Chapter 2

Wade's POV:

Maaga akong nagising dahil na rin sa kailangan kong magtrabaho masakit pa ang ulo ko dahil sa inuman na naganap sa hotel. Napatingin ako sa tabi ko nang makita si Faye, tulog na tulog at nakatapis ng kumot. Kaagad akong binalot ng kaba dahil na rin sa natrauma ako na makabuntis ulit, I don't like cuddling at alam kong alam ni Faye 'yun.

She's not my girlfriend. Nagkibit balikat ako at umalis sa kama ko para makapagbihis, she's one of my best favorite girl. She's sweet, caring, and she's fun to be with kaya medyo naninibago dahil nasanay ako sa maangas na babaeng palaging nakakasama ko. Pinilig ko ang ulo ko ng maalala na naman ang mukha ni Natasha sa party, she didn't changed maganda pa rin at mas lalo atang gumanda.

I sighed. Ilang taon na ang nakalipas 7 years? I couldn't remember, basta ang alam ko ay iniwan niya akong gulong gulo at punong puno ng sakit. After everything that I've done to save our relationship, wala pa rin sa kanya. At ngayon, may ibang lalaking pumuno sa kanya mas lalo lang akong nagagalit. Hindi ko alam, basta't nagagalit ako dahil alam kong mahal niya pa rin ako.

Mabilis akong naligo at nagbihis para na rin sa pagpunta ko sa headquarters. Pumunta ako sa kusina para na rin magluto para sa amin ni Faye, nag-guilty lang ako dahil ginagamit ko s'ya para makalimutan si Natasha. She's to kind and to sweet, hindi talaga ako nasasanay. I used to live in America for good, iniwan ko ang lahat maliban kay Troy at kay Shane dahil responsibilidad ko silang dalawa.

"Wade?" malambing ang boses ni Faye na kakagising lang.

I smiled and motioned my hand to those chair. Sumunod kaagad s'ya sa'kin at pinanood ako kung paano magluto, she didn't know about Natasha dahil na rin sa hindi ko naman naikukuwento sa kanya. Pero may alam s'ya sa nakaraan ko kaya naging malapit rin ako sa kanya.

"Sorry, hindi na kita nagising kagabi. Uh, hindi naman tayo nag cuddle I just sleep beside you..." saad niya, nagaalinlangan.

"It's okay..." malamig na saad ko at inurong ang niluto ko sa harap niya.

"Are you mad?" nakangusong tanong niya sa akin.

Nagtaas ako ng kilay. "Hindi naman, it's not a big deal..." nagkibit balikat ako.

Ngumiti s'ya at hinalikan nalang ang labi ko kaya ngumisi lang ako at sabay na kaming kumain. Nagkuwentuhan lang kami pero ang utak ko ay lumilipad na naman dahil na-aalala ko ang mukha ni Natasha. Matapos nun ay nagpaalam na s'ya sa'kin para daw sa modeling niya, ngumiti lang ako at hinatid s'ya sa labas ng condo ko.

"See you later, Wade..." nakangising saad niya habang yakap ang leeg ko. "You're gonna come with me to my hotel..  you know..." nagkibit balikat siya.

"I'm gonna busy right now, Faye..." seryosong saad ko at nakapamulsang nakaharap sa kanya.

Matapos niyang magpaalam ay kaagad na akong naglinis at inilibot ko ang paningin sa buong condo ko. Bumili ako ng bago galing sa pera ko, dahil kung doon ako mananatili sa condo ko sa Martinez Building masisiraan ako ng bait. Habang nagbibihis ay tumunog ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Shane sa screen.

"Hello?" malamig na saad ko habang inaayos ang butones ng polo ko.

[Daddy! Daddy!] narinig ko ang boses ni Troy kaya napangiti nalang ako. [Where are you, Daddy? Miss ka na ni Troy...] batid kong nakanguso na si Troy.

He's 6 years old. Ako pa rin ang kinikilalang daddy niya dahil ako naman talaga. Way back then, sila na ang inasikaso ko dahil masyadong mahigpit si Shane sa akin at galit pa rin ako sa kanya. Pero ayokong idamay sa galit ko si Troy dahil wala namang s'yang alam. Sobrang inosente ni Troy at natatakot akong masaktan ko s'ya dahil mabilis umiyak ang batang 'yun.

"I'm going to work, Troy..." mahinang saad ko habang nakatingin sa salamin.

[Oh, I can't see you right now daddy? Miss po kita e...] saad niya sa maliit na boses.

"Hmm. After my duty baka pumunta ako diyan, it's okay?" tanong ko, hawak ang batok ko.

He cheered and laughed. [Sure, daddy! Sure! I'm gonna sit here and wait for you!] masiglang saad niya.

Matapos naming mag-usap ay kaagad na akong pumasok para sa trabaho ko, si Kuya Tyler naman kasi ay nagpapasikat na naman kila Mom at Dad, hindi rin naman kami nagkakasundo dahil masyado s'yang mayabang. Natandaan ko noon gustong gusto niya si Natasha na kulang nalang ay agawin niya sa'kin ang girlfriend ko.

"Sir..." pagbati ng colleagues ko nang pumasok ako sa bukana.

I gave them a salute. "Good morning.." kalmadong saad ko sa kanila.

I'm a Militar Officer at part rin ako ng Philippine Navy sa ibang bansa. Lahat pinasukan ko dahil na rin sa gusto kong makalimot sa lahat, sa sakit, sa pangugulila, at sa babaeng mahal ko. Wala akong sinayang na oras para makalimot, umalis ako at tinigil ang kasal namin ni Shane. Ayoko dahil hangga't hindi si Natasha ang papakasalan ko aayaw at aayaw pa rin ako.

Pumasok ako sa opisina ko at nakita ang tambak na trabaho galing sa boss kong si Tito Levi na isang militar. Retired na s'ya pero may access pa rin s'ya dito sa mismong headquarters niya sa Mindoro. Inisa-isa ko ang mga papel at nakita ang iilang mga kaso na dapat naming ipasa sa PNP.

"Hello, Mom?" sagot ko sa tawag ni Mommy.

[Son, kailan ka ba uuwi dito? I really miss you so, bad...] mahina ang boses niya, bakas ang lungkot.

I sighed. Ilang taon na akong hindi umuuwi sa kanila dahil na rin sa pakiramdam ko hindi ako bagay doon. Dad always compare me to Kuya, he always scold me and he always told me na I'm his worst son. Si Mommy ang palagi kong kakampi, si Mommy ang palaging nandiyan sa'kin. Kaya naninikip ang dibdib ko knowing my mother missed me. Lagi namang si Kuya ang nakikita ni Papa, paano naman ako na pangalawa sa mga anak niya?

"Uh, I can't promise you Mom pero pupunta ako siguro, kapag hindi na masyadong busy ang oras ko. Okay?" malambing na saad ko sa kanya.

She sighed. [Please, don't kill me! I'm really miss you!] She hissed.

Natigil lang ako ng pumasok ang isang colleague ko at kaagad akong nagpaalam kay Mommy na nagreklamo pa. Tumayo ako at nagtaas ng kilay sa kanya para tanungin kung bakit s'ya nandito sa harapan ko. He smirked at me.

"Mga babae mo nagkakagulo sa labas. Gusto ka daw nilang makita, pare! May chicks pa sa labas!" Si Brent sa natatawang boses.

"What?" natatawang tanong ko at sinuklay ang buhok ko.

"Bilisan mo nalang! Malalagot tayo kay commander kapag nakita niyang may mga babae sa labas..." naiiling na saad niya.

Nasapo ko ang noo ko nang makitang tama nga s'ya, kinagat ko ang labi ko. Pero sumalungat ang tingin ko ng makita si Natasha kaya napakunot ang noo ko nang makita s'ya. Nakahalukipkip s'ya doon at kinakausap ang isang sundalo na naiilang pa sa kanya. Anong ginagawa niya dito?

"Wade!" pagtawag ng isang babaeng hindi ko naman kilala.

Naagaw nila ang atensyon ni Natasha at napaawang ang bibig niya ng makita ako. Oh, baby gustong gusto ko talaga kapag nakikitang nagugulat ka. Ngumisi nalang ako sa loob-loob ko para maasar s'ya. Gusto kong kalimutan si Natasha pero sa tuwing makikita ko s'ya umuurong ang dila ko at pati ang pagkalimot ko ay umuurong.

"Binangga niya ang kotse ko at kinalampag ang sasakyan ko. Hindi na ako pumatol at dineretso nalang dito, I'm in hurry at sa tingin ko wala rin s'ya sa sarili," pormal na saad ni Natasha.

Hindi ko pinansin ang mga babae at kaagad na nagpunta sa direksyon ni Natasha. Nakita ko ang pagayos niya ng tayo, mariin ko s'yang tinignan lalo pa't sando ang suot niya. Kailan ba matututo ang isang 'to? Hindi ba niya nahahalata na panay ang tingin sa kanya o crapt sa dibdib niya ang mga sundalo dito!

"What happened here?" malamig ang boses ko.

"Sir," He said and saluted. "Ito kasing si Ma'am nagpunta dito at kinaladkad ang lalaking 'to. Nasira ang kotse ni Ma'am at nagsampa pa ng kaso dahil sinadya ang pagbangga sa kotse ni Ma'am." paliwanag niya.

I looked at Natasha, hindi man lang ako sinulyapan. Suplado kong tinignan ang lalaking nakaupo sa upuan. "Are you drunk?" tanong ko sa lalaki.

"Hindi ako lasing..." nakangising saad niya. "Ito kasing babaeng 'to akala mo boksingero sa lakas ng pagkakasuntok sa mukha ko..." natatawang saad niya, wala sa sarili.

Nakita ko ang pagyuko ni Natasha animo'y guilty dahil na rin sa pasa sa kaliwang mata ng lalaki. Tinaasan ko s'ya ng kilay at kumunot naman ang noo niya at inismiran lang ako.

"I won't punch your thick face if you didn't pissed me," matigas ang ingles ni Natasha kaya napalunok ako at nakita ko ang galit sa mata niya.

Nakatayo lang s'ya doon at tinignan kung anong gagawin sa lalaki. Ako na rin ang nagasikaso sa lalaki, galit rin ako dahil na rin inaasta ng lalaki. Kilala ko si Natasha dahil kapag may hindi s'ya nagustuhan talagang mananapak s'ya. Hindi ko maiwasang tignan s'ya na panay ang tingin sa relo kaya kumunot ang noo ko.

"Are you up to someone?" malamig na tanong ko, nagulat pa s'ya.

"Uh, I need to go immediately in Italy..." kalmadong saad niya kaya napa-ayos ako ng tayo.

"Leaving again?" sarkastikang saad ko.

She didn't speak so I let out a sarcastically smile. "Go ahead and leave, Natasha. Diyan ka naman magaling, ang mang-iwan," mahina ngunit may diin kong saad.

She looked at me with unknown emotions. Oh, don't look like you pitied me.

"Don't you dare talk about our personal issues. Dahil alam mo kung sino ang unang may ginawa sa'ting dalawa," mariinng saad niya.

"Really? Why are so defensive huh?" nanghahamon na saad ko at tinignan ang bawat sulok ng mukha niya, pababa sa singsing na nasa kamay niya. "Bakit? Hinihintay ka na ba ng taong pinangakuan mo sa altar?" I said, unti unting namumuo ang galit.

"W-wala ka ng pakielam doon..." saad niya at nagiwas ng tingin dahil totoo ang sinabi ko.

"Wala naman talaga akong pakielam sa'yo, sa taong sasaktan mo, oo..." nakangising saad ko, nagulat naman s'ya sa inasta ko sa harapan niya.

Right! I'm mad! Oo, galit ako dahil ang bilis bilis niyang makahanap ng iba habang ako? Hindi pa rin s'ya nakakalimutan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top