Chapter 19

Natasha's POV:

I feel satisfied na unti-unti kong nakikita ang paghihirap nila Shane, wala akong pakielam sa kung ano man ang magiging resulta nito. Gusto nila ng sakit diba? Gagawin ko! Wala akong pakielam. Hindi para sa kanila ang ginagawa ko kundi para sa sarili ko at sa ikakatahimik ng buong pagkatao ko. Ang kapal niyang hingin na s'ya nalang at wag na ang mag-ina niya, ano namang pakielam ko?

Nakaupo ako sa shop kung nasaan ang paborito kong brownies na may peanut. Ganun rin ang paborito kong iced coffee vanilla, kuhang kuha nila ang swak sa panlasa ko. Mas natuwa ako dahil nandito rin ang Hawaiian Pizza na gusto ko, kapag nandito kasi ako nagiging payapa ang isip ko. Maganda ang ambiance ng buong shop at hindi nakakasawa ang pagkain.

"Ma'am, may nagpapabigay po sa inyo..." halatang kinikilig na sambit ni Tessa, isa sa mga nakilala ko sa shop.

"Ha? From whom?" nagtatakang tanong ko at kinuha ang bulaklak.

Napasinghap ako nang makita ko ang paborito kong bulaklak, ang orange tulips. Natulala ako sandali at inamoy ang bulaklak na paborito ko, nagagandahan talaga ako sa tulips. Maski dito sa shop ay punong puno ng orange na tulips, tingnan ko ang card at agad na binasa ang laman nang card.

It's nice seeing you from afar. Smile, Lady.

Walang nakasulat na pangalan at letter lang. Nagkibit balikat ako at baka isa lang sa mga admirer ko, hindi ko maitatanggi na ito ang palaging binibigay ni Wade sa 'kin. Gustuhin ko mang itapon ang bulaklak na 'to hindi ko magawa dahil paborito ko ang mga ito. Kapag nakikita ko silang namulaklak ay nakakagaan sa pakiramdam.

"I want brownies and iced coffee please..." sambit ko habang nagtitipa sa laptop ko.

Luluwas si Emmanuel dito sa laguna at dito muna s'ya for good at masaya ako. Kilala naman s'ya ng pamilya ko pero ramdam ko ang pagkagusto ni Daddy sa kanya, hindi ko alam. Mabuti na lang rin at makakapunta dito si Emmanuel, wala kasi akong katulong sa pagdisenyo ng mga sketch ko. Madalas sa kanya ako nanghihingi ng tulong para na rin matapos ko kaagad.

"Here's your order, Ma'am," sambit ni Tessa, naging close ko na rin s'ya at mas matanda lang s'ya sa 'kin ng dalawang taon.

Buong maghapon ay ginugol ko ang oras ko para sa trabaho ko at nang sa ganun ay makauwi ako sa dalawa kong anak. Balak ko kasi na dalhin sila sa Siargao sa rest house ko. Gustuhin ko man na sa Palawan sila dalhin ay ayoko lalo pa't alam kong madalas si Wade doon at baka makita niya pa ang mga anak ko. May malaki akong villa sa Siargao, hindi naman siguro maiinip sina Warren doon lalo pa't malapit sa dagat.

Napangiti ako sa naisip ko at kada maiisip ko silang dalawa nawawala ang galit ko. Palagi akong tahimik na nagdadasal na sana mapatawad nila ako kung sakali mang hanapin nila ang ama nilang dalawa. Ayokong madawit ang mga anak ko sa kung ano man ang mayroon kami ni Wade, ayokong masaktan silang dalawa.

[Nakahanda na kami para puntahan ang tatlong tao na nakalagay sa death list. Kagaya ng sinabi mo...] sambit ni Blade nang mapatawag ako.

Ngumisi ako. "Papunta na ako diyan..." maikling sambit ko.

Tinapos ko ang lahat ng templates na kailangan kong ipasa mamaya, dahil baka sa susunod na araw ay bisitahin ko ang pinapagawang bahay sa Baguio. Nakapunta na ako doon at gusto kong tumira doon kasama ng magiging pamilya ko sa hinaharap. Mabilis na tumakbo ang oras at pagabi na kaya naman kaagad akong nagmadali dahil kailangan kong tapusin ang kahayupan nang tatlong 'yun.

Naging layunin ko na ipaghiganti ang mga kababaihan laban sa mapang-abusong mga tao, hangga't kaya kong lumaban para sa kanila ay gagawin ko. I wouldn't mind if I'll be dead but I promise them na gagawin ko ang lahat para sa hustisya ng mga kababaihan. Girls are weak to even find for their justice pero ibahin nila ako, kahit lumuhod o magmaka-awa ka sila sa 'kin wala akong sasantuhin. Kahit anak ka pa ng isang billionaire.

Umuwi ako a condo ko dahil nandoon ang mga gamit ko, hindi ako nagpunta sa Martinez dahil pinarerenovate ko pa. Kasama ko si Kuya, and speaking of him buntis na naman si Zein sa pang apat nilang anak. Masaya ako para sa kanila, si Stella naman ay busy sa kakaplano para sa kasal nilang dalawa. I sighed. I already see this coming, pero masaya ako na may Warren at Wayne ako na kaagapay sa lahat.

Wearing a black skinny jeans, black leather jacket, at combat boots ay kaagad kong sinipat ang sarili ko. Mabilis kong zinipper ang leather jacket ko, nagdadalawang isip ako kung magm-motor ako o hindi. Sa huli dinampot ko ang susi ng kotse ko at kaagad na lumabas ng condo, sumakay ako sa elavator na nakasuot ng mask. Tinignan ko ang oras at may sampung minuto pa ako para makapunta doon sa warehouse.

Dumiretso ako sa garage at kaagad na pinakuha ang kotse ko sa labas, mabilis akong sumakay at tinawagan agad ang mga team ko. Si Mr. Wang ang pupuntahan namin ngayon ayon sa source na nasagap ko, may mga babaeng dadalhin sa ibang bansa para doon nila gagawin ang kung ano mang kahayupan. Kada maiisip ko na bababuyin nila ang mga katulad kong babae, nag-aapoy ako sa galit.

"Nasaan na?" tanong ko nang makababa ako ng sasakyan.

Tinuro ni Blade ang hindi kalayuan, kinuha ko ang telescope at kaagad na tinignan ang kaganapan. Nakita ko ang iilang sasakyan sakay ang mga babaeng nakagapos, nakita ko sa dulo si Mr. Wang na nakangisi at ine-enspeksyon ang mga babae na walang alam.

"Naglagay kami ng pagsabog sa buong warehouse kagaya ng sinabi mo sa 'kin. Trentang babae ang nakasakay diyan, gagamitin nila sa auction ang iilan at ang iba ay ibubugaw nila sa mga foreigner,." sambit ni Blue na nasa tabi ko.

"Nandiyan ba sina Mr. Henz at si Mr. Valencia?" pagtatanong ko sa kanila.

Humalukipkip si Blade. "Si Mr. Wang lang ang nandiyan, pero kanina ay nakita ko ang pagdating ng mga tauhan ni Mr. Henz," aniya sa seryosong boses kaya tumango ako.

Naghanda na kami  kaagad para sa pagsugod. Sinuot ko ang shades ko at kumapit sa braso ni Blade, diretso ang lakad namin sa unahan. Nakasuot ako ng eleganteng gown at si Blade naman ay nakaitim na tuxedo at ganoon rin si Blue habang si Iris ay nakakapit sa braso niya. Taas ang noo ko habang naglalakad ng harangan kami ng isang bouncer na nagbabantay.

"Where's your invitations Ma'am and Sir?" matigas na Ingles ang ginamit niya.

Tinignan ko si Blade na may kinuha sa ilalim ng tux niya, I smirked to him. Bago kami nakapunta dito ay hinanda na namin ang mga kailangan para makapasok kami kaagad. Mabuti at walang kapkapan na naganap dahil baka suntukin ko sa mukha ang nasa unahan. Pagpasok namin ay madami nang tao sa kani-kanilang upuan at nakita kong may stage sa unahan.

Madami akong nakitang mga businessman para bumili ng mga babae nila, nandito rin ang iba pa para naman bumili ng mga babaeng gagawin nilang laruan at papatayin. Binaba ko ang shades ko nang mahanap ko ang hinahanap ko, tinignan ko sila Iris at kaagad silang umupo sa likod ni Mr. Wang.

"Mr. Wang! It's nice to see you here!" Si Blade sa maligayang boses nang makalapit kami kay Mr. Wang.

"Do I know you Mister?" nakataas ang kilay na tanong niya ngunit nakangiti naman.

Blade chuckled. "Sinong hindi makakakilala sa bilyonaryong katulad mo?" nakangising tanong ni Blade. "Can we?" dagdag niya habang hindi naaalis ang pagngisi.

"O, sure sure!" Si Mr. Wang sa maligayang boses katabi ang isang businessman. "Ngayon ko lang kayo nakita dito? Who's this lady beside you?" dagdag niya at sinuri ako mula ulo hanggang paa.

"This is Veron, one of my date for tonight's auction..." sambit ni Blade at tinignan ako.

Nagpakilala ako at plastik na ngumisi sa kanya, natigilan lang kami nang ianunsyo na ang paglabas ng mga kababaihan sa unahan. Tinignan ko ang mga 'yun at ang iba mukhang napilitan lang suotin ang maiksi nilang damit. Humalukipkip ako at pinagmasdan sila, binulungan ko si Blade at kaagad akong tumayo.

Pumunta ako sa backstage kung saan naghihintay si Julio, kinuha ko kaagad ang damit ko at agad na sinuot. Kinuha ko rin ang pana at palaso ko para mas mapadali ang lahat, sinenyasan ko s'ya para sa mga kababaihan na nasa stage.

"Ilabas mo sila in 10 minutes. Ako na ang bahala kay Mr. Wang," sambit ko sa kanya dahil kailangang mabilis ang kilos ko.

Tinignan ko ang podium at kaagad na tumalon pataas para makita ko ang nangyayari sa ibaba. Bumuga ako ng hangin at napangisi nang makita si Mr. Wang na nasa harapan ko, simula na ng bayad kaya naman alerto ako.

"500,000 pesos..." sambit ni Mr. Wang habang nakataas ang card niya.

Ngumuso ako at inasinta ang puso niya, nakaluhod ang isa kong paa sa sahig. Nakatagilid ang ulo ko, nakita ko ang pagtayo ni Blade at ang paglipat nila Iris sa gilid ng podium. Nagbilang ako at kaagad na pinakawalan ang isang palaso, nagsigawan ang mga tao lalo nang tumumba si Mr. Wang. Napangisi nalang ako at pinagpapana ang gilid ni Mr. Wang.

Bumaba ako at sumipol matapos ibigay kay Julio ang pana ko, natawa s'ya sa 'kin. Kaagad akong pumunta sa mga babae na halata ang takot sa mukha. Naririnig ko na ang putok ng baril kay mas lalo kong binilisan ang paglakad ko para makapunta sa kanilang lahat.

"I'm Agent N. Please, I need your cooperation. You can trust me okay?" mahinahon na sambit ko sa kanilang lahat.

Tumango ako sa kanila at inisa-isa silang lahat, sinundan nila ako sa paglalakad. Kasama ko si Julio na may hawak nang baril, napakadami ng babaeng nakasunod sa 'kin. Kinuha ko ang baril ko at pinaputukan ang nasa unahan, mabilis kong hinarang ang katawan ko sa kanilang lahat na panay ang tili.

"Lumaban kayo kung sakaling harangan tayo! Sipain ninyo o suntukin. Ibuhos niyo ang galit niyo sa kanila!" sigaw ko sa kanila habang abala sa pagputok ng baril.

Tinapon ko ang lamesa sa unahan at kaagad na lumabas sa emergency exit. Kanya kanya kaming hakbang pababa, tinignan ko silang lahat mukhang determinado silang makatakas dahil ang iba ay nakahubad na ng heels. Ngumiti ako sa kanila at tumango, lumabas kami at nakita ko na ang Van naming lahat para makapunta sa underground.

"Bilisan ninyo!" sigaw ko habang palinga-linga.

Kanya kanya silang pasok sa malaking van na para talaga sa kanila, napamura ako nang may mga malalaking tao ang sumunod sa'min. Nakita ko na sila Iris at panay ang paputok sa unahan, napailing ako at kaagad na hinablot ang tatlong babae na natatakot pa rin.

"Magtiwala kayo sa'kin. Gusto kong pumasok na kayo, ako ang bahala sa inyo..." mahinang sambit ko. "Dadalhin ko kayo sa puder ko, tuturuan ko kayo sa lahat ng bagay para magamit ninyo sa mga taong inaabuso kayo at para na rin sa mga kababaihan..." seryosong saad ko, doon nakuha ko ang buong tiwala nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top