Chapter 68

Wade's POV:

Napailing nalang ako, excited masyado si Lolo na magkaroon ng apo sa aming dalawa ni Natasha kaya naiintindihan ko kung bakit ganoon ang tanong niya. Tinignan ko si Natasha at ganoon rin siya sa 'kin, parang nag-uusap ang mga mata namin kaya tumango ako sa kanya. I knew her, hindi siya masyadong palasalita at gusto niya palaging pasikreto ang kung ano man ang nangyayari sa amin.

Kapag maraming nakaka-alam, maraming mangingielam.

"Yes, Lolo. She's 3 months pregnant with my child," nakangiting sambit ko at tinignan si Daddy.

Gulat ang rumehistro sa mukha ni Daddy, Kuya, at Francheska pero si Lolo ay nanatiling nakangiti at nakamasid sa amin. Pinisil ko ang kamay ni Natasha kaya tumikhim siya at nagsalita.

"Nito ko lang rin nalaman, kaya naman sinikreto namin ang tungkol dito. Ayokong malaman nino man na may anak ako, magulo pa sa ngayon kaya iniingatan ko lang ang sarili ko dahil apektado ang baby na nasa loob ko," aniya sa kalmadong boses.

Hindi niya talaga ako kailan man binigo, pinapahanga niya talaga ako sa araw-araw na magkasama kaming dalawa.

"Alam na ba ito ni Tristan?" Si Daddy sa kalmadong boses.

Natasha nod her head. "Yes, Tito. Alam na rin ni Mommy ang tungkol dito," aniya sa mahinahong boses.

Tumikhim si Lolo. "Don't get me wrong hija. Ang alam nang lahat ay fianceè mo na si Emmanuel. May plano ka ba tungkol doon?" mahinahong sambit ni Lolo.

Napatikhim ako at tinignan si Natasha, walang kaba at nanatiling seryoso ang mukha niya. Pinatong ko ang kamay ko sa hita niya at mataman siyang pinagmasdan.

"I'm going to have a press conference about that issue. Alam kong may agam-agam pa rin kayo sa kung anong mayroon sa amin ng apo ninyo, I want to protect him, I know what I will do dahil ayokong masira si Wade," mahinahong sambit niya.

"Babe..." mahinang bulong ko at napalabi dahil parang may kung anong kumikiliti sa katawan ko.

Tumango si Lolo at pinaghanda na ng pagkain ang mga kasambahay na naka-abang lang. Pinagsilbihan ko si Natasha dahil may mga pagkakataon na maselan siya sa pagkain.

"Ilayo mo ang chicken fillet please," aniya sa mahinang boses at halatang pinipigilan niya ang pagsusuka.

"Oh," nataranta ako at marahang inusog ang chicken. "What do you what to eat, then?" pagtatanong ko at pinunasan ang bibig niya.

She gulped. "Stop what you're doing! Lahat sila nakatingin sa atin kaya..." aniya sa nahihiyang boses.

Napatingin naman ako kila Mommy at tama nga si Natasha, napapahiyang tumikhim ako at umayos ng upo. Narinig ko ang pagtawa ni Lolo at ang pagpipigil niyang ngumisi habang hinahati ang meat niya.

"Ano na ang plano ninyo? Alam niyong ayaw ni Tristan ang hindi pinapakasalan ang anak niya. Now that you're having a baby, what are your plans Wade?" si Daddy sa seryosong boses.

Napalunok ako at matapang siyang tinignan. "Papakasalan ko si Natasha," pinal at seryosong sambit ko.

Nakita ko ang ngiting kumukubli sa labi niya. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Daddy, pero matagal ko na siyang pinatawad sa lahat ng ginawa niya. Ngumiti ako sa kanya at marahang tumango bago ibaling ang atensyon kay Natasha. 

"Maayos naman po ang kalagayan ko, bukas na bukas ay magpapatingin ako sa Doctor tungkol sa anak ko. You can visit my twins if you want," aniya sa mahinahong boses.

The dinner went well, panay ang pag-uusap nila tungkol sa negosyo namin. Napag-usapan rin ang tungkol kay Shane kaya matapang kong sinabi ang lahat ng plano ko  para hindi madamay ang mga anak ko.

"Can we talk?" si Daddy sa mahinahong boses.

Nagulat naman ako. "Y-yes," mahinang sambit ko at nagpaalam kay Natasha.

"Sure, maybe it's time to talk to your father. I got you," nakangiting sambit niya at tinapik ang balikat ko.

I smiled at humalik sa noo niya bago samahan si Daddy sa labas kung nasaan ang garden. Namulsa ako at huminga ng malalim dahil ito ang unang pagkakataon na makakausap ko siya.

"I'm sorry for everything that I've done to you," panimula niya habang nakatingin sa unahan.

Hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatingin sa harapan habang pinagmamasdan ang mga bulaklak na nagsisipagsayawan sa ihip ng hangin.

"I just want you to learned your lessons, to make things right. As your father, gusto kong maging maayos ang buhay mo. Gusto ko lang na kapag dumating ang araw na magbalik si Natasha, natuto ka na," aniya sa kalmadong boses at hinarap ako.

"Dad..." mahinang sambit ko dahil pakiramdam ko ay luluha siya sa harapan ko.

"When you had a child with Shane, sinabi ko sa sarili ko na I will protect you. Dahil alam kong kung papaano magalit ang isang Natasha, ginawa ko ang lahat ng pwede kong gawin para magbago ka. To stop playing with girls, dahil naranasan ko nang maglaro ng mga babae, but when I met your Mom, everything changed. At gusto kong baliin ang sungay sa ulo mo kaya naman, mas pinili kong pabayaan ka para na rin maging independent ka sa buhay," aniya sa marahang boses at hinawakan ang balikat ko.

I looked at him. Siya ang lalaking hinahangaan ko pagdating sa pag-aalaga ng pamilya. Siya ang nagturo sa 'kin sa tama at maling gawain. Sa lahat ng tao, ang Daddy ko ang idolo ko at nangako ako sa sarili ko na kapag nagkapamilya ako, gagawin ko ang lahat ng ginawa ni Daddy para sa pamilya namin.

"Dad...hindi ako kailanman nagalit sa inyo. I know you're doing what's best for me, masyado lang akong nasasaktan dahil mas pinipili mong kampihan si Kuya." Sa wakas ay nasabi ko na ang matagal ko nang kinikimkim.

Tumango siya at suminghap kaya nagpatuloy ako.

"Alam ko na gusto mo lang akong matuto, gusto mong maging isang ganap akong lalaki. Dad, all my life sinunod kita, kahit na ang tingin mo sa 'kin ay disappointment. Tinanggap ko ang lahat Dad, kahit pa si Mommy at Lolo ang nagiging sandalan ko kapag may mga pagkakataon na nag-aaway tayo," mahinang sambit ko at sinuklay ang buhok ko.

"I know..." aniya sa mahinang boses at suminghap.

"Pero Dad, I made it. Nagawa kong maging mabuting anak, ama, boyfriend. Dahil sa'yo naging mas matatag ako, kinaya ko ang lahat Dad kahit wala kayo. Namuhay akong mag-isa sa ibang bansa at mas natutunan kong mapag-isa pero dahil nandito si Natasha, pakiramdam ko hindi ako nag-iisa sa laban na kinakaharap ko," napangiti ako nang ma-alala ang mag-ina ko.

He smiled. "I'm so proud of you, Son..." aniya sa mahinang boses.

Napakurap ako at napatingin sa kanya. This is the very first time he called me 'Son'. Napangiti ako at naluluhang tinignan siya. Napayakap ako sa kanya kaya narinig ko ang pagtawa niya.

"I saw all your achievements and with that, naging proud ako sa iyo. I want to scream to the whole world that you're my Son, na galing ka sa 'kin. Kaya sana, maintindihan mo kung bakit ko ginawa ang bagay na 'yun dahil gusto kong magtanda ka," aniya sa mahinang boses habang tinatapik ang likod ko.

"I'm sorry Daddy..." mahinang sambit ko at suminghap. "Thank you for everything," dagdag ko at ngumiti sa kanya.

He smiled. "Kailangan mong paamuhin si Tristan kung gusto mong makuha si Natasha. Don't worry nandito naman ako at ako ang bahala sa iyo," aniya sa seryosong boses at ngumisi ng nakakaloko.

Natawa ako. Ang gaan sa pakiramdam na magka-ayos kami ng Daddy ko, bumalik kaming may ngiti sa labi. Niyakap ko kaagad si Natasha na nagulat pero kalaunan ay niyakap rin ako pabalik.

"Thank you, baby," mahinang bulong ko at mas niyakap pa ang katawan niya.

She chuckled softly. "Anything for my babe," aniya sa nang-aasar na boses.

Natawa ako at nginitian si Lolo na nakangiti rin. Niyakap ko si Mommy nang mahigpit kaya natawa siya at niyakap rin ako pabalik, napatingin ako kay Kuya na nakamasid lang at handa nang umalis.

"Can we talk?" mahinahong sambit ko sa kanya na mukhang nagulat pa.

"Y-yes, anytime..." aniya sa nahihiyang boses.

Pumunta kami sa kusina at nagpa-utos sa kasambahay na kuhaan kami ng maiinom. Umupo ako sa counter at nagsimulang magsalita sa harapan niya.

"You know I'm so mad at you. For the very first time, dahil hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ang bagay na 'yun," panimula ko at uminom ng alak.

He sighed. "Dahil naiingit ako sa'yo," pag-amin niya at gulat akong napatingin sa kanya.

"What?" natatawang sambit ko kaya napailing siya at mukhang natatawa na rin sa sarili.

"Yun ang totoo, gusto ko na palagi na sa akin ang atensyon nina Mommy. Kasi simula pa lang, ikaw at si Cheska na ang napapansin nila. I always failed them, kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para ako naman ang mapansin nila. To the point, na sinisiraan na kita dahil bilang Kuya mo, gusto kong matutunan mo rin na hindi laruan ang mga babae," aniya sa kalmadong boses at ininom ang alak niya.

I sighed. "Hindi ko rin matanggap na niloko mo ako sa loob ng pitong taon. Pinaniwala mo ako na may anak ako sa ibang babae dahil alam mo sa simula pa lang, si Natasha na ang gusto ko at mahal ko," seryosong sambit ko.

Lumunok siya at uminom ng alak bago nagsalita. Gusto kong maliwanagan sa lahat, gusto kong magka-ayos kaming dalawa. Dahil kahit papaano, naging Kuya ko siya at kadugo pa.

"I liked Natasha," pag-amin niya at napaayos ako ng upo. "Gusto kong maging akin siya, simula pa lang ng pre-school gusto ko na siya. I waited until she came back here in the Philippines. I'm so in love with her to the point na nagawa ko na ang lahat para lang mapansin niya ako. But you know what? Ni isa sa mga ginawa ko, hindi niya pinansin." Natawa siya at uminom ng alak.

Nanatili akong nakatitig sa kanya at pinakinggan ang lahat ng sinasabi niya.

"Ikaw palagi ang bukambibig niya. Kesyo ganito si Wade, ganyan si Wade. Until, gumawa ako ng plano na talagang mapupunta sa 'kin si Natasha. I got Shane pregnant, because of the night. She was so broken that time and me as well, kaya naman ginamit namin ang isa't-isa para punan ang pagkawasak namin. She love you and I loved Natasha kaya naman sabay naming plinano ang lahat but hindi ko nakuha si Natasha dahil alam kong ikaw pa rin," mahabang salaysay niya.

Nanatili akong walang imik. Nagugulat ako sa mga sinasabi niya, natawa siya at sumandal sa upuan. Habang ako, walang imik dahil hindi ako makapaniwala sa lahat ng lumalabas sa bibig niya.

"Kaya sana, patawarin mo ako. Ginagawa ko ang lahat para mapatawad mo ako, ako ang nagsasabi kay Shane na itigil niya na ang kalokohan niya. Para kahit papaano makabawi naman ako sa'yo bilang kapatid mo, and I'm taking care of Troy. Thank you for letting him know me better," aniya at ngumiti sa 'kin.

I sighed. "I just want to make things right. Gusto ko lang na mapalapit sa'yo ang bata kahit papaano ay ikaw pa rin ang tatay niya," mahinahong sambit ko.

"I'm sorry, Wade sa lahat ng ginawa ko," mahinang bulong niya at kitang kita ko ang sinseridad sa mga mata niya.

I smiled and nod my head. Nakakapagod pa lang magalit, dahil sa sinabi ni Natasha naging malinaw sa 'kin ang magpatawad dahil lahat kami ay biktima at nagpadala sa damdamin na mayroon kami. He smiled and hugged me kaya natawa ako at niyakap rin siya pabalik.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top