Chapter 58
Wade's POV:
Gumising akong nakatulala sa kawalan dahil hanggang ngayon hindi pa rin namin mahanap si Natasha. Kung saan saan namin siya hinanap pero wala pa rin talaga, ilang araw na ba? Hindi ko na mabilang kung ilang araw na ba akong walang tulog kakaisip sa kanya. Ako ang nagbabantay sa mga anak namin dahil na rin sa palaging umaalis si Kent at sina Tita para hanapin si Natasha kaya ako ang naiiwan sa mga anak ko.
Bumangon ako at kaagad nakatingin sa dalawa kong anak na mahimbing pa rin ang tulog. Napangiti nalang ako at hinaplos ang may kahabaan nilang buhok, panay ang luha nila kagabi dahil nami-miss na daw nila ang Mama nila. Naaawa ako dahil ito ang unang beses na nawala si Natasha sa tabi naming lahat. Hindi ko maiwasang mag-alala dahil nasa loob niya ang baby namin.
"Daddy..." napatingin ako kay Warren na kakagising lang.
"Hi..." I smiled sweetly at inalalayan siyang bumangon sa kama.
"Wala pa...rin po si Mommy?" medyo nabubulol pa sa tagalog si Warren kaya I find him cute.
I shook my head at nakita ko kaagad ang lungkot sa mga mata niya kaya mabilis ko siyang niyakap. Ayoko sa lahat ay nakikita ang lungkot sa mga mata nila, tinapik ko ang balikat niya at sinuklay ang buhok niya.
"We will do our best to find your Mom, I promise," mahinang sambit ko at nginitian siya.
Hindi rin nagtagal ay nagising na si Wayne. Mabilis ko siyang kinarga at bumaba na kami para makakain na. Nandito kami sa condo ko dahil gusto kong kahit papaano makasama ko sila. Mabuti na lang pinayagan ako ni Kent pero nagpadala siya ng tauhan para masigurong ligtas kaming tatlo.
Nagluto ako ng paborito nila at panay ang tingin ko sa kanila na kumakain ng brownies. Balak ko silang ipasyal kila Mommy mamaya at nagleave rin ako sa trabaho para mas mabantayan silang dalawa. Nilapag ko ang italian shrimp na may sauce dahil 'yun ang paborito nila. Masyadong magastos ang mga anak ko pagdating sa pagkain kaya naman namili ako kagabi ng mga pagkain nila.
"We will visit your grandma later..." imporma ko kaya parehas silang napatingin sa akin.
"Really, Dad? Siamo entusiasti di vedere Lola, papà vogliamo vederli da vicino," si Warren at ngumiti.
Napanganga ako sa sinabi niya at napakamot sa batok. Sa loob ng ilang araw na nakasama ko sila palagi nila akong kinakausap sa salitang Italian. Kahit nung nandito si Natasha ay palagi silang nag-uusap at hindi ko nga alam kung nang-aasar ba silang tatlo kapag nag-uusap sila. Pinanood ko silang kumain ng masagana at napangiti nalang ako.
"Come on, maliligo na tayo..." mahinahong turan ko.
"Let's go! Let's go!" Si Wayne na palaging excited sa pagligo.
Natawa ako at hinanda na ang bathtub nilang dalawa. Pinabula ko ang tubig at inalalayan silang dalawa, natawa ako nang basain nila ako kaya wala akong nagawa kung hindi ang maligo kasama sila dalawa. Binalot ko silang dalawa at mabilis na binuhat papunta sa kama, hinalungkat ko ang bag na naglalaman ng damit nila.
"Dadda,I missed Momma..." sambit ni Wayne na nakanguso.
"Me too," si Warren na nagpapatuyo ng buhok.
I sighed. "Ibabalik ko sa inyo ang Mommy ninyo. Promise 'yan ni Daddy," malumanay kong sambit.
Ngumiti silang dalawa kaya napangiti ako at kaagad silang binihisan. Sinuklay ko ang kulot na buhok nila na hanggang balikat na ang haba. Bagay na bagay talaga sa kanila ang ganitong buhok lalo pa't natural na tsokolate ang kulay nito. Siguro namana nila kay Natasha ang kulay ng buhok. Damn, I miss my baby.
"Let's go?" pagtatanong ko at sinukbit ang bag nilang dalawa.
Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa palabas ng unit. Sumakay kami sa elevator habang nagtitipa ako sa cellphone dahil nagt-text na naman si Shane. Lumabas kami at naka-abang na ang apat na tao ni Kent para magsilbing bantay namin sa araw-araw.
"We're going to my parent's house. I'll be the one who will drive for my children," seryosong sambit ko.
"We will follow your car then," aniya at magalang na yumukod.
Sinakay ko sa likod ang dalawang bata at nang makitang maayos ang pagkakaupo nila ay sumakay na ako sa driver seat. Tinignan ko sila at pinaandar ang kotse papunta kila Mommy. Hindi na daw kasi siya makapaghintay na makita ang mga anak ko kay Natasha kaya nasasabik rin akong ipakilala ang mga anak ko.
"Daddy, I want donuts po!" Si Wayne na nakatingin sa labas ng bintana.
"Okay," mahinang sambit ko at pinarada ang sasakyan ko. "Huwag kayong lalabas ha? Wait for me here and don't talk to strangers," paalala ko.
"Yes..." sabay na turan nila kaya tumango ako.
Binili ko sila ng dalawang box ng donuts dahil sabi ni Warren matakaw daw ang kapatid niya kapag donut ang pagkain. Parehas sila ni Natasha at kung minsan pa ay nakakatatlong box kami at siya lang ang kumakain. Minaneho ko ang sasakyan ko papunta sa mansyon ng bahay at hindi rin nagtagal ay nakarating kami kaagad.
"We're here..." imporma ko at pinarada ang sasakyan ko.
Pawang mga nakatingin sa labas ang dalawa kaya napangiti ako dahil ito ang unang pagkakataon nila na mamasyal. Palagi kasi silang nasa Italy at minsan lang kung lumabas kaya naman naiintindihan ko kung bakit gustong gusto nilang dalawang pumunta sa iba't-ibang lugar.
"Good afternoon," pagbati ko sa mayordoma ng bahay.
"Hijo..." nakangiting bati niya at bumaba ang tingin sa dalawa kong anak. "Sila na ba ang sinasabi mo?" dagdag niya sa malumanay na boses.
"Sila nga, the eldest Warren..." pagpapakilala ko. "The youngest Wayne, come on greet them..." mahinang sambit ko.
Yumukod na parang prinsipe ang kambal kaya nagulat ako. "Buon pomeriggio, signora," magalang na pagbati nila sa salitang italian.
Nang tignan ko si Manang bakas ang pagkamangha sa kanya. Proud akong ngumisi at tinapik ang balikat ng kambal na nginitian ako at humawak sa kamay ko papasok sa bahay. Nakita ko kaagad si Troy na napahinto at napatingin sa akin akmang lalapit siya nang makitang may kasama akong bata.
"Troy, come on!" nakangising sambit ko at binuka ang braso ko para sa isang yakap.
"Daddy!" Si Troy sa masiglang boses at niyakap ako. "I missed you po..." dagdag niya sa mahinang boses.
Pinakilala ko sina Wayne at Warren sa kanya. Nagkasundo naman sila at inaya kaagad ni Troy na maglaro kaya nandoon na silang tatlo sa carpet. Nakita ko si Mommy kaya kaagad ako yumakap sa kanya na tinignan ang mga anak ko.
"Oh my Gosh! Sila na ba ang kambal?" mahinang bulong niya at humiwalay sa akin.
"Yes, they're Wayne and Warren..." nakangiting pagpapakilala ko sa mga anak ko na naglalaro.
Dumating si Shane galing kusina kaya naman napakunot ang noo ko dahil nandito pa rin pala ito kahit na nalaman na ng lahat kung anong ginawa niya. Iniwas ko ang paningin at pinuntahan ang kambal ko na naglalaro ng mga kotse at iba pa. Dumating ang gabi at nagsabay-sabay kaming kumain nina Daddy, hindi kami nagkausap nung gabing 'yun pero alam kong gusto niya akong kausapin.
"How old are you?" narinig kong pagtatanong ni Daddy.
"We're 6 years old, Senyor..." Si Wayne ang sumagot sa pormal na boses.
Napaubo ako maski si Daddy at naiiling na napatingin sa mga anak ko. "Martinez na may halong Valeria..." nakangising sambit niya.
Napangiti ako. "They can't speak tagalog fluently dahil mas sanay sila sa english and italian," paliwanag ko.
"That's why, kamukhang kamukha mo sila. Nahanap niyo na ba si Natasha? I got the news," si Mommy at tinignan ang kambal na tahimik na kumakain.
"Hindi pa Mommy, ang sabi ni Kent wala pa ring signs kung nasaan ba si Natasha. Ang huling kita sa kanya ay nakasakay sa kotse palabas ng mall," paliwanag ko.
Hinanap talaga namin ang lahat ng CCTV dahil wala talaga kaming makitang Natasha. Sa video nakita namin ang paglabas niya sa mall at pumunta sa kotse niya pero may nakita kaming mga lalaki na pawang mga nakasunod sa kanya, kaya ang conclusion namin ay kinidnapped si Natasha ng kung sino man.
"Tumutulong na rin kami sa paghahanap. Galit na galit si Tristan dahil ito ang unang beses na may nawala sa mga anak niya," seryosong sambit ni Daddy.
Matapos naming kumain ay naisip kong lumabas muna dahil ipapasok ko ang kotse ko sa garden. Lumabas ako suot ang jacket ko at kaagad lumabas ng gate, may naramdaman akong mga mata na nakamasid sa akin. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy pero isang kalabit ang nakapagpahinto sa akin.
Nang humarap ako isang malakas na suntok sa mukha ang natamo ko kaya kaagad akong nahilo. Tinignan ko kung sino 'yun at nakaitim na damit, suot na mask na mata lang kita, nakasumbrero, at babae? Tinigan ko 'yun at umilag sa pagsuntok niya sa tiyan ko. Sinalag ng kamay ko ang kamao niya kaya mas nakita ko siya sa malapitan at ganoon nalang ang gulat sa mata ko nang makita ang matalim na mata.
"Natasha..." mahinang bulong ko pero pinaikot niya ang braso ko kaya napadaing ako sa sakit.
Hindi ako kumilos dahil ayokong masaktan siya. Kasing lamig ng yelo ang mga mata niya at parang hindi niya ako kilala. Sinubukan kong kumilos pero natulos ako sa kinatatayuan ko ng may ipasok siya sa bulsa ng jacket ko habang ang bibig niya ay nasa tainga ko.
"Be safe, mi amor..." mahinang bulong niya at sinipa ang likod ko.
Napadaing ako sa sakit pero kaagad ring humarap para sana makita siya. Ngunit nagkamali ako dahil wala na siya, napakurap naman ako at napahawak sa tainga ko. Kinapkap ko ang suot kong jacket at kinuha ang isang pirasong papel na inilagay niya sa bulsa ko. Tinignan ko ang paligid at wala namang tao kaya mabilis akong pumasok sa kotse ko at binasa ang sulat na nilagay niya sa bulsa ko.
"Tieni le distanze da me e proteggi nostro figlio. Mi sono fidato di te." Napatanga ako nang basahin ko ang papel dahil hindi ko maintindihan ang nakalagay sa pirasong papel.
What does she mean? Alam kong siya 'yun dahil kabisado ko na ang bawat sulok ng katawan niya. I called Kent dahil siya lang ang makakapagpaliwanag sa akin kung ano ba ang nakasulat dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top