Chapter 71

Natasha's POV:

Umakyat ako sa stage at inilibot ang aking paningin. Para sa lahat ng Martinez ang event na 'to kaya naman sinabi ni Tito Thorn na pwede kong sabihin sa kanila ang pangalan ng kambal ko. Huminga ako ng malalim at napadako ang tingin kay Wade na mataman akong tinignan. Kinagat ko ang labi ko.

"Good evening," panimula ko at nagpalakpakan sila. "Happy birthday Tito Thorn and I wish you all the best, good health and be happy now that you have another baby with Tita Sdney so, congratulations," sambit ko na ikinangisi niya.

"Just want to finally introduce to you the Martinez's twins," dagdag ko. "Baby, can you please stand up?" mahinahong bulong ko kina Wayne.

Tumayo silang dalawa at parang mga prinsipeng yumukod kaya naman pumalakpak ang mga tao. Napangiti ako at pumalakpak rin dahil angat na angat ang kanilang kaguwapuhan sa gabing 'to.

"That is Wayne Martinez-Ferelle and Warren Martinez-Ferelle, my two babies. And oh, there's more because I'm 3 months pregnant with my baby girl," masayang sambit ko.

Nagpalakpakan silang lahat at ang mga camera ay sabay sabay na nagclick. Yumukod ako bilang pagtatapos at marahan akong inalalayan ni Wade, samu't-sari ang pagbati sa 'kin. Ngumiti ako at tumango sa kanilang lahat na malugod akong binabati tungkol sa aking pagdadalang tao.

"You good?" pagtatanong ni Wade at hinalikan ang noo ko.

"Yeah, it feels good to finally introduce our kids to them," sambit ko at sumandal sa balikat niya.

Nalaman rin namin na buntis ako sa babae kong anak. Masayang masaya si Wade kaya naman panay ang haplos niya sa tiyan ko at kung minsan ay kinakantahan niya tuwing matutulog kami. Hindi ko maiwasang mapangisi dahil sa wakas mabubuo na rin ang pangarap ko.

"Kanta naman kayo!" Sila Archiel sa malakas na boses.

"Oo nga! Ang tagal na naming hindi naririnig ang boses ninyong dalawa," si Reina habang nakangisi ng malaki.

Natawa ako at napatingin sa ibang guest na nasa amin ang tingin kaya tumayo kami ni Wade. Lahat sila ay naghiyawan kaya naman mas lalo akong tumawa, magkahawak kamay kaming umakyat ni Wade sa platform.

"Thank you," sambit ko sa organizer nang ibigay niya ang gitara naming dalawa.

Song: Always be my baby by: Mariah Carey

"We were as one babe
For a moment in time
And it seemed everlasting
That you would always be mine..."

Sabay kaming kumanta ni Wade habang nakatingin sa isa't-isa kaya naghiyawan na naman ang mga pinsan ko. Nagstrum ako at tumingin sa unahan habang pinapakinggan siyang kumanta sa tabi ko.

"Now you want to be free
So I'm letting you fly
Cause I know in my heart babe
Our love will never die
No!" Si Wade sa malamyos na boses.

Napangiti ako dahil tuwing kakanta siya ay para akong kinikiliti. Kinagat ko ang labi ko at hinawakan ang microphone para magpatuloy sa pagkanta.

"You'll always be a part of me
I'm a part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me
Ooh darling cause you'll always be my baby
And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my baby."

I looked at him. Pakiramdam ko ay kaming dalawa lang ang nandito sa stage, kitang kita ko ang pagkislap ng mga mata niya habang nakatitig sa 'kin. Rinig na rinig ko ang kalabog ng aking puso habang matamang nakatitig sa kanya.

"I ain't gonna cry no
And I won't beg you to stay
If you're determined to leave girl
I will not stand in your way
But inevitably you'll be back again
Cause ya know in your heart babe
Our love will never end no..."

We sang with our hearts and it feels like nostalgic. And this is the first time that I felt contented, to feel at peace with a genuine happiness. Natapos namin ang kanta at ang mga pinsan ko ay napatayo pa. Tumawa ako at niyakap si Wade na hinawakan ang baywang ko.

"You're always be my baby," He murmured softly and kissed my nose.

Ngumuso ako at hindi pinahalata na kinikilig ako. Bumaba kami at binati kami ng mga pinsan ko at kaibigan ni Wade, umupo ako sa tabi niya at nakipag-usap kina Lucky. Si Shane ay nasa kabilang table at mabuti na lang rin ay tinigilan niya na si Wade, no calls, text, and everything na may kinalaman kay Wade.

"Yup, we're having a baby girl," sambit ni Wade sa magiliw na boses.

Ang isang kamay niya ay nasa likod ng upuan ko habang ang isa ay nakapatong sa hita ko, marahang humahaplos ang palad niya doon. Sumandal ako sa kanya at hinaplos ang umbok kong tiyan dahil masaya ako ngayon. Gusto kong maging masaya ang mga anak ko at alam kong tama ang ginawa ko.

"Natasha," napa-angat ang tingin ko kay Emmanuel.

"Y-yes?" nagugulat na sambit ko at lahat ng pinsan ko ay natigil sa pagtawa at pagkuwekuwentuhan.

"Can we talk? Just a minute..." aniya sa mahinahon at malumanay na boses.

"Baby," si Wade sa pabulong na boses at humigpit ang kapit sa aking kamay.

Binasa ko ang pang-ibabang labi ko at tumango sa kanya. Nakita ko ang pagliwanag ng mata niya at marahang tumango, tinigan ko si Wade at hinawakan ang panga niya para sa malalim na halik bago ako tumayo.

"Just a minute, babe..." ani ko kay Wade at ngumiti.

Sumunod ako kay Emmanuel papunta sa labas kung nasaan nandoon ang tahimik na dagat. I know this is the right time na mag-uusap kami at kahit papaano ay magaan ang loob ko at naniniwala akong wala siyang gagawin sa 'kin.

"What do you want to talk about?" mahinahong sambit ko at diretso siyang tinignan.

He sighed. "I just want to say...thank you for letting me alive. Thank you for the things you have done, and I want to say sorry sorry for the betrayal that I did," aniya sa seryosong boses at tinignan ako.

Tumikhim ako at huminga ng malalim. "You're a good friend of mine, inaamin kong nagalit ako sa'yo pero alam kong hanggang doon na lamang 'yun," sambit ko at ngumiti sa kanya.

He gulped. "Pero aaminin kong minahal kita, nakalimutan ko ang dapat na gagawin ko kapag nakikita kita. Patawarin mo sana ako kung nasaktan kita, galit ako...pero hindi ko kayang saktan ka, you're important to me, kaya sana patawarin mo ako. Kung gusto mong lumuhod ako para mapatawad mo ako gagawin ko," aniya sa nakikiusap na boses.

I stilled. Alam kong narinig ko na mismo sa bibig niya na minahal niya ako, alam ko 'yun. Pero ang ginawa niya mas lalo niya lang pinatunayan sa 'kin kung gaano siya kasamang tao. Suminghap ako at tinignan ang dagat.

"You don't have to," mahinang sambit ko at dahan dahan siyang tinignan. "Masaya na ako ngayon na magkakaroon ka ng pamilya, I just want you to let go of the rage on your heart, to let go the angriness on your heart. Magiging ama ka na ulit kaya kahit sana man lang alagaan mo ang magiging anak mo, magiging maayos tayong dalawa," dagdag ko sa mahinahong boses.

He sighed again ang held my hand natigilan ako. "Thank you," sinserong sambit niya.

Pinisil ko ang kamay niya. "Ipangako mo sa 'kin na magiging mabuti ka sa bago mong pamilya. I know you're married but please, let your heart open again for someone. Alam kong hindi madali pero sana subukan mo pa rin," sambit ko habang diretsong nakatingin sa mga mata niya.

He smiled and nodded his head kaya napangisi ako. "Susubukan ko at ngayon na nakilala ko na ang tunay na mga magulang ko pakiramdam ko ay buong-buo na ako, salamat." Niyakap niya ako kaya natawa ako at niyakap siya pabalik.

"I know you will be a good father and son, thank you for the friendship we had." Napangiti ako at kaagad lumayo sa kanya.

He nod his head. "Thank you, at kung may kailangan ka tawagan mo lang ako. Sasagot kaagad ako, and congratulations because you're having a kid," sambit niya sa malumanay na boses.

I smiled. Ilang sandali pa kaming nag-usap at sobrang gaan ng aking pakiramdam dahil sa wakas nagka-ayos na kami. Bumalik kami sa loob at nakita ko kaagad ang talas ng tingin ni Wade kaya napataas ang kilay ko.

"Thank you," ani ni Emmanuel sa pormal na boses at tumango kina Wade bago umalis sa aming harapan.

I looked at Wade. "Don't look at me like that," ani ko sa mataray na boses.

"Did he hurt you? Bakit pa siya makikipag-usap kung okay naman na siya," aniya sa masungit na boses.

Hinampas ko ang braso niya kaya napanguso siya. "Gusto niya lang makipag-ayos sa 'kin. Gusto lang ng tao na magkaroon ng closure okay?" sambit ko.

"Sinauli mo na ba ang singsing niya?" aniya sa masungit na boses at masama ang tingin sa 'kin.

Pinakita ko ang daliri ko at wala nang singsing. "See?" nakangising sambit ko.

He sighed. "Tss. Lalapit lapit pa walang respeto," bulong bulong niya pa kaya natawa ako.

Kaysa makipag-usap sa kanya ay tinignan ko nalang ang mga anak ko na nage-enjoy na naglalaro sa hindi kalayuan. Bukas ay ang press conference ko at ang pagpunta ko sa hideout namin sa Organization.

"Tss! Sit properly babe, nakikita ko ang dibdib mo. Can't you see? All boys here are on you, kulang nalang lapitan ka nila at sabihing 'pwede ka bang makausap?' tsk." Inayos niya ang upo ko at hinubad ang coat niya para ilagay sa balikat ko.

"What's your problem?" nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya.

"You're so beautiful tonight and all the boys out here is looking at you kulang nalang po ay kausapin ka nila at agawin sa akin," aniya sa sarkastikang boses at humalukipkip sa gilid ko.

Nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya. Masama ang tingin niya sa 'kin at kulang nalang bugahan ako ng apoy, I rolled my eyes at iniwas ang tingin sa kanya. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagyakap niya sa baywang ko, ngumisi ako ngunit pilit na sineryoso ang mukha ko.

"Sorry, baby..." He murmured softly while hugging my waist.

Hindi ko siya pinansin at ininom ang juice. Bumuntong hininga siya at hinalikan ang leeg ko papunta sa tainga ko, nanindig ang balahibo ko.

"I'm jealous...kahit tignan ka lang nila ay nagseselos ako. Bakit ba kasi ang ganda mo?" He whispered huskily on my ear.

I raised my brow. "You date me, you date a Martinez so, accept it or regret it." Hinalikan ko ang labi niya at ngumisi ng nakakaloko kaya napailing siya at niyakap pa lalo ang baywang ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top