Chapter 32
Wade's POV:
Pumunta ako sa kwarto at kaagad na hinalungkat ang drawer ko dahil dala ko ang letter at ang singsing. Nakanguso kong kinuha ang letter na medyo nalukot ko na dahil sa sobrang galit ko noon sa kanya. Idagdag mo pa ang envelope na naglalaman ng scandal ni Natasha, kissing another boy from every country. Ilang beses akong huminga ng malalim, pumikit ako ng mariin dahil parang kahapon lang nangyari ang lahat. Nagtagal ako nang ilang minuto bago ako lumabas at naabutan ko s'yang nasa sofa, yakap ang unan.
She's beautiful. Kahit nakaside view ay s'ya na ata ang pinakamagandang babaeng nakita ko sa tanang buhay ko. Magmula sa makakapal na kilay, nang-aakit na mata, matangos na ilong, perpektong panga, at ang labi niyang perpekto ang hugis. Hindi ko alam kung magagawa ko pa bang tignan ang iba kung sa kanya palang ay kuntento na ako. Simula ngayon, s'ya nalang ang babaeng pagtutuunan ko ng atensyon dahil tatapusin ko na ang alitan naming dalawa.
"Here," malamig na sambit ko, gusto ko na maintimidate s'ya sa 'kin kahit ngayong gabi lang.
"What's this?" nagtatakang tankng niya habang hawak ang envelope.
Nagkibit balikat ako at pumunta sa kusina para magsalin ng alak para may lakas ako para makausap s'ya. Nilagok ko ang isa at kumuha pa, pumunta ako ulit sa kanya at umupo sa kasalungat na sofa sa harapan niya. Nanlalaki ang mata niya, nakaawang pa ang mapupulang labi habang titig na titig sa litrato.
"That was 4 years ago," malamig na sambit ko. "It's been eighth years since we broke up. Yet, I got that information to someone I don't know who are he or she," dagdag ko sa seryosong boses.
"B-but this is not me..." mahinang sambit niya. "Y-yes, I'm partying all over the world but not this flirting," nauutal na sambit niya, gulong gulo.
"Really?" nakangising samvit ko, nanunuot na ang galit sa loob loob ko. "After leaving me naghanap ka kaagad ng iba? You're unbelievable!" malamig na singhal ko sa kanya.
Suminghap s'ya at tinignan ako kaya iniwas ko ang tingin. Naninikip ang dibdib ko habang nakatingin sa kanya, paano niya nagagawang makipaghalikan? Hindi niya ba ako naisip? Minsan ba naiisip niya na nasasaktan rin ako? Yumuko s'ya at kumunot ang noo. Naiinis ako dahil kahit anong galit ang mayroon ako, mahal na mahal ko pa rin si Natasha. Walang papantay sa pagmamahal ko sa kanya.
"H-hindi ako 'to...nag-aaral ako sa ibang bansa, minsan lang kung pumunta ako sa club kasama ang mga kaibigan ko pero never akong humalik nang ibang lalaki dahil..." suminghap s'ya at tinignan ako.
"Dahil?" nakangising sambit ko, nag-aalab ang mga mata dahil sa galit.
She sighed. "Dahil hindi ako hahalik ng iba kung alam ko sa sarili ko na sa'yo pa rin ako..." mahina ngunit rinig na rinig ko.
Napalunok ako. Parang sumapul sa puso ko ang sinabi niya. Seryoso na ang tingin niya sa 'kin kaya naman alam kong totoo, sa lahat ng tao s'ya ang pinagkakatiwalaan ko nang lubos. Kaya ang marinig sa kanya ang lahat, naninibago ako at nabubuhayan ako.
"Kilala mo ako...kapag sinabi kong s-sa'yo ako, sa'yo ako. Kaya I'm telling you it's not me who's in this picture," seryoso at kalmadong sambit niya.
"I don't believe you," mariing sambit ko at tinuro ang picture. "Mukha mo ang nakikita ko! Buhok mo, katawan mo! Lahat lahat kaya wag mong sasabihin na hindi ikaw 'yan," dagdag ko sa mariing boses.
"Hindi nga ako 'to," kalmadong sambit niya. "Kilala ko ang sarili ko at ang katawan ko. Kung hindi ka naniniwala hindi ko na problema 'yun," dagdag niya at inirapan ako.
"What about the letter huh? Sasabihin mo rin bang hindi sa'yo 'yan gayong sulat kamay mo ang nakalagay diyan," sambit ko sa kanya at suminghap.
Tinignan niya 'yun, nangingilid na naman ang luha sa mata ko na kailangan ko pang uminom ng alak para mawala. Huminga s'ya nang malalim at kunot noong binasa ang sulat, tumataas pa ang kilay niya at ngingiwi pa. Kumunot naman ang noo ko, tuwing maiisip ko talaga ang sulat na 'yan nagagalit ako at baka sumabog ako ngayon dahil sa letter.
"What the heck?" bulalas niya at umiling. "Hindi ko sulat 'yan," She added in a serious voice.
Nanlaki naman ang mata ko. "Natasha? Are you kidding me? Can you please be serious this time?" naiinis na singhal ko sa kanya.
"Seryoso ako!" Si Natasha sa pasinghal na boses. "Hindi ko sulat 'yan! Kung ipagpipilitan mo pa rin, hindi ko alam saan patutungo ang usapan natin," dagdag niya sa iritadong boses at inirapan ako.
Tumawa ako. "Really? Sulat kamay mo 'yan! Alam ko ang sulat kamay mo kaya wag mo akong sisigawan ngayon!" singhal ko at sinuklay ang buhok ko.
"Wade! Hindi ko nga sulat 'yan dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakalimutan ang sinulat ko bago kita iniwan!" Si Natasha sa pasigaw na boses at nagsisimula na ang tensyon sa aming dalawa.
Napalunok ako. "K-kung hindi mo sulat 'yan, bakit nasa side table 'yan ng kama natin? B-bakit 'yan at ang singing ang iniwan mo..." humina ang boses ko, suminghap ako dahil may nagbabara sa lalumanan.
"H-hindi ko alam! The night I left you I wrote a letter to say my goodbye! Hindi mo alam kung gaano kahirap magpaalam sa taong gusto mong makasama habang buhay!" Si Natasha sa pasigaw na boses kaya napasinghap ako.
"Wag mo akong lolokohin!" singhal ko at kinuha ang letter. "May pirma mo pa nga! Kaya wag mo na akong lokohin please!" halos magmakaawa ako.
"Naririnig mo ba ang sarili mo?" naiinis na sigaw niya. "Gusto mo ungkatin natin ang lahat? Simula sa umpisa ha? This...this is bullshit!" Si Natasha sa gumagaralgal na boses dahil sa biglaang sigaw niya.
Parehas kaming natahimik. Parehas na mabigat ang paghinga dahil sa galit, tinignan ko s'ya at nakita ang luha sa mata niya. Alam kong ganoon rin ako dahil ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit, alam ko na hindi madali. Gusto ko 'to, gusto kong maging maayos kami at handa akong magsimula kasama s'ya.
"This letter! Dahil dito nagalit ako ng todo sa'yo! Dahil ang bilis bilis mong makahanap nang iba habang ako? Nagluluksa at nangungulila sa'yo sa loob ng walong taon!" sigaw ko, tumingala ako para pigilan ang luha.
"No..." umiling siya habang takip ang bibig. "H-hindi ako ang nagsulat niyan! Wag na wag mong ipapamukha sa 'kin na para bang ako ang may kasalanan sa'ting dalawa. Ilang beses kong sinabi sa'yo na hindi ako ang nagsulat niyan! Kabisado ko hanggang ngayon kung ano ba talaga ang nakalagay diyan sa sulat na 'yan," dagdag niya sa pahina ng pahina na boses.
Suminghap ako at nilagok ang alak na nasa baso. "Bakit mo ako iniwan?" imbis na tanong ko. "Kayang kaya kitang ipaglaban at ang relasyon natin. Kayang kaya ko! Hindi ko inaasahan na 'yung taong kinakapitan ko ay s'ya ring iiwan ako..." pumiyok ang boses ko, ramdam na ramdam ko ang pait sa boses ko.
Umiling s'ya. "Hindi mo alam kung ano ang sakit na binigay mo sa'kin Wade! Na-trauma rin ako! Hindi ako nakatulog sa gabi sa kakaisip kung bakit mo nagawang gagauhin ako! Wade, we almost plan to get married after we graduated, anong nangyayari? What went wrong?" nanghihinang sambit niya habang titig na titig sa mga mata ko.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko at tinignan s'ya. Punong puno na ng luha ang hoodie niya, nanghihina ako dahil ayokong ayokong nakikita ang luha sa mga mata niya. Parang pinipira-piraso ang puso ko habang nakikita s'yang nakatayo sa harapan ko at umiiyak.
"A-alam kong walang nangyari sa'min ni Shane... alam ko 'yun," mahinang sambit ko.
She shook her head. "Parang bomba ang nangyari Wade, you got her pregnant tapos sasabihin mo na walang nangyari sa inyo gayong may nangyari na sa inyo habang magkahiwalay tayo!" Si Natasha sa pasinghal na boses habang galit akong itinuturo.
"I was jerk! Yes! Hindi ko alam na s'ya 'yun. It was Archiel's party that night, s-sobrang lasing ako that night... then, paggising ko wala na akong maalala," paliwanag ko sa kanya.
"That's it Wade..." mugtong mugto na ang mata niya. "Kaya sobrang malayo ako sa'yo that time dahil iniisip ko ang kapakanan ng bata na nasa tiyan ni Shane! Ako ang palaging naga-adjust para sa inyo iniintindi kita, palagi..." humina ang boses niya.
"Natasha, kaya ko lahat eh. Kaya ko lahat ng sakit basta't nandiyan ka sa tabi ko... ikaw lang ang mayroon ako...ikaw lang ang nagsisilbing lakas ko...pero iniwan mo ako sa gitna, kung kailan handa na akong takasan ang lahat para sa'yo," mahinahon na ang boses ko.
"K-kung t-tatalikuran mo ang lahat para sa 'kin, sa tingin mo ba magiging maayos? Magiging masaya tayong dalawa? Wade, ang dami nating maiiwan... ang daming mga taong umaasa sa'ting dalawa... kaya imbes na sundin ang plano mo ginawa ko ang tama," mahinang sambit niya.
"Ayan ka na naman sa pagiging selfish mo!" sigaw ko sa kanya kaya napalunok s'ya. "Sana hinayaan mong ilaban ko ang relasyon nating dalawa... kaya ko eh, Kayang kaya...kaya bakit ka sumuko?" halos manghina ako sa tanong ko sa kanya.
"Oo na! Selfish na ako Wade pero ginawa ko lang ang tama. Dahil hindi ako matatahimik kung magsasama tayong dalawa gayon na ang daming problema!" Si Natasha sa pasigaw na boses at mariing tinakpan ang mukha dahil sa nagbabadyang luha. "Sobrang mahal na mahal kita Wade na kaya kong gawing tama ang mali... ikaw palagi ang iniisip ko... ikaw palagi ang tumatakbo sa utak ko. Kaya sabihin mo, mali ba ang isakripisyo ang relasyon natin kung alam nating pareho na 'yun ang tama?" mahinang sambit niya at pagod akong tinignan.
Nanghina ako. Alam ko ang bagay na 'yun. Palaging ako. Palaging ako ang inaalala niya. I remember when I go with her, buying some baby stuff para kay Troy. Mas masaya pa s'ya sa 'kin at hindi ko maramdaman na galit s'ya, s'ya pa ang nagbili ng damit ni Troy at wala akong makitang pagsisisi sa mukha niya. I really love her.
"Baby..." mahinang saad ko at niyakap ang bewang niya habang patuloy pa rin s'ya pag-iyak. "I'm really sorry... I'm sorry," lumuluhang sambit ko sa kanya.
"Sorry? Wade, ilang gabi akong hindi makatulog na sa bawat pagpikit ko kayong dalawa ni Shane ang nakikita ko... sa bawat pagtulala ko, kayong dalawa sa loob ng kwarto mo, hubad at magkayakap... parang alikabok lang ba ang kasalanan mo na ang dali para sa'yong magsorry," namamaos na sambit niya at humikbi.
Hinawakan ko ang dalawa niyang kamay at pinaharap s'ya sa 'kin na ngayon ay pulang pula na ang kilay pababa sa ilong. Suminghap s'ya kaya marahan ko s'yang niyakap, siniksik ko ang mukha ko sa leeg niya. Naramdaman kong niyakap niya ako kaya napangiti nalang ako.
"S-sobra akong nasaktan, Wade... nagtiis ako, hinayaan kita, inintindi ko lahat, hindi ako nagreklamo... pero Wade ubos na ubos na ako kahit ayokong iwan ka ginawa ko... kasi alam kong 'yun ang tama para sa'ting dalawa..." mahinang sambit niya at sumiksik sa dibdib ko.
"I know... I know," mahinang sambit ko at hinaplos ang buhok niya. "Gusto kong magka-ayos tayong dalawa, kung liligawan kita ulit ay papayag ako. Gagawin ko ang lahat para bumalik ka..." dagdag ko at sinapo ang dalawa niyang pisngi.
"I-ikakasal na ako, Wade..." mahina ang boses niya at iniwas ang paningin.
"It doesn't matter to me, kahit maging kabit mo ako ay okay lang basta sa'kin ka." halos matawa ako sa sarili kong naisip.
Kumurap s'ya. "W-what? Are you crazy?" nakangusong sambit niya at tinignan ako.
I gave her a peck. "No, I love you..." mahina nungit sinserong sambit ko.
Tinignan niya lang ako, tinignan ko ang labi niya at ilang bases na lumunok. Hinaplos ko ang pisngi niya at tingnan ang nang-aakit na mata niya. Hinaplos ko ang labi niya at walang sabi sabi siniil ng halik. Naramdaman ko ang pagtigil niya, ginalaw ko ang labi ko at humiwalay sa kanya at bumulong.
"Wala akong pakiealam kung magalit ka pagkatapos nito... I won't let you escaped this time," sambit ko at hinalikan ang labi niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top