Chapter 5
Natasha's POV:
Maaga akong nagising para asikasuhin sina Warren at Wayne lalo pa't kailangan rin namin pumunta sa Italy ngayong araw. May trabaho ako sa Italy at kailangan kong magpunta roon dahil gusto akong makita ni Tita Amara. Tinali ko ang buhok ko at tinignan si Emmanuel na tulog na tulog pa habang yakap ang unan sa tabi niya. Napangiti ako at kaagad na pumunta sa kwarto nila Wayne.
Pinihit ko ang seradura at nakita ang kambal na mahimbing pa rin ang tulog. Ngumiti ako at nagdahan-dahan sa paglapit para hindi ko sila magising, malakas kasi ang pakiramdam ni Warren kaunting kaluskos nagigising na kaagad. Umupo ako sa kama at hinaplos ang noo nilang dalawa at pinakatitigan kahit natutulog kamukha pa rin nila ang ama nila.
Nung umalis ako papunta sa Italy naging mahirap para sa'kin, I was so hurt that time. Isang kalabit ay talagang sasabog na ako, I tried so many times to save our relationship but I'm just so tired to fight. Sobra na akong nadudurog at hindi ko alam kung paano ako makaka-ahon sa sakit na iniwan niya. I gave him everything that night before I left him in my condo.
Wala akong inisip kung hindi ang makalayo sa magulong mundo na 'yun at alam ko na gustong gusto ni Wade na umalis kami at manirahan sa ibang bansa. 'Yun ang gusto niya at hindi ako pumayag dahil gusto kong maisip niya ang magiging problema kapag iniwan niya ang pamilya niya. He had a responsibility for Shane, kada pipikit ako naiisip ko lang ang nangyari sa condo ni Wade. Naninikip ang dibdib ko sa sakit at gusto ko silang saktan ng paulit-ulit kagaya ng ginawa nila sa'kin.
"Momma?" nabalik ako sa ulirat ng magsalita si Warren.
Napatikhim ako. "Hmm?" mahinang bulong ko.
Ngumuso s'ya pero nakakunot ang noo, dahan dahan s'yang bumangon kaya inalalayan ko pa sa pagbangon. Nginisian ko lang s'ya na yumakap sa'kin at sumiksik na naman sa leeg ko at panay ang amoy. Natawa ako ng mahina.
"Good morning, how's your sleep ha?" tanong ko habang hinahaplos ang likod niya.
"I'm good po, momma. Why are you sad momma? Is there something wrong momma?" He said murmuring on my neck.
"How did you know that I'm sad, Warren?" pagtatanong ko halos ngumiti na.
He looked at me and cupped my both cheeks as he stared at me. I can see's Wade's face on him kaya kailangan ko pang kumurap para matitigan s'ya. He pouted and kiss my lips.
"Momma, I'm watching you everytime you look at me. Your eyes momma, it's sad..." mahinang boses niya. "Why are you sad momma everytime your looking at me? Did I do something wrong momma?" dagdag niya sa nagtatanong na boses habang nakatingin sa mga mata ko.
Kasi kamukha mo ang papa mo, Warren. "No, don't think about that. You're a blessing to me so why would I be sad huh?" tanong ko habang nakataas ang kilay.
Napatingin kami kay Wayne na kusot kusot ang mata, nagliwanag lang ang mata nang makita ako. Mabilis s'yang bumangon at natumba pa kaya natawa ako kaagad siyang kumandong sa'kin at humalik sa labi ko bago binaon ang mukha sa balikat ko, sa kanilang dalawa, si Wayne ang malambing while si Warren ay nahihiyang maglambing sa'kin at gusto kaming dalawa lang ang naglalambingan.
"Good morning, momma!" Si Wayne sa masiglang boses at niyakap ako ng mahigpit.
"Goodmorning, handsome..." nakangiting saad ko.
Kinarga ko silang dalawa at lumabas ng kwarto, naabutan ko si Emmanuel na nagluluto sa kusina and he's topless. Kitang kita ang pagflex ng muscle niya sa likod kaya pinilig ko ang ulo ko ng may maalala na naman. My boys greet him jayay nginitian ko nalang s'ya at nilapag ang dalawa sa upuan na para sa kanila. Umupo na rin ako at inayos ang plato na nasa harapan namin.
"Anong oras ang flight mo?" tanong ko sa kanya matapos niya halikan ang noo ko.
"10am, why? Hahatid niyo ako sa airport?" nakangising tanong niya at tinaasan ako ng kilay.
"Kung gusto mo, bakit hindi?" ngumisi ako pabalik.
"Damn, girl. Your so sexy when you smirk..." bulong-bulong niya habang nakatalikod kaya natawa ako at napailing.
Pagkatapos naming kumain ay ako na rin ang naghugas ng mga plato dahil kailangan niya pang mag-impake. Dalawang buwan daw s'ya sa Madrid dahil sunod sunod ang shoot nila, sikat na sikat s'ya dito sa ibang bansa at marami rin ang kumukuha sa'kin pero tinatanggihan ko. I don't want attention at sapat na sa'kin ang mag-alaga sa mga anak ko kaysa sa pagm-modelling.
"Hey," mahinang tawag ko kay Emmanuel na nakatalikod sa'kin.
"Hey, honey?" tanong niya habang nakataas ang kilay.
Tinulungan ko s'ya sa pagtupi ng damit kaya tinignan niya ako. Tinaasan ko lang s'ya ng isang kilay kaya napailing s'ya sa'kin at nagtupi na ng mga sweaters na gagamitin niya. Baka ilang buwan rin kami sa Italy depende kung gusto ni Tita Amara na mag stay ako doon. Saski si Tita kung paano ako magbuntis at halos lahat ng pangangailangan ko ay s'ya ang pumupuna.
"I'm leaving but it doesn't mean na pwede mo na akong palitan..." sambit niya, kunot ang noo.
"Bakit mo iniisip ang ganyan?" tanong ko at napatitig sa kanya.
He looked at me. "I trust you so much, Natasha but I don't trust people around you..." seryosong sambit niya at hinawakan ang kamay ko.
"Dalawang buwan ka lang naman sa Madrid diba? Nasa Italy lang ako nun kaya hindi mo kailangang mag-alala," paniniguro ko sa kanya at pinisil ang kamay niya.
"You're my fianceè kahit na alam nating dalawa kung ano talaga. I just want to make sure na hindi ka maagaw sa'kin..." saad niya at bahagyang ngumuso.
"I don't like possessive person, Emmanuel and I hope you know that too..." seryoso ring saad ko kaya huminga s'ya ng malalim.
He hugged me. "I'm sorry, honey. I just... can't help it. You're a Martinez at kahit saan tayo napapadpad tinitingala ka at ayoko lang na... bigla kang mawala sa'kin..." mahinahon ang boses niya.
"Tss..." pagismid ko kaya natawa naman s'ya at hinalikan ang labi ko na matagal bago ko tinugon. "Wala naman sa'kin ang mga tao, hindi ko gusto ang atensyon..." dagdag ko at hinaplos ang buhok niya.
Matapos naming mag-usap ay naghanda na rin ako para na rin deretso kami sa Italy. Kinausap ni Emmanuel ang dalawa bata na tumango tango lang sa kanya, napailing nalang ako sa kakulitan ni Emmanuel na ang sabi pa ay bantayan ako ng mga anak ko. Kinarga ko si Wayne at dinala ang bag naming tatlo para deretso kami sa Italy.
"Let's go..." saad ni Emmanuel at hinila na ang maleta.
Sumakay kami sa elevator at panay ang kwento ni Warren tungkol sa napanood niyang cartoons kanina. Si Wayne naman ay panay ang kain doon sa hawak niya, bumaba kami at kaagad kaming tinulungan ng mga tao sa hotel. Mabuti nalang at nandito na si Icarus kaya hindi na ako nahirapan. Inayos kong mabuti ang seatbelt nilang dalawa bago ako pumunta sa passenger seat.
"Tara na..." saad ko kay Icarus na tumango sa'kin.
Tahimik ako at pinaglalaruan ang labi ko, everytime we kissed para akong sinisilaban at para akong napapaso. I always spacing out, wala kasi akong maramdaman sa halik niya kaya lagi niyang napupuna 'yun. I can't help alright, hindi na siguro ako nasanay na may humahalik sa'kin bukod sa kanya. Sinuklay ko ang buhok ko at kaagad na lumabas ng makarating kami sa airport.
"Sige na, you can call me if you want..." saad ko kay Emmanuel na nakayakap na naman sa'kin at panay ang halik sa ulo ko.
"Okay, see you after two months okay? Take care..." mahinang saad niya at hinaplos ang pisngi ko.
Kumaway lang ako sa kanya matapos s'yang tawagin para sa flight niya papuntang Madrid, nang makaalis s'ya ay mabilis na akong pumunta sa mga anak ko para buhatin sila. Mamaya na ang flight namin kaya naman kailangan naming magmadali at baka malate kami.
"Momma? We're gonna ride on the airplane?" pagtatanong ni Warren.
"Yup! We're gonna ride that..." saad ko sa kanya habang karga silang dalawa.
Tumango lang ako sa mga bumabati sa'kin at nahihiya ako at hindi ko nalang rin pinansin ang mga ilan. Ang iba ay nagugulat pa dahil may dalawa akong karga na batang makulit, hindi ko na sila pinansin. Inalalayan ako ni Icarus papunta sa VIP seat para sa aming tatlo.
"Wow!" namamanghang saad nilang dalawa habang nakaupo na sa kanilang mga upuan.
Umupo na rin ako at hinawakan ni Warren ang kamay ko, napatingin ako sa kanya. Nakanguso s'ya sa'kin kaya nginitian ko lang s'ya at hinawakan ang maliit niyang kamay. Napasigaw si Wayne ng umandar ang eroplano kaya hinawakan ko ang kamay niya.
"Calm down okay? Momma's here..." saad ko sa dalawa.
"I'm scared momma..." mahinang bulong ni Warren habang nakasiksik na sa gilid ng dibdib ko.
I hushed them both until they calm. Napahinga ako ng malalim dahil hindi sila sanay bumyahe and they're just 5 years old kaya nag-iingat ako sa kanila. Ilang oras ang byahe na puro kain ang dalawa ng kung anu-ano at para malibang, nanonood nalang sila sa tablet ng kung anu-ano. Panay na ang tawa nila kaya kumalma na ako at pinanood sila.
"Here's your juice Ma'am..." saad ng isang flight attendant.
"Thank you," sambit ko at ininom ang juice ko habang nagtitipa sa laptop ko.
Ilang oras rin ay nakarating na kami sa Italy at huminga ako ng malalim at inasikaso na kaagad ang kambal. Panay ang puri nila sa eroplano at panay ang tingin sa kanila ng mga tao, hindi ko sila masisisi kung panay ang kuha nila ng pictures. They're half American-Italian kaya hindi na ako nagulat ng puriin sila ng mga turista.
"Here, Lady..." saad ni Icarus at minuwestra ang itim na SUV sa harapan namin.
Sumakay ako at ang malamig na simoy ng hangin ang nanunuot sa balat ko. Sumakay ako at agad na inayos ang dalawa, panay naman ang tingin nila sa bintana dahil sa magandang tanawin sa labas. Pinahinga ko ang ulo ko sa upuan at panay ang tapik ng daliri sa hita ko, rinig ko pa ang usapan ng dalawa na panay ang turo sa labas.
After a long ride nakita ko na ang kastilyo namin, matatag at matayog pa rin. Malaki pa sa ibang kastilyong nandito sa Italy, kaagad akong bumaba habang hawak ang cellphone ko. Napahinto lang dahil may nahagip ako sa Instagram ko at para akong nakalutang. Wade's kissing a girl on the bar kapwa pa silang nakatayo at nagsasayaw sa loob at kitang kita ko ang pagngisi ni Wade sa mga nagv-video sa kanila.
"Stop that!" Si Wade sa natatawang boses at hinapit ang balakang ng babaeng nakangisi. They both drunk.
Nakagat ko ang labi ko at inalis ang tingin doon, kagabi pa ang video, kinuyom ko ang kamao ko. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, kung hindi ka magbabago kakalimutan kong ikaw ang ama ng mga anak ko. Mas lalo mo akong ginagalit Wade.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top