CHAPTER 11

Chapter 11: Drowned



I feel so alone.

As I gasped for the remaining air that I have, a wave of memories of my family flashed in my mind.

I'm sorry mom, dad, kuya, maybe this is the end.

Unti-unting nawala ang lakas ko sa pagpupunmglas na makaahon. Tila hinihigop ang lakas ko ng dilim at gustuhin ko mang imulat ang mata ay hindi ko na magawa.

Sa dami ng tauhan ni Agon, ngayon pang walang tao sa pool area, wala rin ang mga kaibigan niya sa mga oras na ito.

How unfortunate of me. Ngayon pa talaga. Bakit ang malas naman ng buhay ko?

Unti-unting nilalamon ng tubig ang katawan ko at tila inuubos no'n ang lakas ko. Hindi ko na alam kung ano ba karaming tubig ang nainom ko.

Darkness filled my system as I closed my eyes. It's the end.

I was about to accept my terrible end but I felt a warm hands pulling me out of the water.

Am I hallucinating? Nakakagaan ang init ng kamay na iyon tila pinapaginhawa ang mabigat na humahatak sa 'kin paibaba.

The light of hope started to flicker once again. Iyon ang nagsilbing hudyat para unti-unting mabalik ang ingay sa paligid ko.

I wanted to open my eyes but seems like I have no control over it. What's happening?

Nilukob ng kaba ang buo kong sistema sa mga oras na iyon. Hindi ko rin magalaw ang buo kong katawan as if I was paralyzed!

Oh god!

Kahit na ganoon ay tila rinig na rinig ko pa rin ang paligid. My ears was all open.

Buhay na buhay ang pandinig ko sa gitna ng dilim na hindi alam kung saang lugar ba ito.

"Shit! She has no longer a heartbeat!"

"What the fuck?!"

"What's happening? Wha—"

"Oh god! Call Agon!"

"Raji, what's happening?! Anong nangyari kay Jeykcil?!"

"Fuck, Nick! Can't you tell? She drowned!"

Hindi ko alam kung ano yung mga pinagsasabi nila. I can't tell but seems that they are on panicked.

Is this a dream? I'm confused!

"Raji, do the cpr!"

"I'm going to do it now, Nick! Fuck you! Stop commanding me as if I'm your pet!"

"Nagtalo pa talaga kayo, Nick, Raji?! Seriously? At this freaking situation?!"

"Three of you, move the fuck out my way! Nick call Doctor Sandra! Take care of Levin for now, Ards. And you, fucking move. Don't you dare touch her!"

After that conversation, I've heard nothing. Tila nakakabi gin katahimikan ang bumalot sa madilim na paligid ko at tila hinihigop ako sa kung saan kaya wala akong nagawa kun'di magpaanod habang nakapikit.

"Jeyk, anak, it's time to wake up . ."

Mom? Dad?

When I opened my eyes, a blinding light greated me. Napaangat ang kamay ko para salagin ang liwanag na tumatama sa mga mata ko. Palaki iyon ng palaki hanggang sa lumapit iyon at yakapin ako.

It's so warm and relaxing. Hindi ko mainintidihaan ang isang pwersang pilit akong minumulat.

I forcefully opened my eyes at dinalahik ako ng ubo. I coughed multiple times at naramdaman ang isang alalay ng kamay.

"What are you feeling?"

I'm feeling dizzy that I can't answer that question. Ilang ulit kong inubo at sinuka ang tubig na nagmumula sa sikmura ko. Unti-unti ring lumilinaw ang paligid kaya naaaninaw ko na ang lahat.

"Ate!" Levin cried saying my name.

Naroon sa likod niya si Ardeen habang may kasamang doctor na babae naman si Nick. They are all worried as well as Raji.

Napabaling naman ang tingin ko kay Agon.

"Are you okay?" tanong niya.

I nodded for response. Naramdaman kong bubuhatin niya ako kaya agad akong umangal. He carry me in a bridal way. He wrapped his arms in my body for me to stop moving.

Ramdam na ramdam ko ang matitigas nitong muscles sa braso at tyan nang magdikit ang katawan ko sa kaniya.

Napalunok ako at ilang ulit na napakurap.

"Kaya ko!" pagmamatigas ko pero tila wala siyang narinig.

I was soaking wet kaya pati siya ay basang-basa na rin dahil sa pagkarga sa 'kin.

"Dos Sandra, please check on her," Agon said.

Nagdaop ang paningin namin ni Raji nang dumaan si Agon sa harap niya. Hindi ko maiwasang hindi mapapatitig sa ginawa nitong paninitig sa 'kin.

Lahat sila ay nakasunod sa 'kin hanggang sa loob ng kwarto. Ilalafay na sana ako ni Agon sa kama ng kumapit ako sa leeg niya para lang huwag dumampi ang bas k9ng katawan sa hinihigaan.

"Don't. Mababasa ang kama. Magbibihis pa ako, can't you see I'm soaking wet?"

Dumapo ang paningin ni Agon sa 'kin at pansin ko ang pag-igting ng panga nito bago ako ibaba sa sahig.

"Go and change some decent clothes. Kaya mo ba?"

"Of course!" agad kong tugon kahit ramdam ko pa rin ang panghihina ng katawan ko.

Tinaasan ako nito ng kilay bago pagmasdan ang kabuuan ko saka umiwas ng tingin. Binalingan niya sina Nick, Ardeen, Raji at Levin. "You four, stop staring. Go out."

"Opps." Nick sounded mocking.

Natawa lang si Ardeen at kusa nalang na tumalikod si Raji papunta sa pintuan.

Nadakip ko pang nakatingin din silang lahat sa 'kin, including Levin with his innocent eyes. Nagtataka itong napatitig sa tatlo ng dali-dali nilang hatakin ang walang kamuwang-muwang na bata.

Dali-dali akong kumuha ng itim na pajama at puting stitch na t-shirt bago pumasok sa cr.

Halos mapasigaw ako sa mukha ko ng mapatitig ako sa salamin. Nasapo ko ang mukha.

Kaya pala!

Napahilamos ako sa mukha at napapadyak nang mahina sa sahig. I mentally scream for my state.

Agad akong napatungo at napatitig muli sa salamin. I bit my lip when I can see my nipples, nakabakat ito sa suot kong dress! Gulong-gulo rin ang buhok ko, probably when I struggled in the pool a while ago.

I'm a mess!

I fixed my self immediately when I felt dizzy. I can't the hold the brush properly. Agad akong napahawak sa sink para suportahan ang bigat.

I shaked it off but it can't help. Dali-dali akong umayos at naupo sa kama. The doctor checked on me and injected something in my arm that made me sleepy.

Doon ko ulit naramdaman ang pagod at pananakit ng buong katawan pati ang pilay sa kamay.

The doctor explained something to Agon but I'm currently drifting to sleep kaya wala na akong pakialam sa pinag-uusapan nila.

***

I WOKE up feeling exhausted. I closed my eyes again as the beamed of light reflected on the window.

Nananakit ang buo kong katawan pero pinilit kong maupo sa higaan. Nang mapabaling ako sa bedside table ay agad na kumalam ang sikmura ko sa nakita.

I didn't hesitate to pick some toasted bread and ate it. Ininom ko rin ang nakahandang gatas at sinimot ang iilang mga prutas.

Napatigil lang ako kakakain ng maramdamang busog na ako. Buong araw akong nanlalata at inabot ng buwan ang paggaling ng kamay ko.

When the cast finally got removed, I was so happy. The pain is gone now and I can fully moved my arm. Para akong nakawala sa isang masikip na selda nang mawala na iyon.

"Ate Jeyk!" Levin rushed at my room shouting my name. "Ate! Ate oh, binilhan tayo ng bagong phone ni kuya!"

Mabilis niyang nilagay sa kama ang dalawang box ng Iphone at tumalon-talon.

"Bago na naman?"

"Yes! Yes! Ang ganda po ate 'no? I love it! Do you love it?"

Alanganin akong napangiti at napatango. Ilang beses na bang may dalang bagong Iphone si Levin sa 'kin?

I glanced at my bedside table at doon nakahimlay ang dalawang iphone na noong isang linggo lang binigay sa 'kin.

Seriously?  What will I do to these phones? I don't have plans in using it. Wala naman akong tatawagan!

"Games tayo! Ate laro tayo ng farlight."

"Ha?" Ano ba yun?

"Ito oh! You know this? Let's play ate!"

Napakamot ako sa ulo nang makitang baril-barilan 'yon. Sa huli ay wala akong nagawa kundi pagbigyan si Levin sa gusto.

We play all day in that phone hanggang pati si Nick at Ardeen ay nakisali sa laro namin.

We laughed together as if nothing will destroy that kind of peace pero iyon lang pala ang akala ko. Iyon na pala ang huling araw namin na makakatamasa ng kapayapaan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top