CHAPTER 2

Chapter 2: The mafia boss




MABILIS na nakalapit ang mga nakaitim na lalaki sa kinaroroonan ko at agad na dinakip ng kanilang kamay ang maliit kong braso.

"Anong gagawin ninyo sa 'kin? Sino ba kayo? Bitiwan ni'yo ako! Let go of me!" Pilit kong binabawi ang braso ko pero hindi ko magawa dahil mas lalo lamang humihigpit ang hawak nilang lahat sa akin. Muli akong napabaling sa babaeng may pakana nito. "Tita! What's the meaning of this?! Anong gagawin mo sa 'kin? Just so you wait, I will sue you for this if anything happens to me!" sigaw ko at pilit na nagpupumiglas sa pagkahahawak ng mga malalaking lalaking ito.

Halos double yata ang laki nila kumpara sa katawan ko at alam kong wala akong panama sa lakas ng bawat isa sa kanila. Hanggang dibdib lamang ako ng mga ito at ang paghawak sa kamay ko ay parang wala lang sa kanila pati na rin ang pagpupumiglas ko para makawala.

Where did this people came from? They are like a body builders because of their sizes. They're freakin' huge!

Napapansin ko rin na tuwid lamang ang paningin ng mga ito at hindi man lang ako tinatapunan ng tingin. Para silang mga robot na mag-aabang sa kung anong susunod nilang gagawin.

Pati na rin ang tattoo sa katawan nila na hugis tala ngunit nakapaloob roon ang mga bungo ng tao, iyon ang nagbibigay hugis sa tala at may apoy na lumalagablab sa dalawang paanan ng bituing iyon, saka napapalibutang ang talang gawa sa bungo ng malaking bilog.

Kung wala lang siguro ang nakatatakot na bungo at apoy na iyon ay masasabi kong ang cute ng tattoo nila tingnan pero hindi, sa unang tingin pa lang ay tila gumapang ang ilang libong kilabot sa sistema ko.

I can't explain why I'm feeling this way but I'm sure for one thing, they are dangerous to be with.

"Be thankful, Jeyk my dear, I just save you for your agony and sadness on this four corners of your room. Besides, malaki ang pagkakautang ng ama mo sa 'ki—"

I cut her. This witch was telling a lie. Anong utang? Kahit kailan ay walang utang ang ama ko sa kaniya!

"A debt? F*ck your imaginary debt my delusional aunt! Ang sabihin mo, wala ka ng pera kaya ka pumunta rito at mameste sa tahimik kong buhay! Dad was dead already, wala ka ng makukuhang pera sa kaniya!" I shouted at the top of my lungs.

Narinig kong muli ang nakaiinis na boses nito.

"You're right, wala na akong mahingian ng pera ngayon. Bakit ba kasi namatay ang g*go mong ama ng maaga?" asik nito.

Halos mandilim ang paningin ko sa narinig. Ang kapal masyado ng pagmumukha nito. Hindi man lang nagmaang-maangan sa intensiyon niya. I hope that she will burn into hell!

Matapos niyang hingan ng pera si daddy ay gaganituhin niya lang dahil wala na siyang makuha? Walang'ya!

"What did you say?" Sumugod ako papalapit sa kaniya ngunit hindi ko iyon nagawa dahil sa mga lalaking nakahawak sa magkabila kong braso. "Don't ever speak ill to my father, you fucking witch! Hindi ka man lang nahiya sa ginagawa mo kay daddy? Piniperahan mo na nga, wala ka pang utang na loob! Sana ikaw na lang ang namatay kaysa sa kaniya! Wala ka namang ambag sa mundong t*ngina kang mangkukulam ka!" I glared at her.

Kung nakamamatay lang ang tingin ay daan-daang beses ko na siyang napatay.

Kung hindi lang siguro nakahawak ang mga lalaking ito sa braso ko ay baka iba na nagawa ko sa babaeng iyon. Kahit kapatid pa siya ni daddy ay hinding-hindi ako mag-aatubiling saktan siya! Hindi karespe-respeto ang babaeng ito!

I clenched my hands and felt my nails digging into my palms. My breathing became faster because of the anticipation I felt. Nakagigil ang isang ito at nangangati ang palad kong lumapat sa makapal nitong mukha. Gustong-gusto kong pilipitin ang lahat ng parte ng katawan nito hanggang sa magmakaawa sa akin.

Doon ko rin nasaksihan ang pagdaan ng inis sa mukha nito. Matunog itong lumapit sa direksiyon ko at ginawaran akong muli ng isang malakas na sampal.

How dare this witch to slap me?!

"Nakaririndi talaga ang kamalditahan mong iyan! Mabuti na lang talaga at namatay si Klaron at nagagawa ko ito sa 'yo." Tumawa ito na parang tanga. "Dalhin ni'yo na iyan sa amo ninyo," utos nito sa mga kalalakihan.

Doon ko rin na pansin ang limpak-limpak na pera na nasa kamay nito at sinimulan niya itong kwentahin.

Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero pansin ko rin ang pamilyar na pitaka ng aking ama na nakaipit sa ilalim ng kili-kili nito.

Parang nanginig ang mga lamang loob ko sa galit. Pilit akong napupumiglas kahit alam kong hindi ako makakawala sa mahigpit na hawak ng mga taong 'to.

"Saan mo kinuha 'yan? Walang hiya ka! Kay daddy ang perang 'yan! Ibalik mo 'yan sa kuwarto niya!"

Nang sinimulan akong hilahin ng mga taong ito ay dinura ko sa kaniya ang dugong nanggaling sa bibig ko dahil sa pananampal nito.

Napapikit ito dahil saktong-sakto ang pagtama no'n sa mukha niya. Nang magmulat siya ng mata ay sinalubong ko ito ng ngisi.

"Opps, my bad," sarkastikong saad ko.

Napatili ito sa inis dahil sa ginawa ko. Tinaasan ko ito ng kilay habang nakangisi sa harap nito.

"Sisiguraduhin kong ito ang magiging huling araw na makikita ko iyang ngisi sa mukha mo, Jeykcil! Magdusa ka sa taong pinagbentahan ko sa 'yo!"

Tila nanigas ako sa kinatatayuan. Doon na rin nawala ang ngisi sa mukha ko at kinilabutan sa narinig.

She sold me? How could this witch do that?!

"You fucking sold me?! Wala kang hiya!" nanginginig sa inis na sigaw ko.

Binenta niya ako nang hindi ko alam? Anong karapatan niya para gawin ito sa akin? Anong tingin nito sa akin ngayon? Isang bata? Isang bagay na pupuwedeng ibenta na lang?

"Yes, you heard me right. Oh, na saan ang tapang mong maldita ka, ha?" Lumapit siya sa akin at marahas na hinawakan ang baba ko. "Natitiyak kong magdurusa ka sa kamay ng taong pinagbentahan ko sa 'yo at nasa akin pa rin ang huling halakhak." Tumawa na naman ito at kinumpas ang kamay at naging dahilan para hilahin na ako ng tuluyan ng mga taong may hawak sa akin.

"P*tangina ka! Kapag makaalis lang ako rito ay sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan! Wala akong kadugong itim ang budhi!" sigaw ko ngunit hindi na ako nito pinansin at binalik ulit ang atensiyon sa kinukwentang pera.

Lahat ng klaseng pagpupumiglas ay nagawa ko na pero para lamang akong papel habang hatak-hatak ako ng mga lalaking ito.

"Ano ba?! Sabing bitiwan ninyo ako!" Sinipa ko ang isa sa kanila ngunit nasalag niya ito tila inaasahan ang sipang iyon.

Doon na siya napatingin sa akin at bigla na lang akong sinikmuraan.

His punch have no mercy at tanging pag-inda sa natamo lamang ang nahpatigil sa akin kapupumiglas. Parang mawawala ako sa ulirat sa sobrang lakas no'n but I managed to stay in my consciousness.

I have no strength to make any movements that made the one of them carry me like a sack of rice.

Naging mabilis ang mga galaw ng mga ito hanggang sa idiniposito nila ako sa isang backseat ng kotseng naparada sa labas ng bahay.

"Let m-me g-g-go, f-f*ckers," I managed to said that words until darkness swallowed my consciousness.




***
"WHO THE f*ck said that you can lay a finger on her?"

"W-Wala p-po, b-boss."

Unti-unti kong iminulat ang mga mata dahil sa nagsisigaw na lalaki.

Tumambad sa paningin ko ang mga taong kumuha sa akin kanina kaya napabalikwas ako sa hinihigaang sofa.

May lalaking nakaitim na nakatalikod sa akin at natitiyak kong sa kaniya nanggaling ang malakas na sigaw na iyon na nagpaggising sa ulirat ko.

Matikas itong nakatayo na nagsusumigaw ng awtoridad sa pamamagitan lang ng presensiya.

I can't explain why I'm feeling this way but his back was screaming danger that gave chills on my whole being.

"Now, tell me, do you have the right to do that without any permission coming from me?" Walang natanggap na sagot ang lalaking iyon sa mga tauhang bumitbit sa akin. "F*cking answer me!"

Napaigtad ako sa pagsigaw nitong muli. I was right, that voice came from him.

Kahit hindi ako ang kinakausap nito ay nagdala ng kilabot ang malalim nitong boses sa sistema ko. Lalong-lalo na sa tunog nang pagkasa ng baril nito at tinutok sa kausap.

Napalunok ako sa kabang nararamdaman. Sino ba ang mga taong ito?

Iniisa-isa ko ang mga taong nakapaligid sa akin at halos manginig ako sa kinalalagyan nang masilayan ang mga baril na nakasukbit sa  bewang ng bawat isa.

They are freakin' armed with different types of guns! Who the heck would not panicked after seing these?!

Wala sa sariling napasiksik ako sa gilid ng sofa as if it will save my life from these people. Nagtama ang mata namin ng isang lalaking malapit na pinto akay mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Oh my gosh! Scary!

Pansin ko rin ang mga naglalakihang katawan ng mga ito at iyong taong nakatalikod sa akin lamang ang may katamtamang hugis ng katawan.

Muling napabaling ang atensyon ko sa harap nang magsalita ang kausap nito.

"W-W-Wala po, b-boss. . ." utal ngunit nakayukong sagot ng mga lalaking kumuha sa 'kin.

"Who punch her?" Naging tahimik ang lahat at napayuko sila. "No one will answer me?!" his voice roared like a thunder but no one answered.

Napatili ako nang walang habas na pinaputukan  nito ang isa sa mga tauhang kausap.

Goodness!

Binalot ng katahimikan ang buong paligid nang bumagsak sa sahig ang walang buhay na lalaki.

My eyes widened nang makita ang duguan nitong katawan at nakamulat pa ang mga mata.

Ilang ulit akong napahugot ng hininga at mariing napapikit ang mga mata para hindi muling makita ang kawawang taong walang habas na kinitilan ng buhay.

"A-A-Ako p-p-po, b-boss. . ." uutal-utal na sagot ng isang lalaki na ang nanginginig na sa takot.

"I don't need a useless sh*t that can't even do its job properly."

Muli ay kinalabit na naman nito ang gatilyo ng baril na hawak kaya napapikit akong muli para hindi makita ang mangyayari. I covered my ears just as if I can blocked the noise coming from the gun.

Three shots. Tatlong sunod-sunod na pagputok ng baril ang tuluyang nagpaagos sa luha ko. I cried silently of the cruelty I've witnessed.

How could this man can easily pulled the trigger as if it was just a normal thing to do for him? He have no mercy! Hindi niya man lang naisip ang kapakanan ng mga taong ito!

Napaangat ako ng tingin nang maramdaman may nakatingin sa akin. I did not even wiped my tears at sinalubong ng masamng tingin ang taong iyon.

"How c-could y-you. . ." Napatingin ako sa mga nakahandusay na katawan at muling naibalik sa lalaking ito ang paningin.

"Jeykcil Ryen Eleutero," sambit nito sa pangalan ko at sinimulang lumapit sa direksyon ko.

"How d-did you know my n-name?" gulat ngunit kinakabahang tanong ko. Mas lalo itong lumapit sa 'kin that made me panicked. "Don't come n-near me, you d-demon!" I hissed.

Umipod ako ng husto sa sofang kinalalagyan kahit alam ko namang wala nang masisiksikan.

Nang makalapit ito sa ko upuan kong sofa at lumibel ito sa mukha ko. He stared at me like he was reading my whole life just in my eyes.

Pansin ko rin ang mga nagbabagang tingin ng mga tauhan nito sa paligid na nakaabang na bawat galaw ko.

Napabaling muli ang tingin ko sa lalaking nasa harap ko. Because of the distance between us, I can freely wander on his face. He have a jet black hair and a thick eyebrows. His skin was not white as mine pero katamtaman lang ang kulay niyon—isang tipikal na kulay ng isang Pilipino. Matangos rin ang ilong nito similar with the foreigners, manipis ang mga labi at singhot na singhot ko ang masakit sa ilong na pabango nito.

For a second, I was mismerized with his eyes but then something on me snapped out. Bakit ko ba siya pinagmamasdan?!

I swallowed the lump on my throat and gathered all my might to slapped him hard."Lumayo ka sa 'kin! Mamamatay tao!" I shouted furiously.

Nanlaki ang mata ko nang sabay-sabay na hinugot ng mga kalalakihang nakapalibot sa akin ang kani-kanilang mga armas at walang pag-aalinlangamg tinutok sa 'kin.

For a second, tila hindi ko na alam kung paano huminga. Who the hell would loved this situation kung lahat ng tao sa paligid mo ay nakatutok ang baril sa iyo?

I never thought in my life that I would experience hell on this early age. I know that any moment right now if ever I make a move ay baka kalabitin nilang lahat ang gatilyo para lang mapatay ako kapag may ginawa akong masama sa taong kaharap ko.

Sino ba talaga ang taong ito? Bakit ako binenta ng impaktita kong tiyahin sa kaniya?! Saan niya ito nakilala?

Iba't ibang uri ng mga katananungan ang lumayag sa isipan ko pero naputol iyon nang mahinang humalakhak ang lalaki.

"You see them?" Patungkol nito sa mga taong nakatutok ang baril sa akin. "I can  kill you right now in just a flick of my finger without pulling my own gun." Hinawakan nito ang baba ko at marahas na pinaharap sa kaniya. "What an unfortunate soul."

Pilit kong binawi ang baba ko pero napadaing lang ako sa paghigpit lalo nang pagkahahawak nito.

"Let go of me, monster!" pinilit kong huwag mautal sa harap nito.

"Oh? Am I?" He devilishly smirked.

"W-What a-are you d-doing?" Bigla na lang akong maalarma nang linapit nito ang mukha sa akin.

"Am I not allowed to do this, hmm?" he whispered in my ear.

Napadaing ako sa paggalaw nito ng kamay na nakahawak sa baba ko. It feels like my jaw will crush any moment dahil sa lakas ng lalaking ito. I mananged to hold my tears from flowing to my cheeks and bit my lips.

"I can do whatever I want to do with you, sweetheart. Do you know why?" Napalunok ako sa sinabi nito. "Because you are sold to a mafia boss. You are sold to Agon Levitico del Vecho," he coldly said that brought shivers down my spine.

Pagkarinig na pagkarinig ko ng salitang iyon ay malakas niyang binitiwan ang baba ko na naging dahilan para malaglag ako sa kinauupuan sofa at napasalampak sa sahig.

Muntik pang tumama ang ulo ko sa center table at sa kabutihang palad ay hindi roon bumagsak ang ulo.

Halo-halong ang nararamdaman ko ngayon at hindi na makapag-isip ng tama.

A mafia boss? P*tangina! Bakit ako binenta sa taong ito? Matatanggap ko pa sana sa isang mayamang tao o hindi kaya kilala ang pangalan sa buong mundo pero sa isang kriminal na katulad niya?!

I can't believe it! Anong pumasok sa kokote ng tiyahin kong iyon? Gustong-gusto kong puntahan ang tiyahin kong ulul sa pera na nagawa akong ibenta sa kamay ng mga taong ito at sampalin ng paulit-ulit. Nanggigigil ako at kung nakamamatay lang talaga ang pag-isip sa isang tao ay ilang ulit ko na siyang hinatid sa impeyerno!

Pagkalingon ko sa lalaking iyon ay naglalakad na ito papalayo. I glared at him and balled my fist.

The next thing I knew, I was holding the flower vase at walang pag-aalinlangang hinagis ang bagay na hawak papunta sa lalaking iyon.

Umalingawngaw ang tunog nang pagkabasag no'n sa likod ng isang tauhang nakakita sa ginawa ko.

Ha! Is he worth it for risking your life?!

Napatigil si Agon at walang emosyong napatitig sa tauhang sumangga ng plorera saka ako nito pinukol ng masamang tingin.

Hindi ako nagpatalo and glared back at him the same as the intensity he was giving. This is not the time to be scared for the likes of him. If this was my last moment in this world, then I will used every seconds that I'm breathing.

Tutal mamamatay rin naman ako, bakit pa akong manginginig sa takot?

Kahit lahat ay nakatutok na sa akin ang mga baril ay patuloy pa rin ako sa pagsugod sa mafia boss na iyon.

He raised his hand as if stopping his men to do something pero hindi iyon naging dahilan para ibaba ng lahat ang nakatutok na mga armas sa akin.

Pinaulanan ko siya nang suntok nang maabot ang kinalalagyan nito but he easily dodged all my punches.

Annoyed, I kicked him but it was no used, umilag lang ulit ito ng walang kahirap-hirap.

All thanks to my police ex-boyfriend dahil tinuruan ako nitong dumipensa at umatake sa kalaban.

I hissed when he grabbed my wrist at pinaikot na naging dahilan para mapunta siya sa likuran ko.

Napangiwi ako sa sakit pero hindi ko iyon pinakita sa kaniya. Nagpumiglas ako pero hindi ko magawang makaalis sa pagkahahawak nito. He was freaking strong!

"I win, sweetheart." Bumalatay ang kilabot sa buo kong sistema nang marinig ang malamig na boses nito sa aking kanang tainga. "For now, have a good sleep."

After he said those words ay naramdaman kong pinalo nito ang batok ko na naging dahilan para lamunin ako ng kadiliman.

I hope when I woke up, all of this thing happened on my dreams.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top