Chapter 31

Natasha's POV:

Bumuntong hininga ako at kaagad na sumalampak sa sofa, kaninang umaga pa umalis si Wade. Hindi ko alam kung bakit nandito ako at naghihintay sa kanya, hindi ba dapat wala akong pakielam? Kanina pa masakit ang puson ko at panay rin ang pagsusuka ko, I have this fucking diarrhea at ganito ako kapag mayroong ganoon. Nagsusuka, panay ang kain, at nanghihina dahil sa sakit ng puson ko ganito ako kapag dadatnan na.

Nakapagluto na rin ako at nag-e-expect ako na magsasabay kami ni Wade kumain, I don't know this strage feelings. Komportable ako kay Wade noon pa man at pati hanggang ngayon, imbes na nagagalit ako sa kanya sa mga nagdaang araw mas gumagaan ang pakiramdam ko. Literal na naiinis ako pero dahil ganito ako noon sa kanya, kaunting assurance lang sa kanya ay napapanatag na kaagad ang loob ko.

Napapikit ako dahil sa inis sa sarili at inis sa puson ko. Nakahoodie ako at isang cycling, nakamessy bun ang buhok ko at kanina pa ako namimilipit sa sakit ng puson. Napatakbo kaagad ako sa banyo at doon sumuka nang sumuka, wala rin akong ganang kumain pero dahil may coco jam sa ref ay nilantakan ko na kaagad ang pagkain.

"What the heck..." nanghihinang sambit ko at umupo sa tiles.

Sapo ko ang puson ko at pakiramdam ko lalagnatin ako dahil sa sakit. Narinig ko na ang paglipad ng helicopter kaya nabuhayan ako pero nanghihina pa rin. Hindi ko alam bakit nae-excite ako sa pagdating ni Wade, napangiwi ako sa sarili ko. Ganitong ganito ako noon kapag naghihintay sa kanya sa pagdating niya sa school or sa trabaho.

"Natasha? Baby?" narinig ko na ang pagtawag ni Wade.

Hindi ako gumalaw dahil nahihilo rin ako at sumasakit talaga ang puson ko. Narinig ko ang kalabog sa pinto ng kwarto at ang nataranta niyang boses, kahit ano ang gawin ko hindi ako makatayo sa sakit.

"Natasha? Damn it! Where are you?" gumaralgal ang boses ni Wade kahit na pilit niyang hindi pinapahalata.

Nanikip naman ang dibdib ko dahil alam kong kahit hindi niya ipahalata, natatakot s'yang mawala ako. Hindi ko nga alam kung bakit hindi ako tumakas gayong ako lang ang mag-isa dito sa yate. Tumayo ako dahil kanina pa s'ya panay ang tawag, huminga ako ng malalim at naglakad hawak ang puson ko. Natigilan ako nang makita ko s'yang nakaupo sa ibaba ng sofa, yakap ang mga tuhod niya at umiiyak. Napakurap kurap naman ako sa nakikita ko, ganoon ba s'ya katakot na mawala ako sa tabi niya?

"No...no... she didn't leave me... no..." rinig kong mahinang hikbi niya at panay ang iling.

Kinagat ko ang labi ko dahil sa pangingilid ng luha. Pumunta kaagad ako sa kanya at lumuhod upo sa harapan niya, napa-angat ang tingin niya at nanlalaki ang mata. Niyakap niya kaagad ako at siniksik ang ulo sa leeg ko, I sighed and hugged his masculine back.

"Hey," mahinang sambit ko at hinaplos ang likod niya.

"I thought you leave me..." He murmured softly on my neck while hugging my waist.

"No," mahinang saad ko at tumingala dahil nahahawa ako sa pag-iyak niya. "D-don't you dare cry in front of me Wade." Hindi ko alam kung siya ang sinasabihan ko o ang sarili ko.

"No.. no..." mahina na naman ang paghikbi niya at tinignan ako ang mga mata ay mapupungay at namumula pa. "You won't leave me? Aren't you?" dagdag niya at ngumusong parang bata sa harapan ko.

"What's that face?" nakangiwing sambit ko ngunit nginitian niya lang ako at niyakap ang bewang ko.

Napangiti ako, ganoon na ganoon pa rin s'ya. Pagkatapos umiyak ay ngingiti na parang baliw, kapag nakayakap lang s'ya nagiging abnormal. Tinignan niya ako at napakunot ang noo niya at sinipat ang kabuaan ko, masakit ang ulo, puson, at iba pa.

"Are you okay?" pagtatanong niya, halata ang pag-aalala sa mga mata niya.

"Yes," pagsisinungaling ko sa kanya, I want to test him if he really knew me.

"No," umiling siya at tinignan ako ng mabuti. "Are you on your period? Do you want to cuddle?" pagtatanong niya sa 'kin at hinawakan ang kamay ko.

Muntik na akong masamid dahil sa sinabi niya. Kumurap kurap ako sa harapan niya, alam kong namula nang husto ang mukha ko. Every period of mine, he always cuddle me and give me some medicine to lessen the pain. Kaya nang sabihin niya ang mga katagang 'yun ay hindi ko maiwasang hindi mamangha. He never forget every single detail about me, kahit na ang ultimo pananahimk ko ay alam na alam niya.

"What?" natatawang sambit niya at inakay ang bewang ko papunta sa hita niya. "Kapag may period ka, you always want to cuddle with me..." dagdag niya sa nang-aasar na boses habang nakayakap patalikod sa 'kin.

"W-wala akong sinasabi na gusto ko... kaya manahimik ka..." mahinang sambit ko at halos manghina sa ginagawa niyang paghaplos sa tiyan ko.

"Uh-uh..." malambing na ang boses niya. "Let's see if we have medicine..." dagdag  niya at bigla na lang akong binuhat pa-bridal style.

Napakapit naman ako sa leeg niya at kaagad na nasinghot ang pabango niya. Hiniga niya ako sa kama at hinaplos ang pisngi ko bago pumunta sa labas, napahinga ako nang malalim. Ang lakas na naman ang tibok ng puso ko kaya kailangan ko pang kagatin ang labi ko. Hindi rin naman nagtagal ay binigay niya ang hot compress sa 'kin at tahimik kong kinuha 'yun at hindi halos makatingin sa kanya.

"You're vomiting when I came here? Tama?" pagtatanong niya na akala mo doctor.

"Hmm," mahinang sambit ko at dinampi dampi ang hot compress na binigay niya.

"Okay, wait me here. Lulutaan nalang kita ng corn soup na gusto mo..." nakangiting sambit niya kaya tumango lang ako. "Hey! Don't play the mute thing!" dagdag niya sa iritadong boses kaya pinigil ko ang pagtawa sa harapan niya.

"Go, cook. Kanina pa kita hinihintay para sana sabay tayong kumain." Umiwas ako ng tingin at inabala ang sarili sa pagdampi ng hot compress sa puson ko.

Wala akong narinig sa kanya kaya napatingin ako, ayun na naman ang lintek na ngisi niya. Kumunot ang noo ko kaya tumikhim s'ya at nagseryoso kahit na may sumusipil na ngiti sa labi niya.

"O-okay..." nangingiting sambit niya. "Let's eat together then?" hindi ko alam kung nang-aasar s'ya o wala lang talaga sa kanya ang pagkailang ko.

Ngumuso ako at tumango, narinig ko ang paghalakhak niya. Binalot ko ang sarili ko nang comforter at humiga, pinikit ko ang mata ko kasabay nang pagdampi ng hot compres sa puson ko. Maya-maya ay tinawag niya na ako, nakalagay ang tray sa maliit na lamesa na nandito sa kwaro. Kaharap nun ay ang glass wall na kitang kita ang payapang dagat, nagr-reflect ang buwan sa nagkikislapang dagat kaya mas lalong gumanda.

"Kumain ka na... ininit ko na rin ang niluto mo," sambit niya at pinagsilbihan ako.

"Hmm..." sambit ko. "Kamusta si Shane?" dagdag ko sa malamig na boses at nakita kong natigilan siya.

"She's in the hospital. Nahimatay daw sabi ni Tita," kunot noong sambit niya.

Tumaas ang kilay ko at nagpatuloy sa pagkain, tinignan ko s'ya na nakatingin sa 'kin. Tinaas ko ang kilay ko at supladang tinignan rin s'ya. Umiling s'ya at halata nga ang pagod sa mata niya kaya hinayaan ko na.

"May gusto ka bang kaninin? Like fruits? Your favorite brownies? Bawal ka sa ice cream dahil may allergy ka doon," sambit niya habang hinihawa ang meat na nasa plato ko.

Damn! Isang kilos nalang matutunaw na ako. Ganito rin naman sa 'kin si Emmanuel pero pagdating sa kanya nagiging iba para sa 'kin. And speaking of Emmanuel, hindi ko man lang s'ya nakakausap pati ang mga anak ko ay hindi. Kung magsasalita ako about Emmanuel masisira na naman ang tahimik na dinner namin ni Wade. Nahihirapan na ako, hindi para sa kanila kung hindi para sa sarili ko. Alam kong may nag-iba at kahit anong pilit kong hindi isipin ng mga kinikilos ni Wade ay hindi ko kaya.

Pinikit ko ang mata ko. "Wade..." I try my luck for today.

"Hmm?" nakataas kilay na sambit niya at ininom ang wine na nasa harapan namin.

Kinagat ko ang labi ko. "I..want to borrow your phone..." mahinang sambit ko at nakayuko.

"Why?" malamig na sambit niya kaya tinignan ko naman s'ya.

"I... I will talk to someone... please kahit minuto lang..." sambit ko sa kanya habang nakayukom ang kamao sa ilalim ng mesa.

Tinignan niya ako na para bang binabasa niya ang iniisip ko, wala akong pinakitang emosyon at diretso s'yang tinignan. Nag-iwas s'ya ng tingin at tumango sa 'kin kaya halos manlaki ang mata ko sa tuwa. Kumurap ako at tinignan s'ya dahil baka nagkakamali lang ako.

"R-really?" hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya.

"Yes, this is the last. Then later on, hindi ka pwedeng kumausap. Mag-uusap tayo nang masinsinan..." malamig pa ring sambit niya.

Lumunok ako. "Anong pag-uusapan natin? Wala naman diba?" mahinang tanong ko.

"Marami..." malamig pa rin na sambit niya kaya napayuko ako. "About that freaking letter you gave me after you left me," dagdag niya sa malamig na boses habang tinitigan ang bawat kilos ko.

"Letter?" nagtatakang tanong ko, ngumisi s'ya. "Oh..." sambit ko nang mapagtanto ang sinasabi niya.

Pagkatapos naming kumain ay binigay niya ang cellphone niya kaya halos yakapin ko na s'ya sa tuwa pero syempre I remain my cool towards him. Mabilis kong pinindot ang numero sa telepono doon sa Siargao. After an minute ay narinig ko ang boses nang katulong. Mabilis kong kinausap at pinakiusap na gusto kong makausap ang mga anak ko. Miss na miss ko na sila.

[Momma? This is Momma?] halos maiyak ako nang marinig ang boses ni Warren.

"Hey, honey..." mabilis akong sumagot at nangilid kaagad ang luha sa mata ko.

[Momma?] pagtatanong niya pa at narinig kong tinawag niya ang kambal niya. [Wayne, this is Momma! Momma is here!] Si Warren sa nagmamadaling boses at narinig ko na ang sigaw ni Wayne.

"Hey... I miss you," malambing ang boses ko.

[Momma...] nadurog ang boses ko nang marinig na umiyak si Wayne.[Momma, miss you...] dagdag niya sa lumuluhang boses.

"I... I miss you more, honey." huminga ako ng malalim at tinignan ang dagat na nasa harapan ko.

[Momma...where are you?] tanong niya. [Is momma home?] dagdag niya sa nagtatanong na boses.

Umiling ako na para bang nakikita ko sila. "I... I have things to do in my work, baby..." pagsisinungaling ko. "Momma, need to work hard for the both of you..." dagdag ko.

[Momma? Is you home momma? Miss you...] mahinang sambit naman ni Warren.

"I'll be home... promise. Give me some days or weeks... after that we will go to Disneyland okay?" nakangising sambit ko kahit na puno na ng luha ang mga mata ko.

[Dissyland?] masayang sambit nilang dalawa kaya natawa ako.

"Yes, Disneyland..." mahinang sambit ko, narinig ko ang bungisngis nilang dalawa.

[Yey! I see mickey mickey! I see spiderman!] Si Warren at Wayne sa masayang boses.

"Yes, so wait for me ha? I have things to do then after, me and the two of you will go to Disneyland..." nangangakong sambit ko.

[Yes momma! You, me, Wayne, Dada will go to Disneyland!] Si Warren sa masayang boses.

Tinignan ko ang likod ko at nakita si Wade na nakasandal sa hamba at diretso ang tingin sakin, kinakabahan ako at kaagad na tinapos ang tawag. Kinakabahan ako sa dilim ng tingin niya, narinig niya kaya? Lumapit ako at halos at malagutan ako ng hininga nang nasa harapan ko na s'ya.

"We will talk," malamig na saad niya at hinawakan ang kamay ko para igiya ako sa loob. "We will both fixed it. Sa ayaw at sa gusto mo, mag-aayos tayong dalawa at swear, babalik ka sa 'kin," malamig na sambit niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top