Chapter 66
Wade's POV:
Buong maghapon ay inasikaso ako ni Natasha at hindi na siya umaalis sa tabi ko dahil maski ako ay ayokong mawala siya sa paningin ko. Ang sabi ng Doctor ay kailangan ko lang ipahinga ang katawan ko marahil napagod masyado ang katawan ko, pero over all ay okay naman. Hindi pa kami nagkaka-usap ni Faye dahil nalaman ko ang nangyari at alam ko rin na siya ang ex-girlfriend ni Emmanuel.
"Babe," pagtawag ko kay Natasha na busy sa pagtutupi ng damit na ginamit ko.
"Yes, do you need anything?" marahang pagtatanong niya at inayos ang kumot na nasa bewang ko.
Hinawakan ko ang kamay niya. "Where's our kids?" pagtatanong ko.
Umupo siya sa tabi ko matapos ilagay sa bag ang damit ko. "Nandoon sila kila Mommy at baka bukas bumisita sila dito," aniya sa mahinahong boses.
Tumango ako at natahimik nalang ng ilang sandali, hindi nagtagal ay binisita ako nila Lolo at kitang kita ko ang pag-aalala sa mga mata nila. Ngumisi nalang ako dahil masyado silang nag-aalala para sa 'kin.
"Okay naman ang tahi niya, ang sabi lang ay kailangan niyang ipahinga ang katawan niya," sambit ni Natasha na nasa gilid ko at nakahalukipkip.
"Mabuti naman kung ganoon dahil nag-alala kami hijo," si Lolo sa kalmadong boses.
I chuckled softly. "Okay lang po ako, Lo..." mahinang sambit ko.
"Kamusta naman ang mga Santiago? Naikuwento sa amin ni Tristan ang nangyari, ang sabi niya nagpumilit ka daw sumama dahil nandoon si Natasha," si Daddy sa kalmadong boses.
Nag-iwas ako ng tingin nang makita ang talim sa mga mata ni Natasha. Napailing si Daddy kaya napanguso ako at tinignan si Natasha na nakataas ang kilay at naghahanap ng explanation.
"Kapag may kailangan kayo tumawag lang kayo, gabi na rin at kailangan mo nang magpahinga," si Mommy at hinalikan ang noo ko.
"Thanks, Mommy," mahinang sambit ko at ngumiti sa kanya.
Nagpaalam na rin sila matapos nun kaya naiwan na naman kami ni Natasha. Hindi pwedeng magpuyat si Lolo dahil na rin baka mapano pa si Lolo, tinignan ko si Natasha na umupo sa gilid ng kama ko.
"Explain," aniya sa maotoridad na boses at munuwestra pa ang kamay sa harapan ko.
Lumunok ako. "B-babe we don't have to talked about this," kinakabahang sambit ko.
"Paano kung napahamak ka ha? Nag-alala ako ng sobra," nagpipigil galit ang boses niya.
Tinignan ko siya na umiwas ng tingin kaya marahan ko siyang niyakap, narinig ko ang malalim niyang pagbuntong hininga niya sa balikat ko. Hinaplos ko ang likod niya at napangiti dahil ngayon ay solo ko na siya.
"Sorry," mahinang sambit ko at hinalikan ang noo niya.
"Tss..." mahinang sambit niya at lumayo. "Baka bukas kausapin ko si Shane, hindi na ako papayag na gagamitin niya ang sakit niya para mailayo ka na naman sa 'kin," dagdag niya sa seryosong boses.
Bumilis ang tibok ng puso ko at pinakatitigan siya, walang bakas na pagbibiro at purong seryoso ang nakikita ko. Lumunok ako dahil kapag sinabi niya, gagawin niya talaga.
"Samahan kita?" pagtatanong ko at hindi inaalis ang pagkakahawak sa kamay niya.
She smiled softly. "Nang-aasar ka ba?" aniya sa sarkastikang boses.
Ngumuso ako. "Baka lang naman saktan ka niya kaya gusto kong nandoon ako kapag kakausapin mo siya," mahinang sambit ko.
She chuckled. "You don't have to, all you have to do now is heal and gain back your strength," mahinang sambit niya at siniil ng halik ang labi ko.
Napangiti ako at ganoon rin siya bago namin napag-isipan na matulog dahil may pupuntahan daw siya bukas. Umurong ako ng kaunti at nilagay ang ulo niya sa braso ko, marahan niyang niyakap ang bewang ko.
"Good night babe," mahinang sambit ko at hinalikan ang labi niya.
She smiled and buried her face on my neck. Napangiti ako at hinaplos ang braso niya paitaas sa balikat niya habang nakatitig sa kisame. Pumikit ako at hinaplos ng isa kong kamay ang umbok niyang tiyan.
"Good night, baby..." I whispered softly and caressed her tummy.
Nagising nalang ako na wala na si Natasha sa tabi ko, nakita ko lang ay ang kapatid kong si Francheska. Kinunot ko ang noo ko at napatingin sa 'kin si Cheska na ngumiti.
"Kumain ka na muna, ang sabi ni ate Natasha bawal ka daw muna sa malalansa at puro healthy foods muna," seryosong sambit niya.
Tumango ako at ini-angat niya ang higaan ko at inayos ang lamesa sa harapan ko. Tahimik lang ako habang pinagmamasdan siyang ayusin ang pagkain ko.
"Oh, by the way the girl named Faye wants to talked to you," aniya sa mataray na boses.
"Oh, really?" pagtatanong ko sa gulat, tumango naman siya.
"Yeah, I talked to her kanina and she told me she will be back when you're awake," aniya at nilapag ang prutas.
Tahimik akong kumain habang siya ay nasa laptop nakatuon dahil busy daw siya, nagkibit balikat nalang ako at tinapos ang pagkain ko. May narinig kaming katok kaya tumayo si Cheska at tinignan 'yun at nakita ko si Faye.
"Can I?" pagtatanong niya kay Cheska.
"Sure," pormal na sambit ni Francheska at nilakihan ang pagbukas ng pinto.
Pinunasan ko ang bibig ko at ngumiti sa kanya. She smiled back at nilapag ang mga prutas sa ibabaw ng table ko.
"How are you?" pagtatanong niya at tinignan ang kabuuan ko.
"I'm good, kamusta ka? Alam niya na ba na you're pregnant?" pagtatanong ko.
She smiled. "Oo naman, kailangan pa rin naming mag-usap kasi diba, he's a married person at ex-girlfriend niya nalang ako so..." nagkibit balikat siya at natawa kaming pareho.
"Yeah, but I'm happy for you kasi finally your wish is finally came," nakangiting sambit ko.
She chuckled. "Yeah, nahiya nga ako kay Natasha kasi siya ang gumastos sa lahat ng gastusin dito," mahinahong sambit niya.
Nagulat naman ako doon dahil walang sinasabi si Natasha tungkol sa kanya. Nag-usap pa kami at kung minsan ay nagtatawanan pa kaya napapasarap ang usapan namin.
"Yeah, I'm doing good right now malakas pa naman ako," natatawang sambit ko.
"Ikaw talaga, nag-alala kaya ako sa'yo," mahinang sambit niya.
I smirked. "Dapat mong alalahanin si Emmanuel," nakangising sambit ko kaya natawa siya at hinampas ang balikat ko.
Sakto rin ang pagdating ni Natasha at naabutan niya kaming nagtatawanan. Napahinto siya sandali at nanliliit ang matang tinignan ako bago bumaling kay Faye na napatayo.
"G-good morning,"pagbati ni Faye at alanganing ngumiti.
Tumango si Natasha na hindi inaalis sa 'kin ang nanghuhusgang tingin. Pumunta siya sa 'kin at humalik sa labi ko bago pumunta sa side table para kunin ang susi ng motor niya.
"Continue what you two doing," aniya sa malamig na boses at binuksan ang kurtina.
Nag-usap kami ni Faye pero ramdam ko na may mali, pasulyap sulyap ako kay Natasha na tahimik na nakaupo sa sofa kasama si Cheska na nakangisi sa 'kin.
"You're dead," She mouthed at tinuro si Faye na nasa gilid ko.
Napalunok ako at tinignan si Natasha na nakapikit at nakapandekwatrong panlalaki habang nakaupo. Napatingin ako kay Faye na tumayo at may kausap sa cellphone.
"I'll go ahead, binisita lang talaga kita para makapag-usap tayo at makamusta naman kita. Maybe next time, we can catch up," nakangiting sambit niya.
"Thanks, Faye," nakangiting sambit ko na ikinatango niya.
Nagpaalam siya kay Francheska na nakangisi sa kanya, nagpaalam rin siya kay Natasha na tumango lang at sinuklay ang buhok niya.
"So, maiwan ko na kayo ha? Ayokong mabugahan ng apoy," She said in a teasing voice.
Humalik siya kay Natasha na tumango at ngumisi. Tinignan ko siya na hindi man lang ako tinapunan ng tingin kaya naman kinabahan kaagad ako.
"Baby, she visited me para kamustahin ako," panimula ko ngunit hindi niya ako pinansin at nagbalat lang ng mangga.
Hinawakan ko ang kamay niya pero wala pa rin. Huminga ako ng malalim dahil ito ang sinabi ng Doctor, madalas ang mood swing ng mga buntis kaya kailangan ng mahabang pasensya.
"Baby," mahinang sambit ko ngunit dumiretso lang siya sa balkonahe at may tinawagan sa cellphone.
Lumunok ako at pinagmasdan siyang nakatagilid ng tayo, she's wearing a brown sando, brown denim jacket, and a skinny jeans. Kitang kita ko mula dito ang 2 months niyang tiyan at ang dibdib niya kaya binasa ko ang pang-ibabang labi ko.
"Sinong kausap mo?" pagtatanong ko nang makabalik siya.
Nagtaas siya ng kilay. "Nung may kausap ka ba nagtanong ako?" aniya sa sarkastikang boses kaya napalunok ako.
Is she jealous?
"Baby, don't play mute! What's the problem? Are you jealous or what?" pagtatanong ko at marahan siyang pinalapit sa 'kin.
Tinignan niya lang ako gamit ang blangko niyang mga mata, nilapit ko siya sa 'kin at hinalikan ang likod ng palad niya.
"Baby, what did I do wrong? Are you mad at me?" pinalambing ko ang boses ko.
"Tss..." pagismid niya at iniwas ang tingin.
"Baby, may nagawa ba ako? Nag-usap lang kami ni Faye at nangamusta lang siya, we're having a baby kaya naman huwag ka nang magselos," mahinahong sambit ko.
"You two had a past kaya alam mo kung bakit ako nagkakaganito," aniya sa seryosong boses.
I chuckled. "Baby, kagaya ng sinabi mo 'past' that means nakaraan na. Ikaw na ang kasama ko ngayon hindi ba? Hindi ko naging girlfriend si Faye, we just...you know," ani ko sa nahihiyang boses.
"Hindi ko alam," aniya sa mataray na boses at nagtaas ng kilay. "Both of you fucked together, kung gusto mo naman pala ng model edi sana sinabi mo nang mag-apply ako sa agency ni Mommy," dagdag niya sa masungit na boses.
Halos masamid ako sa sinabi niya, pinigil ko ang pagtawa ko at marahang niyakap ang girlfriend kong buntis. As what I said, hindi showy si Natasha tahimik lang siya pero mababasa mo sa mga mata niya kung ano ba talaga ang nararamdam niya. Alam ko kapag nagseselos, nagagalit, naiirita, at kung anu-ano pa.
"Baby, yes we did that but you know I want to forget you that's why I asked her to be my date for the rest of the years," mahinahong paliwanag ko habang nakatitig sa mga niya.
Nanlaki ang mata niya. "Talagang kailangan mong ipagmalaki sa 'kin na you did that fucking sex! What the hell?" nagugulat na sambit niya kaya nanlaki rin ang mga mata ko.
"Baby!" I hissed. "God, ang sabi ko nakaraan na 'yun kaya hindi na natin kailangan pang pag-usapan 'yun," mahinahong sambit ko.
"But still you to are together for the past year, imposibleng hindi mo siya nagustuhan," aniya sa pagalit na boses.
Kinagat ko ang labi ko dahil may pagkakataon na nagustuhan ko si Faye. May mga oras rin na hindi kaya hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, nanliit ang mata ni Natasha at malakas akong hinampas sa braso na ikinangiwi ko.
"Silence means yes!" Si Natasha sa pasigaw na boses at kitang kita ko ang pamumuo ng luha sa mga mata niya.
"Baby, no..." umiling pa ako at hinaplos ang mata niya. "Ikaw lang ang mahal ko okay? Magtitiis ba ako sa galit mo kung sa tingin ko hindi worth it sa huli?" pagtatanong ko at hindi s'ya nakasagot.
"Do you find her attractive huh?" hindi pa rin siya tumitigil sa pagtatanong. "You bastard! I hate you so much..." She murmured and tears rolled down to her cheeks.
"Oh baby," nahahabang na sambit ko at niyakap siya. "I love you so much okay? Ikaw lang," dagdag ko at hinaplos ang buhok niya.
Ah, damn. Ang hirap paamuhin ng isang buntis na tigre.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top