Chapter 9
Natasha's POV:
Malakas pa rin ang kalabog ng puso ko habang nasa loob pa rin ako ng sasakyan, hindi ko alam na nandito ang team nila. Dahil ang sabi sa'min ay kami lang ang nandito, kung sabagay mga militar sila kaya naman alam nila kung ano ang nangyayari sa lugar. Tingnan ko pa sila Lovely at si Sassy na kinakausap pa rin si Wade habang nakakunot ang noo ko at humalukipkip.
"Get in, girls..." maotoridad na sambit ko sa kanilang dalawa.
Iniwas ko ang paningin kay Wade na nakatingin pala sa'kin at kunot ang noo. Huminga ako ng malalim at kaagad na sinarado ang bintana, hindi rin nagtagal ay kanya kanya na silang pagpasok. Tinanggal ko ang maskara ko at sinuklay ang buhok kong nakalugay hahang tinignan ko pa sila na nagkuwekuwentuhan tungkol kay Wade.
"He's so hot! Those biceps and his chest..." I heard Lovely said and she giggled.
"I hope we have a mission here in the Philippines. I want to see that guy again, he's freaking gorgeous!" Si Sassy sa kinikilig na boses at hinawi ang maikling buhok niya.
Napa-angat ang kilay ko at sumandal sa upuan, hindi na kataka-taka 'yun dahil guwapo nga si Wade. Plastik ako kung hindi ko sasabihin 'yun, he's more matured now lalo na ang matikas niyang pangangatawan. Tumingkad rin ang pagkamoreno niya pero namumula pa rin kapag naarawan, mas naging matangkad ata s'ya dahil hanggang dibdib lang ang mata ko kapag nakatingin sa kanya.
I couldn't denied it, girls love him so much. He had this charisma and he's charming smirk that everyone would love to see. Lalo na ako.
"Straight to the Airport. I'm going home to my Mom in Laguna, give me your report tommorow. It's a good job for everyone..." seryosong sambit ko sa kanilang lahat.
"You wouldn't come with us, superior?" tanong ni Bullet na nasa driver seat.
"No, I want to visit my family here in the Philippines..." sambit ko na ikinatango niya.
Hanggang sa umandar ang sasakyan ay hindi pa rin nila tinitigilan ang pagpuri kay Wade, I rolled my eyes. Kung alam niyo lang kung gaano kababaero ang taong 'yun. Pinilig ko ang ulo ko at kinalikot ang cellphone ko para kamustahin ang mga anak ko sa Italy. Napangiti ako nang makitang naglalaro sila, Tamara send me a pictures, s'ya ang nagbabantay sa mga anak ko sa Italy.
To: Tamara
Please, take care of them. Baka hindi ako makauwi ngayon, im visiting my Mom here. Send my regards to them.
Mabilis kaming nakarating sa bahay, tumango lang ako sa kanila. Kumaway ako at hinatid sila ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko ang kotse na ginamit namin. Huminga ako ng malalim at kaagad na pumasok sa loob, naabutan ko si Mommy na karga si Alexander na nakanguso doon.
"Mommy!" pagtawag ko kaya nilingon niya ako at nanlaki ang mata niya.
"Natasha..." mahinang saad niya at niyakap kaagad ako kaya napangiti ako. "I miss you, anak. Ngayon ka lang umuwi..." dagdag niya sa malumanay na boses.
Umupo ako sa sofa matapos halikan si Alexander. "May mga tinapos lang ako sa trabaho, remember I have mission here so, binisita ko nalang kayo. Dito ako matutulog..." malumanay na sambit ko at nagkibit balikat.
"Oh, I forgot. Ang daddy mo ay nasa trabaho na, kakaalis lang. At ang Kuya mo at si Stella ay mamaya pa pupunta, mabuti at ikaw ang nauna. Sila Cruzette kasi ay nasa school kasama ang kapatid mong si Jake..." imporma niya at tinignan ako.
"I see..." tumango ako. "Mabuti naman na pupunta sila dito, malapit na rin ang kasal nila Stella..." dagdag ko nang maalala ang kasal ng kapatid ko.
She smiled. "Yes, she's 3 months pregnant. Nagulat rin ako pero masaya naman kami ng Daddy mo para sa kanya..." sambit niya at malambing akong niyakap kaya natawa ako.
"You missed me so much, Mom?" natatawang tanong ko kaya ngumuso siya.
"Hindi ka bumibisita dito twice a month ka lang bumibisita. So what do you expect? Alam mong ayokong nahihiwalay kayo sa 'kin." sambit niya at mukhang nagtatampo pa.
Ngumiti nalang ako. I really miss my Mom lalo na kapag nasa bakbakan kaming dalawa, wala pa rin s'yang mintis. Kung makasapak ay talagang lilipad ka at puputok ang labi mo, tumigil na rin sila sa pagiging pinuno ng Mafia's at pinasa nila 'yun sa kaibigan ni Daddy. Maganda na rin 'yun, they're in 40's kaya gusto kong maging maayos ang buhay nilang dalawa.
Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad akong umakyat sa kwarto ko, pagpasok ko sumalubong ang black, gray, at white. Nakita ko pa ang pictures sa side table na katabi ng kama ko, tinignan ko ang isa. Si Wade at ako, nakayakap si Wade sa dibdib ko at nakangisi sa camera, hawak niya ang tiyan ko. I smiled bitterly reminiscing on what happened between us.
Para akong sinaksak habang nakatingin kay Shane at Wade na nag-uusap sa parking. Dapat sabay kaming uuwi ni Wade para makasama niya daw ako. Kanina pa ako dito at hindi ko aakalain na maririnig ko pa silang dalawa na nag-uusap.
"I'm pregnant, Wade! Buntis ako at ilang beses na akong nagpa-test!" Si Shane sa pasigaw na boses habang si Wade ay natulala sa sinabi niya.
Parang bumagsak ang mundo ko sa narinig ko kaya napasandal ako sa upuan ko. Hindi pa ako makapaniwala kaya napalunok ako at tinignan si Shane na nakatakip ang palad sa mukha. Hinawakan ko ang bibig ko dahil ayokong marinig nila na umiiyak ako. Nanlalabo ang paningin ko, kinagat ko ang labi ko.
"No, don't lie to me!" Si Wade sa galit na boses habang nagtatagis ang panga.
Napalingon ako kila Kuya na napahinto rin kaya mabilis akong tumalikod at sumakay sa motor ko. Hindi ko na pinansin ang pagtawag ni Wade, nanlalabo ang paningin ko at kailangan ko pang suminghap para mawala ang nagbabara sa lalamunan ko dahil hindi ko inaasahan ang ganito. It's hurt like hell!
Dumiretso ako sa condo ko at nanginginig ang kamay, mabilis ang paghinga ko. Sumalampak ako sa kama ko at nagsimulang manikip ang dibdib ko habang inaalala ang sinabi ni Shane kay Wade. Binaon ko ang mukha ko sa unan at tahimik na umiyak at dinamdam ang malamig na simoy ng hangin.
Why are you hurting me like this Wade? Anong ginawa ko para ganituhin mo ako? I almost gave you my everything, hindi ako kailanman sumuko sa'ting dalawa kasi alam kong maililigtas ko pa ang relasyon na mayroon tayo.
"Natasha! Baby?" narinig kong kalampag ng kwarto ko, boses ni Wade.
Nanikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung paano s'ya haharapin nang ganito ang mukha ko. I look like wrecked, tumayo ako at nanghihinang pinagbuksan ng pinto si Wade. Mabilis niya akong niyakap kaya humagulgol ako sa balikat niya habang hinahampas ang likod niya dahil sa sobrang sakit.
"Wade, bakit?" gumaralgal ang boses ko at patuloy sa pag-iyak sa harapan niya.
"I'm sorry... I'm sorry..." mahinang bulong niya at kagaya ko nanginginig rin ang boses niya.
"I'm hurting, Wade..." mahina akong humikbi habang nakadikit sa balikat ang mukha ko.
Suminghap s'ya. "Baby..." aniya, mapupungay ang mata.
Kinagat ko ang labi ko at yumuko para hindi niya makita ang mukha ko, iniangat niya ang baba ko. Pinakatitigan niya ang mata ko, suminghap s'ya nang makita ang luhaan kong mata na nakatingin sa kanya. Hinawakan niya ang dalawa kong kamay at mahigpit na pinisil 'yun na para bang doon s'ya kumukuha ng lakas.
"Don't leave me, please. I...I'll do anything to save this. I'll fix it, baby. So please, don't leave me I need you..." nakikiusap na sambit niya, nangingilid ang mga luha sa mata.
"Wade... she's pregnant. Hindi ko kayang gawin mo akong pangalawa mo..." mariing sambit ko ngunit umiling s'ya. "Hindi ko maatim na maging makasarili sa batang nasa tiyan niya. Ayokong lumaking walang tatay ang a-anak ninyo..." tumikhim ako at huminga ng malalim.
"No, please..." mahinang bulong niya at dinampian ng halik ang labi at leeg ko. "I need you, okay. Wag mo akong i-iiwan..." dagdag niya sa nanghihinang boses.
Nanghihinang niyakap ko ang leeg niya kaya niyakap niya ang bewang ko. Basang basa ang tela ng damit ko dahil sa pag-iyak ni Wade. Kinagat ko ang labi ko at tumingala, gagawin ko ang makakaya ko. Gagawin ko ang lahat, kung susugal ako gagawin ko. A-ayokong mawalay kay Wade, ayoko na maulit ulit ang nakaraan.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko nang ma-alala ang nangyari years ago. Tinaob ko ang picture namin ni Wade habang hawak ko ang dibdib ko. Ginawa ko ang lahat para mailigtas kaming dalawa sa gulo. Wala akong ibang ginawa kundi ang magpasensya at unawain si Wade. Marahas kong pinunasan ang luha sa mata ko at mabilis na pumunta sa banyo.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, matalas ang mata ko at matalim. Kinuyom ko ang kamao ko at tinagilid ang ulo ko, hindi na dapat iniiyakan ang mga walang kwentang bagay. Dapat kong unahin si Emmanuel at ang mga anak ko, hanggang't nandiyan si Shane at nakikita ko ang pagmumukha niya mas lalo lang akong nagagalit.
Sinuklay ko ang ash gray kong buhok na hanggang ibabang balikat ko nalang. Huminga ako ng malalim at kaagad na tinapos ang paghihilamos, nagtext muna ako kay Emmanuel at kaagad na humiga sa kama. Hindi na ako nakapag-isip dahil sa pagod ako sa araw na 'to.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top