Chapter 24

Wade's POV:

Mabilis na lumipas ang mga araw at palagi kaming nagkikita ni Natasha, nabalitaan ko rin na nakauwi na ang tarantado niyang fianceè. One time, nakita ko na s'ya at nakausap pa kaya lang puro pamimilosopo lang ang sinasagot ko sa kanya. Mabuti rin na natitikom ko ang bibig ko dahil ayokong masaktan s'ya kapag nalaman niya na nakikipaghalikan sa 'kin ang fianceè niya.

Madaming trabaho sa opisina kaya inabala ko ang sarili ko buong maghapon, walang babae sa paligid. Simula nang mahalikan ko si Natasha parang naging gawain ko na ang tumigil sa paghalik ng ibang babae, parang naging goal ko na labi lang ni Natasha ang hahalikan ko sa magdamag. Nakakatawa lang na sa isang halik nagawa kong maadik, ganoon naman palagi ang epekto niya sa 'kin. 

Nakatayo ako habang tinitignan ang lalaking nahuli namin nung nakaraan, nambibiktima s'ya ng mga kababaihan. Mga babaeng mahihina at madaling maloko, nagpanggap s'yang businessman at nagbebenta ng mahahaling sasakyan. Napapailing ako dahil ang laki laki ng katawan niya pero nakukuha niya pa ring mambiktima. Malaking pera ang nakukuha niya at pinapapirmahan niya ng pekeng document at hindi na magpapakita.

"Side view..." utos ng isa sa mga team ko habang kumukuha nang litrato niya.

Nakahalukipkip lang ako at nakatingin sa kanya, tinignan ko ang oras at paniguradong nandoon na ang bulaklak para kay Natasha. Every 2pm ay nandoon s'ya sa shop dahil may mga kinikita ata s'yang kliyente para sa trabaho. Minsan nagkikita kami doon at hindi pa rin nagbabago ang pagiging suplada niya at pagiging malamig.

Tss. Hindi ko nga alam kung bakit kinikilig ako kapag nakikita ko ang suplada niyang mukha. The way she talks to me, para akong nakalutang sa mga ulap at nakakabaliw.

"Babalik muna ako sa opisina ko maraming pinapaa-asikaso sa'kin si Chief," paalam ko sa kanila at tinignan pa ng isang beses ang lalaki bago umalis.

Huminga ako ng malalim at kaagad na pumunta sa opisina ko na malapit sa tables ng ilang mga sundalo. Pinihit ko ang doorknob at kaagad na nangunot ang noo ko nang makita si Faye, palagi niya nalang akong kinukulit na maka-date kaso ayoko. Marami akong ginagawa, totoo 'yun, at isa pa inaasikaso ko rin si Troy dahil nag-aaral na.

"Faye?" nagtatakang tawag ko at kaagad na umupo sa sofa.

She smiled. "I've missed you, Wade. Pumunta ako dito dahil I'm expecting something from you..." aniya sa makahulugang boses.

I sighed and looked at her. "Sinabi ko na sa'yo na busy ako at marami akong trabaho," sambit ko at tinuro ang toreng papel na nasa lamesa ko.

She pouted and sit beside me. Ang mga kamay ay nakayakap sa bewang ko kaya napalunok ako at medyo umatras ng kaunti dahil sa paglapit niya. She looked at me and kissed my lips, napalunok ako at nanlalaki ang mata nang kumandong s'ya sa 'kin.

"F-faye don't..." mahinang sambit ko sa kanya habang inaayos ang strap ng damit niya.

She sighed. "You're always busy Wade. You don't have time for me, we didn't catch up because of your work. I wait for you kagabi but you didn't showed up, bumili pa naman ako ng bagong lingerie para sana..." She gave me a sly smile.

Hinawakan ko ang bewang niya at inaalis sa kandungan ko, umiling s'ya at hinalikan ang leeg ko. Napapalunok ako at kaagad na inisip si Natasha, marahan ko s'yang tinulak dahil ayokong masaktan s'ya. Kahit papaano ay naging mabuti s'ya sa 'kin, ayokong isipin niya na wala akong utang na loob para sa kanya.

"Stop, Freya..." mahinang sambit ko at marahang tinulak ang mukha niya na nasa dibdib ko.

"Why? Before naman go na go ka sa mga halik ko, ikaw pa nga ang nagf-first move..." napapaos na bulong niya.

Tinignan niya ako, umiling ako sa kanya. Nakita ko ang pagkabigla niya, pero bago 'yun ay bumukas ang pintuan. Kaagad akong napatingin doon at nanlaki ang mata nang makita ko si Natasha na nakaawang ang labi at nakatitig sa 'kin. Napapikit ako at kaagad na tumayo kabadong kabado ako sa blangko niyang itsura.

"Sorry..." mahinang sambit niya at padabog na sinirado ang pintuan.

Napalunok ako at kaagad na iniwan si Faye, tinawag niya pa ako pero hindi ko na s'ya pinansin pa. Masyado na akong nabibingi dahil sa kabog ng dibdib ko, namamawis ang mga kamay ko. Natatakot ako na baka mali ang iniisip niya, kagat ko ang labi ko at nagpalinga-linga sa paligid.

"Natash! Wait!" sigaw ko pero para s'yang bingi at nagpatuloy sa paglalakad.

Tinakbo ko ang distansya naming dalawa, malapit na s'ya labas at napahinto lang nang hawakan ko ang braso niya. Pagkaharap na pagkaharap niya ay isang malakas at nakakabinging sampal ang natamo ko galing sa kanya. Halos matanggal ang ulo ko sa lakas, para akong nabingi sa lakas.

"Ano?! Ano na naman ang sasabihin mo!?" Si Natasha sa nanginginig na boses habang nakaduro sa 'kin ang isang daliri niya.

Suminghap ako. "Let...me explain please..." kinakabahang sambit ko sa kanya.

Ngumisi s'ya pero galit ang mga mata niya. "Tangina mo! Nakakagago ka!" Si Natasha sa galit na galit ba boses.

Natulala ako! Galit na galit ang mga mata niya habang nakatingin sa 'kin. Nanginig ako dahil sa matinding kaba na nasa dibdib ko. Pinipilit kong hawakan s'ya pero sinusuntok niya lang ang bawat kamao ko na pilit hinahawakan ang braso at kamay niya.

"M-mali ang iniisip mo." suminghap ko sa kanya ngunit tumawa s'ya at nginisian ako.

"Sa harapan ko pa! Harap-harapan pa Wade! Kaya mo ba ako pinapunta para makita ko kung paano kayo maghalikan ng mga kaladkaring babae mo!?" Si Natasha sa pasigaw na boses habang matalim ang tingin sa 'kin.

"No, pumunta lang s'ya dito para makausap ako... h-hindi ko alam na g-gagawin niya ang bagay na yun..." paliwanag ko at malamlam ang mga matang nakatingin sa kanya.

"Nandidiri ako sa'yo! Sobra ang pandidiri ko! Kung pinapunta mo ako para ipamukha sa 'kin na kayang kaya mo akong palitan, Congrats! Tanginang 'yan! Hindi ka pa rin nagbabago!" Si Natasha sa matalas na boses at nakita ko ang pagpula ng dibdib niya.

Natigilan ako. Parang hindi si Natasha ang nasa harapan ko ngayon, tinignan ko ang kabuaan niya kitang kita ko ang pagpula ng dibdib niya dahil sa galit niya, ang pagpula ng mata niya tanda ng galit. Kumurap ako at hindi ko alam bakit bigla akong nakaramdam ng paghihina sa lahat ng sinasabi niya.

Lumunok ako. "Please, m-maniwala ka-"

She slapped me again. "Hindi ko alam kung dapat pa ba kitang pagkatiwalaan sa lahat ng ginawa mo sa'kin! Hindi ko alam kung kailan ka titigil..." suminghap s'ya, nakatingin lang ako sa kanya. "Palagi kong tinatanong sa sarili ko, when would you stop?" humina ang boses niya at tinitigan ako.

Natigilan ako. Napalunok ako at lumapit sa kanya pero umatras s'ya at sumenyas na wag akong lalapit sa kanya.

"Kailan mo ititigil ang paggamit sa babae? Kailan ka magbabago?" aniya sa pagod na boses.

"Natasha..." mahinang saad ko at nanginig ang labi ko.

She sighed. "Hindi ko alam kung kailan ko ba makikita ang isang Wade Ferrell na nagbabago? Hindi ko alam kung nasa dugo niyo ba talaga ang manloloko at mambabae. Kasi sa totoo lang? Malapit na akong mawalan ng pakielam sa'yo," malamig na sambit niya at diretso ang tingin sa mga mata ko.

Kumalabog ang puso ko. Literal na umakyat ang init sa puso ko papunta sa mata ko. Kitang kita ko na naman ang dismaya sa mga mata niya, kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya at ang emosyon na nanggaling sa mata niya. Nanginig ang labi niya pero kinagat niya lang 'yun at huminga ng malalim.

"I came here also to inform you for our upcoming engagement party," malamig na sambit niya at natigilan ako.

Hindi ako nakapagsalita nang padarag niyang inabot ang isang envelope. Nanginig na binuksan ko 'yun at napakagat labi nang makita ko kung kailan sila ikakasal. Tinignan ko lang s'ya na naka-iwas ang paningin, nagtama ang paningin naming dalawa.

"Ayoko nang makikita ang mukha mo," aniya sa mariing boses.  "Magpakasasa ka sa mga babaeng mayroon ka, sa mga babae mong dahilan kung bakit ako lumayo sa'yo. Wag na wag mo na ako ulit hahawakan dahil simula sa araw na to, ikakasal na ako," dagdag niya sa seryosong boses.

Nangilid ang luha sa mata ko at tinignan s'ya. Ako! Ako dapat ang ikakasal sa kanya. Ako dapat ang nasa puwesto nang lalaking ikakasal sa kanya. Napalunok ako at tumango sa kanya, yumuko ako at suminghap para pigilan ang luha sa mga mata ko na kanina pa gustong kumawala.

"It's nice to see you again, Wade," seryosong sambit niya at mabilis na tumalikod sa 'kin.

Kinagat ko ang labi ko at hinayaan s'ya. Kung masaya s'ya sa bago niya, hahayaan ko nalang rin. Pagod na pagod na ako at pakiramdam ko wala akong makakapitan sa ngayon na naghihirap ako.

"Natasha!" sigaw ko sa kanya na huminto. "Babalikan kita!" sigaw ulit at pinunasan ang luha sa mata ko. "B-babalikan k-kita!" buong lakas akong sumigaw sa kanya at nanginig ang labi ko at kaagad na napayuko.

Nanghihina akong napaupo sa upuan habang natakip ang buong mukha dahil sa paghikbi. Hindi ko alam na ganito pala kasakit, para may nakadagan sa buong pagkatao ko, magmula ng sabihin niya sa 'kin 'yun. Humikbi ako nang humikbi, naninikip ang dibdib ko sa sakit.

Ikakasal na s'ya hindi sa'kin kung hindi sa taong nagpapasaya sa kanya ngayon.

Lumunok pa ako nang ilang beses bago ko dinampot ang cellphone ko dahil sa isang mensahe. Kaagad kong binasa at napa-awang ang labi ko.

From: Shane

Wade, wala na kaming matitirahan ni Troy. Pina-alis kami sa bahay na tinutuluyan naming dalawa, kinuha nila ang lahat sa 'kin. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin ngayon! Help me.

Napahinto ako at bumuga na nang hangin, suminghap ako at nagpaulit-ulit sa utak ko ang lahat. Mabilis kong tinawagan si Shane, kinakabahan ako dahil baka si Natasha ang may gawa nito. Hindi pa rin pala s'ya tapos sa paghihiganti niya, akala ko pa naman ay tapos na. Mabilis kong inasikaso sila Troy, doon muna sila sa condo ni Shane sa Martinez. Pagod na pagod na akong makipaglaban sa kanya pero never akong susuko na makuha s'ya sa 'kin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top