Chapter 15
Natasha's POV:
Nang maka-alis si Wade ay hindi man lang ako nakagalaw, hindi ko alam kung matatawa ako sa inis o sa galit. Ang kapal ng mukha niyang sabihin na lalabanan niya ako gamit ang stupidong pagmamahal niya sa akin. Wala akong pakielam sa sasabihin niya! Magdusa s'ya sa ginawa niya sa 'kin dahil s'ya ang unang nagloloko kaya dapat rin sa kanya ang maghirap.
Nagsisimula palang ako, patikim palang ng galit ko ang pinaparanas ko sa kanilang dalawa. I'm suffering more than a years! At ngayon na kaya ko ng harapin ang dalawang tumarantado sa 'kin, wala ako ni isang katiting na papalampasin sa lahat ng gagawin ko. Alam kong mali ang maghiganti pero masisisi mo ba ang taong nasaktan?
Kaya nang sumunod na araw ay nakipag-kita ako kay Tyler para na rin sa offer niya. He wants me to be his mother's model for the upcoming fashion show gallery at ang gawa ni Shane ang susuotin ko. She's working for Ferrell's at 'yun ang alam ko dahil na rin sa anak nilang dalawa ay doon na rin s'ya.
Kaya nagbihis ako ng isang itim na glam dress na paekis-ekis sa likod ko at kita ang balat ng dibdib ko. Nagsuot rin ako ng crossed high heels at kinuha ko rin ang white Gucci bag ko, ilang beses akong huminga ng malalim habang pinagmamasdan ang sopistikada kong mukha. They say I'm look like my Mom, hindi sila nagkamali.
Simula sa kilay ko papunta sa hugis ng mukha ko, kamukhang kamukha ko si Mommy. Maski ang matalas na mata niya at ang dimple niya ay kuha ko rin, hindi ko maiwasang mamangha sa kung ano man ang nasa mukha ko. Naka-highponytail ang buhok ko kaya nakabalandra ang likod ko, ngumisi nalang ako.
Nandito ako sa bahay. Wala sila Mommy at Daddy dahil nasa trabaho, dahil sabado ngayon ay nandito ang mga kapatid ko. All of them, lumabas ako at nakita sila na nasa sala. Ngumiti ako sa kanila, si Jake ay nakakunot ang noo sa 'kin. Binata na talaga ang kapatid ko, after 7 years she's 17 years old.
"Where are you going Ate?" tanong niya habang nakataas ang kilay, nagbibinata na ang boses niya.
"I have to meet some client out there. Ikaw na muna ang bahala sa kanilang dalawa okay?" mahinahong sambit ko.
He sighed. "They're so stubborn Ate! Lalo na si Cruzette! God, kulang nalang bilhin lahat ng gusto sa Mall!" Si Jake sa iritadong boses kaya natawa ako ng mahina.
"She's spoiled, hayaan mo nalang at baka isumbong ka kay Dad..." nakangising sambit ko kaya mas lalo lang s'yang sumimangot.
Sumakay ako sa kotse ko at kaagad na pinaharurot papunta sa kumpanya ng mga Ferrell para sa meeting. Kagat kagat ko ang labi ko habang nagmamaneho ng kotse ko, suot ko pa ang shades ko na yellow ang glasses. Bumaba kaagad ako nang makita ko ang building, napatango ako nang makita kung gaano kataas ang building.
"Good morning, Ma'am," pagbati ng security guard.
Ngumiti lang ako at kaagad niya akong pinagbuksan, pagkapasok ko ay busy ang lahat. May iilan na nagpapatingin sa 'kin, ang iba ay talagang walang pakielam dahil sa tambak na gawain na hawak nila. Puro ginto ang nakikita ko sa bawat kanto, may mga halaman rin nakita ko pa ang purple tulips kaya mas lalo akong nagandahan.
"Good morning, I'm Natasha Martinez and I'm here to meet Tyler Ferrell..." pormal na bati ko sa babaeng nasa harapan ko.
"I'll call him po Ma'am. Give me a minute," nakangiting sambit niya at nagtipa na sa telepono.
Tinapik-tapik ko ang daliri ko at pinagmamasdan ang iilang mga employado. May mga kumakain dahil na rin siguro sa break nila at baka wrong timing pa ako, ngumiti ako sa mga bumabati sa 'kin.
"Nasa office po si Sir Tyler, Ma'am. Sasamahan ko nalang po kayo sa kanya," magalang na sambit niya.
Sumakay kami sa elevator at ramdam ko ang ilang niya kaya ngumuso ako. Ang sabi nila ay intimidating daw ang aura ko like my Mom kaya napagkakamalan akong mataray kahit hindi naman. Sumunod ako sa kanya papunta sa sinasabi niya, diretso ang tingin ko kahit ramdam ko ang tingin nila sa 'kin.
Napahinto ako at binaba ng kaunti ang salamin ko nang makita ko si Shane. Gulat s'yang napatingin sa 'kin at halata ang malalim na eyebags sa mata niya at medyo pumayat s'ya. Ngumiti ako sa kanya, nang-aasar dahil gusto kong malaman niya na nandito na ako sa teritoryo niya. Kaagad akong sumunod sa opisina ni Tyler dito, nasa likod lang ako ng babae.
"Good morning Sir, Ma'am. Nandito po si Ma'am Natasha and she's looking for Sir Tyler," aniya sa magalang na sambit niya.
Nakita ko sa loob si Tita Flora at si Tyler, gulat ang nakarehistro sa mukha ni Tita nang makita ako. Ngumisi si Tyler at tumayo para salubungin ako ng beso, pilit ang ngiti ang pinakita ko sa kanya. He's touchy kaya nagugulut ako kapag hinahawakan niya ako, gulat pa rin si Tita hanggang sa makatayo s'ya.
"Oh my God! It's been a while since you left for good. How are you?" nagugulat na saad niya at nakipagbeso.
Sarkastika akong ngumisi at sana hindi niya napansin. "I'm good, Mrs. Ferrell..." pormal na sambit ko at nakita ko ang pagkabigla niya.
"Mom, s'ya ang sinasabi ko sa'yo na swak sa mga damit na ginagawa natin. Wala man s'yang experience sa modeling pero alam ko na makukuha niya naman kaagad. Swak rin kasi sa kanya ang theme lalo pa't minsan ko na s'yang nakita sa iilang magazine..." nakangiting sambit ni Tyler.
"Aren't you busy hija? Baka naistorbo ka namin dahil lang dito. Wala na kasi kaming mahanap, alam mo naman na gusto kong swak sa panlasa ko ang mga models na magsusuot ng gawa ko," mahinahong saad niya.
I smiled a bit. "I'm not that busy, Mrs. Ferrell. Pwede kong isingit sa schedule ko ang photoshoot, maganda magoffer ang anak ninyo at Hindi ko matanggihan..." nakangising sambit ko kaya tumawa siya ng mahina.
Pinaupo niya ako sa sofa at kaagad na naghain ng makakain ko, ngayon ko lang napansin ang malaking opisina ni Tita. Nakita ko rin ang pangalan niya bilang C.E.O, gusto kong ngumiwi kapag nakikita ko ang picture ni Wade at ang apelyido nila. Nag-usap sila at kinamusta niya rin sila Mommy, pormal kong sinasagot ang mga tanong niya dahil kahit papaano kaibigan niya si Mommy.
"Uh, can you please call Shane para h-hindi mahirap i-explain ang gagawin ni Natasha..." naiilang na sambit ni Tita kay Tyler.
"Sure, Mom," sambit niya at tinignan ako. "Uh, it is okay for you if I call Shane?" dagdag niya sa nahihiyang boses.
Nagtaas ako ng kilay. "Yes," tanging nasagot ko sa tanong niya.
Nag-usap kami ni Tita tungkol sa mga ginagawa ko nung nakaraan at mabuti nalang hindi niya binabanggit ang pangalan ng pangalawa niyang anak. Kahit kasi papaano naging mabuti sa 'kin si Tita, s'ya rin ang palaging nandiyan sa 'kin nung naging magulo ang sitwasyon sa pagitan namin.
"T-tita..." narinig ko na ang boses ni Shane.
Napatingin ako sa kanya at sinuri s'ya mulo hanggang paa, elegante ang damit. Matapang ang mukha pero hindi manlang ako tinignan sa mata kaya tumaas ang sulok ng labi ko. Tinuro ni Tita ang upuan na nasa harapan ko, medyo naging akward ang opisina dahil sa hindi ko malamang dahilan.
"Shane, I know you knew you each other..." panimula ni Tita at tumikhim. "Kagaya ng sinabi ko sa'yo kahapon, ang mga gawa mong casual attire at iilan mong natapos na gown ay ang ipapasuot mo kay Natasha. Gusto ko rin na sukatin mo ang katawan niya para masiguro na kakasya sa kanya ang iilan sa mga ginawa mo," dagdag niya sa seryosong boses.
Gulat na napatingin sa 'kin si Shane at para s'yang nakakita ng multo. Ngumiti lang ako at inosente s'yang tinignan, taas noo akong tinignan s'ya. Naging balisa s'ya sa harapan ko habang kaharap si Tita.
"T-tita, p-pwede naman pong iba nalang ang maging model ng gown ko. Uh, isa pa she's had no experience when it becomes to modeling. P-pwede pa si Stella dahil kaya niya naman..." nauutal na sambit niya.
Tumaas ang kilay ko. "Bakit? Natatakot ka ba na baka masira ko ang gown mo?" nakangiting tanong ko.
She looked at me habang tiim ang panga. "Sinasabi ko lang kay Tita na sa larangan ng ganito ay wala kang alam. Akala ko pa naman po ay magaling na modelo ang ipapadala ninyo, hindi ko akalain na s'ya pa na walang karanasan," may bahid na pang-iinsulto ang boses niya.
"Shane, hindi man s'ya magaling sa larangan ng pagm-model pwede naman natin s'ya sigurong turuan. Hindi ibig sabihin na wala s'yang karanasan sa ganito, hindi na s'ya pwede sa ganitong larangan," medyo iritadong sambit ni Tita.
She gulped. "T-tita hindi naman po sa ganoon. A-ang gusto ko lang po sanang sabihin ay baka hindi niya makuha ang mga gagawin s–"
"Minamaliit mo ang kakayahan ko Miss Martinez?" tanong ko at halos ngumuwi dahil hindi bagay sa kanya ang Martinez.
She cleared his throat. "Wala ka naman talagang experience sa ganito, Natasha. Admit it or not wala kang alam, baka naman nandito ka para siraan ako para magpaimpress kay Tita!?" dagdag niya sa nangaakusang boses.
"Whoa!" natatawang sambit ko, nabibigla sa galit niya. "What's your point here Miss Martinez? I'm here because of Tita's request kaya bakit ka nagkakaganyan? Are you threaten dahil baka hindi mo magawa ng maayos ang trabaho mo?" dagdag ko sa nang-aasar na boses.
"Shane, Stop," seryoso ang boses ni Tita. "The point here is kailangan ng kumpanya ko ang kagaya ni Natasha. Wag niyong dalhin ang issue ninyo sa kumpanya ko dahil labas dito ang trabaho. Kaya please, I need your both cooperation to fulfill this job. From now on please learn to be formal with each other, walang issue," dagdag niya sa seryosong boses.
I smiled. "Hangga't nandito ako Tita, gagawin ko ang lahat. Don't worry okay?" mahinahong sambit ko kay Tita na tumango at pinisil ang kamay ko.
I smiled at Shane, taas baba na ang dibdib niya. Tinaasan ko s'ya ng kilay, natatakot siguro dahil nandito na ako sa pinas. Hangga't nandito ako, sisiguraduhin kong maghihirap kayong dalawa sa puder ko. I smiled even more at her.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top