Chapter 14

Wade's POV:

Nasapo ko ang noo ko nang mabasa ang dalawang sulat galing sa Navy sa America at sa States. Pinapatanggal nila ako sa mababaw na dahilan, naglagay pa talaga ng pocket money para sa serbisyo ko sa kanila. Dalawang malaking Navy Seal ang nawala sa 'kin at  alam kong may ipon ako at malaki 'yun pero hindi ko akalain na matatanggal ako ng ganito kabilis. Limang taon ako sa ibang bansa, I create a name and they'll fired me? Ang babaw na dahilan.

Tinanggal nila ako dahil hindi daw sapat ang credentials ko para sa kanila. Tinanggal rin nila ang pagiging mataas ko! Hindi ko akalain na matatapos sa ganito ang lahat. 5 years kong pinaghirapan ang makapasok sa malaking Navy Seal sa bansa para na rin sa pangalan ko, tapos ganito?

Pagkarating ko sa opisina ko ay sandamakmak na papel ang nasa lamesa ko, anila utos daw ng Chief na gawin ko lahat ng kaso na nakalatag sa 'kin. Lahat ng report ay ako ang gagawa, I asked them kung bakit ako ngunit wala silang sinabi. Pumunta pa ako sa itaas para lang magtanong pero ang sinabi lang nila sa 'kin ay.

"Gawin mo lahat ng 'yan kung ayaw mong mawalan ng serbisyo sa larangan ng pagmimilitar..." maotoridad na utos ng Chief nang magtanong ako.

May parte sa'kin ang nagagalit at nanghihinayang sa nawala kong oportunidad. Anila maghanap daw ako ng tatanggap sa 'kin at nang sa ganoon hindi masayang ang pinaghirapan ko. Tell me, paano ako makakapasok kung 'yun ang pangarap kong kumpanya? Hindi ko alam bakit nagkakaganito ang buhay ko! Karma ba? Ano na naman bang ginawa ko?

Kaya maghapon wala akong kinausap maski isa sa kanilang lahat, kahit mga babae ay wala akong kinausap. Inubos ko ang oras ko para sa trabaho na kailangan ko pang dalhin sa itaas para mai-check. Hindi ako kumain kahit na pinadalhan ako ni Brent ng tanghalian at snack sa opisina ko. Kailangan kong matapos 'to dahil baka ito naman ang mawala sa'kin.

"Sir, ito na ang report nung nakaraan. Nandiyan na rin ang iba't-ibang kaso na natapos namin," mahinahong sambit ko sa kanya.

Inayos niya ang salamin at tinignan ang papel. "Okay na 'to, ayusin mo ang mga pinadala ko sa opisina mo. Kailangan ko sila hanggang mamayang gabi lalo na ang mga kasong natapos nung nakaraang linggo," aniya sa striktong boses.

I gave him a salute. "Yes, Sir," magalang na sambit ko at tumalikod para makalabas sa opisina.

Napahinga ako ng malalim at sinuklay ang buhok ko, dalawang toreng papel pa ang kailangan kong tapusin. Sumalampak ako sa swivel chair habang kagat ang ballpen, inayos ko rin alphabetically ang mga kaso na tinatapos namin. Maski ang report namin nung nakaraan ay ako rin ang nag-ayos. Halos maduling na ako sa kakabasa pero okay lang, ayokong mawala sa 'kin ang trabaho ko.

"Wade, kape ka muna..." sambit ni Clever pagkapasok sa opisina ko.

"Ilagay mo nalang diyan. May mga tatapusin muna ako..." saad ko sa kanya na hindi man lang s'ya tinignan.

"Pasensya ka na kung hindi ka namin matutulungan, kagaya mo ay may inutos rin sa'min..." sambit niya at tinignan ang mga papel na nasa harapan ko.

I smiled. "It's okay, kaya ko naman ang mga 'to. Siguro baka hindi ako matapos sa isang araw dahil tambak," natatawang sambit ko sa kanya.

He tapped my shoulder and said his goodluck. Natawa nalang ako sa kaibigan ko, napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog at si Shane. Kinuha ko 'yun at nilagay sa loud speaker para makapagtrabaho ako ng maayos.

"Bakit napatawag ka Shane?" tanong ko habang inaayos ang mga papel.

[Wade...] umiiyak na sambit niya kaya natigilan naman ako. ['Yung mga design ko! Nasabotage at lahat ay sira na pagdating ko sa opisina ko! Tinanggal rin nila ako sa fashion show para sana sa mga gown na ginawa ko! I loose it, Wade! Matatanggal pa ata ako sa trabaho!] dagdag niya sa humahagulgol na boses.

Nanlaki ang mata ko. "What?" tanging nasabi ko sa kanya.

She sobs. [Yes, Wade. Kung hindi ko matatapos sa isang araw ang sampung gown maaari akong matanggal. Dinecline rin ng ilang magazine ang gowns ko na sana if-featured nila world-wide...] aniya sa lumuluhang boses.

"Calm down, Shane. Makakasama sa'yo ang pag-iyak..." mahinahong sambit ko.

[Alam mong pangarap ko ang ganito, Wade. I can't disappoint my Mom and Dad! Noon pa man kailangan kong bumawi sa kanila dahil sa ginawa ko nung nakaraan...] mahinang sambit niya sa kabilang linya.

Napabuntong hininga ako dahil parehas pala kaming nawalan ng kung ano man. Pinakiusapan ko s'ya na kumalma baka kasi bumalik ang sakit niya, huminga ako ng malalim. Hindi ko alam kung anong uunahin ko, si Shane ba o ang mga papel ko. Napayuko ako at hinilamos ang palad sa mukha ko, Sino naman kaya ang gagawa nito?

[Wade! Ano na naman ang pinasok mo?! Babae na naman?] bungad ni Daddy matapos kong sagutin ang tawag.

"Dad..." mahinang saad ko, pagod at namimigat na ang talukap ng mga mata ko.

[What? Id-denied mo na naman? Wade! Sinasabi ko sa'yo na stop playing with girls! Focus on your son instead of hanging out with your whores!] Si Daddy sa galit na boses.

"Please not now, Dad..." mahina at nakikiusap na sambit ko.

[No! Fix your ass! Malaman ko lang na may babae ka na naman kung saan-saan, I'll cut all your expenses and all your damn credit cards!] aniya sa galit na boses at padarag na pinatay ang tawag.

Marahas kong sinuklay ang buhok ko at kaagad na lumunok dahil kapag sinabi ni Dad ay gagawin niya. I have my own money pero nasa sa 'kin pa rin ang Ferrell black credit card na naglalaman ng billion. Huminga ako ng malalim at tinignan ang oras, 7:15 pm na at nandito pa rin ako sa opisina. Tinignan ko ang litrato ni Natasha, kung ikaw man ang may gawa nito bakit?

Naging totoo nga ang sinabi mo na maghihiganti ka? You will make me suffer? Ito na ba 'yun? Bakit? Yumuko ako at binaon sa lamesa ang mukha ko. Great, pinapahirapan mo nga talaga ako ngayon Natasha.

Mabilis kong tinapos ang aking mga gagawin, kahit papikit-pikit na ang mata ko ay okay lang. May kape naman ako at isa pa, sanay na ako sa ganito. Pabalik balik ako sa itaas at sa opisina ko sa ibaba, tinignan ko rin ang mga preso kung maayos ba o hindi ang mga 'yun. Tinignan ko ang oras at alas-nuebe na ng gabi at kalahati palang ang natatapos ko sa mga papel.

"Sir, naka-arrange na alphabetically ang mga kasong natapos na. Nandiyan rin sa folder ang done cased na naka arrange na rin..." sambit ko nang magpunta ako sa opisina niya sa itaas.

Tumango lang s'ya at dinismiss ako, huminga ako ng malalim at napadesisyunan na bukas ko nalang gagawin ang iba pa. May oras pa naman ako at isang toreng papel nalang ang gagawin ko bukas, huminga ako ng malalim. Kinuha ko ang bag ko at ang susi ng kotse ko, tumango at ngumiti lang ako sa mga bumati sa'kin. Hanggang 9 lang ang shift ko at mamayang 4am naman ang isa, matutulog nalang muna ako sa condo ko.

Pumunta ako sa condo na matagal ko nang tinutuluyan at makakapagpahinga na rin ako sa wakas. Pinarada ko ang sasakyan ko at tamad na lumabas papunta sa loob, hinarangan lang ako ng isang manager kaya nangunot ang noo ko. Balisa s'ya kaya mas lalo akong naguluhan, huminga pa s'ya ng malalim bago s'ya nagsalita.

"Sir, may nagbayad po ng condo ninyo dahil doon daw po s'ya titira. Sinabi ko po na full na pero gusto niya daw po ang condo unit ninyo..." sambit niya, bakas ang kaba sa mukha.

"P-pardon?" nagugulat na tanong ko sa kanya habang prinoproseso ang lahat ng sinabi niya.

"Gusto niya daw po na umalis ka sa condo unit dahil doon daw po s'ya titira. Binayaran niya na rin po ang iba ninyong bayarin para sa condo. Ang mga gamit niyo po ay nasa bag na ninyo kagaya ng inutos niya..." napapayukong sambit niya.

Napakurap-kurap ako at tinignan ang nakaka-awang manager na nasa harapan ko. Mabilis akong sinamahan ng manager papunta sa unit ko, sana mali ang kutob ko sa nangyayari. Matagal na akong nakatira doon kaya hindi ko alam bakit ako pinapaalis, pagdating ko sa unit ko ay blangko na ang lahat.

"What the fuck?" gulat na sambit ko nang makita ang iilan kong gamit na basta nalang sinalampak sa sahig.

Tinignan ko si Natasha! Oo, si Natasha! Blangko ang tingin niya at hawak pa ang picture frame sa kwarto ko. Mabilis ang paghinga ko at nilapitan s'ya kaagad! Anong ginagawa niya? Huminto ako ilang metro at sinigawan s'ya dahil sa galit ko.

"I want you to leave this condo for good. Ako na rin ang nagimpake ng mga gamit mo at wala naman akong ginalaw," saad niya habang prenteng nakatayo sa harapan ko.

"Natasha..." nagpipigil na galit na sambit ko. "I'm so tired! Kaya bakit kailangan ang condo unit ko pa ang bilhin mo?! Are you insane?" dagdag ko sa mariing boses.

She smiled but her eyes are burning on fire. "Dahil gusto ko ang condo unit mo..." simpleng sagot niya.

Napahilamos ako ng mukha at pagod na tinignan s'ya. "Tell me, this is part of your revenge? Ang pahirapan ako? Pati rin ba si Shane ganoon rin ang ginawa mo?" nanliliit ang mata kong  nakatingin sa kanya.

She smiled and tilted her head to the side, looking amused. "Nagsumbong ba si Shane? Akala ko ba naman matapang ang isang 'yun?" nakangiting saad niya ngunit iritado ang mata.

"Natasha Veronica!" sigaw ko pero parang sanay na sanay na s'ya. "Fine! This is what you want? Then fine! Do whatever you want to do! Revenge for yourself go ahead. We will the start the war na ikaw ang nagumpisa. Paghihiganti mo laban sa pagmamahal ko sa'yo! Tandaan mo 'yan!" mabilis na sambit ko sa kanya at padabog na kinuha ang gamit ko.

I looked at her na nakataas lang ang kilay niya na para bang naaliw sa reaksyon ko. Kung hindi lang talaga kita sobrang mahal, tatangapin ko ang paghihiganti mo. Kung ito lang ang makaka-alis sa sakit na binigay ko sa'yo, sige gagawin ko. Tatanggapin ko ng buong-buo at walang pag-aalinlangan. Umalis ako ng pagod na pagod dala ang mga gamit ko at ang pictures naming dalawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top