Chapter 10
Wade's POV:
Magg-gabi na at nagising lang ako dahil nandito sila Jaques at si Kent sa condo ko nambubulabog na naman sa 'kin. Naiinis nga ako dahil puyat ako sa kakamanage ng isang bake shop na pinagawa ko para sa isang taong importante sa 'kin. Bumangon ako at kaagad na lumabas ng kwarto na naka boxer lang at nakita silang apat na nandoon sa sofa.
Nagtaas ng kilay si Kent. "What's with that stare? Come on, kanina ka pa namin tinatawagan dahil engagement ni Stella ngayon. Move your ass!" Si Kent sa iritadong boses at tinatamad akong tinignan.
"It's new huh? No girls around your condo o baka naman nandiyan sa kwarto mo?" nakangising sambit niya at sumilip sa kwarto ko.
I rolled my eyes at padabog na pumasok sa kwarto ko, silang apat ang nandito. Kent, Jaques, Clyde, at si Roswell kaya napailing ako kahit papaano namiss ko silang apat. Mabilis akong naligo at nagbihis dahil kanina pa sila nagiingay sa labas, inayos ko ang collar ng damit ko. I'm wearing a dark blue longsleeve polo na nakatupi hanggang siko ko, a white pants, and a brown leather shoes.
Kinuha ko ang susi ng kotse ko at ang cellphone ko, inayos ko ang tsokolate kong buhok at kaagad na lumabas. Tinignan ako ni Clyde mula ulo hanggang paa at panay ang tango, inismiran ko lang s'ya. Mabilis kaming naglakad palabas habang nagkuwekuwentuhan silang apat sa likod ko. Sumakay kami sa elevator at nakangisi ako habang nakikinig sa kanila.
"Madami pang hindi nag-aasawa sa'tin, isa na doon si Wade..." narinig kong sambit ni Clyde, may asawa at anak na.
"Tss. Hindi naman siguro paunahan mag-asawa diba?" nakangising sambit ko at sinuot ang shades ko.
Kent chuckled. "Sabihin mo, you're waiting for someone we already know..." nang-aasar na sambit niya at nagtawanan silang apat.
"Oh, come on. Shut your ass," iritadong sambit ko.
Paglabas namin sa lobby ay kaagad kaming pinagtitinginan ng mga babae, ang tatlo ay deretso lang ang lakad ni hindi manlang lumingon. Natawa ako at napailing, halatang takot sa mga asawa nila. Sumakay ako sa black vios ko at kaagad na sumabay sa kanila papunta sa Martinez Mansion, huminga ako ng malalim.
Hindi malabong magkita kaming dalawa o baka naman nasa Italy pa rin s'ya? Kasama niya ang lalaking 'yun. Sa isiping isasama niya ang lalaking 'yun ay nagagalit lang ako. Huminga ako ng malalim at kaagad na tinignan ang tatlong sasakyan na nasa unahan ko. Bumusina si Kent sa gate nila at bumukas kaagad ang malaking gate nila.
Pinarada ko ang sasakyan ko sa tabi ni Jaques, sinuklay ko ang buhok ko at kaagad na lumabas dala ang paper bag. Sumabay ako kila Kent papasok sa bahay nila at kaagad kong nakita si Tita na inaasikaso ang anak nila, tinignan niya ako at ngumiti sa 'kin.
"Good evening, Tita.." nagaalinlangang bati ko sa kanya.
"Hmm. Good evening, Wade. Kamusta ka?" nakangiting sambit niya sa 'kin kaya nabigla naman ako sa inaasta niya.
"I-im good, Tita..." mahinang sambit ko kaya tumango siya.
Hinalikan ni Kent si Tita at kaagad kaming pumunta sa malaking garden nila. Madami na rin ang tao, huminga ako ng malalim at kaagad nakita sila Mom at Dad. Binati ako ng iilan sa mga naging kaibigan namin sa dating school, tumawa ako sa kanilang lahat. Nadaanan ko pa ang mga kapatid ni Kent kaya mabilis akong nakipagkulitan sa kanilang tatlo.
"Wade!" Si Reina sa masiglang boses at yumakap sa akin matapos halikan ang pisngi ko.
Nginisian ko lahat ng kaibigan kong babae na pinsan ni Kent at ni Stella. Umupo ako sa tabi ni Shane at kinarga si Troy na nagliwanag ang mata. Ngumiti lang ako sa kanya at hinalikan sa noo, hindi ko tinignan si Shane kahit alam kong nakatitig s'ya sa 'kin.
"Kamusta ka na? We never saw you simula ng...you know..." sambit ni Daisy at nagtaas ng kilay sa 'kin.
I smirked. "I'm doing all good, Daisy. Busy ako sa trabaho dahil na rin tambak ang mga papel sa opisina..." sagot ko hahang hinahaplos ang buhok ni Troy.
"Well, you're in Military kaya naman minsan ka lang namin makita..." sambit naman ni Clyte na katabi ang asawang si Kurt.
Napatingin kami sa unahan nang lumabas si Natasha kasama si Kuya, nangunot ang noo ko nang makita kung gaano kalaki ang ngisi ni Kuya. Natasha is wearing a dark blue dress above her knee and it's showing her slender back, she's wearing a high heels and she looks stunning. Hindi ko kayang idenied dahil angat na angat s'ya ngayong gabi.
"Wade." napabaling ako sa galit na boses ni Shane.
"What?" mahinahong tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo.
"Are you done staring at her? You look attracted to her..." panunuya niya habang nakataas ang kilay.
"Magsisimula ka na naman, Shane? Hindi pa ba natapos ang insecurities mo sa pinsan natin?" nagulat ako sa biglaang pagsabat ni Ate Savannah.
Napalunok ako at tinignan si Shane na matalim ang tingin kay Ate Savannah. Inilingan ko si Ate kaya inirapan niya ako at sumandal sa upuan, huminga ako ng malalim. Napaayos ako ng upo ng makita si Natasha na papalapit na sa kinauupuan naming lahat.
"Don't you dare start at me..." mariing sambit ko kay Shane na galit talaga ang matang nakatingin sa akin.
Napatingin si Natasha sa 'kin pero blangko ang mukha habang kasama niya si Kuya na nakangisi sa 'kin. Nakita ko ang paghawak ni Kuya sa bewang ni Natasha kaya nagtagis ang panga ko at nakita ko ang pagkailang ni Natasha pero nagtaas siya ng kilay nang makita ako.
"Good evening, kumpleto na pala tayo..." saad niya at bumaling kay Kuya. "Thank you for entertaining me, Tyler. It's nice to be with you..." dagdag niya sa pormal na boses at ngumisi.
"It's my pleasure to entertain you, don't forget my offer to you okay?" nakangiting sambit ni Kuya at tinignan ako habang nakangisi.
Napalunok ako at iniwas ang tingin, nagulat lang nang umupo s'ya sa gilid ko. Napatingin ako sa kanya na diretso ang tingin habang nainom ng wine, mabilis ang kalabog ng puso ko. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya at huminga ng malalim at naramdaman ko ang pagkapit ni Shane sa braso ko at bahagyang lumapit.
"We've missed you, Natasha. It's been a years since umuwi ka dito sa pinas..." sambit ni Sunshine.
She chuckled kaya nanindig ang balahibo ko. "I've missed you too, marami lang akong inaasikaso sa Italy..." nakangising sambit ni Natasha.
"Hmm, boys?" nakangising tanong ni Lucky, kapatid ni Shane.
She chuckled again. "I don't entertain much. I'm really busy with my works, 'yun lang," sambit niya, na-aaliw na tinignan si Lucky.
Natigil lang kami nang lumabas si Tita kasama si Tito na parehas nasa maliit na stage. Umupo ako at pinakatitigan sila Tita, they're in formal attire. Parang hindi manlang tumatanda si Tita sa lagay niya, angat pa rin ang ganda niya. Tinignan ko si Troy na kinukulit si Natasha, ngumiti lang si Natasha kaya nanindig na naman ang balahibo sa katawan ko.
"You're 7 years old? It's nice..." narinig kong pag-kausap niya kay Troy.
Hindi manlang ba s'ya naiilang sa presensya ko? Bakit? Ganyan na ba talaga? Naiinis ako dahil hindi niya manlang ako nagawang sulyapan kahit isang beses lang.
"Yes, Tita. I'm with Daddy po and I missed you a lot, Tita..." mahina ang boses ni Troy.
"You're grewing bigger huh? And you look like a child star..." sambit ni Natasha.
Napatingin s'ya sa 'kin at ganoon rin ako sa kanya, ngayon ko lang nakita na kita ang hati ng dibdib niya sa suot niya. Ako nalang ang nagiwas ng tingin dahil matalim talaga ang pagtingin niya sa 'kin at kinakabahan ako. Napatingin ako sa unahan nang lumabas si Stella kasama si Drake, lahat kami ay nagpalakpakan dahil sa kanilang dalawa.
"Good evening, Guys. I'm beyond happy that all of you are here in our engagement party, thanks to my Mom and Dad for doing this party for us. To my fianceè, Drake thank you babe..." sambit ni Stella sa nakayapos na si Drake sa bewang niya.
"Thank you rin sa mga pinsan ko na nandito rin. Kila Tita at Tito na pumunta rin dito, nakakataba ng puso na pumunta kayo dito kahit na hectic ang schedule ninyong dalawa..." nakangiting dagdag ni Stella.
Pagkatapos nang ilang speech nilang dalawa ay nagkatuwaan na kaming lahat kaya ngumiti ako sa kanila at niyakap si Stella. She smiled and hugged her sister and her cousins. Umupo ako matapos batiin si Drake na nginitian lang ako. Saksi kami sa pagiibigan ng dalawang 'to kaya naman todo ang saya ko nang malaman na silang dalawa ang nagkatuluyan sa huli.
"Kailan ba ang kasal ninyo ha?" pagtatanong ni Kent, katabi si Zein na karga si Keizen sa hita niya habang si Zyrine ay nasa tabi ni Stella.
"After she gave birth to our daughter..." sambit ni Drake, bakas ang saya sa boses niya.
"It's a beach weeding..." sambit naman ni Stella habang hinahaplos ang tiyan niya.
Parang may kung ano sa puso ko ang nanghihinayang dahil dapat ikakasal na rin ako, tinignan ko si Natasha na nakasandal sa upuan. Don't you missed me? You look so fine without me at nakakainis. Nagtama ang paningin naming dalawa at parang may kung ano sa tiyan ko ang kiniliti dahil sa lahat ng parte ng katawan niya ang mata niya ang pinakapaborito ko.
"Ate, kanta ka naman! It's been years since nung kumanta ka sa harapan namin..." pagbasag ni Stella sa titigan namin.
She raised her brow. "Tss. Ayoko..." sambit niya at bahagyang ngumuso.
"Sige na, hindi na namin naririnig ang boses mo eh..." sambit ni Jetro habang nakangisi sa 'kin.
Kahit ako gusto kong marinig ang boses niya, kahit ngayong gabi man lang. Tinignan ko s'ya at 'yun na naman ang lintik na tingin niya sa 'kin, para kaming naguusap sa mga mata. Nabuhay ang kalamnan ko nang tumayo s'ya at tinali ang nakakulot niyang buhok, now revealing her slender back.
"Yehey! Go Ate!" Si Stella sa masayang boses at nagpalakpakan kaming lahat.
Tumikhim ako at inayos ang pagkakaupo para tignan s'ya ng mas maayos. Dahil may piano sa unahan doon s'ya umupo I was quiet impressed dahil alam ko ay hindi s'ya marunong magpiano. Nanlamig ako nang ngumiti s'ya, ngiting dati nang bumihag sa 'kin ilang taon ang nakalipas.
Song: Back to December by; Taylor Swift
"I'm so glad you made time to see me
How's life, tell me how's your family
I haven't seen them in a while
You've been good, busier than ever
We small talk, work and the weather
Your guard is up and I know why..."
Lahat ay natahimik habang nakatingin sa kanya, maski ako ay ganoon rin. Tutok ang mata niya sa piano at mas lalo lang ako namangha sa kanya. Hindi pa rin nagbabago ang boses niya, ganoon pa rin sobrang ganda at linis. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kanya na nakaupo lang doon.
"Because the last time you saw me
Is still burned in the back of your
mind
You gave me roses and i left them there to die..."
Ngumisi s'ya pero may halong pait 'yun, nakagat ko ang labi ko at nagtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko ma-alis ang paningin ko sa kanya, hanggang s'ya ang nag-iwas ng tingin sa 'kin. Why are you doing this to me? If you love me, please tell me right away dahil hinding hindi ako magdadalawang isip na sumugal ulit. Alam na alam mong isang salita mo lang, bibigay kaagad ako at magpapa-alipin ulit ako sa bisig mo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top