Chapter 46
Wade's POV:
Nagising nalang ako na nasa hospital ako at nakabandage ang ulo. Hindi ko maalala ang nangyari kasi masyado ata akong nalasing kaya wala akong ma-alala sa nangyari sa 'kin. Good thing my Mom told me that I was drunk and my car crashed to the tree and my head got a big bruise because of the impact. Pagkatapos kong malaman ang lahat hindi ko alam, para akong mababaliw dahil sa loob ng pitong taon ngayon ko lang nalaman ang lahat.
I'm so mad. Para akong mababaliw sa kakaisip kung bakit ginawa nila sa 'kin ang ganito. Hindi ko alam kung bakit kailangan nilang idamay ang inosenteng si Troy sa lihim nila. Wala pang may alam sa nangyayari at kaming tatlo pa lamang nila Kuya ang may alam dahil paniguradong magagalit sila Mommy sa kanya.
"Kumain ka muna," sambit ni Shane at talagang ang kapal ng mukha niyang magpakita sa 'kin.
"Why are you here?" tanong ko sa malamig na boses.
Ang sabi ni Mommy dalawang araw na daw akong natutulog dahil naubos daw ang lakas ko kaya naman ganoon nalang kahaba ang tulog ko. I feel bad because Mommy is very nervous the moment she knew about what happened to me. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari kay Troy dahil iniwan ko s'ya sa condo habang natutulog sa kwarto niya.
"Nasaan si Mommy? Bakit ikaw ang nandito?" pagtatanong ko at tinignan s'ya na inaayos ang mga pagkain ko.
"Tinawagan ako ni Tito na ako muna ang magbantay sa'yo dahil wala sila. Mamaya pa daw sila uuwi kaya ako muna ang nandito sa tabi mo," sambit niya at kinuha ang tray.
"I don't need your presence here. Go back to Troy," sambit ko sa kanya na pagod akong tinignan.
"Troy is with Tyler," mahinang bulong niya.
Huminga ako ng malalim at kaagad na hinanap ang cellphone ko. I need my girl, gusto kong s'ya ang mag-alaga sa 'kin. Tinignan ko ang side table dahil wala ang gamit ko doon. Nagpalinga-linga ako sa buong kwarto dahil kailangan kong maka-usap si Natasha.
"Give me my phone," sambit ko sa kanya na umiiling sa 'kin.
"No, ang sabi ng doctor bawal ka daw mag-cellphone dahil baka sumakit ang ulo mo," sambit niya sa galit na boses.
"I want to talked to Natasha! Grab your phone and called her because I need her more than you!" sambit ko gamit ang galit na boses.
"No! Ako ang nandito kaya ako ang mag-aalaga sa'yo! Hindi mo kailangan si Natasha o kahit sino pa man," singhal niya at tinignan ako ng masama.
Sakto naman ang pagbukas ng pinto at bumungad si Mommy at si Tita Shekinah. Nagulat si Mommy kaya mabilis niya akong niyakap kaya inalalayan ko ang likod niya dahil baka matumba. I heard her murmuring some words kaya naman niyakap ko ng mahigpit si Mommy at hinalikan ang noo niya.
"You make me worried! I hate you..." She cried kaya kinagat ko ang labi ko at niyakap s'ya.
"I'm sorry Mom..." I paused. "I'm sorry," napapikit ako dahil sa dumaang kirot sa ulo ko.
"Are you okay? Do you need anything? Tell me, I'm so worried about you," sambit niya at tinignan akong mabuti.
"I need Natasha," seryosong sambit ko sa kanya.
Suminghap si Mommy at maski si Tita Shekinah. Seryoso kong tinignan si Mommy dahil alam niya na si Natasha lang ang makaka-pagpaamo sa 'kin. Narinig ko ang tikhim ni Tita kaya bumaling ang tingin ko sa kanya.
"Hijo, nandito naman si Shane para alagaan ka. Baka maistorbo natin si Natasha dahil alam ko nasa trabaho s'ya," mahinahong sambit ni Tita.
"No," galit na saad ko. "I need her! I don't need that freaking liar!" sigaw ko at tinuro si Shane na nanlalaki ang mata.
"Wade!" sabay na sigaw ni Mommy at ni Tita sa 'kin.
"Called Natasha for me. Kung ayaw niyong huwag akong uminom ng gamot," pagbabanta ko sa kanilang dalawa. "Now!" sambit ko sa iritadong boses.
"Wade, I'm here! Hindi mo kailangan si Natasha!" si Shane sa galit na boses.
Humiga ako at tinakpan ang mukha ko gamit ang braso ko. Wala akong pinakinggan sa kanilang tatlo dahil gusto kong si Natasha ang nandito. Gusto ko s'yang yakapin at maglabas ng problema sa kanya dahil pagod na pagod na ako sa lahat.
"O-okay... I called her," sambit ni Mommy kaya tumango ako dahil 'yun ang gagawin ko kung mahanap ko ang cellphone ko.
Tinignan ko si Mommy at pinakita niya pa sa 'kin ang cellphone para sa proof. Dismayado akong tinignan ni Tita na yakap na si Shane na umiiyak. Iniwas ko ang paningin sa kanya at napabangon dahil narinig ko na ang boses ni Natasha.
[Hmm? Yes, Tita. What can I do for you?] malamig ang boses ni Natasha. And I swear! I really missed her.
"Uh, can you go here hija? Wade is looking for you," sambit ni Mommy at nilagay na sa tainga ang cellphone niya.
Hindi rin nagtagal ay hinintay namin ang pagdating ni Natasha at nasasabik na akong makita s'ya. Dumating si Mommy at ngumiti sa 'kin at nakita ko na si Natasha sa likod niya. Umayos ako ng upo at tinignan s'ya na nakasuot ng isang off shoulder longsleeve dress na hanggang ilalim ng tuhod niya. Napasinghap ako dahil sobrang ganda niya, araw-araw naman.
"Natasha," gumaralgal ang boses ko sa pagbanggit ng pangalan niya.
Nakita ko ang pagharang ni Shane at tinignan si Natasha na napatingin sa kanya. Nararamdaman ko ang tensyon sa pagitan nila kaya naman tumikhim ako at tinignan si Natasha na ngumisi kay Shane.
"It's been a long time," si Natasha gamit ang sarkastikang boses.
"What are you doing here? Bakit ka pa pumunta dito? Kayang kaya kong alagaan si Wade!" si Shane sa galit na boses.
"He called me so what's your problem?" kumunot ang noo ni Natasha at nilagpasan s'ya.
Pagkalapit na pagkalapit niya ay mahigpit kong niyakap ang bewang niya. Narinig ko ang pagsinghap niya at natigilan, binaon ko ang mukha ko sa dibdib niya at umiyak dahil namiss ko s'ya. Hindi s'ya gumalaw pero hinayaan niya lang akong yakapin s'ya. Sobrang sarap sa pakiramdam na nandito s'ya sa tabi ko.
"You're here," mahinang bulong ko at pinagmasdan ang mukha niyang walang emosyon.
Nagkatinginan kaming dalawa pero umiwas ako ng tingin dahil medyo nahiya ako. Nahihiyang nilayo ko ang sarili ko at pinunasan ang luha sa mata ko. She never looked at me like that, she's so freaking cold towards me and I don't like it.
"Can you leave us alone?" sambit niya, diretso ang tingin sa 'kin kaya napalunok ako ng matindi sa uri ng tingin niya.
"What? No!" si Shane sa galit na boses.
"Tita, please?" naging mahinahon ang boses ni Natasha at bakas rin ang pagod sa mga mata niya.
Humalukipkip s'ya sa gilid ko pagkatapos umalis nila Mommy at pinagmasdan ako. Hindi ko alam kung titig ba ako sa kanya pabalik o iiwas nalang? Ayoko talagang tinititigan niya ako ng ganyan kasi kinikilig ako. Bakla man sa pandinig pero 'yun talaga ang totoo kasi parang ako lang ang nakikita niya at wala ng iba pa.
"Anong nangayri?" kalmado ang boses niya kaya napatingin ako sa kanya.
Lumunok ako. "My car crashed on the pine tree. Hindi ko alam kung anong nangyari because I was drunk that night," pagkukuwento ko sa kanya.
"Bakit ka naglasing?" sunod na tanong niya at kumalabog ang puso ko sa kaba.
Iniwas ko ang paningin ko at ramdam na ramdam ko ang talim at talas ng tingin niya. Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan na sabihin sa kanya.
"I know the truth now..." I paused. "Hindi ako ang ama ni Troy. It was Kuya, s'ya ang tunay na ama ni Troy," mahinang sambit ko sa kanya.
Narinig ko ang malalim niyang paghinga kaya napatingin ako sa kanya. Gulat na gulat ang mukha niya at tinignan ako, tumango lang ako sa kanya at kinunot ang noo ko dahil nangingilid na naman ang luha sa mata ko.
"Walang nangyari sa'min 7 years ago. It was their plan to make us separated," mahinang sambit ko sa kanya.
"H-how? I-it was positive that Troy is yours! Don't lie to me," naguguluhang sambit niya.
"I'm not lying to you. Nung gabi ko nalaman ang lahat dahil sinundo ko si Troy sa school niya at naabutan ko sila Shane na magkausap. I heard it all at hindi ako gumagawa ng kuwento dahil nagsasabi ako ng totoo," napapagod na sambit ko sa kanya at huminga ng malalim.
"P-paano? P-paano nila nagawa sa'tin 'to? Nasaan si Troy? Is he okay?" pagtatanong niya.
Napatingin ako sa kanya dahil noon pa man mahal na mahal ni Natasha si Troy. Siya palagi ang nagbibigay ng laruan kay Troy at kung minsan kasama namin s'ya kapag aalis kami. Kitang kita ko ang pag-aalala sa mata niya kaya dumagdag na naman ang paghanga ko sa kanya.
"I left him when he was asleep. He didn't stop crying at hindi niya rin matanggap na hindi ako ang Daddy niya. I was struggling explaining to him dahil alam kong hindi niya maiintindihan," sambit ko sa kanya.
"W-wala talagang nangyari sa inyo? You're both naked when I saw you then, we both decide to have a DNA test just to make sure na sa'yo si Troy. What the heck?" nalilitong sambit niya at napaupo sa gilid ng kama.
"Hindi ko alam dahil alam kong lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko. You knew me when I'm drunk at alam kong alam mo na hindi ako nanghahalik ng babae kapag hindi mo ka-amoy," sambit ko sa kanya.
Natahimik kami at mula sa kinauupuan ko kitang kita ko ang pagtulala niya. Marahil hindi rin s'ya makapaniwalang nagawa sa kanya ng sarili niyang pinsan ang lahat ng 'to. Hinawakan ko ang kamay niya at pinakatitigan 'yun dahil hindi ko matanggap na puro kasinungalingan ang nangyari sa'ming dalawa.
"Naniniwala ka na ba sa 'kin?" mahinahong tanong ko sa kanya.
She sighed. "Naguguluhan pa rin ako. Pero naging sapat para sa 'kin ang paliwanag mo. Imagine, we separated 7 years ago and now you're telling me the bomb," sambit niya at tinignan ang kamay naming dalawa.
Kinagat ko ang labi ko at marahang pinagsalikop ang mga daliri naming dalawa. Tinignan ko s'ya at ganoon rin s'ya sa 'kin nagiging payapa talaga ang puso ko kapag nakikita ko ang maamo niyang mata. Pakiramdaman ko ay ako lang ang nakakapag-paamo sa kanya, sa isang tagapagmana ng mag-asawang Martinez.
"Please, let's fixed this relationship. Magsimula ulit tayong dalawa," mahinahong sambit ko sa kanya at hinalikan ang kamay niya.
She smiled. "Sa'yo pa rin talaga ako babagsak," mahinang sambit niya kaya natawa ako at niyakap s'yang muli.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top