Chapter 28
Wade's POV:
Days has passed. Palagi lang kaming nag-aaway ni Natasha at panay ang pagpupumilit niya na ibalik ko s'ya sa Laguna. Hindi ako pumayag dahil once I loosened my grip on her makakawala lang s'ya sa mga kamay ko. I won't let that happen dahil baka mabaliw na nga talaga ako literal. Nagleave ako sa trabaho ko just to be with her until we both decide to make things right.
Galit s'ya dahil sa mga naiwan niyang trabaho, kinausap ko s'ya doon at pinasabi ko kay Kent ang tungkol doon. Iniiwasan niya ako at ramdam ko 'yun, masyado s'yang mailap sa 'kin kaya ako na lang ang gumagawa ng paraan para magkausap kami. Para na rin maayos namin ang kung ano man ang alitan naming dalawa ni Natasha.
"God! Wade I have things to do at my work! Hindi ko pwedeng ipagpaliban 'yun dahil ako ang inaasahan na gagawa ng mga designs!" Si Natasha sa galit na boses at namaywang sa harapan ko.
"We talked about it Natasha, you won't work until you're here," bored na sambit ko habang nakaupo sa sofa.
She looked at me using his piercing gray eyes. "Nakakabadtrip ka! Alam ko kung gaano kaimportante ang trabaho ko! I really work hard to reach the top!" Si Natasha sa naiiritang boses at ginulo ang buhok niya.
I sighed. "Can you please lower your voice? We're not even far from each other pwede mo akong kausapin na hindi sinisigawan," nakangising sambit ko sa kanya.
"Then fucking deal with my voice!" Si Natasha sa mas malakas na boses at pumasok sa kwarto, padabog ba sinirado ang pinto.
Natawa ako at napailing nalang sa kanya. Kinuha ko ang laptop ko at tinawagan si Jetro, nabili ko na rin kasi ang mga kailangan ni Natasha. Napataas ang kilay ko nang makitang gulo gulo ang buhok at kakagising lang.
"What do you need?" iritadong sambit niya sa 'kin kaya natawa naman ako sa kanya.
"Do you know how to bake brownies with peanuts?" tanong ko sa kanya.
"What?" gulat na tanong niya at tinignan ako na para bang wala ako sa sarili. "Bakit ka naman magluluto ng brownies?" dagdag niya sa nagtatakang boses.
O, right. Hindi niya pala alam na kasama ko si Natasha. Ngumisi ako sa kanya at humiga sa sofa at nakipag-usap sa kanya.
"I'm in a honeymoon, bro. I'm with my wife," natatawang balita ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya at napaayos pa ng upo. Natawa ako sa kanya at sakto rin na lumabas si Natasha na nakashorts at isang crop topped t-shirt. Nanlaki ang mata ni Jetro. Napahinto rin si Natasha at napaawang ang labi niya.
"There's my wife..." nakangising sambit ko at tinignan si Natasha sa screen. "I told you im with her and we're in a honeymoon," dagdag ko sa masayang boses, inaasar si Natasha.
"What?!" Si Jetro sa gulat na boses at tinignan si Natasha. "What the hell? Tinuloy mo pa rin pala talaga?" hindi mo alam kung matatawa s'ya o ngingisian ako.
"Wade! What the heck is you talking about?" nagugulat na sambit ni Natasha sa uluhan ko at nakatingin sa screen.
Napangiwi ako nang makita ang masamang tingin ni Natasha at nakuha pa akong hamapasin sa ulo. Napadaing ako sa sakit at ngumiwi sa kanya na umupo sa sofa sa kabila. May hawak na libro at kunot ang noo na nakatingin sa 'kin.
"Pakisabi sa mga kabigan natin na hindi ako makakapunta sa mga events. Busy ako sa pagaasikaso kay Natasha ngayon," nakangiting sambit ko sa kanya.
"Bro, alam mo bang nag-alala kami kay Natasha! Kaya naman pala ibang iba ang ngisi mo nung gabing 'yun," napapailing na sambit niya.
"Jetro!" Si Natasha sa pasigaw na boses at umupo sa gilid ko. "Pakikamusta ako kila Mommy! Tell them that I'm here! Wag na silang mag-alala para sa 'kin..." dagdag niya sa kalmadong boses.
Napalunok ako at napaayos ng upo, nasa gilid ko s'ya at siguro hindi niya napansin na nakaupo na s'ya sa tabi ko. Kinagat ko ang labi ko at nilagay ang braso sa arm chair. Amoy na amoy ko ang pabango niyang bagong bili ko, ngumisi si Jetro sa 'kin at binalik ang tingin kay Natasha.
"I'll tell them of course. Alam mo ba na nagpatawag ng mga pulis si Tita? Sobrang nag-aalala sila para sa'yo..." sambit ni Jetro.
She sighed. "Kasalanan 'to ni Wade! Peste!" Si Natasha sa galit na boses at napatingin sa 'kin ngunit napaatras s'ya nang makitang malapit ang mukha naming dalawa.
"What are you saying?" mahinang bulong ko at tinignan ang labi niya.
Narinig ko ang pagtikhim ni Jetro kaya napaiwas si Natasha at lumayo sa 'kin. Kinagat ko ang labi ko at ngumisi sa kaibigan ko na natatawa sa'min. Matapos naming mag-usap ay kaagad na akong nagluto ng pagkain namin ni Natasha, mabuti nalang rin at napapakiusapan ko s'ya hindi kagaya nung una kaming nagkasama, halos magbugbugan na kaming dalawa.
"Bakit may ingredients dito ng pangbrownies?" tanong niya nang mapunta sa kitchen.
"Uh..." lumunok ako. "I want to try to bake so..." nagkibit balikat ako sa kanya.
She nodded. "Nasaan nga pala ang cellphone ko?" nakakunot ang noong saad niya.
"Tinapon ko," malamig na sambit ko at napasinghap naman s'ya at tinignan ako.
"What?" gulat na tanong niya at tinignan ako. "Bakit mo tinapon?" dagdag niya sa nagagalit na boses.
Nagtaas ako ng kilay. "Bakit? Gusto mo bang makita kong nag-uusap kayo ng hilaw mong fianceè mismo sa harapan ko?" sarkastikang sambit ko.
Hindi niya ako sinagot at mabilis na tumakbo papunta sa labas, napailing ako. Malamang tatalunin niya ang dagat para lang makita ang cellphone, hindi ko alam na napakaimportante pala ng cellphone na 'yun. May kung anong nagbara sa lalamunan ko at mabilis kong tinapos ang pagluto. Bigla akong nawalan ng gana.
"Kumain ka na..." malamig na sambut ko sa kanya na nakakapit sa railings at panay ang tingin sa dagat.
"Importante ang cellphone ko! Bakit mo ba kasi tinapon?" galit na sambit niya.
"Bakit hindi mo rin ba maintindihan na hindi mo na kailangan ng cellphone dahil ako ang kasama mo?!" naiinis na saad ko sa kanya at nag-iwas ako ng tingin.
Tumalikod na ako doon at padabog na nagsara ng pintuan ng kwarto. Humiga ako sa kama at kunot ang noo, napakamanhid niya naman. Ganyan na na s'ya kawalang puso? It's rude for me na iba ang hinahanap niya gayong nandito naman ako sa tabi niya.
"Hello, Shane?" malamig na turan ko sa biglang pagtawag ni Shane.
[Finally! Nasaan ka ba? Nag-aalala ako sa'yo! Pati si Troy ay palagi kang hinahanap! Pati si Natasha nawawala tell me, are you together huh?] nagdududang tanong niya.
"Then?" bored na sambit ko at sinilip ang mga libro ni Natasha na nasa side table.
[So, magkasama kayo!?] Si Shane sa nagugulat na boses. [Wade! Ano bang nakain mo?! Nagawa mo kaming iwan ng anak mo para lang kay Natasha? Nababaliw ka na ba?] gumaralgal ang boses niya.
I sighed. "Stop making this hard for me. I need to make it up to Natasha, I need to make things right for the both of us Shane and I need you to understand that," seryosong sambit ko sa kanya at sinuklay ang buhok ko.
She cried. [Wade! Nandito naman kami ni Troy! Sasabihin ko kay Tita kung anong ginagawa mo! Sasabihin ko na kasama mo si Natasha! Hindi mo na ako nirespeto! Kami ng anak mo! How dare you Wade?!] galit na sambit niya at umiyak.
"Don't you dare cry because in the first place you made a mistake, both of us. I want her to be with me! Dang! I don't care what you are saying! Aayusin ko ang gusot namin ni Natasha at wala kang magagawa..." seryosong sambit ko at pinatay ang tawag.
Huminga ako ng malalim at tinakpan ang mata ko. Napapagod na akong intindihin si Shane, palagi niyang ginagamit ang bata kapag palagi kaming nag-uusap. Alam ko na walang nangayriy samin nung gabing 'yun dahil kahit lasing ako, alam ko ang ginagawa ko. Dahil sa kanya nasira ako kay Natasha, ang relasyong inayos ko at binuo ko ay nasira lang.
Sobrang tagal kong pinangarap na mapunta sa 'kin si Natasha, pero sa isang iglap nawala ang lahat. She left me in the middle of the night, raining outside and I am sleeping. After we make love that night, she left me. Left with that freaking letter! Hindi ko alam kung kaya ko bang basahin ulit 'yun! Naiinis lang ako.
"Wade..." narinig ko ang mahinang tawag ni Natasha at ang pagsarado ng pinto.
Hindi ako gumalaw, hindi ako tumingin sa kanya. Narinig ko lang ang paglapag ng tray sa side table, naramdaman kong umalon ang kama dahil sa pag-upo niya.
"Bakit ka umiinom ng ganito?" tanong niya bigla. "I saw this on the cabinet, are you sick?" hindi ko alam pero sobrang sarap pakinggan ng boses niya, mahina lang at kalmado.
After the night she left me, I was traumatized kaya nagpacheck up ako sa Tita ko. She gave me a sleeping pill and some medicine para sa anxiety, nagtake rin ako ng counseling sa isang kilalang psychiatrist dahil sa depression na natamo ko. Palagi kong dala ang gamot ko whenever im trying to sleep, hindi ako nagsalita dahil kapag nagsalita ako malalaman niya.
"Wade," seryoso na ang boses niya kaya napatingin ako sa kanya. Hawak niya ang gamot ko at nakatingin s'ya deretso sa mga mata ko. "Bakit ka umiinom ng ganito? Kailan pa?" dagdag niya sa mahinahong boses.
"Simula nang iwan mo ako..." mahinang sambit ko at natigilan naman s'ya. "They day you left me was the day im traumatized and depressed," mahinang sambit ko at mas lalo s'yang natigilan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top