Chapter 50

Wade's POV:

Nang masigurong maayos na ang lagay ni Natasha ay umalis na ako dahil may kailangan kaming gawin sa Siargao. May nakapagsabi kasi sa amin na may lead daw na nandoon si Emmanuel at 'yung babaeng kasa-kasama niya. Kapag nalaman kong niloko niya si Natasha babasagin ko ang mukha niya sa mismong harapan ni Natasha. Naging mabilis ang pagsakay namin sa eroplano dahil free service naman sabi ng Chief namin.

Hindi ko alam bakit natutuwa ako na pupunta ako sa Siargao. Parang may naghihila sa akin na pumunta doon dahil piling ko may naghihintay sa akin sa mismong lugar na 'yun. Madami kaming ginawa sa buong linggo na nasa trabaho ako, hindi rin mawawala ang minsanang pagtawag sa akin ng mga magulang ni Shane.

Nakikiusap sila Tita na kung maaari ay puntahan ko si Troy o si Shane. Hindi pa rin pala nila alam at nakakatawa na hindi takot gumawa ng bata si Kuya pero takot na takot na sabihin na may anak na siya. Galit pa rin ako dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na niloko nila ako sa loob ng pitong taon.

"Hanapin ninyo ang posibleng puntahan ni Emmanuel sa buong isla. Kailangan nating makakuha ng ebidensya dahil alam ninyo ang sinabi ni Natasha. Hindi natin siya pwedeng biguin lalo pa't napakalaking kaso nito," paliwanag ni Chief.

Hindi rin nagtagal ay nakarating kami sa Isla. Napakaganda talaga ng Siargao at na-alala ko palagi kaming nandito ni Natasha kapag monthsarry namin. Huminga ako ng malalim at kaagad na bumaba dala ang duffel bag ko. Ilang araw daw kami dito kaya naman nagpaalam ako kay Natasha na kaagad rin namang pumayag.

Kitang kita mula sa kinatatayuan ko ang payapang dagat. Marami rin ang dumarayo dito dahil sa napakagandang ambience ng buong isla. Naglakad kami at may nakikita pa akong mga kakilala kaya naman ngumingisi nalang ako sa kanila. Pumunta kami sa hotel kung saan kami mananatili ng tatlong araw.

"Bukas na bukas rin maguumpisa tayo. Alam kong pagod kayong lahat at bibigyan ko nalang kayo ng oras para makapaghanda," sambit niya at sumaludo naman kami sa kanya.

Kaya naman buong maghapon nagpahinga kami. Kausap ko lang si Natasha buong magdamag kaya naman hindi ako nabored sa suit ko. Buong maghapon rin naghanap kami at nagtanong sa mga tao dito dahil sikat na modelo si Emmanuel at hindi kami mahihirapan sa pagtatanong sa kanya.

"Madalas nga po siyang nandito sa isla. Madalas ay may binibisita siya dito at ang natatandaan ko ay dalawang bata 'yun. Minsan po ay kasama niya si Ma'am Natasha dahil palagi silang nasa dagat," paliwanag ng staff ng hotel.

Napataas ang kilay ko dahil nabanggit niya si Natasha. Palaging nasa dagat ha? Tumango ako sa babae at lumipad na naman ang utak ko kung papaano nagkasama sila ni Natasha nang ilang taon. Tinatanong ko pa rin sa kanya kung talaga bang may naramdaman siya kay Emmanuel sa loob ng pitong taong magkasama silang dalawa.

Kumikirot ang puso ko. Bigla ay nakaramdam ako ng insekyuridad dahil kahit saang anggulo tignan ay mas nakasama niya si Natasha kaysa sa akin. Tanga mo kasi Wade hindi ka nag-iisip. Pero teka? Sinong dalawang bata na binibisita ni Emmanuel? Kailangan kong malaman 'yun.

Kinabukasan ay naghanda na kami para sa paghahanap namin ng anong bakas na nag-uugnay kay Emmanuel. Nagbihis ako ng maong shorts at isang black v-neck t-shirt na paborito ni Natasha. Bumaba ako at sumakay sa elevator nang bumukas ang pinto ay kaagad akong pumunta sa lamesa kung nasaan silang lahat.

"Bro, usap-usapan ka dito. Madaming chicks na nag-aabang sa'yo," pagkukuwento ni Clever.

Napakunot naman ang noo ko. "Hindi ako interesado," simpleng sambit ko sa kanya.

Tumawa si Brent. "Bantay sarado niyan si Miss Natasha kaya naman wala siya palagi sa office," natatawang sambit niya.

I smiled. "Buntis kasi kaya kailangan kong bantayan," sambit ko at nagulat naman silang lahat.

"Bro totoo ba?" Si Brent sa gulat na boses. "Akala ko talaga gawa-gawa lang, totoo na pala," dagdag niya.

Kanya kanya silang pagbati sa 'kin kaya natawa ako. Lumipas rin ang oras at kaagad kaming naghanda dahil nandito kami upang magtrabaho. Kanya kanya kaming pagtatanong sa mga staff na kilala naman si Emmanuel at kagaya ng napagtanungan ko kanina lang madalas na magkasama si Natasha at Emmanuel dito kaya naman pinipigil ko ang sarili ko na magselos.

"May malaking villa dito si Ma'am Natasha at doon sila namamalagi kapag pumupunta dito. Madalas ay may mga kasama sila pero madalas talaga ay silang dalawa lang," aniya ng isang bangkero.

Tumango ako. "Wala ba kayong napansin na kakaiba kapag napunta dito si Emmanuel. Kasamang babae bukod kay Natasha?" pagtatanong ko.

Umiling siya. "Wala naman po bukod kay Ma'am Natasha wala na po akong ibang nakita," aniya.

Dumating ang hapon at pagabi na rin kaya lahat kami ay kumain muna. Binusog ko rin ang sarili ko sa magandang tanawin na nasa harapan ko. Nagpahinga ako sandali at nagtipa sa laptop ko dahil ako ang naataasan sa paglagay ng ilang impormasyon sa  lahat ng nalaman namin.

"Wade! Nandito girlfriend mo!" Si Brent na nag-abala pang puntahan ako sa loob.

Napaawang ang labi ko at tinignan ang tinuturo niya. Napakurap ako ng makita si Natasha wearing a white shorts, black sports bra and her flat sandals. Tumayo ako at dinala ang laptop ko para mas makita siyang may kinakausap na babae.

"Ang ganda niya pala talaga kapag malapitan," si Clever na sumunod kaagad sa amin.

Napatingin siya sa 'kin at kagaya ko ay napaawang ang labi niya at tinanggal pa ang shades niya para mas makita ako. Hinalikan ko ang pisngi niya at pinasadahan ng tingin ang katawan niya, umaangat ang kilay ko.

"Y-you're here," nagugulat na tanong niya at tinignan ako.

"Yes, akala ko ba masama ang pakiramdaman mo? Bakit ka nandito?" pagtatanong ko sa kanya at hinawakan ang bewang niya.

She sighed. "May pinuntahan lang ako dito. Tapos na ba ang trabaho mo?" pagtatanong niya.

"Hindi pa may mga inaasikaso lang ako sa laptop ko. Ikaw? Sinong pinuntahan mo?" nanliliit ang matang tanong ko.

She lean on me and whisper. "Secret," nakangising bulong niya at lumayo.

Kumunot ang noo ko sa kanya at hinawakan ang kamay ko. Nagtataka ko siyang tinignan dahil seryoso ang mukha niya habang naglalakad kami. Suwabeng sumakay sa jetski at tinignan ako kaya wala akong nagawa kung hindi ang sumakay sa likuran niya. Kumaway ako kay Brent na napapailing habang nakatingin sa akin. Yumakap ako sa bewang niya at pinatong ang baba sa balikat niya.

"Saan mo ako dadalhin?" pagtatanong ko sa kanya.

"Ang sabi mo anniversary natin ngayon kaya may ipapakita ako sa'yo," mahinahon ang boses niya at binilisan ang pagpapatakbo ng jetski.

Nakarating kami sa malaking villa at napanganga ako sa ganda nito napakasimple. Bumaba ako at inalalayan siyang makababa habang nakatulala pa rin sa labas. I looked at her na ngumiti ng matamis at may tinuro sa kung saan. Napatingin ako doon at natigilan ng may makita akong dalawang batang lalaki at parehong nakatingin sa 'kin. Ang isa ay nakaaawang ang labi habang ang isa ay titig na titig sa'kin.

"Happy anniversary," si Natasha at hinawakan ang kamay ko papunta sa dalawang bata.

Ang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Nangilid ang luha sa mata ko dahil kahit hindi ko tanungin kung sino sila ay alam ko na kaagad. Kamukhang kamukha ko silang dalawa mula sa pilikmata hanggang sa mga labi nila kuhang kuha nilang dalawa.

"This is Wayne and Warren..." Si Natasha at tinignan ang dalawang batang nakatingala sa akin. "This is your Daddy..." gumaralgal ang boses ni Natasha habang hawak ang dalawang bata.

Nanghina ang tuhod ko at suminghap dahil kinakabahan ako sa kanila. Lumuhod ako at niyakap silang dalawa habang umiiyak sa balikat nila. Mga anak ko, hindi ko alam na may kambal ako. I cried at them at naramdaman ko ang maliit nilang kamay na yumakap pabalik sa akin.

"Daddy," isang maliit na boses ang bumulong sa akin. "Our daddy," mahinang bulong niya at niyakap ako.

Nagsisimula na silang umiyak kaya mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanilang dalawa. Naririnig ko ang hikbi nilang dalawa kaya umupo ako sa buhangin at niyakap silang dalawa. For almost 7 years nangulila ako ng husto dahil wala si Natasha tapos ngayon ito ang madadatnan ko.

"Yes... I'm your daddy," humihikbing sambit ko at tinignan silang dalawa.

Tinignan ko si Natasha na naka-alalay sa dalawang batang nakatingin sa akin. She smiled and nod her head kaya mas lalo akong napaiyak kaya suminghap ako at hinawakan ang dalawang maliliit nilang kamay. Huminga ako ng malalim.

"T-they're 6 years old at hindi sila masyadong marunong magsalita ng tagalog. S-sinabi ko na rin sa kanila ang tungkol sa iyo ilang araw lang nakalipas. Patawarin mo ako kung tinago ko sa'yo ang tungkol dito," Si Natasha na pinipigilan ang pag-iyak habang nakatingin sa akin.

"Mag-uusap tayo mamaya," may halong pagbabantang saad ko sa kanya na tumango.

Kinarga ko ang dalawang bata at pumasok sa loob dahil malamig na sa labas. Titig na titig silang dalawa sa akin hanggang sa hinubad ko ang damit nila dahil sa pawis. Para akong nabuhayan dahil nakita ko sila, sa wakas mayroon na akong magiging lakas maliban kay Natasha. Kinagat ko ang labi ko at nagsalita.

"I'm sorry," paumanhin ko sa kanila at hinawakan ang dalawa nilang kamay. "I... didn't know about this," mahinang bulong ko.

Wayne hugged my arm. "Daddy it's nice to meet you po...Mommy told us about you and we...are excited to see you," humihikbi na namang sambit niya.

Tumango ako at kinarga siya sa bisig ko. May nunal si Wayne sa gilid ng labi at sa gilid naman ng mata ang kay Warren. Nalito pa ako pero kinabisado ko ang mukha nilang dalawa. Niyakap ko silang dalawa at napapikit dahil ang sarap sa pakiramdam.

"I promised, I'll make it up to your okay?" mahinahong sambit ko at hinalikan ang ulo nilang dalawa.

"You won't leave us right?" Si Warren na mahigpit ang yakap ang kapit sa kamay ko.

Suminghap ako. "No, never," sambit ko sa kanya na tumango at tahimik na niyakap ang kamay ko.

I looked at my girl. Titig na titig siya sa aming tatlo habang pinipigil ang emosyon. Huminga ako ng malalim dahil naiinis ako sa kanya, tinago niya ang mga anak namin. May parte sa akin ang masaya dahil kumpleto na kami at may bago pang baby. Tinignan ko si Natasha na nakanguso na sa akin at alam kong guilty siya sa ginawa niya. Mamaya ka sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top