Chapter 17
Natasha's POV:
Umaga nang tumawag si Emmanuel at sinabing nakauwi na s'ya galing Madrid, nasa Boracay daw s'ya para daw sa ilang meetings at doon muna s'ya mags-stay. Masaya ako na nakabalik na s'ya dahil gusto kong ituon sa kanya ang atensyon ko, para na rin hindi ko masyadong isipin si Wade. Ayoko na ulit na pumasok sa mundo niya, nakakatakot.
Kinamusta ko rin ang mga anak ko at na-aawa ako dahil mukhang namimiss na nila ako, umiyak kasi si Wayne the moment my face flashed the screen. He keeps on calling and kissing the screen na para bang ako 'yun, they're 5 years old at sobrang liliit pa. Ayokong nawawalay sa kanila pero I need to do this dahil ayokong makilala nila ang tarantadong tatay nila.
"Momma, home please?" Si Warren sa malambing na boses habang nakatutok ang matatabang pisngi sa laptop.
Kitang kita ko ang full view ng matataba niyang pisngi, maski ang matabang tiyan niya. Kitang kita ko rin ang paglabi niya dahil iiyak na kaya nanikip kaagad ang dibdib ko. Ayokong nakikitang umiiyak ang dalawang anak ko dahil para akong winawasak sa loob ko.
I sighed. "Warren, momma needs to work for your goods. Uh, don't worry if momma is done, I... can go home right now..." na-iingat na sambit ko.
Kinusot niya ang mata niya at nakalabing nakatingin sa 'kin, I bit my lower lip. Nakita ko ang mukha ni Wayne na nakasubo ng pacifier, nang makita niya ako ay nagpapalakpak na. Napangiti ako pero napatingin kay Warren na inosenteng nakatingin sa 'kin habang ang mga mata ay nakikiusap.
"Warren, don't make this to hard for me... anak," mahina ang boses ko at kagat ko rin ang labi ko.
"Momma... Warren miss you, Momma..." mahinang sambit niya kaya napangiti ako.
"Uh, if I'm done to my work I'll be riding a plane to go home with you two. It is okay?" marahang sambit ko.
He smiled innocently. "Momma, home?" pagtatanong niya kaya napatango ako.
"Yes..." nangingiting sambit ko ngunit natigil lang ng may kumatok na sa dressing room ko.
Nagpapaalam na ako at saglit na nakipagkuwentuhan sa kanilang dalawa, nandito kasi ako sa kumpanya ni Tita. Sabi ni Tita ay magsimula na daw ako para na rin hindi hectic, pumayag ako dahil may iilan pa akong project na gagawin. Huminga ako nang malalim at tumayo para makapagbihis na, pinepeste ko lang naman si Shane. Wala akong nagustuhan sa ginagawa niya at mas lalo lang nag-iinit ang ulo ko sa kanya.
"In ten minutes po kailangan po nating maghanda, Ma'am..." magalang na sambit ng glam team na pinadala ni Shane.
Tumango ako at kaagad na pumasok sa bathroom, mabilis akong nagbihis ng isang beige na trouser at isang beige na tube. Pinarisan niya rin ng beige na blazer at isang clear high heels na bumagay naman. It's an casual attire at 'yun ang inuna niya at inutos na rin ni Tita sa kanya.
"Lahat ata ay bagay sa'yo Ma'am..." papuri ng isa sa 'kin at iginiya ako sa upuan.
Tinali nila ang buhok ko paitaas at naglagay ng kaunting make up para mas mafeatured ang mukha ko. Nang matapos ay lumabas na ako at nakahanda na ang green na tela bilang background, nandoon na rin ang iilang mga camera man at iilang staff na kasali. Nakita ko si Shane na inaayos ang mga gagamiting damit, masaya ang mukha niya habang nakikipag-usap.
"Come on, Guys! Let's start!" Ang staff sa masayang boses habang pumapalakpak.
Tumayo ako doon at nagpose ng iilan sa nakikita ko kay Mommy, ginagaya ko lang naman dahil hindi nga ako marunong. Idagdag mo pa si Shane na puro salita, gusto akong ipahiya kaya naman nagtaas ako ng kilay habang inaayusan.
"Hindi ko akalain na magpapadala si Tita ng walang kakayahan sa pagmomodelo, nasasayang ang mga damit na ginagawa ko kung hindi marunong magdala ang nagsusuot..." sambit niya sa nagpaparinig na boses.
I smiled. "Any problem Miss Martinez?" nakangiting pagtatanong ko at tinignan s'ya. "Ganito ka ba trumato ng mga models na nagsusuot ng damit mo? Kasi ang alam ko, you need to boost their confidence when they're infront of the camera. At sa palagay ko, you're unprofessional," dagdag ko at nakita kong natigilan siya.
"I'm just saying na you should be more better when it comes to modeling, Miss Martinez," aniya sa pormal na boses para pagtakpan ang pagkapahiya niya.
I chuckled. "I'll be more better that being a model, Miss Martinez. Wanna bet?" nang-aasar na sambit ko habang nakangisi ng malaki.
Hindi s'ya sumagot pero hindi nakatakas sa 'kin ang pagirap niya, masyadong plane ang mga damit na ginagawa niya. Ngumisi ako nang may maisip, pinatapos ko ang iilan sa mga pictures bago ako nagsalita. Tinitigan ko kasi ang mga litrato ko, masyadong plain ang vintage dress sa 'kin.
"I don't like this outpits," bulalas ko kaya lahat napatingin sa'kin.
"Uh, may I asked you Ma'am if bakit?" tanong ng assistant ni Shane.
"Masyadong plain para sa katulad kong walang hilig sa mga dress. When it becomes to casual attire hindi ba dapat disente at eleganteng tignan kapag naka casual? Ang dating kasi para kong sinusuot ang pambahay na damit ko..." pang-uuyam ko.
"Excuse me?" maagap na tanong ni Shane. "That's what the best casual attire, pinaghirapan namin ang bawat tela niyan. Ang dating sa 'kin you're insulting our dress, hindi ko alam na ganyan ka pala kung makapuna..." dagdag niya halatang nagpipigil ng galit.
"Excuse me?" natatawang saad ko sa kanya at marahang nilahad ang gilid ko. "Maaari ka ng dumaan kung gusto mo..." dagdag ko sa nang-aasar na boses at nakita ko ang pagpula ng pisngi niya sa pagkapahiya.
Natawa ako at kaagad na nagbihis ng gown niya, tinignan ko ang gown at ngumuso. Nang maisuot ko ang isa ay napadaing ako nang bumaon sa 'kin ang pins para sa pananahi. Dumaing ulit ako at nataranta naman ang make-up artist.
"What the hell?" galit na sambit ko at tinanggal ang karayom na nakadikit pala sa gown.
"What's happening here?" boses ni Tita ang narinig ko, kasama niya si Shane.
I faked my aching emotion at hinarap si Tita. "Ganito ba ang ipapasuot mo sa 'kin? May karayom pa! Paano kung bumaon sa 'kin ang karayom? Anong gagawin mo?" hindi ko maiwasang magtaas ng boses.
Kumurap-kurap s'ya at tinignan ang gown, gulat naman na napatingin sa 'kin si Tita lalo na nang makita ang dugo. Sensitive ang balat ko dahil kaunting tusok o kahit ano madaling nasusugatan kaya ingat na ingat sa 'kin si Mommy.
"C-chineck ko lahat ng gowns na isusuot mo... tinanggal ko lahat ng karayom after kong ipasuot sa'yo kasi d-delikado..." natatarantang sambit niya.
"Are you thinking?" galit na talaga na sigaw ko. "Nasaan ba ang utak mo at hindi ka nag-iisip? Hindi ba dapat una mong ic-check ang bawat kanto ng gown mo? Kung si Tita ang nagsuot niyan o ang mga propesyonal na model ano sa tingin mo ang magiging reaksyon nila ha?" dagdag ko sa galit na boses habang mariing nakatingin sa kanya.
"Shane! What did you do? My God! Ngayon lang ako nakaexperience ng ganito ka-unprofessional na kilos sa kumpanya ko. In the very first place sinabi ko na una ninyong titignan ang mga karayom at iilang matatalas na ginamit ninyo sa mga damit. 'Yan ang dapat na iniisip ninyo..." kalmadong saad ni Tita habang hawak ang braso ko.
"H-hindi ko naman alam na may karayom... dahil alam kong natanggal ko na ang lahat ng 'yan bago ko ipasuot sa'yo..." mahinang saad niya ngunit matalim ang tingin sa 'kin.
"Now you're looking at me na para bang kasalanan kong nasira ang gown mo?! Hindi ba dapat ako ang nagagalit dito hindi ikaw? What a very unprofessional skills you have Shane?! For fucking sake, walang Martinez na bobo!" sigaw ko sa kanya na nanlalaki ang mata sa 'kin.
"Natasha... stop." si Tita na kinakalma ako. "Let's talk some other time kapag lumamig na ang ulo mo. Ikaw, Shane mag-uusap tayo mamaya about you being unprofessional designer," napapailing na saad ni Tita at pagod akong tinignan.
"Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan, Natasha!" Si Shane sa gumagaralgal na boses kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Wag mo rin akong tignan na para bang kailangan kong humingi ng tawad sa pagsigaw ko sa'yo..." malamig na sambit ko.
She's crying kaya nakita ko ang pagkataranta ni Tita, kumunot ang noo ko at nakita ko ang inhaler na inabot kaagad sa kanya. Umayos ako ng tayo nang makitang hindi s'ya makahinga, tumaas lang ang kilay ko. Wala sa aking bokabularyo ang ka-awaan ang mga katulad niya.
"Oh my God! Shane, kumalma ka nga! Inhale... exhale..." sambit ni Tita habang pinapaypayan si Shane na umiiyak pa rin.
"Tita! Sinabi ko na sa inyo na mali na pinapasok ninyo si Natasha. Look on what she's doing to me! Pinapahirapan niya ako, Tita... kasi nagagalit s'ya dahil nasa puder ko si Wade..." She said while sobbing.
Halos magpalpitate ang kilay ko sa sobrang inis. "Oh, come on Shane. Ano namang pakielam ko sa inyo ni Wade? Wag mong dalhin dito ang issue mo tungkol sa 'kin at kay Wade. Keep it yourself," mariing sambit ko at kaagad na umalis doon.
Tss. Anong sinasabi niya? Galit ako kasi nasa puder niya si Wade? Eh, ano namang pakielam ko doon? Akala niya ba iiyak ako at magmamaka-awa para kunin si Wade?
"A-aray!" daing ko nang biglang may humablot sa'kin kaya kumunot ang noo ko kay Shane na mukhang okay na naman ngayon.
"Nagagalit ka kasi na sa 'kin si Wade kaya mo ako pinapahirapan ng ganito..." galit na sambit niya at hilam ang luha sa mga mata.
"Para sabihin ko rin sa'yo na wala akong pakielam sa personal na issue mo tungkol sa 'kin. Dahil alam mo na sa simula palang, alam mo na kung sino ba talaga ang nauna..." malamig na sambit ko sa kanya.
"Now, you're bitter! Sinasabi ko sa'yo layuan mo si Wade! Respetuhin mo ang anak ko, ang anak namin ni Wade!" Si Shane sa galit na boses habang mariing nakahawak sa braso ko.
"T-teka ano ba!" sigaw ko at marahas s'yang tinulak kaya naman napaupo s'ya sa sahig at nanlalaki ang mata.
Bago pa ako makapagsalita ay naging mabilis ang lahat, nakita ko nalang na sinugatan niya ang sarili niya. Kasabay nun ay ang pagdating ni Wade, nanlalaki ang mata ko nang makitang galit ang mata niya na nakatingin sakin.
"Wade!" Si Shane sa lumuluhang boses habang hawak ang duguan niyang braso.
Napakurap kurap ako nang makita si Wade na dinaluhan si Shane na umiiyak. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa nakikita ko, nakita ko ang pag-aalala sa mga mata ni Wade.
"Ano na namang ginawa mo?!" Si Wade sa galit na boses habang ang mga mata ay nag-aalab sa galit.
Napatalon ako doon, at sa hindi malamang dahilan nangatog ang binti ko. Hindi ko s'ya tinignan at nanatili ang mata sa kanilang dalawa, huminga ako ng malalim at pumihit patalikod. Iniwan silang walang isang salita kasi alam ko na idadahilan niya na naman ang anak niya, ang pagsugod ko sa kanya. Noon pa man, palagi ako ang naga-adjust sa kanya. Nangilid ang luha sa mata ko at huminga ng malalim, hindi pwede.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top