Chapter 39
Natasha's POV:
Pagkaapat ko sa mansyon namin ay kaagad akong sinalubong ng mga magulang ko, hindi ko alam na sobra pala ang pag-aalala nila sa akin. Sinong hindi? Umalis ako ng walang paalam sa kanila at tumagal ng apat na buwan kaya naman pinaulanan nila ako ng sangkatutak na tanong. Balak ko kasi ay bibisita ako sa mga anak ko sa siargao madami akong namiss dahil they're 6 years old na at kailangan kong bumawi sa mga anak ko.
"Where have you been, honey?" si Daddy ang nagtatanong habang haplos ang buhok ko.
Lumunok ako. "Well, uh, nasa trabaho lang ako. I was just busy with my work," pagsisinungaling ko at iniwas ang paningin.
"Really?" nanliliit ang mata ni Mommy sa 'kin. "Si Wade rin ay apat na buwang nawawala. We're just pretend na hindi kayo magkasama," dagdag niya at ngumisi matapos kuritin ang bewang ko.
"Mom!" I hissed at her quietly dahil alam kong may alam s'ya sa nangyayari.
Pagkatapos naming mag-usap ay kaagad akong pumunta sa kwarto ko para alamin ang nangyayari kay Emmanuel. Nag-aalala ako sa kanya dahil last na nag-usap kami ay ang tungkol sa kasal, bumuntong hininga ako at pasalampak na umupo sa kama ko. Madami akong gagawing trabaho sa araw na 'to at kailangan kong magimbestiga sa kaso ni Emmanuel.
"Tita Lucy..." mahinang sambit ko after she responded my call.
[Hija...] malamig na sambit ni Tita at napalunok ako. [Alam mo na ba ang nangyari sa anak ko?] pigil ang galit na tanong niya.
Lumunok ako. "Y-yes tita, I... I'm really sorry... gagawin ko ang lahat para malaman kung a-ano ba talaga ang nangayari," kalmadong sambit ko.
[Really?] she mocked. [Ayaw sana kitang sisihin pero sobra ang naging epekto sa anak ko nang mawala ka. Imagine? Four months kang wala! Hindi mo ba naisip na nag-aalala ang fianceè mo sa'yo ha? Nasaan ka ba? Are you with someone else?] pabulong na singhal niya.
Lumunok ako at napahilot ng sentindo. Kasalanan ko. Kung sana ay hindi ako nagpadala ay hindi sana mangyayari ang ganito, alam ko naman kung gaano kamahal ni Emmanuel ang mga magulang niya kaya never s'yang gumawa ng ikakagalit nito. Naiintindihan ko si Tita dahil ganyan na ganyan ang Mommy ko kapag may hindi magandang nangyari sa'kin.
"I-I'm sorry..." mahinang bulong ko. "G-gagawin ko lahat...aalamin ko ang nangyari sa kanya... pangako po," mahinahong sambit ko sa kanya.
[Ayusin mo lang hija dahil hindi kita mapapatawad! We lost Emmanuel! We lost my son! Kaya sana maiintindihan mo ako kung bakit ganito ang galit ko sa'yo,] malamig na sambit niya at pinatay ang tawag.
Napabuntong hininga ako at kaagad na hinanap ang laptop ko. I callee my butler Icarus para asikasuhin ang kaso ni Emmanuel. Mabilis akong naligo at nagbihis para makita ang crime scene banda sa Pampanga. Ang sabi sa 'kin gabi daw nun at nagmamadali daw si Emmanuel na lumabas ng condo niya dahil may pupuntahan. Ayon sa investigator na kinuha ni Kuya nakita nalang daw ang kotse ni Emmanuel sa bangin at sunog na.
"Kuya, aalis ako. Kailangan kong malaman kung ano ba talaga ang nangyayari sa kanya," sambit ko at tinignan si Kuya.
"Sasamahan kita," mabilis na sagot niya at tumayo dahil nandito rin pala si Zein na limang buwan ng buntis.
Mabilis kaming sumakay sa kotse niya, tahimik akong nag-iisip kung paanong naaksidente si Emmanuel. Wala naman siguro sa mga kaaway ko ang may gawa nito sa kanya hindi ba? Nakakapagtaka lang na parang ang bilis ng pangyayari. Last time we talked ay masigla pa s'ya at panay ang sabi tungkol sa kasal namin. I don't understand him, minsan ay natataranta, minsan ay napuputol ang tawag dahil may pumapasok na call galing sa ibang tao.
"Anong plano mo?" napakurap ako sa biglaang tanong ni Kuya.
I sighed. "Galit sa 'kin si Tita Lucy at nangako rin ako na gagawin ko ang makakaya ko para mahanap s'ya. You told me na hindi pa sure kung s'ya nga ba 'yun pero dahil nga nandoon ang singsing ay sinabi mong s'ya nga. What if hindi kuya?" seryosong tanong ko sa kanya.
"We run some test, positive na s'ya nga 'yun. Nandoon rin ang wallet at cellphone niya kasama ang singsing at kwintas na suot niya palagi," kunot noong sambit niya at niloko pakanan ang kotse.
"Iba kasi ang kutob ko Kuya. Alam mong pagdating sa ganito ay tama lahat ng speculations ko," sambit ko sa kanya.
Nakarating kami kaagad sa bangin na tinutukoy niya. Kagabi lang daw nangayri ang insidente at nang gabing 'yun ang last na nakausap ko s'ya. Bumaba ako dahil madaming reporters ang nasa labas, huminga ako ng malalim at napunta sa'kin ang atensyon nilang lahat.
"Miss Natasha, nasaan po kayo nang mangyari ang insidente sa inyong fianceè?"
Nagpaulan ng maraming tanong sa 'kin na hindi ko sinagot. Kaagad na hinarang ako ni Kuya at inalalayan para makapunta sa mismong spot kung saan nasunog ang kotse ni Emmanuel. Madaming media ang nandito at nasisilaw ako sa mga ilaw na nanggaling sa camera nila.
"Totoo po bang magkasama kayo ni Mr. Wade Ferrell nang gabing parehas kayong nawala?"
"Anong masasabi ninyo sa aksidenteng nasangkutan ni Mr. Emmanuel? May kinalaman po ba kayo sa nangyari? Nasaan po kayo nang maganap ang insidente?"
Ilan sa mga tanong na hindi ko pinansin. Tinignan ko ang kotse na halos mayupi na. Lumapit pa ako doon at pinagmasdan ang itim na Ferrari ni Emmanuel. May gasgas at halos butas na ang gulong, tinagilid ko ang ulo ko at nakitang basag ang salamin at ang side mirror ng kotse.
"Wala pa po tayong witness sa insidenteng naganap. Pero base po sa aming imbestigasyon ay may dalawang kotse po ang posibleng humahabol sa kanya dahil na rin sa tama ng baril na nasa salamin at sa side mirror. Wala naman po kaming nakuha na armas sa kotse ni Mr. Emmanuel tanging cellphone, wallet, at iba pa pong documento na mag-uugnay na s'ya nga ang nasa loob ng kotse," mahabang salaysay ng pulis.
"Nasaan ang katawan niya?" malamig na tanong ko ang tingin ay nasa sasakyan.
"Nasa morgue na po ang katawan niya at pinapaexamine na namin ng maigi dahil utos po ni Sir Martinez," magalang na sambit niya.
Kinuha ko ang gamit ni Emmanuel at tinignan ang cellphone niyang medyo basag. Marami pa kaming pinag-usapan ng mga pulis batay sa kanilang naimbestigahan, iba talaga ang kutob ko. Hindi ko alam pero hindi talaga ako naniniwala na s'ya nga ang nasa loob ng kotse. Gabi nangyari ang insidente at nang gabing 'yun ay maayos naman kami.
"Call me if there's any progress about your investigation. I want it to private. Please, do your best," kalmadong sambit ko at sumaludo sa kanila.
"Yes, Ma'am makakaasa po kayo sa amin," saad ng isa at sa tingin ko nakita ko na s'ya.
Tumango nalang ako at naisipang dumaan muna sa toy's store para sa dalawa kong anak. Hinatid ako ni Kuya papunta sa mall habang nag-uusap kami sa kung ano pa ang mga nangyari habang wala ako. From time to time rin ay nagm-message sa 'kin si Wade kaya natutuwa ako.
From: Wade
Hey babygirl, are you busy? Please let me know I missed you, especially your lips.
Natawa ako at kaagad na nagtipa ng message sa kanya. Mabilis kaming pumasok sa mall at nagtaka pa ako dahil lahat sila ay sa 'kin ang paningin. Ang iba ay nagbubulungan pa at naririnig ko ang pangalan ni Emmanuel. Inakay ako ni Kuya papunta sa kid section para makapamili, tumitingin rin kasi s'ya para sa babae nilang anak na pinagbubuntis ni Zein. Masaya ako dahil nakikita ko sa mata niya na masaya talaga s'ya.
"Hmm. This one, this one..." sambit ko habang binibili ang sapatos ng dalawang anak ko. "And this one please..." dagdag ko habang nakaturo doon sa mickey mouse na paborito ni Warren.
Matapos kong mamili ng mga pasalubong kila Wayne ay kaagad na akong hinatid ni Kuya sa airport. Nagbilin pa s'ya na may mga tauhan daw namin sa Siargao kung nasaan ang mga anak ako kaya naging panatag ako.
"Tell her na umalis ako. I want to spend more time with my kids," sambit ko kay Kuya at hinalikan ang pisngi niya.
"Dadalaw kami ni Zein kapag may free time ako," nakangiting sambit ni Kuya.
Nakita ko na kaagad ang assistant ko at kaagad akong iginiya papunta sa eroplano ko. Umupo ako at tinext ang babysitter nila Wayne na papunta na ako. Kating kati na ang mga paa ko para makita ang dalawa kong anak at paniguradong uulanin ako ng mga tanong. Napangisi ako at kaagad na naglanding ang eroplano papunta sa Siargao. Huminga ako ng malalim at sinuot ang shades ko dahil mainit.
"Tatawag nalang ako kapag uuwi na ako," mahinahong sambit ko.
"Sure, lady..." sambit ng assistant ko, magkaiba sila ni Francis.
Ang sariwang hangin ng Siargao ang bumungad sa 'kin. Amoy na amoy ko ang dagat kaya napapangiti ako dahil pakiramdam ko ay katahimikan ang nandito malayo sa problema. Dala dala ko ang mga paper bag habang sakay ng bangka papunta sa villa ko. Malaki ang bahay ko dito dahil pinasadya ko kay Kuya, rest house kumbaga at sikreto rin.
"Nandito na po tayo," saad ni Francis, ang assistant ko na palagi kong kasama bukod sa butler ko.
Nahirapan akong maglakad dahil nakaheels ako. Nakita ko sa hindi kalayuan si Wayne na nakahubad at nakaupo sa buhangin. Nakita ko rin si Warren na nakasakay sa maliit niyang sasakan na deremote control. Kumaway ako nang makita ang babysitter nila Wayne at sumenyas ako na wag s'yang maingay kaya tumango s'ya sa 'kin at inalalayan si Warren.
"You like playing sands now ha?" nakangiting bulong ko kay Wayne na tumango tango.
"Ye-Momma?" gulat na gulat na saad niya, madungis pa ang mukha at may iilang buhangin sa katawan.
"Hi..." nangilid ang luha sa mata ko nang dambahin niya ako ng yakap. "Miss me?" bulong ko at hinaplos ang kulot niyang buhok.
"Momma is here! Momma!" Si Wayne sa pasigaw na boses at tinawag ang kambal niya. "Momma! Where have you been? I miss you, Momma..." titig na titig ang abo niyang mata sa 'kin.
"Oh, Warren..." ngingiting bulong ko sa panganay ko na yumakap na sa bewang ko. "I've missed you both... I'm sorry if Momma didn't come early," mahinang sambit ko at hinaplos ang buhok nila.
Warren kissed my lips. "It's okay Momma...the important is you're here..." medyo bulol pa na sambit niya at niyakap ako.
"Yes...yes... my Momma is here... Wayne not gonna cry because momma is here..." bulong bulong ni Wayne at mahigpit ang yakap sa 'kin.
Binuhat ko sila at natawa dahil ang bigat nila. Pumasok kami sa bahay at umupo sa sofa panay ang halik ko sa matatambok nilang pisngi. They giggled at nang makita ang laruan ay kaagad silang humaba. Nakangiti akong pinagmasdan ang dalawa kong anak na tuwang tuwa.
"Wala namang nangyaring masama habang wala ako?" tanong ko kay Elle.
"Wala naman po Ma'am... mahirap lang po talagang patulugin ang kambal dahil madalas ay hinahanap kayo," sambit niya naman.
"Hmm..." tumango ako. "Umuuwi ba dito si Emmanuel?" pagtatanong ko sa kanya.
"Twice a month lang po s'ya dahil madalas ang pag-alis niya. Hinahabilin niya po sa 'kin ang dalawa at kung minsan po ay hindi nakakauwi si Sir," magalang na sambit niya.
Napakunot naman ang noo ko. Twice a month? Eh ilang araw akong nawala? Anong nangyayari sa'yo Emmanuel? Pinag-aalala mo ako ng husto. Napailing ako. Susubukan kong hindi sundin ang instinct ko dahil kailangan kong malaman ang dahilan mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top