Chapter 18

Wade's POV:

Mabilis kong dinaluhan si Shane na lumuluha, kanina ko pa s'ya pinapakalma. Nag-alala ako dahil sa malalim na sugat na nasa braso niya,nagpakuha kaagad ako ng medicine kit sa mga staff ni Mommy para na rin magamot ang sugat ni Shane at ngayon ay humihikbi na, wala akong makitang dahilan kung bakit kailangang gawin 'yun ni Natasha.

Pero natigilan ako nang may maalala ako, kumurap ako at para akong natauhan. Naalala ko ang nangyari nakaraan ang lumipas, na-alala ko kung papaano ako nawalan ng oras kay Natasha dahil sa paulit-ulit na pagtawag ni Shane. She's always upset at nakakaligtaan ko na ang mga importanteng nangyari sa'ming dalawa, mabilis kong nilingon si Natasha na naglalakad habang nakalagay ang dalawang kamay sa likod.

"Wade, saan ka pupunta? Please, dito ka nalang muna. Hindi mo ba nakita ang ginawa ni Natasha sa 'kin? She hurt me..." humihikbing sambit ni Shane habang hinihila sa t-shirt ko.

Tinignan ako ni Mommy at alam ko ang nasa isip niya. Noon pa man ay ayaw niya kay Shane dahil galit si Mommy sa kanya pero unti-unti ring nawala. Botong boto ang Mommy ko kay Natasha, kaya naman ganoon nalang ang galit at disgusto sa mukha niya nang malaman na may anak kaming dalawa ni Shane. Tinignan ko si Shane na nakikiusap ang mga mata, mugto rin sa kakaiyak.

"I can't Shane. Ang importante sa 'kin ngayon ay ang nararamdaman ni Natasha, kaya sana hayaan mo ako..." malamig na turan ko.

"Pero–Wade! Bumalik ka dito!" Si Shane sa malakas na boses ngunit hindi ko siya nilingon.

Tumakbo ako para maabutan si Natasha dahil ayokong maulit ulit ang mangyari sa nakaraan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at nakita s'yang naglalakad papunta sa kotse niya sa hindi kalayuan. Inipon ko ang lakas ko at nagmamadaling sinundan s'ya, marahan kong hinablot ang braso niya. Kumunit ang noo niya nang bumaling sa'kin.

"Bakit ka nandito? Sisigawan mo ba ako? Sisihin mo ba ako?" aniya sa mahinahon ngunit mariing boses at tinignan ang kamay ko.

Lumunok ako at huminga nang malalim at mabilis ko s'yang niyakap. She stiffened at ramdam ko ang pagkabigla niya, wala ako pakielam kung suntukin niya ako pagkatapos nito. Binaon ko ang mukha ko sa batok niya kahit papaano nabawasan ang pagod ko sa trabaho.

"A-ano ba?!" Si Natasha sa galit na boses at inilayo ako sa katawan niya.

"I'm sorry..." napapalunok na sambit ko at sinuklay ang buhok ko.

She sighed. "Bakit ka nandito? Your wasting you time here, go back to Shane. She needs you..." sarkastikang sambit niya.

"Natasha..." napapagod na pagtawag ko sa kanya kaya natigilan s'ya pero nag-iwas ng tingin. "Anong nangyari bago ako dumating doon?" dagdag ko sa mahinahong boses.

Humalukipkip s'ya at tinagilid ang ulo. "Hindi ba nandoon ka? Bakit hindi mo alam? Oo nga pala, hindi mo naman ako papakinggan diba? Kaya para saan pa kung magpapaliwanag ako sa'yo," aniya sa walang emosyong  boses.

Lumunok ako. Noon, nag-aaway kami dahil wala akong oras para sa kanya, uuwi ako sa condo namin na tulog na s'ya. Palaging na kay Shane ang oras ko dahil sa maselan na pagbubuntis kaya wala akong masyadong oras para sa kanya. But I always make it up to her because I love her so much na kahit pagod na ako kinakaya ko pa rin sa kanya. There were times na nasigawan ko s'ya dahil muntik nang mahulog si Shane sa bleachers at dahil doon nag-away kami at ilang araw na hindi nagpansinan.

"Natasha..." mahinang sambit ko sa kanya ngunit umiwas s'ya ng tingin sa 'kin.

"Bumalik ka na doon. Hindi mo na ako kailangan pang sundan para sumbatan kung anong ginawa ko sa ina ng a-anak mo..." pumiyok ang boses niya ngunit huminga s'ya ng malalim.

Hindi ko alam kung lalapit ba ako o hindi, napayuko ako at suminghap. Nanatili ang mata ko sa paa niya at napakurap ako nang makita ko ang anklet na binigay ko sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko at nag-angat ng tingin sa kanya, nanatili ang kunot ng noo niya habang nakatingin sa kung saan.

"I'm sorry, Natasha. S-sa lahat ng ginawa ko..." pumiyok ang boses ko at marahang pinikit ang mata ko.

"What?" parang natatawang sambit niya. "It's over Wade. I don't need any explanation nor apologize from your mouth. Dahil hindi kailanman mabubura ang sugat na iniwan mo sa 'kin matagal na panahon ang nakalipas," dagdag niya sa mariing boses. 

"A-alam ko..." mahinang sambit ko at huminga ng malalim. "Kaya ba ginagawa mo ang bagay na 'to? Kaya ba pinatanggal mo ako sa trabaho ko for your revenge? Ganoon ba, Natasha?" dagdag ko sa kalmadong boses.

Tinignan ko s'ya na nakayukom na ang kamao at nakatitig na sa 'kin ang matalas niyang mata, hindi ako kumurap man lang. Kung dati ay natatakot ako sa mata niya ngayon parang gusto ko nalang tignan araw-araw ang mga mata niya. Pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa kanya na malaya akong titignan na walang halong pagkailang.

How can you look into my eyes na para bang wala lang ako sa'yo? Paano mo nagagawang tignan ako na hindi nasasaktan? Hindi mo na ba ako mahal? O baka naman may nararamdaman ka na doon sa fianceè mo?

"Yes!" Si Natasha sa pasigaw na boses kaya napatalon ako sa biglang pagsabog niya. "I want the two of you suffer like what you two did to me! Gusto ko kayong pahirapan! Gusto kong maramdaman ninyo kung gaano ako nasaktan! Gustong gusto kong patalsikin kayong dalawa at gusto ko kayong maghirap!" dagdag niya sa buong lakas na pagsigaw mismo sa pagmumukha ko.

Napatango ako, iniintindi ang sinabi niya. Nakita ko ang pagpula ng dibdib niya at ang mga mata niya, iniwas niya ang paningin niya at umatras ng kaunti sa 'kin. Nataranta ako at kaagad na tumingin sa kanya.

"A-anong dapat kong gawin p-para mapatawad mo ako? Ano ba ang gusto mong gawin ko?" desperadang tanong ko sa kanya.

She smiled. "Wala kang dapat na gawin, Wade. Kagaya ng sinabi ko sa'yo, Wala kang dapat na gawin. Kahit naman gawin mo ang gusto ko hinding hindi kita mapapatawad," mahinang saad niya at suminghap.

"N-natasha... kung gusto mong lumuhod ako sa'yo gagawin ko... please, wag mo nalang idamay si Shane dito..." mahinang pakiusap ko sa kanya.

Nanlaki ang mata niya at hindi makapaniwalang tinignan ako na para bang may nasabi akong mali. Totoo, ayokong madamay si Shane sa galit niya. Kahit ako nalang, ayokong madamay pati si Troy. Kahit ako nalang ang magdusa sa galit niya, tangina kayang kaya kong maging alipin niya! Gagawin ko lahat lahat ng gusto niya.

Tumawa s'ya at nakangiting tinignan ako. "Hindi ko alam na superhero ka na pala? Pinapahanga mo ako ha?" aniya sa sarkastikang boses.

"Natasha, please be serious. Ayoko lang na makita ni Troy ang alitan ninyo, kahit ako nalang ang magdusa. H'luwag mo nalang sila idamay," seryosong sambit ko sa kanya.

Sumeryoso ang mukha niya at tinignan ako. "Sana naging ganyan ka rin nung panahon na gusto kong kapitan ka. Pero nasaan ka? Nasa bisig ni Shane habang ako naghihintay na parang tanga," seryosong sambit niya. "Alam mo, I feel suffocated when you're near. This talk is nonsense you should go back to her and enjoy," dagdag niya habang nakangisi sa 'kin at iniwan ako sa gilid ng daan.

Natulala ako sa kanya at pinanood nalang ang pagharurot ng kotse niya. Napakagat labi ako at napayuko dahil hanggang ngayon pa rin pala may hinanakit pa rin s'ya sa 'kin. Napailing ako at kaagad na tinext sila Jaques para pumunta sa bar. Kailangan kong alisin ang pagod sa utak ko at nanghihina pa rin ako.

To: Jaques

May problema ka? Tara, inom nalang natin 'yan! Tawagan ko si Kent at sina Clyde.

Sumakay ako sa kotse ko at hinayaan na si Shane doon kay Mommy. Nagreklamo pa si Shane pero wala naman s'yang nagawa lalo pa't nagagalit ako sa kanya sa ginawa niya. Nakarating ako sa bar ni Jetro at kaagad akong pumasok, sumalubong ang maingay na musika sa buong club.

"Wade!" a petite girl interupt me and kiss my cheeks.

Ngumiti nalang ako at kaagad na lumagpas sa kaniya, natanaw ko na ang kaibigan kong si Jetro na kausap ang staff. I hugged him and he smirked at me, nakita ko na rin sila Roswell kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil nandito silang lahat, dahil gusto kong makalimot man lang.

"Tara doon..." sambit ni Jetro. "Walang babae ha?! Ako na naman ang sasabunutan nila Zein eh!" dagdag niya sa nagrereklamong boses kaya nagtawanan kami.

"Tss. Inaano ka ng asawa ko ha?" iritadong sambit ni Kent at ngumuso pa sa'min.

"Mga asawa niyo muntikan nang ipasara ang bar ko! Kaya ayokong mag-asawa dahil baka sirain niya ang bar ko!" Si Jetro sa naiinis na boses at napailing rin kalaunan.

Umupo kaagad ako sa tabi ni Kent na nakataas kilay sa 'kin, umiling nalang ako. Mukhang alam niya ang problema ko kaya ganyan ang tingin niya sa 'kin, kaagad na nanuot ang pait sa aking lalamunan.

"Anong problema?" tanong ni Archiel habang hinahalo ang beer.

"Si Natasha 'no?" pang-aasar ni Jaques kaya inirapan ko lang s'ya na natawa sa 'kin.

"Hindi ko na alam kung papaano ko papaamuhin si Natasha. Tss ilang araw na akong walang babae dahil gusto kong makita ni Natasha na hindi na ako kagaya ng dati..." mahinang sambit ko sa kanila.

"You know my sister, Wade. Kahit ako magagalit pa rin sa'yo kasi parang hindi ka nagtatanda sa ginawa mo," aniya at umiling sa 'kin.

Napahilamos ako sa mukha ko at kinagat ang labi. "Paulit-ulit kaming nagkikita..." imporma ko sa kanila.

"Tapos?" tanong ni Clyde habang nakataas ang paa sa lamesa na nasa harapan.

"Sobrang...dami niyang pinagbago maski ang ugali niya. Nakakatawa na s'ya ang nagtanggal sa 'kin sa dalawang Navy..." natatawang sambit ko sa kanila.

Nanlalaki ang mata nilang lahat at si Kent ay nabuga pa ang iniinom niya. Natawa ako sa reaksyon nila at nilagok ang hard liquor na nasa baso ko, sumandal ako sa upuan habang iniisip si Natasha.

"For real?" gulat na tanong ni Kuya Aries.

Tumango ako at napasinghap silang lahat. Napailing si Kent at tinignan ako, ngumisi lang ako at uminom pa. Gusto kong malasing para mamaya makakatulog ako ng mapayapa.

"My sister had a lot of connection inside and outside of the country. Kaya hindi ako nagulat na pwede niyang gawin ang bagay na 'yun sa'yo, Anong plano mo?" tanong niya.

"Let her," seryosong sambit ko kaya napatingin sila sa 'kin. "Gawin niya lahat ng gusto niya, wala akong magiging reklamo para sa kanya. Kung 'yun lang rin ang makakapawi ng galit niya I'll let her feel satisfied. Mahal ko eh," mahina ang pagkabigkas ko ng huling salita dahil totoo naman 'yun.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top