Chapter 26

Wade's POV:

Napangisi ako at ininom ang wine na nasa lamesa, kakatawag lang sa 'kin na nakuha na nila si Natasha. Tinignan ko si Emmanuel at nakitang palinga-linga na s'ya sa paligid, gusto kong tumawa sa kanya. Matagal ko ng pinagisipan ang tungkol sa ganito ang pagkuha kay Natasha, sa ganoong paraan mas makakausap ko s'ya ng maayos nang hindi kami nag-aaway.

Ilang linggo akong nanahimik para sundin ang sinabi ni Natasha, natatawa ako dahil lang sa isang salita niya napapasunod niya ang tulad ko. Alam ko rin na s'ya ang nagpapabagsak sa kumpanya namin, kaya para matigil na ang paghihiganti niya ay kakausapin ko s'ya ng mahinahon at maayos. I want to make it up to her sa loob ng walong taon na nagkahiwalay kaming dalawa.

Nitong mga nakaraang linggo pansin ko ang madalas na pagbisita ni Kuya kila Shane at may pinaguusapan sila. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, pansin ko 'yun dahil nakikita ko ang ngiti sa labi ni Kuya kapag nakikita niya si Troy.

"Excuse me..." malamig na paalam ko sa kanilang lahat.

"Saan ka pupunta?" tanong agad ni Shane na katabi si Troy na nakatingin sa 'kin.

"Kailangan ko bang sabihin sa'yo?" sarkastikang sambit ko sa kanya. "I need to leave," pinal na sambit ko.

Hindi na sila naka-angal dahil alam nila ang ugali ko. Humalik ako kay Mommy pati kay Troy at hindi na sila pinansin, ngumisi ako pagkatalikod ko nang makita na nasa tainga ni Emmanuel ang cellphone. Akala niya ba makukuha niya? Sa 'kin si Natasha simula pa nung una kaming magkita. Sumipol ako at kaagad na sumakay sa kotse ko paglabas.

Sa isla ko dadalhin si Natasha, sa Baguio kung saan namin gustong tumira. Pinaglalaruan ko ang labi ko at alam kong pinagsisipa na ni Natasha ang mga tao ko, naisip ko rin na handcuffs ang ilalagay ko dahil mabilis kumilos si Natasha.  Nakakapagtaka na ganoon lang nila kabilis na nahuli si Natasha sa iilang minuto lang.

Pagkarating ko sa condo ko ay kaagad kong pinautos kay Kent ang helicopter. Mabuti nalang rin at pumayag na s'ya, sinabi ko sa kanya ang gusto ko. Nung una ay natawa pa s'ya pero kalaunan ay pumayag rin dahil ayaw ni Kent sa fianceè ni Natasha. Hindi nila alam nagpaggawa ako ng background check sa fianceè ni Natasha at gumawa ng plano para mailayo s'ya.

[Ayusin mo lang Wade! Sinasabi ko sa'yo! Kapag hindi umubra 'yan baka masapak ako ng kapatid ko!] Si Kent sa iritadong boses.

Tumawa ako. "Hindi ko na pakakawalan, akin 'yun, sigurado ako..." sambit ko at narinig ko ang pagmumura niya.

Sumakay kaagad ako sa helicopter at mabilis naman na umandar. Kailangan kong maging malamig sa kanya nang sa ganoon hindi niya malalaman kung anong gusto ko. Kinikilabutan ako kapag iniisip ko na nasa iisa kaming yate at kaming dalawa lang. Hindi ako magaling magpigil pero para makausap s'ya ng matino ay gagawin ko.

Nakikita ko na ang isla ko kung saan nakapangalan kay Natasha lahat. Pangarap kong bumuo ng pamilya malayo sa siyudad, gusto ko ng tahimik. Nakita ko na rin si Natasha nang makababa ako ng helicopter ko, tama nga ako dahil panay ang piglas niya. Sumenyas ako sa kanila na iakyat na sa yate si Natasha.

"Sino ba kayo? Wala naman kayong mapapala sa 'kin!" Si Natasha sa pasigaw na boses habang pumipiglas sa mga may hawak sa kanya.

Nakatiim ang panga ko nang makita ang suot niya, halos makita ko na ang pisngi ng dibdib niya dahil sa sobrang liit ng suot niya. Huminga ako ng malalim at napamura nang bigla nilang binagsak si Natasha sa sofa.

"Fuck," mahinang mura ko at sinapak si Brent na nakangisi at taas ang kilay. "Leave!" dagdag ko sa malamig na boses.

Naiwan kami ni Natasha, pinagmamasdan ko s'ya at inayos ang coat niya. Panay pa rin ang piglas niya pero kalaunan ay agad ring tumigil dahil na rin sa pagod. Tinanggal ko ang sakong suot niya at humalukipkip sa mismong harapan niya, nanlaki ang mata niya nang makita ako na nakangisi.

"W-wade..." mahinang bulalas niya, gulat na gulat ang mga singit na mata.

I smirked coldly. "It's nice to see you baby," nakangising sambit ko at hinalikan ang labi niya.

Soft. Ngumisi ako nang makita ko ang galit sa mata niya. Kung dati ay natatakot ako ngayon mas gusto ko nalang pagmasdan ang mga mata niya. Tinignan ko s'ya na nililibot ang paningin, most probably naghahanap ng paraan para makatakas.

"Nasaan ako? Bakit mo ako dinala dito?" galit na tanong niya at dahan dahan akong tinignan.

Nanatili ako sa harapan niya at mas ngumisi. "Sa tingin mo ba hahayaan kitang makasal sa ibang lalaki?" sambit ko sa iritadong boses habang nakangisi.

Sinamaan niya ako ng tingin at nagsalita. "Sinabi ko na sa'yo na wala kang pakielam! Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na layuan mo ako!" Si Natasha sa pasigaw na boses at tinaliman ako ng tingin.

"Not now," seryosong sambit ko at tinanggal ang cuffs dahil sa namumula na ang pulso niya. "Hindi mo ako alipin ngayon kaya huwag mo akong uutusan na gawin 'yan dahil alam mo na hindi kita susundin..." dagdag ko sa seryosong boses.

Mabilis kong hinawakan ang kamao niya dahil bigla s'yang sumugod sa 'kin. Hinawakan ko ang bewang niya at umiling sa kanya. Sinuntok niya ang braso ko at mabilis kong kinabig ang bewang niya patalikod. Ang mga braso ko ay nakayapos sa dibdib niya at tiyan niya.

"You're under arrest Natasha..." tumawa ako sa tainga niya at narinig ko ang pagsinghap niya kaya mas lalo akong ngumisi.

"Ibalik mo ako sa bahay! Hindi ako pwede dito!" Si Natasha sa galit na boses habang pumipiglas sa hawak ko.

"Bakit? May naghihintay sa'yo pauwi? Sino? Ang lalaki mo?" nakangising bulong ko, galit ang mga mata ko.

"Wade ibalik mo na ako! Wala kang mapapala sa 'kin!" Si Natasha sa mahinahon ngunit mariing boses.

Lumapit ako at iritado na ngayon kaya napa-atras s'ya. Tinukod ko ang kamay ko sa uluhan niya at tinagilid ang ulo. Nakita ko ang paglunok niya, ngumiti ako sa kanya at tinignan ang labi niya at nakitang mas lumunok s'ya. I have an effect for her!

"Hindi kita ibabalik dahil akin ka..." seryosong sambit ko.

Tumawa s'ya. "Nababaliw ka na! Ibalik mo na ako! Ayaw kitang makasama! Ayokong nalalapit sa'yo!" Si Natasha sa matapang na boses at tinignan ang mga mata ko.

Natikom ko ang bibig ko at mas pinakatitigan s'ya. Ganyan ba talaga s'ya kagalit sa 'kin na ayaw niya akong makasama? Paano naman akong gustong gustong makasama s'ya? Nanikip na naman ang dibdib ko kaya tumikhim ako at tumuwid sa pagkakatayo.

"Hangga't nandito ka sa puder ko hindi ka makaka-alis. Wala akong pakiealam sa mga naghihintay sa'yo, kung ayaw mo akong makasama then deal with it. Mas makakasama mo pa ako ng ilang araw," malamig na turan ko at iniwan s'ya doon.

Huminga ako ng malalim dahil mukhang mahihirapan akong paamuhin ang isang tigre. Kung dati napapaamo ko si Natasha mas lalong hindi ngayon, kumuha ako ng beer at kaagad na napatingin sa kanya. Nandoon na s'ya sa labas at nakatingin sa dagat, ngumisi ako dahil pinatanggal ko lahat ng jetski at iilang mga maliit na bangka.

Lumapit ako habang hawak ang beer. "If you want to escaped from me, hindi mo magagawa. Unless, gusto mong sisirin ang dagat..." nakangising sambit ko sa kanya.

"Ibalik mo na ako..." mariing sambit niya. "Ano pa bang gusto mong mangyari ha? May pamilya ka na Wade! May anak ka na kaya hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong gawin sa 'kin 'to," kalmadong sambit niya at tingnan ang mata ko.

"Matulog ka na," malamig na utos ko dahil ayokong sagutin ang tanong niya.

"Ibalik mo na ako at hihihintay na nila ako..." halos makita ko ang pagmamakaawa sa mga mata niya.

Lumunok ako at tinalikuran s'ya pero sumunod s'ya. Umupo ako sa sofa at pinikit ang mata dahil sa pagod. Dinilat ko ang mata ko at nakita ko na naman ang nagmamakaawa niyang tingin sa akin.

"Ibalik mo na ako! O k-kaya pahiramin mo ako ng cellphone! Nag-aalala na sila sa 'kin! Wade naman!" Si Natasha sa naiiritang boses na halos suntukin niya na ang mukha ko. "Kidnapping ang ginagawa mo! Pwede kitang kasuhan!" dagdag niya sa seryosong boses. 

Tinuro ko ang cellphone ko at kaagad niyang tinignan 'yun, nagmamadali niyang kinuha 'yun at lumabas. Bumuntong hininga ako at tinignan s'ya na nakatalikod sa 'kin, ininom ko ang beer ko at pinagmasdan ang likod niya.

Wala akong pakiealam kung sino man ang naghihintay sa kanya, gusto kong masolo s'ya. Gusto kong magka-ayos kaming dalawa kahit civil lang. Tumayo ako dahil nakita ko ang pag-angat ng mga balikat niya, lumapit pa ako at mas lalo kong narinig ang boses niya.

"U-uuwi ako...pangako okay? Uuwi ako... hintayin ninyo ako ha?" marahang sambit niya. "Yes, baby uuwi ako...mag-iingat kayo... yes, work... I'm going to work..." mahinang sambit niya.

Sinong kausap niya? Baby? Sinong tinutukoy niya? Nagulat s'ya nang makita ako, bakit nagulat ka? Hindi ko ba dapat malaman na si Emmanuel ang katawagan mo? Hinablot ko ang cellphone ko sa kanya habang mariin ang tingin sa kanya. Nakita ko pa ang luha na namumuo sa mata niya.

"Baby huh?" nakangising sambit ko. "Mas lalong hindi ka makakaalis," dagdag ko sa seryosong boses habang nagtatagis ang pangang nakatingin sa kanya.

"Please, ibalik mo na ako at hinihintay na nila ako..." mahinang sambit niya ngunit ngumisi ako at umiling.

"Matulog ka na, sa sofa ako matutulog," malamig na sambit ko at humiga sa sofa, pinikit ang mga mata.

Sinong baby? Si Emmanuel ba? Bakit kailangan niyang ipamukha sa 'kin? Napapikit ako at pinakiramdaman ang kilos ni Natasha, tinignan ko s'ya na nasa pintuan pa rin. Kalaunan ay kaagad s'yang pumasok at tahimik na naglakad papunta sa isang kwarto. Ano kayang iniisip niya? Talaga bang ayaw niya na akong makasama?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top