Chapter 44

Wade's POV:

Hindi ako pinapansin ni Natasha sa loob ng ilang araw na nakakasama ko s'ya dahil sa kaso ni Emmanuel. Kahit anong kausap ko kay Natasha ay ayaw niya kaya naman si Shane ang palagi kong kasama dahil nagbabanta na naman si Shane. Kaya imbes na ipahamak ko ang pangalan ni Natasha ay hindi nalang ako lumapit sa kanya o kausapin man lang s'ya. Kapag nakakakuha ako ng pagkakataon ay pumupunta ako sa kumpanya niya o hindi kaya ay sa coffee shop.

Naging abala ako sa trabaho at hindi ko na napapansin ang oras dahil sa seryosong kaso ni Emmanuel. Palaging nakadikit sa 'kin si Shane kaya naman hindi ako makagalaw ng maayos. Kumalat rin ang pictures namin ni Natasha na nasa restaurant at ang pagpunta namin sa condo ko at lahat ng 'yun ay ginawan nila ng kahulugan.

Kinausap ako ni Mommy na ako nalang daw ang mag-adjust kay Shane dahil baka sumumpong na naman ang ugali niya. Ayaw ni Mommy ang ideya ni Daddy kaso nga lang ay may ginagawa na naman si Shane at pinag-aalala niya kami ng sobra. Hindi magka-ayos sina Shane at si Lucky dahil galit na galit talaga si Lucky sa kapatid niya dahil matalik na kaibigan ni Lucky si Natasha.

Madaming trabaho at nakakailang alis na kami dahil napakadami naming aasikasuhin. Lahat kami ay busy sa kanya kanyang ginagawa kaya naman ginugol ko ang oras ko para sa trabaho. Bukas ang kasal nila Stella at gaganapin 'yun sa Sorsogon dahil hilig ni Stella ang beach.

To: Natasha

Babe, kausapin mo naman ako. Please, magpapaliwag ako.

Bumuntong hininga ako at kaagad na nilapag ang cellphone ko sa lamesa. Kanina pa ako nagpadala ng bulaklak at macaroons kasi nakita ko ang Instagram post niya kanina. Nasa ibang bansa s'ya kahapon pa kaya naman nang nakauwi s'ya kaninang madaling araw ay pinuntahan ko kaagad at good thing, hindi niya naman ako tinataboy.

Tumayo ako at napagtanto na susunduin ko nga pala si Troy sa school. Kaagad akong nagpalit ng damit dahil tapos na naman ang shift ko. Napatingin ako sa ilalim ng desk ko dahil madaming pagkain bigay ng mga babaeng sundalo na may gusto daw sa 'kin.

"Where are you going? Tapos na ang shift mo?" tanong ni Hannah isa sa mga may gusto sa 'kin sabi nina Brent.

I stopped and looked at her. Well she's pretty and a good body but I prefer Natasha's body. Ngumuso ako at ngumiti ng maliit sa kanya bago nagsalita.

"Yup. I need to fetch my Son," sambit ko at tumango sa kanya at umalis na rin.

Pumasok ako sa kotse ko at kaagad na pinaandar papunta sa school ni Troy. Ang sabi niya sa 'kin gusto niya daw na doon kami magdinner sa bahay nila whick is 'yung condo na tinitirahan nilang dalawa. I got the news rin na nililigawan ni Kuya si Natasha like what the fuck? That girl is freaking mine. Nababaliw na talaga si Kuya na pati si Natasha ay gusto niya pang agawin mula sa akin.

Hininto ko ang sasakyan ko malapit sa school ni Troy. He's in grade school at so far he's good in academics. Matalino si Troy at palagi nga ako ang kasama niya kapag aakyat sa stage dahil sa award niya. Bumaba ako at kaagad na sinuot ang shades ko dahil maiinit,pinagtitinginan ako ng mga tao kaya naman hindi ko sila pinansin.

Napa-ayos ako ng tayo dahil nakita ko na naglalabasan na ang mga bata. Sumandal ako sa kotse ko at tinignan ang mga batang nagtatakbuhan para pumunta sa mga magulang nila. I wish I have kids with Natasha para susunduin at ihahatid ko sila sa school kagaya ng ginagawa ko kay Troy.

"Daddy!" narinig ko na ang sigaw ng tuwang tuwang si Troy.

"Buddy!" nangingiting sambit ko at kaagad s'yang kinarga. "Tumataba ka ha? Bumibigat ka eh," natatawang sambit ko sa kanya at inayos ang bangs niya.

"Tito Tyler always buy me some foods and candies!" Si Troy sa nagrereklamong boses habang nakanguso.

Nagulat naman ako. "Really?" pagtatanong ko sa kanya habang sumasakay sa driver seat.

He smiled cutely. "Yes po and Mommy always cooked my favorite kare-kare. That's why I'm fat po," inosenteng sambit niya kaya natawa naman ako.

Dumaan pa muna kami sa MacDonald para bilihan s'ya ng paborito niyang Mcflurry. Pagkatapos kong bilihan ng pagkain ay kaagad na kaming pumunta sa Martinez's building dahil until now ay doon pa rin sila nakatira. Huminga ako ng malalim dahil naiisip ko na naman si Natasha.

"Daddy... Mommy told me you always with Tita Natasha is that true po?" maya-maya ay tanong niya kaya nagulat ako.

I gulped. "Yes bud. I've been with her because we talked about some business. You know it right? I've been working for an hour and we tackled about work that's why I'm with her," mahinahong paliwanag ko habang nililiko ang kotse sa labas ng building.

"Oh, Mommy told me that you don't love her po. She's sad Daddy while telling me about you po," marahang sambit niya.

I gulped and looked at him through the rear mirror. "You wouldn't understand for now, Troy maybe soon I'll tell you why am I being like that to your Mom," seryosong sambit ko sa kanya.

Sabay kaming bumaba at pumasok sa building dahil kung anu-ano na ang sinasabi niya. I didn't know na nagkukuwento pala si Shane tungkol kay Natasha at sa lahat ng nangyayari. She's stressing Troy a lot dapat hindi niya na dinadamay pa ang bata. Pinilig ko ang ulo ko habang nakasakay kami sa elavator.

"Careful, Troy," paalala ko sa kanya at pinunasan ang labi niya dahil madumi na naman.

He chuckled. "Sorry, Daddy..." sambit niya at humagikgik kaya napangiti ako.

Lumabas kami sa elevator at tinahak ang unit nila Shane sobrang tahimik dito. Minsan kasi ay dito nags-stay ang iba kong kaibigan na pinsan nila Kent kaya ngayon nakakapagtaka na wala sila dito. Kinuha ko ang susi ng unit at tahimik na binuksan ang pinto dahil parang lalabas sa dibdib ko ang puso ko sa hindi ko malamang dahilan.

"Momm-" mabilis kong tinakpan ang bibig ni Troy dahil naririnig ko ang tawanan sa kusina.

"Don't shout okay? Just... quiet and we will surprise them okay?" marahang paliwanag ko.

"Opo, Daddy..." mahina at halos bulong nalang ang narinig ko kaya napangiti ako sa kanya.

Hinawakan ko ang kamay niya at tahimik kaming naglakad hanggang sa palakas ng palakas ang boses na nanggaling sa balkonahe ng living room. Napakunot ang noo ko dahil alam kong boses ni Kuya ang naririnig ko. Hinawakan ko ang kamay ni Troy na natahimik at hinawakan ang kamay ko.

"Sinabi ko sa'yo na wag kang pupunta dito dahil baka pumunta si Wade at maabutan ka!" Si Shane sa pasinghal na boses.

"I want to visit Troy hindi na ba pwede?" tanong naman ni Kuya kaya mas lalo akong nakinig.

"Alam mo naman diba? Nag-iingat lang ako na baka mahalata tayo ni Wade! God, ginagawa ko ang lahat para hindi na madikit si Wade kay Natasha tapos ikaw? You're ruining my plan oh, our plan to be exact!" Si Shane sa pasigaw na boses.

Plan? What? Tinignan ko si Troy na inosenteng nakatingin sa balkonahe. Nilapitan ko s'ya at sinenyas ang kwarto kaya tahimik s'yang tumango at pumunta doon kaya ngumiti ako. Lumapit pa ako at dinikit ang katawan sa likod ng kurtina para hindi nila mahalata na nandito ako.

"Fuck! After all ay akin pa rin si Troy. May karapatan pa rin ako doon sa bata! Baka nakakalimutan mo ang nangyari ha? Kung ayaw mong mahalata tayo ni Wade ayusin mo ang plano mo," narinig kong singhal ni Kuya.

"Ginagawa ko! I even threatened him na ikakalat ko ang videos nila ni Natasha kapag hindi s'ya tumigil kakadikit sa babaeng 'yun. After all ikakasal na rin kaming dalawa," narinig kong sambit ni Shane.

"Paano si Troy?" medyo humina ang boses ni Kuya. "Sa 'kin pa rin naman ang bata at kapag nalaman 'to nila Mommy we're dead," dagdag niya.

Napanganga ako! Laglag ang panga ko habang prinoproseso ang naririnig mula sa kanila. Sa kanya ang bata? Paano? A-anong plano? Tangina? All this time? I'm not Troy's Dad? Paano kailan pa? It's freaking 7 years!

"Kung aayusin mo ang ginagawa mo hindi tayo mapapahamak. After our wedding pupunta kami sa ibang bansa at isasama ko si Troy and you can visit your Son," sambit ni Shane.

Son? Your son? Hindi na ako nakatiis at nagpakita sa kanila na napaayos ng tayo. Galit na galit ko silang tinignan ang kaagad na umigkas ang kamao ko sa mukha ni Kuya. Narinig ko ang pagtili ni Shane pero nandidilim ang paningin ko.

"Wade! Stop!" Si Shane sa malakas na boses at hinila ako kaya s'ya naman ngayon ang tinignan ko.

"Don't freaking touch me! You liar!" sigaw ko at pabalyang tinulak si Shane. "For fucking 7 years! Pinaniwala mo ako na ako ang ama ni Troy! Niloko mo ako! Nawala sa 'kin ang lahat!" sigaw ko at ramdam na ramdam ko ang galit sa katawan ko.

Her lips parted. "No! Sa'yo talaga si Troy! May nangyari sa'tin noon! Kaya ano bang sinasabi mo?" kumunot ang noo niya.

Gusto ko s'yang palakpakan sa dire-deretso niyang salita galit na galit ako. Nilapitan ko si Kuya at malakas na sinuntok ang mukha niya.

"Niloko niyo ako! Pinaniwala mo ako ako ang ama ni Troy! Tangina ako ang nag-alaga kay Troy ilang taon tapos itong gagong tunay na ama ni Troy nagpapakasarap! Ano masaya na ba kayo na nasira ninyo ang buhay ko ha?" sigaw ko sa kanila na parehas na natigilan at napayuko.

Hinilamos ko ang palad ko sa mukha ko habang nakatingin sa kanilang dalawa. Galit na galit ako sa mga oras na 'to dahil sa katotohanan na lumantad mismo sa harapan ko. Kinagat ko ang labi ko at huminga ng malalim dahil baka marinig ako ni Troy.

"M-makinig ka sa'kin Wade..." si Shane na nangingilid na luha ay tinignan niya ako.

"Wala akong papakinggan ni isa sa mga salita mo. Napakasinungaling mo! Lahat kayo! Mga wala kayong inisip kung hindi ang sarili ninyo!" sigaw ko at dinuro ang kwarto kung nasaan si Troy. "Paano niyo nagawang lokohin ang bata ha? Paano niyo nagawang maglihim sa inosenteng batang katulad ni Troy?! Anong klase kayong mga magulang ha? 7 fucking years! Nawalay ako kay Natasha sa pag-aakalang akin si Troy! Ginawa ko ang lahat para sa'yo Shane na kahit hindi ko kasama si Natasha ay nandiyan ako! Tangina!" sigaw ko at napasabunot sa sarili kong buhok.

Nilapitan ako ni Shane pero tinulak ko s'ya. Wala akong nararamdaman kung hindi galit at poot para sa kanila. Lahat kami ay natigilan nang marinig ang hikbi ni Troy. Napatingin ako sa kanya na umiiyak at nakatingin sa'ming lahat.

"You're not my Daddy?" unang tanong niya habang nakatingin sa'kin. "How?" sunod na tanong niya.

Lumapit ako sa kanya at nangilid ang luha sa mata ko. Paano nila nagawang pagsinungalingan ang inosenteng batang 'to? Hinaplos ko ang pisngi niya. Niyakap niya ako kaya huminga ako ng malalim at tinapik ang balikat ko.

"Shh... you're strong right? Boys never cry..." mahinang bulong ko sa kanya. "Calm down... okay? You will listen to me? I'm not y-your Daddy..." My voice broke.

"No...you are my Daddy... you are..." humihikbing sambit niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sa 'kin.

Masamang tingin ang iginawad ko kay Shane na umiiyak na naman sa harapan ko. Sa susunod na lolokohin nila ako talagang sasabog na ako. Tinignan ko si Kuya na nakaiwas ang tingin kaya natawa ako sa isip ko. Ito pala ang sikreto ninyo ha? Napakalaking sikreto na kailangan pang umabot ng pitong taon.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top