Chapter 29

Natasha's POV:

Mariin ang paglunok ko at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya, nakita ko ang gamot na 'to dahil gusto ko sanang maghanap ng sauce. Hindi ko alam kung para saan pero nakita ko na gamot pala sa depression at pills pampatulog. Natitigilan akong napatingin sa gamot na hawak ko, hindi s'ya nagsalita at iwas rin ang mata niya.

May parte sa 'kin ang kumirot at may parte sa 'kin ang nahahabag sa kanya. I know this past few days I've been stressing him dahil gusto kong marealize niya na dapat hindi ako ang kasama niya. Kaya naman hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa ngayon habang nakatingin sa kanya.

"Oh, don't look at me like you pitied me so much..." natatawang sambit niya at umupo.

Huminga ako ng malalim at kinuha ang pagkain, konsensya ko pa kung hindi s'ya makainom ng gamot. Inurong ko ang pagkain sa kanya kaya nagulat s'ya at tinignan ako. Nilapag ko rin ang gamot at inayos ang pagkain niya, naguguluhan s'yang nakatingin sa 'kin.

"Kumain ka na..." kalmadong sambit ko sa kanya.

"Y-you? Tapos ka na bang kumain?" nagaalinlangan na tanong niya.

Tumango lang ako. "Sa labas muna ako. Tawagin mo nalang ako kapag may kailangan ka," sambit ko at tumayo na.

Wala akong narinig na sagot kaya lumabas ako, napapagod na umupo ako. Gusto kong magtanong tungkol doon sa gamot, kinagat ko ang labi ko at napailing. Hindi dapat ako mag-alala para sa kanya, kailangan kong panatilihin ang galit ko. Hindi dapat ako magpadala ng emosyon ko para sa kanya.

Pumunta ako sa labas at umupo sa sun lounger. Tinignan ko ang payapang dagat, somehow nakakaramdam ako ng kapayapaan. Hindi dapat ako nagiging malapit sa kanya, hindi dapat ako nagiging mahinahon sa harapan niya. Tinignan ko ang asul at berdeng dagat at para akong hinahatak nun palapit sa kanya.

"Do you want to swim?" napatalon ako sa boses ni Wade na nasa gilid.

"Pwede?" mahinang tanong ko at ang tingin ay nasa dagat.

He smiled. "Sure you can do all you want," nakangising saad niya kaya nag-iwas ako ng tingin.

"Hindi ka ba nag-aalala na baka kapag nakalusong ako sa dagat ay takasan kita?" nanghahamon na tanong ko habang nakalagay ang mga braso sa dibdib.

I heard him chuckled kaya kaagad akong napatingin sa kanya. "Tatakasan mo ba ako?" nakangising tanong niya.

Napatitig ako sa kanya, para kong nakikita si Warren sa mga mata niya. Lumakas na naman ang kabog ng puso ko, naging seryoso ang mata niya. Hindi ko maaalis ang paningin sa kanya na nakatitig sa 'kin, ang mga mata niya na gustong gusto kong tignan noon pa man. Malakas at parang pumipitik sa bilis ang pagtibok ng puso ko.

"You will never escaped from me hangga't hindi tayo nagkakaayos..." seryosong sambit niya.

"Hindi kailaman maayos ang lahat Wade..." ngumiti ako sa kanya nang mapait.

Lumapit s'ya. "Maayos natin, Natasha kung gugustuhin nating pareho..." mahinahong sambit niya at titig na titig sa 'kin.

Lumunok ako. "Matagal na tayong sira Wade, kaya 'yang sinasabi mo ay nakapaka imposible para sa 'kin. Kailaman ang sugat na naiwan hindi na kayang humilom kapag sobrang lalim," kalmadong sambit ko sa kanya.

Hindi s'ya sumagot. Kahit gusto kong pag-usapan ang lahat sa tingin ko ay hindi pa rin tama na mag-usap kami. Iba na ngayon dahil madaming nagbago sa'ming dalawa. Isa na doon na may anak na s'ya, may pamilya na s'ya. Sa isiping 'yun parang may nagbara sa lalamunan ko at ang pait ay nanuot sa kalamnan ko.

"I want to make things right for the both of us, Natasha... iy want so bad to make it up to you..." mahinang sambit niya halos bumulong na.

"Kung naisip mo 'yan dati pa edi sana maayos tayo ngayon. Accept it Wade, hindi na maayos ang dating nasira na," ngumisi ako at kaagad s'yang tinalikuran.

Masakit. 'Yan ang nararamdaman ko ngayon na naungakat na naman ang nakaraan. Akala ko pa naman ay maayos na ako at hindi na ako maapektuhan sa sasabihin niya. Akala ko sa muli kong pagbalik ay s'ya ring pagkalimot ko, pero ngayon na magkasama kami parang nabubuhay ang sakit at pait sa buong pagkatao ko.

Sinuot ko ang gray calvin klein sports bra at isang gray na panty na same brand. Ngumuso ako at tinignan ang sarili sa salamin sa harapan, hindi naman malaswa ang suot ko. Medyo naiilang na ako dahil nasa iisang lugar at iisang bubong kami ni Wade at medyo naconcious ako.

Lumabas ako at diretso ang lakad, nabuga pa ni Wade ang tubig habang nakangangang nakatingin sa 'kin. Hindi ko na s'ya pinansin at kaagad na lumusong sa dagat. Napahinga ako ng malalim dahil medyo kumalma ako, tinignan ko ang sikat ng araw. Nagfloating ako at pinagmasdan ang ulap, ngayon lang ako narelax.

Napatingin ako sa unahan nang makita si Wade na naghuhubad ng t-shirt. Napalunok ako at nanlalaki ang mata nang naka boxer nalang s'ya, mariin ang tingin niya sa 'kin at walang sabi sabing lumusong. Kumalabog ang puso ko at huminga nang pagkalalim lalim, lumangoy ako at narating ko ang mga batuhan na pwedeng upuan.

Iniangat ko ang sarili ko at sinuklay ang buhok kong basang basa, tinignan ko ang dagat dahil nakikita ko si Wade. Inayos ko ang sports bra ko at tinignan ang kabuaan niya. Basang basa ang buhok at kinakamot pa ang tainga niya, hindi ko maalis ang tingin sa kanya.

"What the heck?" nagulat ako nang hilain niya ang paa ko nang hindi ko namamalayan.

He chuckled at kaagad na umahon mula sa dagat bago s'ya tumabi sa 'kin. Nagdikit ang braso at hita namin, lumunok ako at tinignan nalang ang dagat na nasa harapan.

"You like the sea so much..." puna niya habang nakatitig rin sa dagat.

I smiled. "Yes, ever since I was born palagi daw akong nasa dagat. Kaya sa murang edad ay natuto akong lumangoy ng walang tulong kahit nino man sa pamilya ko. Even my Mom..." sambit ko sa kanya.

"I remember when we we're always at the beach. Hindi ka mahiwalay sa dagat hangga't hindi ka nagugutom..." natawa kaming parehas nang maalala ko 'yun.

Palagi kasi kaming nasa beach at s'ya ang kasama ko. I remember na hindi ako umaahon hangga't hindi kumakalam ang sikmura ko dahil nawili ako sa paglangoy sa dagat. Napatingin ako sa kanya na nakayuko at pinaglalaruan ang tubig, ngayon ko lang napansin ang tattoo niya at napasinghap ako.

"M-my...name..." bulalas ko sa kanya na napatingin sa 'kin dahil sa sinabi ko.

"Oh," nagulat rin s'ya at tinignan ang bandang dibdib niya.

Ang lakas ng tibok ng puso ko at hindi ko maalis ang tingin sa tattoo niya. It's my first name at maliit ang sulat, cursive. Hindi ko alam kung anong dapat sabihin dahil walang kahit na anong lumalabas sa bibig ko. Tinignan niya ako at kinagat ang labi.

"It's been years since I tattooed your name," ngumisi s'ya at nag-iwas ng tingin.

"B-but w-why?" nanginig ang labi ko at tinignan s'ya.

He smiled. "Masisisi mo ba ako kung sobrang mahal kita?" tanong niya at nag-iwas na naman ng tingin.

"H-hindi mo kailangang gawin 'yan Wade. P-paano kung makita ni Shane? Ano nalang iisipin niya?" pagtatanong ko sa kanya.

Nagkibit balikat s'ya. "Isipin niya ang gusto niya, wala rin naman akong pakiealam," nakangusong saad niya.

Natawa ako at hindi makapaniwalang napatingin sa kanya. Ngumuso lang s'ya sa 'kin at nag-iwas ng tingin, napailing ako at gumaan ang pakiramdam ko. Lumangoy pa ako kasama s'ya at pinakita niya pa ang iilang mga corals at isda. Kahit papaano naibsan ang pagkabored ko dahil nandito s'ya sa tabi ko.

Umahon ako at s'ya ring pag-ahon niya sa mismong harap ko, napakurap ako. Sobrang lapit namin at hawak niya ang likod ko bilang suporta, napatingin s'ya sa 'kin pababa sa labi ko at aangat sa mata ko. Sobra ang kalabog ng puso ko, napatingin ako sa labi niya at para akong natuod.

"Please, gave me a second chance to prove you everything..." nabalik ako nang magsalita s'ya.

"Wade, a-alam mong..." hindi ko natapos nang hawakan ng marahan niyang hinaplos ang labi ko.

"Shh. Tayong dalawa ang nandito Natasha, wag kang magsasali ng hindi naman kailangan sa usapan natin," mariin at seryoso na ang boses niya.

"H-hindi dapat natin 'to ginagawa, Wade. Everything changed hindi na katulad noon na kaya pa kitang p-pagbigyan..." sambit ko at nag-iwas rin ng tingin pero hinawakan niya ang baba ko.

"But nothing changed that I love you..." napapaos na bulong niya while his thumb are caressing my lower lip. "Nothing changed my love for you kaya please... pagbigyan mo ako..." mahinang sambit niya.

Napapikit ako nang halikan niya ang labi ko, hinawakan niya ang bewang ko at hinapit ako palapit sa kanya. Napasinghap ako at hindi alam ang gagawin dahil sa nakakalasing na halik niya sa labi ko. Naiyukom ko ang kamao ko at parang may sariling isip na gumalaw ang labi ko.

"You will never escaped from me, if you leave, sasama ako sa'yo," mahinang sambit niya at siniil ako ng halik.

Napapikit ako at kusang napahawak sa braso niya, iniangat niya ang pang-upo ko kaya pumaikot ang mga hita ko sa bewang niya. His tongue are knocking to my teeth to gave him a full access to my mouth, binuka ko ang bibig ko at lasing na hinalikan ang labi niya. Hinaplos niya ang likod ko habang hawak ang pang-upo ko bilang suporta sa pagkahulog ko.

"I'll do everything just to fix us, to fixed everything. Lahat nang naudlot, tatapusin at aayusin ko... basta't manatili ka lang sa tabi ko..." mahinang sambit niya at marahan akong niyakap. Hindi ko na alam. Dapat ko ba s'yang pagbigyan?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top