Chapter 12
Wade's POV:
Hanggang sa makauwi ako tanging laman ng isip ko ay ang paglapat ng labi ni Natasha sa tainga ko papunta sa leeg ko. Napapikit ako at huminga ng malalim, hinawakan ko pa ang leeg ko at ang tainga ko. Naginit ang pisngi ko dahil parang first time kong mahalikan sa leeg at tainga kaya natawa ako. Mabilis akong naligo at kaagad na nagbihis pantulog.
Niyakap ko ang unan ko at tumitig sa buwan, I can't move on with her voice. I sighed and close my eyes, marami pa akong gagawin bukas. Maaga palang ay nagising na ako dahil sa alarm na isinet ko, ginulo ko ang buhok ko at tamad na bumangon and sat on my bed.
Everytime that I bring girls here in my condo, hindi ko sila dinadala sa kwarto ko. Sa guest room ko with a plain sheet of bed and a plain room, doon ko dinadala ang mga babae ko. Ayokong madumihan ang sarili kong kama, tamad kong kinuha ang cellphone ko at nakita ang pangalan ni Faye.
"Hello, Faye?" paunang bati ko at sumandal sa headboard ng kama ko.
[Wade! God! I've missed you, babe!] Si Faye sa masayang boses.
I chuckled. "Hmm. I miss you, too..." pabirong sambit ko kaya narinig ko ang nagpipigil na tili niya.
[Sayang, we don't have a date today. I'm in Madrid at ilang buwan ako dito for my shoot. Babawi ako sa'yo okay?] malambing ang boses niya.
"Sure, take care..." sambit ko nalang habang hawak ang leeg ko.
[Oh, sige na ha? Tinawagan lang kita to say na I miss you. See you soonest, Wade. I love you...] malambing na sambit niya kaya napalunok ako.
Binaba ko ang tawag at natulala pa ng ilang sandali bago naligo para sa trabaho ko ngayon. Kaagad kong sinuot ang itim na pants at isang maroon na v-neck t-shirt dahil sa opisina na ako magpapalit. Kinagat ko ang labi ko at kaagad na sinuot ang shades ko, mabilis akong sumakay sa elevator. Kailangan kong i-check ang dalawang branch ng Tasha's Pizza and Brownies shop.
Lumabas ako at tumango lang sa mga kakilala ko, tinapik ko ang bago kong biling Jeep Commander. Ngumisi ako at agad na sumakay at hinagis ang bag ko at pinaandar ko kaagad papuntang Laguna para tignan ang shop. Kada linggo ay bonding session naming magkakaibigan dahil na rin ayaw namin na mahiwalay sa isa't-isa.
Mabuti nalang rin may mga kasama pa akong single sa barkada namin. Mas mabuting ganoon para may kasama ako sa mga kalokohan ko, nakarating ako sa Laguna kung saan nakatayo ang medyo kalakihang shop. Tinignan kong mabuti ang shop mula sa malayo kitang kita ko ang apat na maliit na upuan at bench.
Napapaligiran ng matatayog na pine trees ang paligid ng shop, puro glass wall ang kabuaan kaya kitang kita ko ang mga waiter na nandoon. Napangiti ako at kaagad na naglakad papunta doon, tumunog ang bell at kaagad nila akong binati na nginitian ko lang.
"Good morning. Maayos ba ang lahat?" pagtatanong ko sa kanila na abala sa costumers.
Brown and white ang kulay ng buong shop, si Reina ang gumawa nito kasama si Kent. Hindi nila alam kung para kanino 'to at mananatiling sikreto. Wala pang second floor dahil gusto kong s'ya na ang magd-desisyon sa bagay na 'yun. May isang pabilog na lamesa na gawa sa glass at apat na malambot na silya ang nakapaligid dito.
May mga paintings din na nakadikit sa dingding at iilang mga abstract lalo na ang gitara sa dingding. Anim na tauhan ang nagt-trabaho dito at tama lang ang suweldo nila. Moderno ang disenyo at dirty white ang tiles ng buong pasilyo. Ilang taon rin simula ng lumago 'to.
"Marami po ang costumer dito, Sir. Kaya maayos naman po ang pamamalakad namin dito katulad ng habilin ninyo..." sambit ni Tessa, isa sa mga head ng mga waitress.
Tumango ako. "Mabuti naman kung ganoon, minsan ko lang naman binibisita 'to dahil na rin sa trabaho ko..." mahinahong sambit ko.
"Ay nako sir! 'Yung babaeng pinakita niyo sa'min sa picture nung isang araw ay nandito s'ya. Mukhang may kameeting ata at infairness sir, maganda..." nakangising sambit niya.
Natigilan naman ako. "Si Natasha?" paniniguro ko pa dahil baka nagkamali ako.
Kumunot ang noo niya. "Opo, Sir. Nandito po s'ya dalawang beses sa isang linggo, palagi niya nga pong ino-order ang brownies na gawa namin..." nakangiting sambit niya.
Tumango nalang ako at sa loob loob ko ay napangiti. Tinignan ko pa ang lagay ng kusina at iilang mga gamit bago ako umalis para pumunta sa opisina ni Natasha. I need to apologize on what happened between her and Shane. Magpinsan pa rin naman sila at ayokong nagagalit si Natasha dahil nga nakakatakot.
Kailangan ko pang pumunta sa Laoag para bisitahin ang opisina niya doon. She's an international architect here in the Philippines, lahat ay hangang-hanga sa kanya dahil sa kanyang angking galing sa pagd-disenyo. Nakagawa na rin s'ya ng iilang building gamit ang kaalaman niya. Sikat rin s'ya sa ibang bansa dahil s'ya ang gumawa ng isang malaking art gallery na ngayon ay sikat na rin.
"Do you have an appointment, Sir?" pagtatanong ng babae sa front desk.
Tumikhim ako. "Uh, I don't have. But can you please tell her that im here. By the way im Wade Ferrell..." mahinahong sambit ko sa kanya.
"Okay, Sir. I'll call ma'am..." aniya at nagpipindot na sa computer.
Malaki ang building at sa tingin ko ay hanggang 40th floor, ito lang naman kasi ang pinakamalaking building. She's a Martinez kaya naman lahat talaga ay sa kanya kumukunsulta pagdating sa mga disenyo. Sa likod ng front desk ay nakaengrave ang MACE kung saan nagpapatunay na isang Martinez ang may-ari ng building na 'to.
"Uh, sorry Sir. Ang sabi po ni Ma'am ay hindi ka daw po niya kilala... uh, hindi po kasi s'ya natanggap ng bisita dahil na rin sa hectic ang schedule..." pormal na sambit niya.
Nagpanting naman ang tainga ko at kaagad na kumunot ang noo sa sinabi niya. "Tell her that I'm here. I want to talk to her, now..." mariing sambit ko.
Ako? Hindi niya kilala? Wow, a great Natasha Veronica doesn't know her ex-boyfriend. Nagtatagis ang ngipin ko at kung hindi lang talaga kailangan ay hindi naman ako pupunta rito sa kanya. I tapped my fingers on her desk dahil naiinip na ako at baka takbuhin ko na talaga ang elavator.
"40th floor daw po sir. Sa kanya po ang buong floor doon, she have a meeting kaya bilisan niyo daw po..." magalang na saad niya, natakot ko pa ata.
Mabilis akong sumakay sa elevator habang nakakuyom ang kamao ko at kating kati na akong makita ang maangas na si Natasha. Nang makarating ay namangha pa ako dahil puro glass door ang nandito, pagkabukas ng elevator ay nakita ko na kaagad si Natasha. Diretso ang tingin sa 'kin kaya napalunok ako nang matindi.
"Anong kailangan mo?" bungad niya at sumandal sa upuan niya.
"Really? I have to sched my appointment to you? Ganyan ka ba talaga?" mariing sambit ko sa kanya.
"What are you talking about? Siyempre, kailangan mo nang appointment! I'm busy and I have things to do..." aniya sa kalmadong boses.
Lumapit ako sa kanya at yumukod para magpantay ang mata naming dalawa. Nakita ko ang paglunok niya at ang pagiwas ng tingin, I twitched my lips and cocked my head to the side.
"After you kiss my neck and my ear? Now, pretending that you didn't shake my world the moment your lips touch my ear!" sambit ko sa mariing boses habang nakatitig sa mga mata niya.
Napabaling s'ya sa 'kin. "Yan lang ba ang pinunta mo dito? O baka naman gusto mong humingi ng tawad dahil sa inasta ni Shane?" sarkastikang sambit niya.
Natigilan ako. "Don't changed the damn topic, Natasha..." mariing sambit ko habang nakatitig sa mata niya.
She smirked and leaned closer na halos mapa-atras ako. "Ganyan na naman ang ginagawa ng mga babae mo diba? So, bakit ka nagkakaganyan?" aniya sa nang-aasar na boses at nagtaas ng kilay.
Tinignan ko s'ya. "Dahil hindi mo alam kung anong ginawa mo! Hindi ako magkakaganito kung hindi mo ginawa ang bagay na 'yun!" sambit ko sa iritadong boses.
"What's your damn point here Mr. Ferrell?" nakangising saad niya habang naaliw sa galit ko.
"This..." saad ko at hinawakan ang pisngi niya para halikan ang labi niya. "That's my damn point, Natasha..." dagdag ko sa seryosong boses.
A big slapped came into me. Halos lumipad ang ulo ko sa uri ng pagkakasampal niya, I looked at her with a wide eyes. Mabigat ang paghinga niya at para s'yang nandidiring pinunasan ang labi niya. Parang may kung ano sa puso ko ang kumirot habang nakatingin sa kanya.
"Don't you dare kiss me when you kissed another whore!" Si Natasha sa galit na boses. "Huwag na huwag mong ilalapat 'yang madumi mong labi sa labi ko! I can't believe you!" dagdag niya sa pasigaw na boses at nakita kong nangilid ang mga luha sa mata niya.
"Natasha..." mahina ang boses ko, nagugulat sa sinasabi niya.
"Huwag mo akong ginagaya sa babae mo, Wade! Ayokong ayoko na lumalapat 'yang labi mo sa 'kin! Nandidiri ako! Iba't-ibang babae ang dumaan sa labi mo kaya wag na wag mo ng gagawin ang bagay na 'yun," mariin at may otoridad sa boses niya nang tignan ako.
"Kung ayaw mong halikan kita, Bakit mo ako binaliw ng husto gamit ang labi mo?!" singhal ko rin sa kanya at nag-iwas ng tingin.
She laughed. "What? Talaga? Hindi ko akalain na nagbibiro ka ng husto. Go back to your son and to Shane, I don't need your apology or even your sentiments here," malamig na sambit niya.
I looked at her with my bloodshot eyes, ramdam ko ang hapdi sa gilid ng labi ko dahil sa sampal niya. Nanatili ang blangko niyang mukha kaya ngumisi ako sa kanya.
"You're not my Natasha anymore. I didn't know you..." malamig na sambit ko at mabilis na tumalikod at umalis doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top