Chapter 65

Natasha's POV:

Mabilis namin siyang dinala sa hospital dahil maraming dugo ang nawala sa kanya, hindi ko man lang napansin ang paglapit ni Mrs. Santiago sa kanya kaya nang makita kong siya ang may gawa hindi ako nagdalawang isip na patayin siya. Ang sabi sa 'kin ni Icarus ay buhay pa si Emmanuel kaya pinadala ko sa hospital dahil gusto daw makita ni Faye ang ama ng anak niya.

Yes, si Faye ang nabuntis niya ilang buwan ang nakalipas. Dating kasintahan ni Emmanuel si Faye at nagkasama lang sila ulit sa Madrid para sa araw-araw na photoshoot. Kapangalan ng dating asawa ni Emmanuel si Faye, the rest ay hindi ko na alam. Naghihintay pa rin ako ng update kay Icarus tungkol sa totoong magulang ni Emmanuel.

"Kailangan natin siyang operahan sa lalong madaling panahon. Malalim ang sugat na natamo niya at kailangan rin nating salinan ng dugo si Wade," sambit ni Tita Chin.

Tumango ako. "Gawin mo ang lahat, Tita. Hindi ko kayang mawala sa 'kin si Wade," seryosong sambit ko.

Tumango siya at nag-pautos sa mga nurse na dalhin sa emergency room si Wade. Nasa iisang hospital pala sina Wade at Shane kaya alam na rin nina Tita ang nangyari sa kanya.

"I'll give my blood basta't maayos ang lagay ng anak ko," si Tito Owen sa seryosong boses.

Umupo ako at hinaplos ang dalawang buwan ko nang tiyan dahil bigla bigla nalang itong humihilab. Sila Mommy ang umasikaso sa bangkay ng mag-asawa kaya naman ako lang ang nandito kasama ang assistant kong si Francis. Si Tita Pamela ay nasa bill section para asikasuhin ang babayaran sa hospital.

"Ate," napa-angat ang tingin ko kay Francheska.

"Cheska," mahinahong pagtawag ko at nagulat nang yakapin niya ako. "Magiging okay rin si Wade, huwag kang mag-alala," dagdag ko sa mahinahong boses.

"I know..." She murmured. "Masyado lang akong nag-aalala dahil ito ang unang beses na nahospital si Kuya," dagdag niya sa mahinahong boses at lumayo ng kaunti sa 'kin.

Ilang oras ang hinintay namin bago makumpirma na maayos at wala namang naging problema ang operation ni Wade. Nandito rin sa hospital si Emmanuel para gamutin ang ilang tama ng baril sa kanyang katawan, pasalamat siya at hindi ko siya tinuluyan dahil baka hindi niya na makita ang mag-ina niya.

"He need some rest, masyadong nabugbog ang katawan niya. Nakausap ko na si Owen kung ano ba ang mga bawal at hindi bawal kapag nagising si Wade," si Tita Chin matapos lumabas ng kwarto kung nasaan si Wade.

I hugged her. "Thank you," mahinang sambit ko kaya ngumiti siya at hinaplos ang likod ko.

Pinauna ako ni Francheska sa pagpasok sa kwarto kung nasaan si Wade. Pagpasok ko ay nakita ko kaagad si Wade na mahimbing ang tulog, umupo ako sa upuan at pinakatitigan ang mukha niya na puno ng galos. I sighed and held his hand at marahang hinalikan 'yun dahil masyado niya akong pinag-aalala.

"Sinabi kong mag-iingat ka hindi ba? Sinabi ko na sa'yo na huwag kang aalis sa tabi ko," mahinang sambit ko habang pinagmasdan ang bawat sulok ng mukha niya.

Hinalikan ko ang noo niya at hindi nagtagal ay narinig ko ang naghihisteryang boses ni Shane sa labas. Tumayo ako at tingnan siyang nagpupumilit pumasok ngunit hinaharangan siya ni Francheska.

"Papasukin niyo ako! Gusto kong makita si Wade!" Si Shane sa galit na boses.

Nakita niya kaagad ako kaya mabilis niya akong sinugod nang sampal, napasinghap ako sa lakas ng pagkakasampal niya sa pisngi ko.

"Shane!" Si Francheska sa galit na boses. "What do you think you're doing huh? Gusto mo bang malaman ni Kuya na sinasaktan mo si Ate?" dagdag niya sa galit na boses.

"Ikaw na naman! Hindi ba sinabi ko na sa'yo na tigilan mo na si Wade! Palagi ka nalang humahadlang sa aming dalawa ang dapat talaga sa'yo umalis na dito sa pilipinas!" Si Shane sa nangagalaiting boses habang nakaduro ang daliri sa mukha ko.

I sighed ang looked at her. "Wala akong oras makipag-away sa'yo Shane. Pagod ako," malumanay na sambit ko.

"No! Napahamak na naman si Wade nang dahil sa'yo at kapag may hindi nangyaring maganda sa kanya ikaw ang makakatikim sa 'kin," aniya sa nagbabantang boses bago pumasok sa loob.

Huminga ako ng malalim at tinignan si Francheska na nag-aalalang napatingin sa 'kin, ngumiti ako sa kanya at tinignan si Shane sa loob. Napatingin kami sa unahan nang biglang sumigaw si Kuya kasama si Zein na sapo sapo ang tiyan. Nanlaki ang mata ko dahil ngayon pa ata siya manganganak!

"Kuya, anong nangyayari?" pagtatanong ko.

"S-she called me saying her water broke..." aniya sa natatarantang boses.

"Relax," natatawang usal ko at tinapik ang balikat niya. "Nasaan si Zyrine?" pagtatanong ko.

"Oh, fuck ang anak ko!" Si Kuya sa natatarantang boses at tumakbo palabas para sunduin ang nakasimangot na si Zyrine.

Natawa ako at napailing kalaunan ay napaupo at hinayaan sila Tita na dalawin si Wade. Dinala na rin nila Mommy ang bangkay ng mga Santigao sa mga pulis at lahat ng kanilang ari-arian ay mapupunta kay Emmanuel. Tinignan ko ang kwarto kung nasaan si Emmanuel nakadestino.

"Puwede ba akong pumasok?" pagtatanong ko sa nurse na nakabantay sa kanya.

"Sige po Ma'am," aniya sa magalang na boses.

Nagpasalamat ako at pumasok sa kwarto niya, nang makarating ako sa kama niya at unti-unti kong hinubad ang singsing na binigay niya sa 'kin. Pinakatitigan ko ang bagay na 'yun bago ko marahang inilagay sa gilid ng kama niya.

"Hindi ako nagsisisi na nakilala kita, pero ngayong alam ko na ang tunay na ikaw doon ako nagsisisi na nakilala kita. Napakabuti mo sa 'kin sa mga lumipas na taon na magkasama tayo ngunit siguro ito na rin ang oras para sabihin na maraming salamat sa lahat," mahinahong sambit ko.

"Alam kong naririnig mo ako at sa mga oras na 'to marami kang tanong once you open your eyes, at handa akong sagutin ang lahat. Na-alala mo si Faye? You got her pregnant while we're together, and I hope you will be a better Dad to your kid..." I paused. "Naging mabuting kaibigan ka sa 'kin at ganoon rin ako sa'yo, gusto kong malaman mo na mananatili pa rin tayong magkaibigan, hindi ako kailan man nagtanim ng galit sa'yo kung 'yun ang inaakala mo," pagtatapos ko at hinaplos ang buhok niya.

Tinignan ko muna siya nang ilang sandali bago ako ngumiti at marahang lumabas ng kwarto niya. Nakapamulsa akong naglakad at napahinto nang makitang nandiyan na ang tunay na magulang ni Emmanuel kasama si Faye. Ngumiti ako at kaagad na naglakad palayo para mabigyan sila ng oras.

Naglakad ako at pumunta sa garden ng hospital dahil pakiramdam ko nabasawan ang bigat na nasa dibdib ko. Umupo ako sa bench at hinaplos ang umbok kong tiyan, hindi na ako makapaghintay na malaman kung babae o lalaki ang anak ko. 

"Tapos na rin anak..." I whispered softly. "Magiging tahimik na rin tayo at makakasama na natin ang Daddy..." dagdag ko at pinikit ang mata.

Napadilat ako nang may maramdaman akong umupo sa upuan kung nasaan ako, nakita ko si Mommy na nakatingin sa malayo. Ngumiti siya sa 'kin ganoon rin ako sa kanya bago marahang sumandal sa balikat niya.

"You got me huh? I didn't know that you're one of the big boss sa pagiging Assassin's," aniya sa mahinahong boses.

"I'm sorry Mom, ayoko lang na pati kayo mapahamak," malumanay na sambit ko.

She chuckled. "Kaya pala kahit kilala kita nanatili kang misteryoso sa paningin ko, you're good at hiding," aniya sa natatawang boses.

Napangiti ako dahil alam kong pinag-uusapan nila ako kapag wala ako sa mansyon, ayoko lang talagang malaman nila na ako ang big boss ng mga Assassin's at Mafia's.

"Ginawa ko 'yun dahil layunin naming protektahan ang bawat kababaihang inaabuso ng mga taong walang ginawa kung hindi ang abusuhin ang mga babae, we have list of some person's na kailangan naming patumbahin para hindi na makaabuso ng kababaihang mahihina," paliwanag ko.

She hummed at hinaplos ang buhok ko. "I'm so proud of you, palagi naman..." aniya sa natatawang boses.

Nakagat ko ang labi ko dahil nangingilid ang mga luha sa mata ko. Nagiging emosyonal talaga ako kapag nagdadalang tao ako, huminga ako ng malalim at niyakap si Mommy. She's the best Mom I've got.

"Ngayon, tutulungan kitang ayusin ang tungkol sa inyo ni Shane. Hindi ka nagsasabi sa 'kin at sa ibang tao ko pa malalaman, alam mong ayokong pinagkakaisahan ka dahil anak kita," ani Mommy sa seryosong boses at pinakatitigan ang mga mata ko.

"Mom...you don't have to," mahinang sambit ko.

"No, you're my daughter. Walang sino man ang puwedeng manakit sa'yo naiintindihan mo?" aniya sa seryosong boses.

Tumango ako at ngumiti sa kanya. Inakbayan niya ako at sabay kaming pumunta kung nasaan si Wade, nang makarating kami doon ay nakita kong gising na si Wade at kausap ang Mommy niya. I looked at him through the mirror mahina pa rin siya at hindi pa masyadong nakakagalaw.

"Kanina lang siya gumising at ikaw kaagad ang hinanap niya," si Mommy sa malumanay na boses.

Nagtama ang paningin namin ni Wade at nakita kong kumislap ang mga mata niya at nakikiusap na kung puwede ay pumasok ako sa loob. Ngumiti ako at kumaway sa kanya, nagpaalam ako kay Mommy na tumango at ngumiti sa 'kin.

Pumasok ako at nakita ko ang pagkasabik sa mga mata niya, napatingin sa 'kin si Tita Pamela at kaagad tumayo para ibigay sa 'kin ang upuan sa harap ni Wade.

"Hindi daw inaasahan na ngayon siya gigising dahil maraming galos ang katawan niya, kanina ka pa niya hinahanap..." aniya sa malumanay na boses.

"Salamat, Tita..." mahinang sambit ko at ngumiti sa kanya.

"You are welcome, I'll go ahead nang makapag-usap kayong dalawa," aniya.

Tinignan ko pa ang pag-alis niya at napabaling kay Wade na titig na titig sa 'kin. Bumilis na naman ang lintek na puso ko habang nakikita siyang seryosong nakatitig sa 'kin.

"Kamusta?" pagtatanong ko at naiilang na nag-iwas ng tingin.

"I-I'm okay.." mahinang sambit niya at hinawakan ang kamay ko. "I-ikaw k-kamusta?" dagdag niya sa malumanay na boses.

"Okay lang naman ako, wala naman akong galos at maayos naman ang baby natin," nakangiting sambit ko.

Tumango siya kaya marahan kong inayos ang buhok niya dahil natatakpan ng bangs ang mga mata niya. Niyakap niya ang bewang ko kaya napanguso ako at hinaplos ang buhok niyang tsokolate, I closed my eyes and caressed his hair.

Isa nalang ang problema ko at kailangan ko nang makausap si Shane sa lalong madaling panahon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top