Chapter 27

Natasha's POV:

Tahimik akong pumasok sa silid ni Wade, hindi ko nakalimutang mamangha sa kwarto. Isang malaking kama sa gitna maraming unan at komportable naman, sa gilid ko ay ang malaking closet, kitang kita ko pa ang iilang mga nakahanger na damit. Katabi nun ay ang banyo, napatingin ako sa kaliwa at kitang kita ang buwan mula dito dahil sa glass window.

Napalunok ako at marahang naglakad papunta sa kama, itim at puti ang kabuaan. Nanunuot ang pabango ni Wade sa buong silid, hindi ko maiwasang mapangiti dahil hindi pa rin nagiba ang pabango niya. Hindi ko alam kung kailan ako tatagal dito, kung sisirin ko man ang dagat malamang patay na ako bago makarating sa dulo.

Hindi ko alam kung bakit kailangan niyang gawin ang bagay na 'to. Naisip ko si Emmanuel, malamang nag-aalala na sila sa 'kin at baka mamaya nagtawag na ng mga pulis para mahanap ako. Tumingin ako sa tahimik at payapang dagat, walang kahit na ano maski ang mga bangka na pwede kong magamit.

Nangilid ang luha sa mata ko dahil paniguradong hahanapin ako ng mga anak ko. Nagdahilan lang ako sa kanila dahil nagulat ako sa presensya ni Wade, ayoko na malaman niya ang tungkol sa mga bata. Pagod na pagod na akong magsalita, gusto ko nalang manahimik. Pinunasan ko ang luha sa mata ko dahil wala nga talaga akong magagawa para makatakas.

Niyakap ko ang unan at tahimik na umiyak dahil nag-aalala ako sa mga anak ko. He's a bastard for taking me here! Paano na ang trabaho ko? Paano na ang mga anak ko? Peste naman na kung kailan ikakasal na ako doon pa niya naisipan na gumawa ng ganitong plano. Ano pa bang gusto niya sa 'kin? He have his own family! 'Yun naman ang matagal niya ng gusto, to have his own family.

Dahil sa pagod nakatulog rin naman kaagad ako, nagising ako dahil sa araw na tumatama sa mata ko. Napabangon ako at napabuntong hininga dahil akala ko panaginip lang, bumangon ako at pumunta sa kwarto siguro maghahalungkat nalang ako sa closet niya. Nagbihis lang ako ng isang itim na t-shirt hanggang tuhod ko ang haba, napakagat ako sa labi ko.

I have no undergarments here! Anong isusuot ko? Alangan naman na ibalandra ko ang katawan ko? Sinuot ko ang boxer niya! Bahala na. Namula ang pisngi ko nang napahinto sa salamin, para akong bata sa suot ko. Gusto niya talagang ganito ha? Papahirapan kita Wade! Hangga't sa sumuko ka! At maisip mo na pakawalan ako sa kung saan man ako.

Pagbukas ko ng pinto ay ang likod ni Wade ang nakita ko, he's freaking topless! Napakurap ako nang magtama ang paningin naming dalawa, napaawang pa ang labi niya at pinasadahan ako ng tingin. Tumikhim ako at malamig na tinignan s'ya na pinilig ang ulo.

"You have to eat baka nagugutom ka na..." kalmadong sambit niya.

"I want to go back," kalmadong sambit ko kaya napatingin s'ya sa 'kin at binalik rin ang tingin sa stove. "Wala akong gagawin dito! Anong gagawin mo sa'kin? Hindi ako preso!" dagdag ko sa mariing boses.

He sighed. "No," seryosong sambit niya at nilapag ang ginataang crab kaya natakam agad ako. "Hindi ka babalik, dito ka lang,"  dagdag niya sa malamig na boses.

"P-pero may naghihintay sa 'kin." natikom ko ang bibig ko dahil sa lamig ng tingin niya.

Hindi niya ako pinansin at pinagusog ako ng upuan, wala akong nagawa kung hindi umupo dahil kumakalam na ang tiyan ko sa gutom. Tinignan ko lang ang pagkain ko, wala akong ganang kumain dahil naiisip ko lang ang mga anak ko. Tinignan niya ako at pinagtaasan ng kilay.

"Eat," maotoridad na sambit niya at pinagsandok ako ng kanin.

"W-wade...g-gusto ko nang bumalik..." mahinang sambit ko at napatingin s'ya sa 'kin. Halos magmakaawa na ako sakanya na ibalik ako.

Mahigpit ang kapit niya sa kutsara at nakatiim ang panga kaya kinabahan ako. Kahit gusto kong kumain hindi pwede dahil gusto kong makausap s'ya, gusto kong maintindihan niya na hindi ako pwede dito.

"Bakit? Gusto mong bumalik kasi nami-miss mo kaagad ang fianceè mo?" aniya sa sarkastikang boses habang nakatiim ang panga.

Hindi ako nakasagot, hindi kasi 'yun ang iniisip ko. Kinagat ko ang labi ko dahil nagiging emosyonal na naman ako. Hindi ako makatingin sa kanya dahil sa kaba na baka makita niya ang tunay na emosyon ko. Tumayo s'ya at marahang tinulak ang pagkain papunta sa 'kin ngunit nanatili akong walang kibo.

"Kumain ka na. Magpapalamig lang ako," malamig na sambit niya at iniwan akong nakatulala sa pagkain.

Napalunok ako. Tinignan ko ang pagkain at kumurap, pinunasan ko ang luha ko. What's wrong with him? Marahan kong kinuha ang kutsara at tahimik na kumain, huminga ako ng malalim at kaagad na tinapos ang pagkain. Nawalan rin ako ng gana dahil na rin sa pag-iisip kung paano ako makakatakas sa kanya.

Hinugasan ko nalang ang plato ko at tinakpan ang pagkain na para kay Wade. Sumilip ako sa labas at nakita s'yang nakahalukipkip at nakatingin sa dagat. Kumain na ba s'ya? Bakit ba ako nag-aalala sa kanya? Ano bang pakielam ko? Lumunok ako at naglakad papunta sa kanya, gusto ko s'yang kausapin. Baka magbago ang isip niya. Para sa mga anak ko! Lulunukin ko ang pride ko!

"If you came here just to asked me to bring you back there, it's always a no Natasha," malamig na sambit niya, hindi pa nga ako nakakapagsalita.

I sighed at kinuyom ang kamao ko sa likod. "Anong gagawin ko dito? Wala akong damit! Wala akong kahit na ano! Gagawin mo ba akong preso mo? Nababaliw ka na ba talaga!" iritadong sambit ko.

"List all your needs. Ipapabili ko," malamig pa ring sambit niya, hindi man lang ako tinignan.

Napaawang naman ang labi ko at hindi makapaniwalang tinignan ang likod niya. Tinignan niya ako kaya napa-atras ako, tinaasan niya ako ng kilay kaya umiwas ako ng tingin.

"Ayoko nga sabi dito! Hindi mo ba ako naiintindihan?!" halos sigawan at suntukin ko na ang mukha niya.

Sumandal s'ya sa railings at pinagmasdan ako. Nanginig agad ang tuhod ko, pinagmamasdan niya ako at nakikita ko rin ang tingin niya sa katawan ko. Ilang lunok na ata ang ginawa ko at iniwas ang paningin, para akong hihigupin ng mga tsokolate niyang mata. Kung ipagtatabi ko sila nina Wayne halos magkakamukha silang lahat!

"I don't care if you don't want here..." nakangising sambit niya at binasa ang pangibabang labi niya. "Kung dati napapasunod mo ako, ibahin mo ako ngayon Natasha," nginitian niya pa ako ng pagkatamis tamis.

Inis na sinuklay ko ang buhok ko at lumapit sa kanya, tumaas ang sulok ng labi niya. Sa inis ko ay kinuwelyuhan ko s'ya! Mariin ang tingin ko sa kanya kaya nagulat s'ya pero kalaunan ay ngumisi at nagtaas ng kilay. Galit na galit na talaga ako! Para s'yang bingi na hindi ako marinig!

"Ibalik mo na ako! Pwede ba? Masyado mo nang inuubos ang pasensya ko," maangas na sambit ko sa kanya.

Pero imbes na sagutin niya ako ay hinawakan niya ang bewang ko at hinapit sa kanya. Halos maputol ang paghinga ko dahil sa lapit namin, napasinghap ako at tinignan s'ya. Naaliw ang mga tsokolate niyang mata habang tinitignan ang bawat sulok ng mukha ko.

"Nagugustuhan ko ang pagiging maangas mo..." bulong niya sa tainga ko kaya nanindig ang balahibo. "Sa sobrang gusto ko, parang gusto na ko na kitang anakan ngayon mismo," dagdag niya sa namamaos na boses.

"L-let me go..." halos manghina ako dahil sa hininga niyang tumatama sa leeg ko. "Bitawan mo ako Wade..." dagdag ko sa namamaos na boses.

"Okay..." natatawang sambit niya at hinaplos pa ang bewang ko na ikinatalon ko.

Sinamaan ko s'ya ng tingin at nagmartsa papunta sa loob, narinig ko ang pagtawa niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kalabog, huminga ako ng malalim at padabog na sinirado ang pinto. Tinalon ko ang kama at gigil na sumigaw sa unan dahil sa galit. Ano bang kailangan kong gawin para makumbinsi ko s'yang maibalik ako?

Natigilan lang ako nang marinig ko ang pinto, napaayos ako ng pagkakahiga. Napalunok ako ng magtama ang paningin naming dalawa, suplado niya akong tinignan at pumasok sa banyo at sinirado. Iisa lang ba ang kwarto dito? Nakasimangot akong nakaupo sa kama, napatalon ako ng biglaang bumukas ang pintuan at nakita ko si Wade.

Nasa balikat niya ang tuwalya at nagpupunas s'ya ng buhok. Kumurap ako dahil may nakita akong tattoo sa bandang ibaba ng collabone niya. Ang tubig ay malayang dumadaloy sa katawan niya, ang basang basa niyang buhok ay nakakadagdag sa kakisigan niya. Tumikhim ako at nagiwas ng tingin, pakiramdam ko ay namula ng husto ang pisngi ko.

"Ilista mo lahat ng kailangan mo, bibilhin ko," kalmadong sambit niya habang nakatalikod sa 'kin.

"Bibilhin mo lahat?" nakataas kilay na sambit ko, madami akong ililista! Tipong mauubos ang pera niya sa sobrang dami. 

He shrugged his shoulder. Napatili ako nang bumagsak ang tuwalya sa katawan niya, napatakip ako ng mata. Narinig ko ang pagmumura niya at rinig ko ang mabilis niyang pagpasok sa banyo, napahawak ako sa dibdib ko at nakita ko lang naman ang matambok niyang pang-upo. Peste! Paano ko s'ya papakisamahan sa iisang lugar kung ganitong nang-aasar s'ya?

Lumabas s'ya nang banyo na nakat-shirt at isang sweat pants at cool na naglakad. Napatingin s'ya sa 'kin, napaatras naman ako nang yumukod s'ya para kunin sa gilid ko ang relo niya.

"Para sa tanong mo kanina, kayang kaya kong bilhin lahat ng gusto mo..." bulong niya sa tainga ko at ngumiti na naman sa'kin.

Ngumiwi ako at inirapan s'ya na humalakhak. Mukhang wala akong kawala! Nasa gitna kami ng dagat at kaming dalawa lang talaga! Kung bakit ba kasi ang tanga ko eh! Eto ngayon ang napala ko?! Peste.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top