Chapter 64
Wade's POV:
Hindi ko lubos akalain na ganito sila kadami dahil ang alam ko ay kakaunti lang sila, kung titignan mo katiting lang kami kumpara sa kanila na batalyon ang dala. Hindi ko alam kung ano ang plano nina Natasha pero ang tanging magagawa ko lang ay sumunod sa kanilang plano, napag-usapan na namin ito kasama ang mga tauhan ni Tito.
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa mangyayari at sa gagawin ni Natasha. Akalain mong nasa itaas sila ng malaking container, kung hindi niyo alam nasa isa kaming malawak na covered court kung saan may mga malalaking container dito. Hindi ko alam bakit dito nila naisip ang ganito pero wala naman akong magagawa kung hindi ang sumang-ayon sa kanila.
"Kung hinahanap ninyo ang asawa at anak ko..." Si Tito at ngumisi ng malaki. "Pakihintay at paparating na sila," dagdag niya sa nakakakilabot na boses.
Napatingin kami sa itaas nang marinig namin ang pagkasa ng gulong, umatras kami at halos kainin ako ng kaba nang makita si Natasha at Tita. Tumingala ako at nakita ang dalawang motor na nakalutang sa ere, magkakrus ang motor at kung titignan mo para silang gumagawa ng letrang X.
Napaatras kami at halos magdugo na ang kamao ko dahil sa kaba na baka mahulog si Natasha. Napaatras ang mga Santiago dahil alam nilang tatamaan silang lahat sa dalawag malaking motor na ngayon ay nasa ere.
"Fuck," narinig ko si Tito na kagat rin ang labi at mukhang kinakabahan rin.
Mabilis ang lahat at dumausdos ang motor patagilid at gusto kong tumakbo para pagalitan si Natasha ngunit natigilan ako, namamangha ko siyang pinapanood na pinapaikot ang motor sa bawat gilid ng mga Santiago. Kasama niya si Tita na perperkto ang pagpapaandar ng motor, wala akong makitang takot at kaba sa mukha nila.
"Goodness..." Si Tito ulit na nakahinga ng maluwag nang mapunta sa harapan ang dalawang motor.
Nanatili akong nakatulala dahil sa mabilis na pagtibok ng puso ko, narinig ko ang pagtawa ni Kent at tinapik ang balikat ko kaya napakurap ako.
"Balita ko hinahanap niyo daw ako?" maangas na pagtatanong ni Tita na kakatanggal lang ng helmet.
Bumaba na rin si Natasha pero nanatili silang dalawa sa mga motor nila. Nakita ko ang pamumutla ng mga Santiago dahil muntikan na silang matamaan ng gulong ni Natasha. Lumapit kami doon at tinignan silang lahat.
"Oh, mukhang natulala kayo? Nakakamangha ba?" nakangising tanong ni Natasha at pinaikot ang helmet sa daliri niya.
"All this time nagsisinungaling kang wala kang ma-alala!" Si Mrs. Santigao sa gulat na gulat na boses.
Tumawa si Natasha. "Akala ko ba ay matalino ka? Hindi ba ikaw ang nag-utos na banggain ang kotse ko at ipalabas sa lahat na patay na ako?" biglang naging malamig ang boses ni Natasha.
Si Tita ay nakaupo lang sa upuan niya at nakahalukipkip na pinapanood si Natasha. Nakita kong lumapit si Mrs. Santiago at akmang sasabunutan si Natasha na bigla nitong hinawakan ang kamao ni Mrs. Santiago at ibalibag sa lupa.
"Mga sinungaling kayong lahat! Pinaniwala ninyo akong mababait kayo, pinagkatiwalaan ko kayo dahil akala ko magiging mabuti kayong tao sa 'kin. Nagkamali ako, naging mabuti ako sa inyo! I respect you the most! Prinotektahan ko kayo sa lahat tapos gagamitin niyo lang ako para sa masama ninyong adhikain?" si Natasha sa galit na galit na boses.
"Dahil kayo ang pumatay sa asawa't anak ko!" Si Emmanuel sa galit na boses at nilapitan si Natasha. "Kayong mga Martinez ang dahilan kung bakit nawala sa 'kin ang lahat! Pinahirapan ninyo kami kaya sino ka para magalit sa amin na dapat kami ang nagagalit!" dagdag ni Emmanuel.
Sa sobrang galit ni Natasha sinakal niya si Emmanuel na nanlalaki ang mata sa kanya. Maski ako ay napahinto at nagugulat na napatingin sa kanya, gamit ang isang kamay hinagis ni Natasha si Emmanuel kaya napadapa ito sa sahig.
"Kaya pala iba ang kutob ko sa inyong mga Santigao. Kinilala ko kayo bilang kakampi ko sa loob ng ilang taon! For fucking sake, niyaya mo akong magpakasal para lang makapaghiganti sa mga magulang ko! Hindi mo alam kung ilang beses kong sinisisi ang sarili ko dahil lang sa pagkawala mo! Tangina," si Natasha sa galit na galit na boses.
Napalunok ako dahil parang may kung anong itim na aura ang nakapalibot sa kanya. Hindi namin siya malapitan dahil ramdam na ramdam ko ang galit niya, umamba ng suntok si Mr. Santigao pero naunahan siya ni Tita at pabalyang binalian ng buto na ikinadaing niya.
"Lahat ng death threats na natatanggap ng pamilya ko ay galing sa inyo at sa tingin niyo matatakot kami? Sa tingin niyo ba magtatago kaming parang mga daga katulad ninyo? Doon kayo nagkakamali dahil kapag Martinez ang kinanti mo, simulan mo ng magtago," si Tita sa delikadong boses at sinuntok sa mukha ang isa at ganoon rin ang isa.
Tumakbo kami at nakita ko ang pag-angkas ni Natasha sa motor kasama si Tita sa kabilang motor kasama si Tito.
"Ito ang gusto niyo hindi ba? Ako mismo ang magbibigay sa inyo," si Natasha sa mariing boses at naglabas ng baril.
Na-alarma ang lahat at kanya kanya kaming pagsugod, umikot ang dalawang motor sa bawat gilid at nakikita ko ang mga taong napapatumba nila. Hindi ko talaga maiwasang mamangha dahil wala man lang pagsisisi ang ginagawa nila Natasha. Nakita ko na siyang nagalit pero iba ngayon, parang ngayon lang sumabog ang galit na iniingatan niya sa loob ng ilang taon.
"Magkamatayan man tayo dito ngayon sisiguraduhin kong mauuna kayong mga Martinez!" Si Mr. Santiago na naglabas ng baril at kanya kanyang patama.
Sinuntok ko sa mukha ang isa at sinipa ang isa. Umilag ako at hinawakan ang braso niya para ihagis siya sa kabila, umikot ako at sinuntok sa panga ang isa. Ang isa naman ay sinalubong ko ng sipa sa pisngi, yumuko ulit ako at hinawakan ang kuwelyo ng isa para sakalin siya.
Rinig na rinig ko ang bawat daing at bawat paputok ng baril. Nakita ko ang motor ni Natasha na paikot-ikot kasama sina Tita na nakasakay rin sa motor. Tumakbo ako at nakita si Kent na nakikipagbuno doon, namangha ako sa bilis ng bawat galaw nilang lahat. Martinez nga talaga.
"Wade!" Si Natasha sa malakas na boses at bigla nalang hinila ang kuwelyo ko para makasakay sa motor. "Dito ka, hindi ako mapapanatag nang wala ka sa paningin ko," dagdag niya sa seryosong boses.
Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang ngiti, kinuha ko ang baril ko at pinaikot ang braso sa tiyan ni Natasha. Halos mahilo ako pero nagfocus pa rin ako sa pagasinta dahil napakabilis ng kilos ni Natasha.
"Paandarin mo ang motor ko! Tatayo ako para mabilis," si Natasha kaya gulat akong napatingin sa kanya.
"What? Are you crazy babe?" pagtatanong ko sa naguguluhang boses.
"Bilisan mo! Magtiwala ka sa'kin! Kailangan kong bantayan si Kuya," aniya sa pasigaw na boses.
Wala akong nagawa nang umupo siya sa manibela habang ako ang nagpapaandar. Nakatalikod siya sa 'kin kaya iniingatan kong huwag siyang matamaan, kanya kanyang putok ng baril ang naririnig ko at nakikita ko na ang mga tao ng mga Santiago na duguan.
"Kayo nalang," hinihingal na sambit ni Natasha matapos kong ihinto ang motor.
Natira sa gitna ang mag-asawa at si Emmanuel na kapwa may mga dugo sa braso. Lumapit si Natasha sa kanila at ang unang sumugod ay si Emmanuel, tumalon si Natasha patalikod at sinipa sa batok si Emmanuel.
"Hindi mo pa ako kilala kaya huwag kang aasta na kilala mo na ang isang Natasha Martinez," narinig kong sambit niya.
"M-minahal kita at 'yun ang totoo! L-lahat ng pinakita ko sa'yo ay totoo! Inaamin kong nagalit ako pero nang makilala kita nagbago..." mahinahong sambit niya.
Kumunot naman ang noo ko at nagtatagis ang pangang nakatingin sa kanya. Lumapit ako at ako ang sumuntok sa kanya ng malakas na ikinatalsik niya, gulat na napatingin sa 'kin si Natasha pero nandidilim ang paningin ko kay Emmanuel.
"Tama lang pala na kinuha ko ulit siya sa'yo, napakawalang kwenta mo!" malakas na sigaw ko at sinuntok ang sikmura niya.
Marami pa silang kasama pero alam kong nandiyan sina Tita. Tumayo si Emmanuel at sinuntok ang panga ko kaya napaatras ako, galit akong tumingin sa kanya at sinipa ang dibdib niya. Galit na galit ako na gusto ko na siyang patayin.
"Wade!" narinig kong sigaw nang kung sino.
Sa pagharap ko ay isang matalas na kutsilyo ang sumalubong sa aking tiyan, nanlalaki ang mata kong napatingin kay Mrs. Santiago na hindi ko na halos makilala dahil sa duguan niyang mukha.
"Wade!" Si Natasha at malakas na tinulak si Mrs. Santiago.
Nanghihina akong napaupo sa sahig habang sapo sapo ang tiyan kong nagdurugo. Kumurap ako at nakita si Natasha na pinapaulanan ng bala ng baril ang mga Santiago kasama si Emmanuel.
"Kapag may nangyaring masama kay Wade sisiguraduhin kong pati sa libingan maghihirap kayo," narinig kong sambi ni Natasha.
Pumunta sa 'kin si Kent at dinagan ang dalawang kamay niya sa tiyan ko. Medyo mahapdi dahil tumagos ata sa kalamnan ko ang matalas na kutsilyo. Napalunok ako at huminga ng malalim pero ikinadaing ko sa huli.
"Don't move," si Kent sa seryosong boses. "Daddy!" dagdag niya at lumapit si Tito at tinulungan akong makatayo.
"Si...si Natasha," nanghihinang sambit ko.
"Huwag ka nang mag-alala para sa kanya, kaya niya ang sarili niya. Mabuti pang dalhin ka na namin sa hospital," malumanay na sambit ni Tito.
Pinikit ko ang mata ko at kinagat ang labi ko, sinakay nila ako sa kotse pero panay ang paghahanap ko kay Natasha. Ilang sandali ay pumasok si Natasha sa kotse ko at siya ang naglagay ng kamay sa tiyan ko.
"Mom! Bilisan na natin," si Natasha sa seryosong boses at diniinan ang paglapat ng mga kamay niya.
Sumandal ako sa balikat niya at pinikit ang mata ko, naramdaman ko ang paghalik niya sa noo ko kaya napangiti ako at hinayaan ang sariling makatulog dahil sa sobrang pagod ng katawan ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top