Chapter 22
Wade's POV:
Saturday came like a roller coster, ang bilis. Parang kakatext ko lang kay Natasha, tapos ngayon ay sabado na. Pinilit ko talaga s'yang pumunta sa dinner dahil nga magtatampo si Lolo sa kanya, alam kong hindi s'ya pupunta kasi nandoon ako. Sino ba namang tanga ang pupunta sa mga taong sinaktan ka? Paano mo makakayang makipagkita sa mga taong winasak ka?
Naiintindihan ko kung hindi s'ya pupunta ngayon, alam ko na hindi naging maganda ang usapan namin nung gabing 'yun dahil mainit ang ulo niya. Pero sana kahit kay Lolo na lang ay magpunta s'ya, gusto ko rin s'yang makita. I changed my whole routine, gusto na maging bago sa paningin niya.
I know she will be married soon, but I don't really care. Iniwan ko lahat ng makapagpapasakit sa kanya, binago ko ang sarili kong ginagawa. Gusto kong makita niya akong nagbago, alam kong hindi madali pero kakayanin ko para sa kanya. Ipapakita ko sa kanya na deserve ko nang ikalawang pagkakataon, this time I will make things right for the both of us.
"Wala pa ba si Natasha?" tanong ni Lolo na kanina pa naghihintay sa dining table.
Kinagat ko ang labi ko at pasado alas-sais trenta na. Sinabi niyang pupunta s'ya at alam kong may isang salita s'ya, tinignan ko si Lolo na tahimik na naghihintay at umiinom ng wine. Huminga ako ng malalim. Kahit ako ay hindi mapakali dahil baka may nangyari.
"Baka busy lang, Lo. Maghintay nalang po muna tayo, alam niyo naman 'yun kapag trabaho ang pinaguusapan..." mahinahong sambit ko.
Tumango si Lolo. Tahimik kaming naghintay, kumpleto kami at nandito rin sila Shane at Troy. Pansin ko na tahimik si Kuya, mabuti nalang rin dahil pagod ako ngayon. Tignan ko ang relo at nakitang 6:40 na, kinagat ko ang labi ko. Please, just this one.
"See? Lolo, sinabi ko naman po sa inyo na iba ang ugali niya. Baka po nakalimutan niya na ang pagpunta niya dito, pinapaasa ka lang po niya..." sambit ni Shane sa naiinip na boses.
"Oo nga naman, Lo. Baka naman kasi busy sa trabaho si Natasha at nakaligtaan niyang pumunta dito..." paliwanag naman ni Kuya at tinignan si Lolo.
Napatingin kami sa isang kasambahay at nagmamadali pa s'yang pumunta dito. Napatayo ako nang sabihin niya na papunta na daw si Natasha at pinarada lang ang sasakyan niya sa labas. Kumabog ng malakas ang puso ko, tuwang tuwa si Lolo at hindi na rin mapakali.
"Natasha, my dear..." nakangiting pagbati ni Lolo at niyakap ang kadarating lang na si Natasta.
Napalunok ako sa suot niyang damit. She's wearing a crossed brown tube, nakatali ang likod at kitang kita ang maliit niyang bewang. Nakasuot rin s'ya ng fitted jeans na hanggang ankle ang haba, nakatali ang kulot na kulot niyang buhok. Sa braso niya ay ang beige niyang coat na nakapirmi sa braso niya.
"I'm really sorry if I'm late. Medyo natambakan lang po sa trabaho ko, you know me, work is my passion..." nakangising sambit niya kay Lolo.
Tumawa si Lolo. "Nako! Ikaw talagang bata ka. Akala ko hindi ka na sisipot sa 'kin ngayon, talagang magtatampo ako sa'yo," pagbibiro ni Lolo at iginiya si Natasha papunta sa tabi ko.
Isa pang lunok, nagkatinginan kami ni Natasha. Iniwas niya rin ang paningin niya at bumati kila Mama, kitang kita ko ang collarbone niya, ang braso niya, at ang leeg niya. Mas gumanda ata ang katawan niya ngayon at pumayat rin. Malaman ang katawan ni Natasha pero pasok rin sa pagiging modelo.
"Be gentlemen Wade," paalala ni Lolo at pinanlakihan pa ako ng mata.
Nagmamadaling tumayo naman ako at inurong ang upuan, hindi niya man lang ako tinignan pero maayos rin dahil katabi ko lang naman s'ya. Nagpahanda kaagad si Lolo nang makakakain, aliw na aliw talaga s'ya kay Natasha na nakikipagkuwentuhan sa kanilang tatlo. Dumako ang tingin ko kay Kuya na nakatitig kay Natasha na nakikipag-usap pa rin.
"Wade, gusto mo na bang kumain?" naputol ang tingin ko kay Kuya dahil sa malambing na boses ni Shane.
"I-im okay Shane..." sambit ko nang lagyan niya ng pagkain ang plato ko.
"Bawal s'ya sa masyadong maalat..." napatingin ako kay Natasha na kunot ang noong nakatingin sa plato ko kaya kumabog ang puso ko.
"I-im sorry..." hinging paumanhin ni Shane at napapahiyang binalik ang pagkain.
Tinignan ko s'ya. Tinaasan niya lang ako ng kilay at supladang binalik ang tingin sa pagkain niya na nasa harapan. Napangisi ako at kinuha ang pagkain ko, alam niya pa rin pala. Bawal ako sa ma-alat na pagkain, kada magluluto si Natasha never niya akong pinakain ng ma-alat dahil sa allergy ko.
"Alam mo pa rin pala..." pasimple kong bulong habang nakatingin sa pagkain ko.
"No, you remind me of someone who's allergic sa ma-alat..." kalmadong bulong niya sa 'kin at sumubo ng pagkain.
Gusto kong itanong kung sino pero nabalik na s'ya sa pag-uusap kina Lolo. Inasikaso ko naman si Troy na nagpapa-baby na naman sa 'kin kaya ako natawa. Panay ang bulong niya na ang ganda daw ni Natasha kaya napasimangot ako sa kanya na humagikgik lang sa tabi ko.
"Okay naman ang wines ni Mommy. Sa katunayan, may bago kaming branch sa Cebu, ako ang namamahala nun. Sinasabay ko lang po sa Architecture," pormal na sambit niya.
"Oh, so you're a architect now? That's great, may plano akong gumawa ng maliit na bahay bakasyunan diyan malapit sa Pasay," kuwento ni Lolo.
Natasha nod. "If you want an appointment, you can call me or you can call my secretary..." pormal pa ring sambit niya.
Ngumiti si Lolo at nagpahanda ng dessert, napasinghap si Natasha nang makita ang paborito niyang brownies na may peanut. Ngumiti si Lolo at nilahad ang kamay niya para sa pagkain, natawa ako ng mahina kaya kaagad kong tinikom ang bibig ko.
"Sorry hija, gusto ko lang na maging masarap ang kain mo kaya nagpaluto ako..." ani Lolo sa natatawang boses.
"H-hindi niyo naman kailangang gawin ang bagay na 'to..." mahina ang pagkakasabi ni Natasha.
"Hayaan mo na, magtatampo talaga ako," ngumuso pa si Lolo na ikinangiwi ko.
Narinig ko ang pagtikhim ni Shane at kaagad inasikaso si Troy. Hindi ko alam kung sinasadya ba ni Lolo na wag pansinin si Shane at si Dad. Kanina pa kasi nila pinapanood si Lolo kaya hinayaan ko nalang. Kumain kami at walang akong imik habang pinapanood na ina-akay ni Lolo si Natasha papunta sa labas. Gusto daw na makausap ni Lolo si Natasha kaya hinayaan nalang namin ang gagawin ni Lolo.
"Damn, she's intimidating..." bulalas ni Kuya may nakangisi ang labi.
"Hindi ka ba nasanay sa kanya?" nakangiwing sambit ni Shane, hindi ko alam na ganito pala sila ka-close ni Kuya.
Napailing si Dad. "Kakausapin niya siguro tungkol sa gusto niyang gawin..." pagsingit ni Daddy at hinawakan ang kamay ni Mommy na nasa lamesa.
Tumayo ako at kaagad na inasikaso ang madungis na si Troy. Napakurap ako nang makita ang coat ni Natasha, bago ko makuha ay nakuha na ni Kuya at malaki ang ngisi sa 'kin. Kunot lang ang noo ko sa kanya at hinayaan nalang s'ya sa kung ano man ang gusto niyang gawin kay Natasha.
"Hindi ako pinansin ni Lolo kanina, hindi ko alam kung pinapahiya niya ba ako o talagang ganoon talaga s'ya sa 'kin," sambit ni Shane habang nakakunot ang noong nakatingin sa labas.
Kumunot ang noo ko. "Baka hindi naman, they're close noon pa man. Kaya ganyan umakto si Lolo kanina," mahinahong sambit ko.
"So, they're up to her huh? Ganoon ba talaga s'ya kahalaga na kailangan pang ipamukha sa 'kin na parang hangin lang ako sa inyo?" aniya sa sarkastikanv boses.
"Shane, you know my grandfather. Close sila ni Natasha simula nang dalhin ko dito sa bahay si Natasha..." seryosong sambit ko at iniwas ang paningin sa kanya.
"So, binabahay mo si Natasha? Oh, right. Nasa iisang condo na nga pala kayo nakatira noon..." She said sarcastically.
Hindi ko s'ya pinansin at kaagad na lumabas dahil ayokong kausapin s'ya. Nakita ko si Lolo at si Kuya na kausap si Natasha, nang makita ako ni Kuya kaagad niyang niyakap ang coat ni Natasha sa likod. Nakatiim ang panga ko at nakatingin sa kanya na nang-aasar, tinignan ko si Natasha na napatingin rin sa 'kin at kunot ang noo.
"Oh, there he is. Wade, ihatid mo naman si Natasha, hinatid lang daw s'ya kanina..." sambit ni Lolo at ngumiti sa 'kin.
"I can grab, Lo," pagsingit ni Natasha at malamig akong tinignan.
"Lo, ako nalang ang maghatid sa kanya?" pagsabat ni Kuya.
Tumikhim ako at tinignan rin s'ya. Gusto kong ihatid s'ya dahil wala akong tiwala kay Kuya, lumapit ako sa kanya. Supladang nakatingin lang s'ya sa 'kin, hindi ko alam pero gustong gusto kong makita ang suplada niyang mata at kilos. Kinikilig ako.
"Ihahatid na kita," kalmadong sambit ko.
"Kaya kong magtaxi, hindi ko kailangan ng driver," aniya sa pilosopong boses.
Lumunok ako. "Sige na, gabi na at baka mapano ka sa daan," pagpupumulit ko.
She smirked. "Hindi mo ata kilala ang nasa harapan mo," maangas na sambit niya.
Huminga ako nang malalim hindi pala nababawasan ang angas sa katawan niya. Lumapit ako at nilapit ang mukha ko kaya napa-atras s'ya. Ngumisi naman ako ng malaki, walang pakielam kung makita ako nang kahit na sino. Kitang kita ko ang pamumula ng pisngi niya kaya doon ako mas lalo akong ngumisi.
"Wala akong pakielam sa pagiging maangas mo. Sumabay ka sa 'kin at sumakay sa kotse ko ihahatid kita," seryosong usal ko sa kanya.
"Ayoko," masungit na sambit niya at iniwas ang tingin.
"Okay,"" sambit ko at binuhat s'ya na parang sako ng bigas kaya narinig ko ang impit niyang tili. "Madali akong kausap, Natasha," nakangising sambit ko at kaagad s'yang nilapag sa loob ng kotse ko.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top