Chapter 60
Wade's POV:
Kanya kanya kaming alis sa event dahil sa hindi inaasahang pangyayari. Mabuti nalang at alerto ang mga tauhan nina Tita kaya mabilis ring nadaluhan ang ibang mga bisita. Walang may gusto sa nangyari at mabuti nalang hawak hawak ko ang dalawa kong anak para hindi sila mapahamak sa kung anong mangyayari.
Walang may alam kung sino ba talaga ang may gawa nun kay Tita dahil bandang dibdib ang tama sa kanya. Mabilis namin siyang isinugod dahil na rin lahat kami ay natataranta, lumabas ako kaagad at sinakay sa kotse ang mga anak ko. Natakot rin sila kanina kaya naman alerto ako dahil baka kung anong mangyari sa kanila lagot ako kay Natasha.
"Everything will be okay..." kalmadong saad ko.
"What happened Daddy?" pagtatanong ni Warren at ang paningin ay nasa bintana.
"Something happen anak kaya huwag kayong lalabas dito..." mahinahong sagot ko at tinignan sila Kent sa labas.
Pinaandar ko ang sasakyan ko patungo sa mansyon dahil gusto kong alamin kung ano ba ang nangyari kay Tita. Inalalayan kong makababa ang kambal at sumabay kina Mommy, pumasok kami at kaagad naging abala si Daddy sa pagtawag sa kung sino man.
"Walang may alam sa nangyari ang nakakagulat ay si Cathalina pa ang pinuntirya. God, parang bumabalik na naman sa dati ang lahat," si Mommy na sapo sapo ang kanyang noo.
"Dinala na si Cathalina sa hospital nawalan lang ng malay pero kailangan pa ring imbestigahan ang kanyang katawan," si Daddy na kabababa lang ng cellphone.
Nagpaalam akong iaakyat ang kambal dahil nakikita ko na ang pagbagsak ng mata nila. Napagod sila kanina dahil panay ang paglalaro nila nina Troy kasama sina Keizer. Hinubad ko ang damit nila at nakangusong pinagmasdan ang mukha nila.
"Daddy... I'm sleepy," si Wayne na kinukusot na ang mata.
"Sure, sleep. Gigisingin ko nalang kayo kapag kakain na," nakangiting sambit ko.
"Gracias, mi amore..." sabay na sagot nila kaya natawa ako at napangiti rin kalaunan.
Speaking of Mi Amore, naalala ko na naman ang mata ni Natasha. Hindi ako puwedeng magkamali dahil kilala ko ang matatalim na mata ni Natasha. Huminga ako ng malalim at tinignan ang kambal bago napagdesisyunan na pumunta sa hospital.
"Francheska ikaw na muna ang bahala sa kambal, kakamustahin ko muna sina Tita," saad ko.
She smiled. "Ako na ang bahala sa kanila. Mabuti naman at wala dito si Shane," sarkastikang sambit niya.
Napailing nalang ako at kinuha ang susi ng motor. Lumabas kaagad ako at hindi na hinintay sina Mommy dahil alam kong pupunta sila sa hospital. Mabilis ang pagmamaneho ko kaya kaagad rin akong nakarating sa hospital kung nasaan si Tita. Hinubad ko ang helmet ko at nakita ang iilang media na nasa labas at nag-aabang sa mangyayari sa loob.
"Excuse me..." seryosong sambit ko habang pinapalibutan ako ng mga guards.
Kanya kanya sila ng tanong tungkol sa pagkawala ni Natasha at sa pagkakaroon namin ng anak, pumunta kaagad ako sa loob at nakita sina Kent na nasa labas at abala sa pagtawag ng kung sino.
"Tito," pagbati ko kay Tito na nakaupo at sapo ang noo.
"Wade," pagbati niya at tumango. "May balita na rin ba kung nasaan si Natasha? Ilang linggo na ha?" dagdag niya sa kalmadong boses.
"As of now, wala pa rin po pero ginagawa ko ang lahat para mahanap siya. Nag-aalala rin ako sa anak namin," malumanay na sambit ko.
"Mag-usap tayo some other day about my daughter," seryosong sambit niya kaya napalunok ako at tumango.
Ilang minuto rin ay lumabas na ang Doctor na nag-aasikaso kay Tita. Sabay sabay kaming napatayo at napatingin sa kanya na ngumiti matapos yumukod ng kaunti.
"Kamusta ang asawa ko? Okay naman siya hindi ba?" Si Tito sa nag-aalalang boses.
The doctor smiled. "Ang baril na tumama sa kanya ay pawang pampatulog lamang ng ilang oras. Wala naman naging inspeksyon sa kanyang katawan at ang dugo na nakita natin ay peke rin. Maayos naman ang lagay niya at baka ilang oras lang ay gumising na rin si Mrs. Martinez," paliwanag niya.
"What do...you mean?" naguguluhang tanong ni Tito.
"Hindi rin po namin matukoy ang ginamit na bala ng baril dahil pahaba ito. Hayaan ninyo aasikasuhin ko ang bagay na 'yun at sasabihin ko rin kaagad sa inyo," paliwanag ng doctor.
Nakahinga ako ng maluwag at kusang napadako ang tingin kay Kent na may hawak rin na papel, mukhang malalim ang iniisip niya. Nilapitan ko siya at tingnan ang papel na hawak niya, kagaya ng akin ay nakasulat rin 'yun sa italian language.
"Ganyan rin ang natanggap ko nung isang gabi," panimula ko.
Nagangat siya ng tingin at pinakita ang papel. "Nakasulat dito na huwag ko daw papabayaan sina Daddy at Mommy. Hindi ko alam kung sino ang nagbigay nito pero alam kong si Natasha ang nakita ko kanina," pagkuwento niya.
Napasinghap ako. "N-nakita mo siya? Nung isang gabi nakabuno ko rin siya at kagaya mo ay nakatanggap ako ng papel galing sa kanya," pagkuwento ko.
Napatingin siya sa akin at kumunot ang noo. Nagkatinginan kaming dalawa at parang may sariling isip na nanlaki ang mga mata namin.
"You mean..." He trade off. "Kaninong puder naman siya nakatira ngayon? Damn! Kahit kailan talaga nagdedesiyon siya ng mag-isa," dagdag niya sa iritadong boses.
Tinawag niya ang butler niya at inutusan na kunin ang CCTV footage sa event kanina. Parehas kaming malalim ang iniisip dahil alam ko ang ugali ni Natasha pero hindi ko talaga maintindihan ang ugali niya. Masyado siyang misteryoso at maraming inililihim sa akin.
"I know she have a plan," sambit ni Kent at tumango-tango. "Kamusta amg imbestigasyon sa kaso ni Emmanuel? Natapos na ba?" dagdag niya sa nagtatanong na boses.
"Matatapos namin 'yun kung walang humaharang. Ayaw nilang ipakita at ipatest ang bangkay ni Emmanuel kaya naman hindi namin matukoy kung siya nga ba talaga ang nasa kabaong," kuwento ko.
"Puntahan natin kung ganoon." Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Tayo mismo ang maghuhukay sa libingan niya at tayo mismo ang kikilos, may naiisip na ako pero alam kong magaling magtago si Natasha," dagdag niya.
Kagaya ng sinabi niya ay pinuntahan namin ang libingan ni Emmanuel sa Mindoro. Nanginginig ako kapag sinasabi niya na kami ang maghuhukay ng kabaong ni Emmanuel. Madilim at nagsisitaasan ang balahibo ko habang nakatingin sa mga lapida sa harapan ko.
"Are you really sure about this?" paniniguro ko habang nakatingin sa mga lapida.
"Gusto mo bang makita ulit ang kapatid ko o hindi?" iritadong tanong niya kahit nakangisi.
I rolled my eyes at kaagad sumunod sa kanya. Nagtataasan ang mga balahibo ko habang siya ay kalmadong naglalakad at panay ang basa sa nakasulat sa lapida. We searched Emmanuel's named pero wala kaming makita hanggang sa napunta kami sa pinakadulo at nag iisa lang ang nakalagay doon.
"Ito na ata 'yun," sambit niya at kinuha ang palaso ganoon rin ako. "Handa ka na?" dagdag niya sa nang-aasar na boses.
"Tss..." mahinang bulong ko at umismid sa kanya. "Anong gagawin natin kung sakaling nandito nga si Emmanuel?" dagdag ko habang naghuhukay.
"Gusto mo pustahan pa tayo? Sinabi na sa akin ni Natasha na parang may kakaiba sa ikinikilos ng mga Santiago. Doon rin kami nagsimulang magimbestiga," sambit niya.
Pawis na pawis ako kaya hinubad ko ang coat ko. Ang lalim ng libingan ni Emmanuel kaya pagod na pagod akong napaupo kasama si Kent na hinihingal pa. Natawa ako at binuhat namin ng sabay ang magaang kabaong kaya nagkatinginan kaming dalawa, 'yun na naman ang mayabang niyang tingin kaya napaismid ako.
Binuksan namin 'yun at napanganga nang makita ang halos buto-buto at sunog na katawan. Kumuha si Kent ng sample at nanatili akong nakatulala dahil halos buto't-buto nalang ang nasa loob.
"Tara na, nakasunod na ang mga tao ko sila na ang bahala diyan," sambit niya. "Sunod nating kukunin ang kung anong gamit ni Emmanuel sa bahay nila. Handa ka na bang maging magnanakaw?" nakangising dagdag niya.
"What?" nagugulat na tanong ko kaya tumawa siya ng malakas at naglakad. "Siraulo!" dagdag ko sa malakas na boses.
Sumakay ako sa motor ko at sinundan si Kent kung saan man siya pupunta. Nakarating kami sa isang magarang mansyon kaya nagtataka kong tinignan 'yun at talagang napakaganda. Sinenyasan niya ako na sumunod sa kanya kaya kaagad naman akong naglakad papunta sa kanya.
"A-anong gagawin natin dito?" tanong ko habang pinapanood siyang idikit ang mata niya sa screen.
"Gusto mong malaman kung ano nga ba talaga kami hindi ba? Tignan mo kung sino nga ba talaga si Natasha at ang Martinez," seryosong sagot niya.
Tinaas ko ang dalawang kamay ko sa scanner na nasa harapan ng pinto. Nag-green dahil wala akong armas na dala, pumasok kami at namangha ako dahil sa fountain kami dumaan sa ilalim. Madilim pero nang dumaan si Kent lahat ng ilaw ay lumiwanag.
"What the fuck?" nagugulat na bulong ko ng pumasok kami sa double door ng bahay.
"Welcome to my sister's world," nakangising sambit niya.
Napanganga ako dahil sa dami ng mga armas at may mga lalaki pang nandoon. Nakilala ko si Icarus na kalmadong nakatayo at nakatingin sa akin, nakita ko rin si Francis na assistant ni Natasha na nasa harapan ng computer. Tinignan nila ako at may mga babae ring sa akin ang paningin.
"Ito ang hideout ng kapatid ko at nito ko lang nalaman ang lahat. Sikreto ito kaya aasahan kong hindi mo sasabihin sa lahat ang tungkol dito..." aniya sa kalmadong boses. "Dahil kung hindi, masisira ang plano na ginawa mismo naming lahat," dagdag niya.
Ang lakas ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanilang lahat na pawang mga sindikato. I don't know what to do at nanatili akong tahimik. Giniya ako ni Kent sa table at may kung ano siyang pinindot at namangha ako dahil naging malaking screen ang ordinaryong lamesa. Nilagay niya ang plastic bag na naglalaman ng sample ni Emmanuel.
"Wade Ferrell," pakilala ni Kent at tinuro ako. "Boyfriend ni Natasha kaya huwag niyong gagalawin ang isang 'yan kung ayaw ninyong malagot kay Phantom," dagdag ni Kent at ngumisi sa akin.
Ito ba ang ibig-sabihin ng mga files na nakalagay sa laptop niya? Anong klasing tao ka? Anong posisyon mo sa grupong ito? Paano mo naililihim ang ganitong bagay sa akin? Damn, gulong gulo ako Natasha. Nasaan ka na ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top