sa paligid. But despite of that situation, ang mga tauhan ni Agon ay nakatindig pa rin sa kani-kanilang p'westo at walang pakialam sa malakas na hangin.

Bigla na lang pumasok na katanungan sa isip. Pinagpapahinga niya rin kaya itong mga tauhan niya? Napailing ako, who cares anyway?

Suddenly, my gazed darted on the garden. Malayang namumukadkad ang mga rosas na puti sa bawat hilera. May mga iba't ibang uri rin ng mga bulaklak sa paligid, mukhang alagang-alaga sa kahitikan ng hardin. It was relaxing to be in there, I guess.

Napakapresko. Busog na busog ang mata ko sa mga kulay ng bawat bataytiya ng bulaklak. Kung pahihintulutan lang siguro ako na makapunta roon, ay baka hindi na ako umalis pa. It depicts a small paradise for me, full of calmness and a sage heaven.

Aalisin ko na sana ang paningin doon pero napadpad ang paningin ko sa pinakadulo ng hardin. I stop for a moment.

There was a little kid playing with the guards, masayang nakikipaghabulan ito sa kanila hindi alintana na delikadong tao ang nilalaro niya. That was the moment I saw Agon, sitting on the bench and eyeing that little kid.

Nakasuot lamang ng pulang shirt si Agon na pinaresan ng isang black plain shorts. Nakatsinelas rin ito, a typical man na nasa bahay lang, malayong-malayo sa pormal na pananamit nito noong huli kong nasilayan.

Because of the distance between us, I can't clearly tell if he was smiling or not. Hindi ko rin makita ang mukha ng bata kaya mas lalo kong pinaliit ang mata pero hindi naman iyon nakatutulong para luminaw ang nakikita ko.

Kaano-ano niya ang bata? Anak niya? But I didn't saw him with another woman. It was impossible, sinong papatol sa kaniya? He was ruthless, cruel, who would love him?

The boy ran to his direction but unexpectedly, he tripped off the ground. Agon, on the other hand, rushed to that boy to helped him stand. Tila nag-uusap ang dalawa at kalauna'y ginulo ni Agon ang buhok ng bata.

Sa lakas ng hagikhik ng bata ay naririnig ko na kahit paano ang pinagsasabi nito.

"I'm a big boy na kaya I don't need help!" Iyon lamang ang narinig ko at hindi na klaro ang ibang sinabi ng bata dahil humina na ito, pati na rin ang malakas na ihip nang hangin na humadlang sa maayos na pakikinig ko.

Nag-uusap lang sila ay ang pagmasdan sila ay tanging ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ko ba sila pinagmamasdan pero may kung  anong nagsasabi sa 'kin manatili sa kinatatayuan.

The boy suddenly gazed on my direction as if he was examining me. Few moments later, he then pointed me and look to that man that made him looked here.

I was taken aback but I stood  my grounds like his stare doesn't affect me. Ilang minuto akong nakatitig sa kaniya pero mabilis kong naiwas ang paningin at tumingala sa langit kunwaring walang pakialam sa mga titig niya.

Naghalumbaba ako sa may railings at pinagmasdan ang papaiyak na kalangitan. Ramdam ko pa rin ang panininitig nito kaya mas lalo kong tinatagan ang sarili at baliwala ang nakaka-conscious nitong tingin.

There's something inside me telling that I need to stare back on him. I was battling aginst my self not to look. Patuloy na nilulupig ng kuryusidad ang sistema ko ngunit sandaling maramdaman kong nawala ang paninitig nito ay doon na ako tumingin sa direksyion nila ng batang kasama.

Kinakarga na pala nito ang bata sa balikat na parang pinakamagaang bagay sa balat ng lupa. The boy was continously giggling habang naglalakad si Agon papasok sa mansiyon.

Ang mga tauhang kanina ay kalaro ng bata na naghahagikgikan ay bigla na lang nagseryoso at unti-unting nilabas ang mga baril. Hindi iyon makikita ng bata dahil papasok na sila sa mansiyon at alam kong kinukuha ni Agon ang atensiyon ng bata para hindi na lumingon pa.

My forehead knotted when his men rushed outside the gate. Gusto ko pa sanang mamalagi sa veranda pero biglang may kumatok sa pinto at bumukas iyon kahit na hindi pa ako nakasasagot.

Hindi iyon gawain ni Karen dahil palagi niyang hinihintay ang permiso ko bago ito pumasok tuwing wala namang pagkaing ihahatid.

"Ma'am, halika na po rito at pumasok. Delikado po kapag mananatili ka riyan sa labas," humahangos na anito at inakay ako papasok kasabay nang pagsara niya ng glass door sa veranda. Mabilis niya rin inayos ang kurtina kaya tuluyan ko ng hindi nakita ang nasa labas.

Alam kong nanggaling ang utos na iyon kay Agon. Siya lang naman ang sinusunod ng mga tao rito sa bahay at wala ng iba.

Confused, I asked, "Why? What happened?"

"Hindi ko po masasagot iyan, ma'am, pinag-uutos kasi iyon ni Sir Agon," sagot nito.

Hindi na ako nagtanong pa dahil may ideya na rin ako sa nakita kanina. Nagpaalam na sa akin si Karen at ilang ulit akong pinaalalahanan sa takot kay Agon na baka ay hindi ako sumunod. I gave her an assurance na hindi ako lalabag sa utos na iyon kaya parang nakahinga ito ng maluwag.

I bit my lower lip and stood up. Napalingon din ako sa nakasaradong pinto ng k'warto.

Hindi naman nila malalaman at saka hindi naman ako lalabas. I reasoned out in my mind.

Curiosity began to crippled my system to know what's happening outside. Here I go again with my curiosity, but this time wala namang mapapahamak, I guess?

Hindi ako nagdalawang-isip na maglakad ulit patungo sa glass wall na tinatakpan ng malaking kurtina. Habang papalapit ang kamay ko ro'n ay ganoon na lang ang pagdagundong ng dibdib ko.

I swallowed the lump on my throat the moment I saw what's going on outside. Nanginginig kong tinakpan ang bibig at pilit na pinapatatag ang tuhod dahil sa panginginig.

Ang mga tauhan ni Agon ay nakikipagbarilan sa kung sinumang mga kalaban sa labas ng gate. Hindi rinig ang mga tunog ng baril kaya nasisiguro kong may silencer iyon.

Hindi naman ako bobo pagdating sa mga baril dahil sabi ko nga dati ay tinuruan ako ng ex ko sa ganitong mga bagay.

May resulta rin pala ang pagiging malandi ko noon.

I brushed that thought and continued to watched what Agon's men doing. Patuloy pa rin sila sa pakikipagpalitan ng putok ngunit hindi ko makita ang kalaban, marahil ay na roon sila sa direksiyong natatakpan ng malaking pader.

I almost shrieked nang matumba ang dalawang tauhan ni Agon. Muntik ko nang mabitawan ang kurtina nang mapagtanto kung sino ang kasalukuyang naglalakad papalabas ng gate ngunit bago siya tuluyang lumabas ay lumingon ito sa kinaroroonan ko na naging dahilan para mapaatras ako at mabitawan ang hawak na kurtina.

"He knew. Sh*t!" Napatakip ako sa bibig at pabalik-balik ang paglalakad sa gilid ng kama.

Paano niya nalamang nanonood ako? The moment he tilted his head towards this direction, he was in a hundred percent sure that I'm here, watching. Was he have a freakin' six sense?

What should I do? What if he would kill Karen because of this? I forcefully bit my lower lip that made me winched in pain.

Kainis!

I can taste my own blood that made me ran towards the sink. Mabilis akong nagmumog ng tubig and spit it out. Aligaga akong napatitig sa sariling repleksiyon at muntik nang mapatalon sa biglaang pagkatok sa pinto ng kuwarto.

I walk silently habang papalapit sa pinto na puno ng samu't saring ideyang naiisip. Who would this person be? Agon? His men? Or Karen?

But Karen used to speak before entering my room. Ilang ulit na ang pagkatok ng kung sino at hinihintay kong magsalita ito pero wala akong marinig.

Maharan kong nilapat ang tainga sa pinto ngunit wala akong marinig na boses kun'di ang mga katok lamang na paulit-ulit at may ritmo.

Hindi ko namalayang ilang oras na pala ako nakatitig sa door knob. Doon ko lang napansin na naubos ko ang oras sa pamamagitan lamang ng pag-iisip ng kung ano-ano. Natigil na rin ang pagkatok at ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon.

Hindi na ako nagtangkang sumilip pa sa glass wall at idiniposito na lang ang sarili sa higaan. Nakatulugan ko ang posisyong iyon marahil sa mga naiisip. Nang magising ako ay sumalubong sa akin ang nagngangalit na ulang may dalang mapipintas na kidlat at kulog.

I slowly got off my bed and walked towards the glass wall para isara nang maayos ang kurtina. As I touch the curtain and began to see the world outside this four corners of this room, a sudden wave of memories flashed into my mind.

I onced used to be a crybaby that always craddle into my parents arms. Kapag bumubuhos ng ulan ay takot na takot ako dahil mayroong kidlat at kulog na dala ito. It was like a monster was attacking me back then.

But now, it was different, hindi na nakatatakot na emosiyon ang nararamdamn ko tuwing umuulan kun'di kalungkutan. Sadness and longing that will forever hunt me until I die.

My family flashed in the night sky when a lightning strike  in high altitude. Bawat pagguhit ng kidlat sa langit ay iba't ibang mga imahe nina dad, mom at kuya ang nakikita ko.

Biglang may kumatok ulit sa pinto ng kuwarto kaya naputol ang pag-iisip ko sa sariling pamilya. Patuloy pa rin ito sa pagkatok at hindi man lang naisipang tumigil kaya tumalina ako rito para buksan iyon.

Sa mga nagdaang araw ay napapansin kong hindi na nila-lock ang pinto ko. Nawala na rin ang pag-asang makakaalis ako sa lugar na ito. Kung sakali man na makakaalis ako ay wala rin naman akong babalikan pa sa bahay.

All of the memories of my family was stucked in that place. Every corner of that house reminds me of them at ayo'ko munang maalala ang mga iyon. Hindi iyon makakatulong sa akin ngayon. Mahirap mag-move on kapag p pinapalibutan ka ng mga bagay na may ala-ala.

When I opened the door, sinalubong ako ng isang batang mahinang umiiyak. Nagulat ako ng humakbang ito papalapit sa akin pero hindi ko iyon pinahalata sa kaniya.

"I-I'm s-scared," he cried.

Nahabag ako sa mukha ng bata kaya agad akong lumuhod para lumibel sa taas nito. Doon ko rin napansin na ito ang batang kasama ni Agon kanina sa hardin.

He was wearing the same clothing sa batang nasa hardin kanina, kaya posibleng siya iyon. Siya lang naman ang batang nakita oo sa mansiyong ito at wala ng iba.

I'm not good in comforting kids but I didn't give any thoughts to hugged him. "Shhh. Stop crying. I'm here, you're safe here, hmm?" I didn't expect him to hugged me back dahil hindi niya naman ako kilala in the first place. Hinagod ko ang likod nito na naging dahilan para kumalma ito.

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako na may nagpapaawang mata. "C-Can I s-sleep h-here po?" My heart began to sank in a deep ocean. His stares was melting my heart. He was so adorable.

Nandoon pa rin ang gulat ko sa biglaang desisyon nito. I mean, hindi niya ako kilala at ngayon lang ako nakita sa personal. Imposible namang pagkakita niya sa akin kanina ay agad niya akong pagkakatiwalaan? Well, bata naman ito, wala itong alam kung sakali mang masama o mabuti ang kaharap niya, siguro sadyang ganito lamang siya.

Kumulog ulit kaya napahigpit ang yakap nito sa leeg ko. Napapikit na lang ako dahil nasasakal ako the way he wrapped his arms on my neck. Kahit masakit, I managed to smile on him. "Hmm, it's okay. Let's go?" Tumango ito kaya tumayo na ako at inakay siya papasok sa kuwarto.

I stared at the kid after he walked towards my bed. I'm wondering if he was related to that man. They seems to be that closed but I check his features to match with Agon but I can't completely tell of they were in the same line. Malayo ang mukha ng batang ito at hindi ko makakakitaan ng kahit isang pagkakahawig lang man sa lalaking iyon.

"What's your name, little boy? Can I know?" marahan akong tumabi sa kaniya.

Suminghot muna ito bago sumagot, "I'm Levin, Levin del Vecho."

Shocked was written on my face as he spoke his surname. He was a del Vecho! Napalunok ako. I want to asked him about that man but something was forcing me not to utter a single word.

I can't see any resemblance on him with this kid. If he was a del Vecho then he should be his sibling. P'wede ring kamag-anak niya lang ito?

"Can I sleep na po?" he asked habang namumungay ang mga mata. Tumango ako kaya nahiga na ito at pumikit. Hindi man lang ininda ang paninitig ko rito hanggang sa mapansin ko ang pagbagal ng paghinga nito. Ang bilis naman makatulog ng batang ito.

Inayos ko ang pagkakahiga nito sa kama at inipod para magkasya kaming dalawa. How can he be so sure that I'm not a bad person? Bakit ganito na lang ito katiwala na mahiga sa kama ng hindi kakilala? Ganito lang ba talaga siya? Maybe I can asked Karen tomorrow about this kid. Wala naman sigurong masamang tanungin siya rito, right?

Hundred of question was circling on my mind and I didn't noticed that I drifted into sleep beside this kid. When I woke up the next morning, I've heard a commotion outside my room.

Mahina lang iyon dahil kulob ang buong kuwarto. Pansin kong hindi super sound proof itong kuwarto kapag may nagsisigawan sa labas.

Aligaga akong napabalikwas sa kama at tumungo sa pinto para pakinggan ang mga tinig na nagkakagulo. Ni hindi man lang nilingon amg batang natutulog nang mahimbing sa kama

"Who the fuck saw him last night?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top