Prologue

"Mommy, mommy, wake up come on!" Paggising sa akin ng anak ko.

"Hmm..." I hummed at tumagilid ng higa.

"Mommy, I'm getting late na po sa school ko," malambing na bulong niya. 

I slowly open my eyes to see my 7-year-old baby girl. She's pouting, and her cute hands are on her chest. She's Zyrine Raye Martinez. Ginamit ko ang apelyido ni Kent para sa kanya. Kamukhang-kamukha nito ang ama niya at hindi nalalayo sa mga mata ni Zyrine ang matatalim na abong mga mata katulad kay Kent.

Pitong taon na ang lumipas magmula nang umalis kami ni Zyrine sa Laguna. Sa pitong taon na 'yon ay nabuhay ako nang mag-isa kasama ang aking anak. Nagtayo ako ng flower shop at masaya kong itinaguyod ang hirap ng buhay kasama si Zyrine. 

"Mama, don't cry..." sabi niya sa malambing na boses.

"Don't worry about me, okay? I'm good," nakangiting sagot ko. 

Naligo kami nang sabay ni Zyrine at masayang nakipag kwentuhan sa mga bagay na gusto niyang i-kwento sa akin. Habang pinagmamasdan ko ang anak ko ay para kong nakikita si Kent at kung paano ito mag-kwento at kumilos, naalala ko lang ang lalaking minahal ko sa loob ng maraming taon. Magmula sa mga kilay nito pababa sa matangos na ilong, at mapulang mga pisngi. Ganun rin ang pulang labi nito at ang matamis na ngiti ni Zyrine. 

"Mommy, malapit na po ang family day sa school..." malungkot na sabi niya, natigilan naman ako. "P-pero okay lang po mommy kahit na dalawa lang t-tayo." 

Nadudurog ang puso ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko pa kasi nasabi kay Zyrine ang tunay na nangyari sa amin ng papa niya. Madalas tinatanong niya ang tungkol doon at kahit gusto kong mag sinungaling sa kanya ay hindi ko kaya. 

"Uh... pwede naman tayong pumunta doon. Pwede mo naman ako maging mommy at daddy," malambing na saad ko. 

"Sure, mommy!" Bumalik na ulit ang sigla sa boses niya. "I will show them what we really got!"

Pagkatapos kong itali ang mahaba at  tsokolate niyang buhok ay agad kong inayos ang bag niya. Lumabas kami at agad s'yang tumayo sa labas ng pinto. 

"Oh, baon mo." Inabot ko sa kanya ang bente pesos. Ngumuso kaagad ang labi niya. "May snacks ka sa bag mo at ang tubig mo, nandyan na rin."

"Bente lang po mommy ko?" nakangusong tanong niya. Tumaas ang kilay ko. "Opo na mommy, okay lang sa akin ang bente." 

Kinamot niya ang kanyang kilay. 

"Dapat nga sampu lang baon mo," nakangiwing sabi ko. 

"No... okay na po ang benta kaysa sa piso mommy," sabi niya. Napangiti ako at agad na hinalikan ang noo niya. "Bye, mommy!"

I smiled. "Galingan mo sa school!"

Kumaway ako sa kanya habang pinagmamasdan ang sidecar paalis. I walked towards my business shop, not far away from my house. Pumasok ako at naabutan sila Mila at Flora na nag-aayos ng mga bulaklak. Kumpleto ang kagamitan dito sa loob at malinis na rin kaya napangiti ako at agad na umupo sa swivel chair.  

"Ma'am, tapos na po namin ang mga flower basket para mamaya sa delivery," nakangiting sabi ni Mila. 

"Sinabi ko naman na Zein na lang 'wag na ma'am eh." Inirapan ko siya na natawa. "Urgent ang mga bulaklak na 'yan, ha? Ingatan niyo."

"Sure, ipapatingin ko na lang kay Flora mamaya," sagot niya.

"Okay..." sagot ko. "Isang bouquet ng sunflower mamaya sa kliyente natin sa kabilang bayan. Dalawang boquet naman ng pink roses sa isa pang kliyente natin."

Tumunog ang bell hudyat na may bagong costumer. Narinig ko ang impit na tili ng dalawa kong kaibigan ngunit nanatili pa rin akong nakayuko habang nagsusulat dahil marami kaming kailangang bilhin at asikasuhin.

"What flowers do—K-Kent?" Halos mabuwal ako sa kinauupuan ko nang makita s'ya.

Nang tingnan ko ang itsura niya ay napalunok ako. Sa nagdaang taon ay hindi ko nasilayan ang pangangatawan niya, ngayon lang. Ang suot niyang polo longsleeve ay nakatupi hanggang sa magkabilang siko niya. Mapapansin rin ang bagong gupit niyang buhok at malinis na mukha dahilan para mas lalo akong mapalunok. Sa paraan nang pagtitig ni Kent sa akin ay para niya akong binabasa at para niyang nakikita ang kaluluwa ko. Kusang bumilis ang tibok ng puso ko ngunit agad ring naputol ang tinginan namin nang umalingawngaw ang boses ni Zyrine. 

"Nandito na po ako, mommy ko!" She hugged my waist after giving me a kiss on my cheeks.

Hindi ko magawang ngumiti dahil sa lalaking nasa harapan ko. Nang tingnan ko si Kent ay bumaba ang tingin niya sa batang kasama ko. 

"Hi po! I'm Zyrine Raye!" She giggled and waved her hand at her father.  "Oh! We have the same eyes! Color gray! Wow!"

Tinignan ako ni Kent at sa pagkakatingin niya sa akin ay alam kong may nabubuo na sa isip niya dahil hindi na ako nagulat nang magtanong s'ya.  

"Is... Is she m-mine?" His voice broke and stared at her daughter. "A-Anak ko ba s'ya?"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top