Chapter 23

Natasha's POV:

Inis na tinignan ko s'ya na ngumisi lang sa 'kin at mabilis niya ring kinabit ang seatbelt kaya hindi ako maka-alis. Bumusangot ako at kaagad na inayos ang tube na suot ko, ayokong makasama s'ya sa iisang lugar dahil hindi maganda ang nararamdaman ko sa kanya. Tinapon niya ang coat ko sa katawan ko, nagtiim ang panga niya at pumasok na sa sasakyan.

"I told you I can handle myself! Hindi mo ako kailangang ihatid!" singhal ko sa kanya ngunit tinignan niya lang ako.

"Ihahatid pa rin naman kita kahit hindi mo sabihin. Gabi na at baka mapano ka," kalmadong sambit niya.

I scoffed. "Kayang kaya ko ang sarili ko Wade! Kaya bumalik ka na sa pamilya mo pwede ba?" inis na singhal ko.

Hindi niya ako pinansin at pinaharurot ang sasakyan niya palabas. Huminga ako nang malalim at nakalimutan kong matigas nga pala ang ulo nito. Hindi mababali ang desisyon niya para sa sarili. Tumingin nalang ako sa labas at huminga ng malalim, piling ko ay nasasakal ako sa presensya niya.

Wala naman talaga akong balak na pumunta, hindi ko lang talaga na maatim na magtampo sa 'kin si Lolo. Kahit ayoko, pumunta pa rin ako dahil sa kanya. Tinignan ko si Wade, seryoso ang mata niya na nakatingin sa harapan at mahigpit ang kapit sa manibela.

I should act formal towards him, hindi niya na ako madadala sa paghatid-hatid niya. Hindi pa nakakatulong ang pabango niya na nanunuot sa sistema ko kaya kailangan ko pang huminga nang malalim. 

"Akala ko bibiguin mo si Lolo..." pagbasag niya sa katahimikan.

Nagulat ako. "H-hindi ko kayang tanggihan si Lolo," kalmadong sambit ko kahit nagkakarera sa bilis ang tibok ng puso ko.

Hanggang doon nalang ang usapan namin, tinuro ko ang address ng condo ko. Wala na akong pakielam, palagi naman kaming nag-aaway pero ngayon iba. Parang kalmado ako, lahat ng paghihiganting naiisip ko ay nawawala kasi nasa tabi ko lang s'ya. Hindi dapat ganito, hindi pa ako tapos iparamdam sa kanila ang lahat ng sakit na pinaramdam nila sa 'kin sa loob ng ilang taon.

"D-dito nalang ako..." sambit ko sa kanya at inayos na ang shoulder bag ko.

Tinignan ko s'ya na pagod na sumandal sa upuan, kumurap ako at kaagad na nag-iwas ng tingin. Hindi ko alam kung aalis ba ako o mananatili dito, bastos ko naman kung aalis ako. Bago pa ako makapagsalita, inunahan niya na ako.

"Hindi mo ba kayang maging civil sa'kin. I mean, hindi mo ba kayang hindi ako sigawan o singhalan?" wala sa sariling tanong niya.

Totoo 'yun. Kada magkikita kami ay palagi akong nakasigaw sa kanya o hindi kaya'y nakasinghal, gusto ko na nararamdaman niya na ayoko sa presensya niya. Ngayon mas nakita ko ang pagod niyang mukha at parang may kumirot sa puso ko pero kaagad ko ring winaksi.

"Hindi ko kayang gawin ang tinatanong mo," mariin ang pagkakasabi ko sa kanya dahil gusto kong maintindihan niya na ayaw ko sa presensya niya.

He sighed. "Alam ko na mahirap, pero hindi ka ba napapagod? Gusto kong maging maayos tayong dalawa, gusto kong kahit galit ka ay kalmado ka pa rin..." mahinang pakiusap niya.

I shook my head at diretso ang tingin sa labas. "Hindi ko kayang pakisamahan ang taong nanakit sa 'kin," walang kabuhay-buhay na sambit ko.

Hindi s'ya nagsalita kaya napatingin ako sa kanya, ganoon nalang ang gulat ko nang makita na pinupunasan niya ang luha sa mata niya. Namanhid ako, hindi ko alam kung anong i-r-react ko sa kanya. Parang may kung ano sa tiyan ko at sa puso ko ang hindi ko maipaliwanag.

"Sorry..." mahinang sambit niya at suminghap. "H-hindi ko lang siguro kayang makitang ganito tayong dalawa. Para lang akong hangin sa'yo, pero anong karapatan kong isumbat ang lahat sa'yo?" natatawang sambit niya at pumiyok ang boses niya.

"Anong karapatan mong umiyak? Anong karapatan mo?!" singhal ko sa kanya ngunit umiling lang s'ya at kinagat ang labi. 

How dare him?! Bakit s'ya ang umiiyak? Anong karapatan niyang umiyak sa harapan ko?! Diba s'ya ang nanakit? He made me like this! He made me a monster! Kaya anong karapatan niyang magpaawa sa harapan ko!?

"I'm sorry..." gumaralgal ang boses niya ngunit suminghap siya para mawala ang nakabara sa lalamunan niya.

"I... I don't need your sorry, Wade. Wala akong gustong marinig mula sa'yo." kinagat ko ang labi ko dahil nagbabara ang lalamunan ko at nangingilid ang luha sa mga mata ko.

Hindi na s'ya umimik, narinig ko nalang ang pagsarado ng pinto at ang paglabas niya. Pinunasan ko ang luha sa mata ko at inayos ang sarili ko, binuksan niya ang pintuan at kaagad akong inalalayan paglabas. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko s'yang kayang tignan dahil nanghihina ako.

"Pumasok ka na, aalis ako kapag nakapasok ka..." mahinang sambit niya at tinitigan ang mukha ko.

Hindi ko s'ya tinignan at kaagad na pumasok sa lobby, hawak ko ang dibdib ko habang papasakay ako sa elevator. Nagulantang ako nang sumunod s'ya sa 'kin, at bago pa ako makapagprotesta ay nahalikan niya na ang labi ko at marahang tinulak sa elevator.

Nanlalaki ang mata ko habang ang labi niya ay nakadikit sa labi ko. Humiwalay s'ya at tinignan ako, nanghihina akong napatingin sa kanya. Nanginginig ang tuhod ko kung hindi niya lang hawak ang bewang ko ay baka natumba na ako, hindi ko s'ya kayang tignan.

"A-anong..." hindi ko na naman natapos nang halikan niya ang labi ko.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko at nalunok ko na ata ang sarili kong laway. Nagsimulang gumalaw ang labi niya, hindi ko alam na ganito pala kalambot ang labi niya. Nawala ako sa sarili at napapikit ako dahil sa paulit ulit niyang galaw sa labi ko.

"Kiss me..." mahinang pakiusap niya at hinaplos ang bewang ko.

Kumurap kurap ako at hinalikan niya nang mas mapusok ang labi ko. Napakapit ako sa braso niya at ginalaw ang labi ko, wala na ako sa sarili. Alam kong kasalanan ang ganito pero hindi ko alam kung may gayuma ba ang labi niya. 

"W-wade h-hindi pwede..." mahinang bulong ko sa kanya na hinahaplos ang bewang ko papunta sa balakang ko.

Hindi niya ako pinansin kahit na anong tulak ko at mas lalo pang hinalikan ang labi ko. Naging blangko ang lahat para sa 'kin, wala ako sa sariling pag-iisip nang igalaw ko ang labi ko. Kusang tumulo ang luha sa mata ko habang hinahalikan niya ang labi ko habang hawak ang bewang ko.

"Kung kasalanan ang halikan ka, tatanggapin ko ang parusa..." napapaos na bulong niya habang nakatitig sa 'kin, naghahabol nang hininga.

Mapupungay ang mata ko habang ang isa kong kamay ay nasa dibdib niya. Lumunok ako at tinignan s'yang sobrang pula ng labi. Naginit ata ang pisngi ko kaya kailangan ko pang tumikhim. Bakit ba niya ako hinabol? Tingnan ko s'ya na haplos pa rin ang braso ko at ang bewang ko gamit ang dalawa niyang kamay.

Napapiksi ako dahil kung anu-anong kuryente ang nararamdaman ko, hindi ko na alam. Napakagat labi ako nang maramdaman na pumupintig ang kung ano man sa ibabang bahagi ng katawan ko. Tumunog ang elevator kaya umayos ako nang paglalakad, tinignan ko s'ya na nakatingin sa 'kin.

"Remember, I'll chase you no matter what. Itulak mo ako, sigawan mo ako o kung ano pa hindi mo mababali ang kagustuhan kong kunin ka..." aniya sa nagbabantang boses kaya nanindig ang mga balahibo sa katawan ko.

Sumara ang elavator at kaagad akong napahinga ng malalim dahil nangangatog pa rin ang mga binti ko. Wala sa sariling napahawak ako sa labi ko, huminga ako ng malalim at kaagad na naglakad patungo sa suit ko. Nanginginig pa ang kamay ko nang hagilapin ko ang susi ng condo ko.

Pagkabukas ko ay bumungad sa'kin si Emmanuel! Gulat akong napatingin sa kanya! Nginisian niya ako at niyakap ang bewang ko, para akong nabuhusan nang malamig na tubig. Kanina pa ba s'ya nandito?

"Honey! Oh, I know that look! Nasurprise ba kita?" ngiting ngiti ang labi niya habang hinihimas ang bewang ko.

Lumunok ako. "K-kailan ka pa nandito sa suit ko? I...mean paano ka nakapasok?" natatarantang tanong ko.

He chuckled. "I asked the front desk about your suit, then i told them yi want to surprise my fianceè so, they give me your spare key..." maligayang saad niya at niyakap ako.

"Oh," natatawang sambit ko at kaagad na humiwalay sa kanya.

"I'll stay here for a month. Para na rin maplano na natin ang kasal..." nakangiting sambit niya at tinignan ako. 

Pumunta ako sa kusina at kaagad na uminom ng malamig na tubig, pulang pula ang labi ko. Nasapo ko ang noo ko at napa-ayos ako ng tayo nang makita si Emmanuel at kunot ang noo. Kinabahan kaagad ako, I know I kissed someone! Nagulat lang ako na nandito na s'ya.

"Aren't you happy?" pagtatanong niya kaya nabulunan ako.

"O-of course I'm happy that you are here. Bawas pamasahe sa eroplano..." pagbibiro ko para kahit papaano mabawasan ang kaba sa dibdib ko.

He smiled. "Good. You look pale are you okay?" aniya sa nag-aalalang boses.

"Okay lang ako," nakangiting sambit ko, hinalikan niya ang labi ko. "What?" natatawang sambit ko sa kanya.

"Your lips are attractive," aniya sa seryosong boses kaya natawa ako ng mahina.

Pumunta ako sa taas kung nasaan nandoon ang kama ko, isang kama lang ang gusto ko para hindi ako mahirapan sa paglilinis. Sumunod s'ya, ngumuso s'ya nang makita ang ginagawa ko. Malakas pa rin ang kabog ng puso ko, napatalon pa ako sa pagtunog ng cellphone ko.

"Hon... dito ako matutulog sa kama mo... I'm so tired..." humihikab na s'ya at mapungay na ang mata.

"Sure, matulog ka na. May mga gagawin pa ako about paperworks," sambit ko, tumango s'ya at binalot ang katawan sa gray kong kumot.

I looked at my phone. Kumabog ang puso ko nang makita ang numero ni Wade.

To: Wade

I'm addictive to your lips. I want to kiss you more.

Mabilis kong binura ang mensahe niya at napailing ako at kaagad na naligo. Tinignan ko pa si Emmanuel, naguilty ako dahil para akong tanga sa harapan niya kanina. Pesteng Wade! Akala niya ba madadala niya ako sa halik niya! No way! Isang halik niya na sa'kin 'yun! Never na akong magpapahalik! Peste! Peste talaga!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top