CHAPTER 1

Chapter 1: Hurtful goodbye



DIFFERENT kinds of machine are beeping all over the room that makes me even more anxious. I felt like my heart stopped for a minute as I watched my dad gasping for his breath. I bit my lower lip to suppress the pain I'm feeling but it was useless.

"Take g-good care of yourself, Jeyk. P-please. . . d-don't. . . don't s-skipped meals o-okay? B-be healthy a-and d-don't e-eat unhealthy f-foods," dad managed to say it eventhough he was having a hard time breathing.

I smiled and nodded trying to hold my tears but my eyes betrayed me. Tears freely rolled down my cheeks as I suppress my sob not to escape on my mouth.

I just can't ignore the sight. It's a heart-wrecking scene.

How can I supposed to gave him a geniune smile if he was on a verge of dying? How? Paano ko ko mabibigay 'yon? I wanted to scream but I should not do it here.

The pain was excruriating and unbearable. It seems like I was stabbed by a hundred of spears right on my chest every seconds of my life. I can't stand seeing my beloved father on this kind of state. He was too weak, too weak to fight for his life anymore.

After those years of  fighting against cancer, naabot niya na ang hangganan ng kaniyang buhay. Buhay na paulit-ulit niyang hinihiling na sana ay tumagal pa sa mundong ito kasama ako. Ngunit, mas lalo itong pinagkakait sa kaniya.

Tears continuously rolled down my cheeks but my smile didn't fade away. I want him to see me like this. I want to assure him that I'm okay without him on my side. That I can live my life happily. That I can bear this kind of situation. I wanted dad to feel at ease. Eventhough it was the opposite of what I am feeling inside, even if I'll wear a fake smile in front of him.

"D-dad. . ." utal na sambit ko.

Mabagal niyang inangat ang kanang kamay kaya agad ko itong hinawakan at nilagay sa aking pisngi. Hindi ko na mapigilang mapahikbi  sa mga oras na iyon.

Wala na siyang lakas pero pinipilit niya pa ring magsalita. Mas lalo akong nasasaktan sa nakikita at pinigilang humagulgol sa harap niya.

Napakabigat sa dibdib pero kailangan ko 'tong gawin. Kailangan ko na siyang bitiwan dahil ako ang dahilan kung bakit pa rin siya nananatili, kahit na sukong-suko na ang katawan niya.

"Jeyk. . . my d-d-daug. . . hter. . ." mahinang sambit nito.

My heart was breaking into pieces hearing my name. Is this really the last time I can hear my name from his lips?

Hindi ko lubos maisip na magiging ganito si daddy. Na makikitang napakahina nito, ultimo sa paghinga ay nahihirapan pa siya.

He was always strong. Hindi makikitaan ng kahinaan sa katawan. Ayaw niyang nakikita ko siyang mahina kaya parang nasanay na rin ako na ganoon. Kaya naging dahilan iyon para hindi ko man lang kumustahin ang kalusugan nito kasi alam ko namang hindi siya mahina at tatablan ng mga sakit.

But then, I was wrong. I'm too confident that I would live happily with him, that he would live by my side until I got old but all of it was wrong. It was just all a wish.

I know, no one was perfect, but, for me, that word suits for my dad better. A father who was always by my side and keep on loving his only daugther. He was a father that almost everyone wanted to have.

"Huwag mo a-akong alalahanin. I will take good care of myself, dad. Susundin ko ang palagi mong binibilin sa akin. Dad. . . if you're t-tired, please. . . p-please l-let. . . l-let go. I-I'm o-okay, daddy. " I smiled and he smiled back.

Kahit hindi ko kayang sabihin ay nagawa ko pa rin.

Tila pinipiga ang puso ko ng sampung beses.

Dad, I can't let you go but seing you like this makes me feel guilty for having you here. You're fighting because of me. You did all you got. Sapat na iyon para sa akin. Naiintindihan kong hanggang dito ka na nga lang talaga.

Hinigpitan ko ang pagkahahawak sa kamay ni daddy.

"I-I-I l-love you, my d-d-daugh. . . ter," mahinang anito at pumikit.

"I love you too dad, always. I-I love you. . ."

Kasabay ng pagbagsak ng kamay nito sa kama ang pagtunog ng mga makinaryang tumutulong sa kaniya para mabuhay.

Nanlulumo akong napatitig sa mga nagsiingayang gamit sa loob ng pribadong silid.

Muli ay napadapo ang mata ko sa aking pinakamamahal na ama.

"You m-may r-rest now, daddy."

Napahagulgol ako matapos na sabihin iyon at niyakap ang buo nitong katawan.

Kahit alam kong wala na itong buhay ay umaasa akong iaangat nito ang kamay at marahang hahaplusin ang buhok ko, subalit hindi iyon nangyari kahit ilang minuto ko pang hintayin ang paglapat ng mainit nitong kamay sa aking buhok.

Nagpatakan ang mga luha ko sa puting kumot nito at impit na napahagulgol.

Doon ko rin narinig ang marahas na pagbukas ng pinto at sunod-sunod na mga natatarantang yapak ng mga kinatawan ng hospital.

Hindi ako umalis sa tabi ni daddy at laking pasasalamat ko na hindi ako pinaalis ng mga doktor at nars sa pagkakaakap.

Hindi ko maintindihan ang mga pinagsasabi nila hanggang sa idiniklara na ng doctor ang oras ng kaniyang pagpanaw.

It hurts, so bad. I can't barely imagine living without him by my side.

Why? Why him? He's not that old to passed away. Why my father?

F*ck that cancer!

I don't have siblings nor a mother here anymore. My kuya died because of a car accident together with my mom. It was just two d*mn years after the accident but fate was really teasing the hell out of me, sumunod pa si daddy. Kinuha pa ang natitirang taong pinakamamahal ko!

Ano ba 'yong ginawa ko? Napakasakit na! Lahat na lang ng taong mahal ko ay kinukuha sa piling ko.

Salot ba ako? Ito na ba ang kabayaran ko sa pagiging rebelde noon? Sobra-sobra naman yata itong parusa kong ito.

I did what I can, I changed!

I am no longer the Jeyk that I used to be. A flirt and a party goer, Jeykcil. My relatives even called me  whore, a blacksheep of the family, ingrata, walang patutunguhan sa buhay, walang hiya, walang kredibilidad, lahat ng iyon binabato nila sa akin magmula hanggang ngayon. Ginawa ko ang lahat para magbago. . . para maging proud sina dad and mom.

I graduated taking civil engineering, got a diploma, I've passed the board exam and lived happily together with them, but everything changed in just a flicked of a finger.

Bakit? Bakit kailangan kong maranasan ang mga bagay na 'to?

I can't take this any longer. I am have no where to go, no one will welcome me in our home with a wide smile and opened arms. No one left besides me. No one! I just have myself.

Life was  so unfair! It keeps on taking away everything from me. Why? Why I can't be happy? Am I that bad?

Napahikbi akong muli. I'm sorry, okay? Kotang-kota na! Hindi ko na kaya.

Days have passed after the burial of my father. I didn't eat anything nor drink, maybe it was two days that I didn't ate? I'm just here, lying into my bed, soaking my pillow with tears and continously wasting my life on the four corners of my room.

Nakarinig ako ng ilang katok sa pinto but I didn't bother to open it. Alam kong ang tiyahin kong pinaglihi lamang sa pera ang panauhin ko ngayon.

Pumumunta lang naman iyan dito kapag ubos na ang pera sa pitaka niya. Ginawa kaming bangko ng walang'ya at pangsampung beses niya na itong pagbisita ngayon sa bahay. Nakaririndi ang bunganga nito, puro na lang pera ang bukang bibig. Kunwari pang nag-aalala sa akin, lihim naman pala akong sinusumpa at sinisiraan sa mga kamag-anak namin.

Huwag niya akong pinaplastik dahil hindi iyan gagana sa akin.

Mas lalong lumakas ang pagkatok animo'y may isang katakot-takot na nilalang ang susunggab ano mang sa taong kumakatok.

"Jeyk! Lumabas ka riyan! Lintik na babaeng 'to!" pakinig kong sigaw nito at kinakalampag ang pinto ng kuwarto ko.

See? Pakitangtao!

Go on, shout as much as you wanted until your lungs can't take it anymore.

Tumihaya ako at napatingin sa ceiling at hindi pinansin ang nasa labas ng kuwarto.

A faint smile curved my lips the moment I stared at the ceiling. It was a painting of our family. Our happy family.

Mom was smiling, dad also. Kuya have a perfect look and he's wrapping his hands on my waist. I was there standing, smiling—a genuine one.

Wala sa sariling naitaas ko ang kamay kunwa'y naabot ang mga mukha nina mom and dad. Pumatak na namang muli ang mga luha ko.

I missed you so much, mom, dad. Ano na lang ang gagawin ko ngayon? Hindi ko kaya.

Napadako ang kamay ko sa painting ni kuya. Kunwari kong hinaplos ang buhok niya like what I always do when he's still alive. I missed you, kuys.

Miss na miss ko na ang mga batok mo kapag pinapakialam ko ang gamit mo sa kuwarto. Iyong mga masama mong tingin kapag napipikon ka na sa akin. Mga sermon mo tuwing umuuwi ako na nag-aalingasaw sa alak ang buong katawan.

Miss na miss na kita. You're not just a brother but also my bestfriend. No one can ever replaced that space on my heart.

Nang mamatay ka, parang dalawang tao ang napunit at nawala sa puso ko. Tuluyan akong nawalan ng pinakagwapong kuya at pinaka-loyal na bestfriend. How life can be cruel like that?

Napadako ang tingin ko sariling painting. I traced my hand on my lips. Kailan ba ako huling ngumiti ng ganito ka totoo? Kailan ko ba huling naramdaman ang kasiyahang ito na kumpleto pa ang pamilya ko?

Nakarinig akong muli nang malakas na kalampag na nanggagaling sa pinto ng kuwarto ko.

"Jeyk! Bumangon ka na riyan at mag-impake! Mawawala ka na nga lang, mamemeste ka pa sa buhay ko!" sigaw pa nito at tuluyan na siyang inuluwa ng pinto.

Agad na nagtama ang mga mata namin but I didn't bother to stand up. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kaniya at binaling ang atensiyon sa kisame.

I acted like I didn't hear all of it. Lahat nang reklamo, mura at kung anu-ano pa. Sawa na ako riyan.

"Ano? Ganiyan ka na lang?" Mabibigat na mga yapak ang ginawa nito at tumungo sa kinalalagyan ko. Rinig na rinig sa buong kuwarto ang pagtama ng heels nito sa sahig.

Naramdaman ko ang pagkuha nito sa unang nalaglag sa sahig at walang habas na hinagis patungo sa akin.

I glared at her but she glared back at me.

"Tumayo ka riyan at mag-ayos!" utos nito.

"For what?" inis kong sagot. "Did I ever told you that barging someone's place was a crime?"dagdag ko pa.

Hindi nito pinansin ang sinabi ko.

"Wala kang karapatang magtanong! Tumayo ka na riyan at magligpit dahil kung hindi ay ipapakaladkad kita palabas!" banta nito.

Napabangon ako sa hinihigaan and glared at her even more. Bakit ba ako pinapakialaman nito? Kung alam ko lang sana na mamemeste 'to ngayong araw ay ni-lock ko sana ang gate at lahat ng pinto sa bahay!

"Hell no! Who are you to order me around? This room was not yours in the first place. P'wede ba, tita, 'wag mo nga akong pakialam! Hindi mo bahay ito! Hindi mo kuwarto ito at wala kang kahit isang karapatan sa buhay ko! Ubos na ba 'yang perang binigay ni daddy sa 'yo kaya ka namemeste ngayon sa akin dito? P'wes, wala akong maibibigay ngayon sa 'yo at hinding-hindi ako magbibigay pa sa 'yo!!!" galit na sigaw ko ngunit bigla na lamang may lumapat na kamay sa pisngi ko.

Napahawak ako sa pisnging nasampal at gulat na sinalubong ang tingin si Tita Alessandra. Nang makabawi ay sinamaan ko siya ng tingin.

"I will file a case against you! Kahit kadugo pa kita!" nagpupuyos sa galit na sigaw ko but she just smiled at me wickedly.

"Go on, if you can," tudyo nito. "Come in, kaladkarin na 'tong babaeng ito. Hindi madaan sa maayos na usapan, puwes magdusa ka!" sigaw nito kaya bigla na lamang bumukas ulit ang pinto at iniluwa nito ang mga nakaitim na mga kalalakihan.

I eyed her, confused but she laughed like a wicked witch and gave me a smirk.

"What's the meaning of this, tita? Who are they? Why are they here?!" I asked taking a few steps backwards.

Nanlaki ang mata ko nang mapagtantong sa akin papunta ang mga lalaking nakaitim.

"Don't come to me! I'm warning you all! Huwag kayong lalapit! Sasampahan ko kayo ng kaso kapag lumapit pa kayo!" I desperately shouted.

Nakarinig ako ng pagtawa kaya napatingin akong muli kay tita.

"Oh my dear, nephew, huwag ka nang manlaban dahil tapos na ang kasunduan." She then smile at me.

Gusto ko siyang lapitan at sampalin para mapalis sa mukha nito ang ngising binibigay niya sa 'kin. It makes me more angry and want to strangle her in every part of her body.

"What? Anong kasunduan? Wala akong maalalang may ganito akong kasunduang pinasok!"giit ko habang halo-halong ang nararamdaman.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top