Chapter 1
Natasha's POV:
Nakatingin ako sa bagong kasal na nasa harapan ko, nandito kami ngayon sa reception ng kasal nila Kuya at Zein. Kitang kita ko ang saya sa mukha nila at nagtatawanan pa at hindi ko maiwasang mainggit dahil na rin sa pangugulila na mayroon ako sa dibdib ko. Masaya ako para sa kanila 'yun ang totoo, pero mas sasaya siguro ako kung wala ako dito sa pinas. I don't want to see him again, tama na ng makita ko s'ya sa event sa Pampanga, sapat na 'yun.
Ngayon na nakikita ko na naman s'ya na kasama si Shane ay mas lalo lang akong nagagalit. Katulad ng sinabi ko, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Hindi ko akalain na aabot kami sa puntong kailangan naming pakawalan ang mga sarili namin dahil hindi kami pwede. Natawa ako sa isip ko, bakit ko ba iniisip ang ganitong bagay? Masaya na ako sa totoo lang at masaya na ako na mayroon akong tatlong tao sa buhay ko.
"Kiss!" sigaw ng mga pinsan ko kay Kuya na nakangisi na sa kanilang lahat.
Sa isang round table kami ng mga pinsan ko nakaupo kasama ang kani-kanilang asawa at nobyo. Malas rin dahil nasa tapat ko si Wade kasama si Shane na kausap niya at para akong hangin sa paningin niya at ganoon rin ako sa kanya. Ano bang pakielam ko sa kanya?
"Kiss na bilis!" nagtitilian na ang mga pinsan ko sa dalawa na nasa unahan.
Nagsigawan ang lahat ng hinalikan ni Kuya si Zein sa labi at sabay silang natawa. Iniwas ko ang paningin ko sa kanila at ininom ang wine na nasa harapan ko. Hindi nakakatulong dahil nandito si Faye, ang girlfriend ni Wade na nakalingkis sa kanya.
"Are you okay?" bulong ni Stella sa'kin at nakataas ang kilay.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?" nakataas kilay na saad ko rin sa kanya.
"Alam mo, mas maganda ka pa sa kanya. Siksik lang ang dibdib niya pero sa'yo natural na malaki..." bulong niya na ikinangiwi ko.
Namula ang pisngi ko at kinurot ang braso niya. Natawa s'ya sa akin at tinignan si Wade na ngayon ay nakatitig na naman sa akin. Kumalabog ang puso ko sa hindi malamang dahilan dahil lang sa nakatitig lang s'ya sa'kin.
Maangas akong nagtaas ng kilay bilang pagtatanong kung anong tinitignan niya. Nawala lang ang tingin niya ng paharapin s'ya ni Faye at humalik sa labi niya kya doon ako napaayos ng upo. Kitang kita ko ang aliw sa mga mata ni Wade kakatingin kay Faye.
"Still the naughty girl I know..." baritonong boses ni Wade sabay hagkan kay Faye para yakapin ang bewang niya.
Kinagat ko ang labi ko at para akong nakalutang sa ere. Hindi ko alam kung dapat ba akong manatili dito o dapat na ba akong umalis nalang. Sa huli, nanaig ang gusto ko. Tumayo ako at lahat sila napatingin sa'kin na para bang kanina pa nila ako pinapanood.
"Comfort room," malamig na saad ko sa kanilang lahat.
Sinuklay ko ang buhok ko at eleganteng lumakad papunta sa loob ng hotel. Bukas kasi ay honeymoon nila at bukas rin ang pagbalik ko sa Italy dahil may naghihintay sa akin doon. Naglakad pa ako at panay ang tango sa mga bumabati sa'kin ng 'Magandang Gabi'.
"Excuse me. Where's the comfort room?" mahinahong tanong ko sa isang waiter.
"Diretso lang po kayo then, turn left makikita niyo na po doon ang comfort room..." magalang na saad niya.
Nginisian ko lang s'ya at mabilis na pumunta sa tinuturo niya at agad ang pagpasok ko. Tinukod ko ang kamay ko sa sink at pinakatitigan ang sarili ko sa malaking salamin. I'm wearing a purple dress kitang kita ang dibdib ko at ang pisngi nito, nakalugay ang buhok ko na may kulay tsokolate. Binasa ko ang pangibabang labi ko at mabilis na nag-ayos.
Napatingin ako sa pinto ng makita si Faye, kilala ko ang babaeng 'to at isang FHM model sa sikat na kumpanya. She's wearing a purple dress na kita rin ang dibdib niya, kagaya ng sinabi ni Stella siksik nga ang dibdib niya. I can't help but to stare at her, maganda s'ya, matangos ang ilong, at maputing balat. Expressive black eyes and a thick eyelashes, makurba ang katawan, at may masasabi sa buhay.
"Hi!" Si Faye sa masayang boses.
Ngumiti lang ako sa kanya at nagsimulang mag-ayos ng sarili ko sa salamin. Nakikita ko s'ya sa gilid ko at tinatanong ko sa isip ko kung bakit s'ya nagustuhan ni Wade? Hindi ba may anak sila ni Shane? Bakit ganito si Wade? Tinalikuran niya na ba ang responsibilidad niya kay Shane at heto siya nambabae na naman?
"I think nakilala na kita sa isang event? You're Natasha, right?" nakangiting saad niya, ngiting palakaibigan.
"Yeah..." pilit ang ngiting iginawad ko sa kanya.
"Oh, I'm Wade's girlfriend..." She smiled tila kumikislap ang mga mata niya. "He told me that you're his friend and close daw kayong lahat..." kuwento niya.
Friend? What the hell? Napairap ako sa kawalan. Kung alam mo lang kung ano kami ng boyfriend mo dati. Ngumiti nalang ako ng matamis sa kanya at tinapos ang pag-aayos. Hindi na rin s'ya nagsalita kayamatapos nun ay lumabas na ako at napaatras ng makita si Wade.
He looked at me with his piecing eyes. Kumunot naman ang noo ko pero ang kaba ay nandito pa rin sa dibdib ko. S'ya lang ang nakakagawa sa'kin ng ganito sa buong buhay ko.
"Hey, Wade!" Si Faye na kakalabas lang at kaagad hinalikan ang labi ni Wade. "This is Natasha, nakilala ko na s'ya and I hope we can be friends!" aniya at kitang kita ko ang pagpula ng labi ni Wade.
"Is that so? Buti pumayag s'yang maging kaibigan mo?" sarkastikang saad ni Wade, hawak ang bewang ni Faye na nakangiti.
"Bakit naman hindi?" nakataas kilay rin na saad ko, matapang ang mga matang nakatingin sa kanya.
"Maybe soon we can catch up! Or maybe we can have dinner para naman makilala kita..." saad ni Faye.
Sarkastikang nginisian ko lang s'ya at nakita ko ang pagtagis ng panga ni Wade. "I'm busy, don't get me wrong. Madami lang talaga akong ginagawa lalo pa't babalik na ako sa Italy..." ngising saad ko at umalis na doon.
Bumuntong hininga ako at agad na nagpaalam sa kanila. Nagtaka sila sa biglaang pag-alis ko pero nang makita nila si Wade ay nagsipagtanguan silang lahat at napairap nalang ako. Pumunta ako kila Mommy na nasa gilid at nag-iinuman sila.
"Mom, i need to go..." mahinahong saad ko.
"Huh? Are you bored?" tanong ni Mommy at hinawakan ang kamay ko na nasa balikat niya.
"Madami pa po akong gagawin, Mom. Alam mo naman siguro kung bakit ako uuwi ng Italy sa lalong madaling panahon..." saad ko at napatango naman s'ya.
"Said my regards to them ha? I want to meet them anytime soon, Natasha..." mahinang saad ni Mommy at pinisil ang kamay ko.
I smiled and kissed her cheeks ganun rin kay Daddy. Sumulyap pa ako kay Wade na nakatingin sa' akin kaya iniwas ko ang paningin ko at mabilis na nilisan ang event na 'yun. Naglakad ako papunta sa kotse ko pero bago 'yun narinig ko ang boses ni Wade.
"Where are you going? Hobby mo na siguro ang pag-alis?" He said sarcastically.
Napapikit ako at alam ko ang tinutukoy niya, iniwan ko s'ya sa condo ko. Humarap ako sa kanya at nakita ko ang dilim sa mga mata niya. Huminga ako ng malalim at kinuyom ang kamao ko.
"Why are you here? Hindi ba dapat nandoon ka sa tabi ni Faye?" kalmadong tanong ko kahit kinakabahan.
He smirked. "Tinatanong kita at sasagutin mo ako ng tanong? Hindi ka pa rin nagbabago..." saad niya.
Natigilan ako at kunot noong tinignan s'ya. "Ganon ba ako kaimportante para sundan mo ako at tanungin ng ganyan?" saad ko at ngumisi.
Mas lalong lumapad ang ngisi niya at padarag akong sinandal sa kotse. Ang kamay niya ay nasa itaas ng ulo ko at ang isa ay nasa tapat ng bewang ko kaagad kumalabog ang puso ko sa lapit ng mukha niya sa mukha ko. Wala akong nakitang emosyon kundi blangko ang mukha niya na nakatingin sa akin.
"W-wade..." kinakabahang saad ko sa kanya.
"Sino ka ba sa inaakala mo?" mababa ang boses niya at natigilan ako. "Sino ka ba sa inaakala mo at kay tindi ng pagyayabang mo?" mariin ang pagkakasabi niya.
"At sino ka rin sa inaakala mo para pumunta dito?" matapang na saad ko.
He smiled kaya napatingin ako sa labi niya. Napasinghap ako ng itaas niya ang daliri ko kung nasaan ang singsing ko, tinignan niya ako at ang singsing. Kinakabahan ako at nanginginig ang mga tuhod ko sa paraan ng pagtitig niya.
"Sisiguraduhin kong hindi matutuloy ang kasiyahang gusto mo... dahil una sa lahat, akin ka at pagmamay-ari kita..." mahina ngunit mariin ang tonong ginamit niya.
"Huwag na huwag mong pangungunahan ang desisyon ko, Wade..." mariing saad ko at pilit na tinutulak ang dibdib niya.
"Hindi mo s'ya mahal..." seryosong saad niya, natigilan agad ako. "Ginagamit mo lang ang katulad niya para makalimutan ako. Kasi kung talagang nakalimot ka na hindi ka na maiilang sa akin ngayon.." nakangising saad niya at binitawan ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top