Chapter 54
Natasha's POV:
Lahat ng tao ay sa amin ang tingin at ngayon lang ako nahiya sa buong buhay ko. Hindi ko inaasahan na sisirain nila ang gabi na ito at dito pa mismo sila sa party ni Mommy. Napayuko ako dahil sa kahihiyan na natamo ko ngayong gabi nasa harapan ko si Wade na animo'y prinoprotektahan ako laban sa kanila. Hindi ako makapagsalita dahil sobrang pagod na pagod ako.
"No! Ni hindi nga siya pumunta sa burol at libing ng anak ko tapos ang saya saya niyo ngayon? Anong klasing pamilya ang mayroon kayo na hinahayaan ninyong sumama sa ibang lalaki ang anak ninyo. She have a fianceè!" Si Tita Lucy sa galit na boses.
"Sinabi nang wag mong sisigawan ang anak ko!" Si Mommy sa iritadong boses at humarang sa harapan ko.
Napalunok ako at tingnan ang mga media na kanya kanya ang kuha sa amin. Ang mga pinsan ko ay pilit akong tinatakpan dahil sa mga camera na nakatutok sa akin ngayon. Huminga ako ng malalim at hinawakan si Wade kaya kaaad siyang napatingin sa akin gamit ang nag-aalala niyang mata.
"Kaya ko." pagod akong ngumiti sa kanya at hinarap sina Tita.
"Lahat ginagawa ng anak ko para lang mabigyan ng hustisya si Emmanuel. Wala siyang kasalanan at wag niyong iipitin ang anak ko sa kasalanang hindi niya naman ginawa. Wala kayong karapatang pumunta dito para sirain ang gabi ko," si Mommy na naman at alam kong galit na talaga siya.
Hinarap ko sila. "Hindi niyo kailangang pumunta dito. Pwede nating pag-usapan ang tungkol sa kaso ni Emmanuel. Ginagawa ko ang lahat ng makakaya ko para na rin masigurong mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Emmanuel," mahinahong sambit ko.
Tinignan ako ni Tita gamit ang kanyang masamang tingin. Hindi ko alam bakit sila nagkakaganyan gayung noon pa man ay mabait at magaan ang pakikitungo nila sa akin. Alam kong kasalanan ko ang nangyari kay Emmanuel kung hindi ko sana sinunod ang puso ko malamang ay buhay siya at nandito siya sa tabi ko.
"Don't... call me that! You don't have the rights to called me that way. You're such a liar! Really? Sumama ka sa ibang lalaki habang ang anak ko hindi mapakali dahil ilang buwan kang nawala?" hindi ko alam kung nangiinsulto siya o sadyang nilalakasan niya ang boses niya para marinig ng lahat.
Huminga ako ng malalim. "Alam ko ang galit ninyo sa akin. Naiintindihan ko kayo pero sana pwede natin itong pag-usapan ng mahinahon at malumanay. Aaminin kong nagkamali ako dahil sumama ako kay Wade pero sana maintindihan niyo rin na hindi ako ang may inililihim. Inaamin kong may anak ako hindi ko ikinakahiya ang tungkol doon, noon pa man alam ninyo na iba ang kinikilos ng anak ninyo, alam niyo sa sarili ninyo kung ano ba talaga ang nangyayari sa anak ninyo," malumanay at mahinahong sambit ko sa kanya.
Hindi sila nakapagsalita at lahat ng pinsan ko ay napasinghap sa biglaang pagsasalita ko. Matapang ko silang tinignan at hinawakan ang kamay ni Wade na gulat na nakatingin sa akin.
"This is Wade..." I paused. "And he's the father of my twins. Hindi ko ikakahiya 'yun dahil alam kong hindi ko matuturuan ang puso ko. Nangako ako sa inyo na aayusin ko ang gulo ni Emmanuel at sasabihin ko sa kanya-"
She slapped. "How dare you to say that things to me! Hindi mo na nirespeto ang pamilya ko, ang anak ko! Talagang ipinagmamalaki mo pa ang tatay ng mga anak mo! Sa loob ng ilang taon ang anak ko ang umagapay sa'yo!" Si Tita Lucy sa nangingilid na luha.
I bit my lower lip and took a deep breath. Hinawakan ni Wade ang kamay ko at hinaplos ang namumula kong pisngi. Inaamin ko na masakit ang dalawang sampal na natamo ko kay Tita. Nangilid ang luha sa mata ko pero nagulat ako ng magsalita si Wade.
"Hindi niyo alam kung ilang gabing naghahanap ng ebidensya sa pagkawala ng anak ninyo. Everyday palagi siyang pumupunta sa amin para ipasa o iupdate ang mga kailangang ebidensya. Hindi niyo alam kung anong pagod ang naranasan ni Natasha para hanapin kung sino ang gumawa niyan sa anak ninyo. She's the most wonderful woman I've met kaya tama lang na inagaw ko siya mula sa anak ninyo," seryosong sambit ni Wade.
Kinagat ko ang labi ko at tahimik na nagpasalamat dahil nandiyan siya sa tabi ko. Walang sinabi si Tita at kaagad silang umalis ng hall at masama ang tingin sa aming lahat. Niyakap ako ni Wade at hinaplos ang buhok ko kaya naman niyakap ko siya pabalik dahil hindi ko na alam ang aking gagawin.
"It's fine... I'm here," He whispered softly on my ear.
Nakaupo lang ako dahil nahilo ako kanina. Lahat ng pinsan ko ay naka-alalay sa akin at alam kong marami silang tanong na gustong itanong sa akin pero nanatiling tikom ang kanilang bibig. Kanina ko pa napapansin ang masamang tingin ni Tita Shekinah at sana naman mali ang iniisip ko dahil sobrang pagod na ako.
"I'll take you home," mahinang sambit ni Wade at inalalayan ang bewang ko.
Naglakad kami at kasunod ang mga pinsan ko. Nakarating kami sa parking lot pero isang paghawak sa braso ko ang nakapagpatigil sa akin. Napatingin ako kay Tita Shekinah na habol ang kanyang hininga hindi pa ako nakakapagsalita ay isa na namang sampal ang natamo ko.
"Tita!" Si Stella na kaagad na pumunta sa unahan ko. "What's wrong with you?" pagtatanong niya na tila naguguluhan.
"Alam ko na ang lahat! Ikaw ang nagpabagsak sa kumpanya namin at ikaw ang bumili ng bahay ni Shane. Ganyan ka na ba talaga ha? Sa pagkakakilala ko sa'yo hindi ka ganyan. Bakit mo nagawang pahirapan ang anak ko? What the heck is wrong with you?" dire-deretsong sambit niya.
"Shekinah!" Si Tito at hinawakan ang asawa. "Pwede mo siyang kausapin ng maayos," mahinang bulong ni Tito.
Lumabas sila Mommy at ang Kuya ko at gulat rin silang napatingin sa amin. I sighed dahil mukhang sasabog na ang galit na iniingatan ko. Humarap ako at pinahiran ng tissue ang labi ko at naramdaman ko ang kamay ni Wade sa baywang ko paikot sa tiyan ko.
"Bakit hindi niyo tanungin ang maganda ninyong anak?" sarkastikang pagtatanong ko.
"Sinabi sa akin ni Shane ang lahat. Ikaw ang bumili ng bahay niya, ikaw ang sumira sa trabaho niya, at ikaw ang nagsara ng ilan sa mga shop niya!" Si Tita at nagulat sina Mommy sa biglang sinabi niya.
"Natasha?" nagtatakang tanong ni Mommy kaya naiiwas ko ang aking paningin.
Ngumisi ako. "Oh, the victim is here," sambit ko at tinignan si Shane. "Anong pakiramdam na ikaw na naman ang lumalabas na anghel sa ating lahat?" pagtatanong ko sa kanya.
Hindi siya nakasagot kaya binalik ko ang tingin kay Tita. "Naitanong niyo na ba ang ginawa ng magaling niyong anak sa akin?" nakangising tanong ko.
Hindi siya nakasagot sa akin at tinignan lang ako. I smiled at ramdam ko ang hininga ni Wade sa leeg ko kaya mas napanatag ako dahil alam kong nandito siya sa sa tabi ko.
"She steal my boyfriend. Naabutan ko sila sa condo ni Wade, mga kapwa nakahubad at sinabing may nangyari sa kanila ni Wade. Alam niyo ba kung ano ang nakakatawa?" ngingising sambit ko.
"Wag mong paikutin ang lahat ng sinasabi ko Natasha. Ikaw ang dahilan kung bakit depressed at nagkaroon ng sakit ang anak ko! Ikaw ang naghila sa kanya pababa at ikaw ang nagtanggal ng trabaho sa kanya. Even sa ibang bansa tinanggal siya ng dahil sayo kaya anong sinasabi mo?" galit na sambit ni Tita.
"Walang nangayri sa amin," si Wade ang nagsalita. "Pinalabas niyang may nangyari sa amin para hiwalayan ako ni Natasha. Pinalabas niya na ikakasal na kami kaya ako tumakas. At hindi rin ako ang tunay na ama ni Troy," seryosong sambit niya.
Lahat sila ay nanlalaki ang matang nakatingin sa aming tatlo nina Shane. Nakita ko ang pagyuko ni Shane at Tyler dahil alam nilang may kasalanan sila sa aming dalawa. Tinignan ni Tito Owen ang anak at ganoon rin si Tito Leo sa kanyang anak na babae.
"That's true," si Lucky na ang nagsalita. "You're such a whore sister, noon pa man gustong gusto mo na si Wade kaya naman you planned it at dahil alam mong gusto ni Tyler si Natasha ay ikaw mismo ang lumapit kay Tyler and there you made a Troy Ferrell and expose him in public para malaman ng lahat na anak ninyo ni Wade si Troy," She winked at me kaya ngumisi ako.
Hindi sila nakapagsalita at lahat ay nakatingin sa amin. Hinalikan ni Wade ang sentindo ko kaya mas lalo akong ngumiti. Isang suntok ang natamo ni Tyler sa kanyang Daddy kaya nagulat kaming lahat sa biglaang ginawa ni Tito.
"Get in the car, Now! Mag-uusap tayo," mariin na sambit ni Tito at lumakad papunta sa akin para yakapin ako. "I'm sorry hija," He murmured and smiled at me weakly.
Napapahiyang napatingin sa akin si Tita Shekinah kaya hindi ko siya tinignan. Isa-isa silang umalis dahil lahat sila ay napahiya sa biglaang pagsabog ko. Niyakap ko si Lucky pero isang malakas na putok ng baril ang narinig ko at napatingin ako sa bandang dibdib ko.
"Natasha!" Si Wade sa malakas na boses.
Napayakap ako kay Lucky habang napaawang ang bibig. Nabingi ako sa lakas at kanyang kanyang putok na ng baril ang narinig ko.
"Natasha! Fuck," si Wade at kaagad akong kinarga. "Lucky can you drive?" narinig ko pang tanong niya.
Tinignan ko kung sino yun pero mga kapwang nakasumbrero silang lahat. Nakita ko si Mommy at Daddy na nakikipagbarilan na sa mga taong hindi namin kilala. At napansin ko ang papel sa sahig kaya pilit kong kinuha 'yun at binasa.
"Watch your back," nanghihinang pagbabasa ko hanggang sa lamunin ng dilim ang buong paningin ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top