Chapter 8
Zein's Point of View:
Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot. Aaminin kong nagulat ako at hindi ko inaasahan ang nangyari kanina dahil alam kong aksidente 'yon. Hindi ko sinasadya at hindi ko kailanman gagawin ang bagay na 'yon. Iniisip niya kayang sinasadya ko s'yang hawakan para magpapansin sa kanya? Iniisip niya kaya na kagaya ng ibang babae, gagawin ko ang lahat para mapalapit sa kanya? Napailing ako.
Natasha helped me and I thanked her for saving me. Brenda said sorry to me dahil s'ya ang nakabangga sa akin at pinatawad ko kaagad s'ya dahil pareho naman naming hindi inaasahan. Mrs. Martinez says their apologies to me at naiintindihan ko naman 'yon dahil wala rin naman silang kasalanan. Pinipigilan ko ang luha ko dahil napagtanto kong may mali rin ako. I almost touched his... never mind at pinagalitan rin ako ng manager dahil sa kabobohan na nagawa ko.
Sunday came and I did my routine. Workout, diet, and control. Naglalaba kami ngayon dahil nagpalit kami ng shift ni Precious at nag-aalala rin sila na baka maulit ulit ang nangyari nung isang araw. Si papa ay namasahe gamit ang jeep bagay na ginagawa niya kapag linggo at sabado. Lahat ng pera na sahod ko sa casino-restaurant ay nakalagay sa bank account. Ayaw ni mama na gagastusin ko ang mga 'yon o ibigay sa kanila dahil pinaghirapan ko ang bagay na 'yon, naiintindihan ko.
"Zein, bakit nga pala hindi ka bumili ng cellphone mo? Magagamit mo 'yon sa pag-aaral mo," sabi ni mama.
"Hindi ko naman po kailangan at isa pa po, ayaw ko po ng cellphone," natatawang sabi ko. She chuckled and shook her head.
"Natatakot ka bang gumastos?" tanong niya. Hindi ako sumagot kaya napa buntong hininga s'ya. "Anak, pwede mong gastusin ang pera mo at hindi mo kailangan na mag-alala sa amin ng papa mo. Kaya namin, okay? Unahin mo ang pag-aaral mo at pangangailangan mo."
I smiled. "May tamang oras po sa cellphone o sa mga materyal na bagay. Ako na po ang bahala dyan."
"Ikaw talaga..." natatawang sabi ni mama. "Sabihin mo lang na bibili ka ay sasamahan ka namin ng papa mo. Kumusta pala ang school? Wala bang bullies?"
Natigilan ako at napawi ang ngiti. Kung alam lang siguro ni mama ang mga bullies sa school, ako ang target nila.
"Okay naman po, mama. Masaya naman po ang school," ngumiti ako nang maliit. She looked at me intently.
"Sigurado ka anak ha? Magsabi ka lang sa akin. Pupuntahan ko ang mga 'yan."
Pagkatapos naming maglaba ay tumulong ako sa pagsasampay dahil tulog pa si Julius. Nagdilig rin ako sa maliit naming farm dito sa bahay dahil mahilig talaga ako sa mga bulaklak. Naalala ko na naman na si Cielo lang ang kaibigan ko sa school dahil lahat sila ay ayaw sa akin, ayaw ko rin naman sa kanila. Napailing ako at narinig na may kumakatok sa malaki naming gate.
"Sino naman kaya ito? Kakabayad lang namin ng bill ha?" bulong ko. Nagpatuloy ang pagkatok. "Sandali lang!"
Nagmamadali kong binuksan ang gate namin at nalaglag ang panga ko nang makita sila Kent at Natasha. Nakasandal si Natasha sa motor niya habang si Kent ay nakatayo sa gilid niya habang magka-krus ang mga braso sa dibdib niya. Nagtataka ko silang tinignan at naging dahan-dahan ang kilos ko.
"You will stare at us the whole time?" malamig na tanong niya. Iritado na kaagad kaya kumunot ang noo ko.
"Kuya!" si Natasha at awkward na ngumiti sa akin. "We came here because we want to talk to you about what happened last night. Can we come in?"
Narinig ko ang boses ni mama ngunit nanatili kaming magkatitigan ni Kent. I shook my head and averted my eyes.
"Zein, ano bang—Kent?" gulat na tanong ni mama. Natataranta niyang binuksan ang gate namin. "Naku! Pasok kayo. Pasensya na."
Umatras ako habang kunot pa rin ang noo. I was wearing a jacket at nagtataka pa si mama bakit ako naglalaba ng suot ang jacket ko. Bumuntong hininga ako at napatingin sa kanila na inaayos ang pag-park ng motor. Paano kaya nila nalaman ang bahay namin? May nagsabi ba?
"Pasensya na at hindi kami nakapaglinis ng bahay namin," nahihiyang sabi ni mama. Napatingin tuloy ako sa bahay namin at nakitang marami ngang kalat dahil linggo ngayon. "Teka, kukuha lang ako ng juice. May gusto pa ba kayo bukod sa juice?"
"That's okay po..." sabi ni Natasha. Napangiti ako sa kanya dahil nakangiti s'ya, ang ganda niya. Napatingin s'ya kay Kent na nililibot ang bahay namin. "Pumunta lang po kami dito para kay Zein."
"Kung hindi lang sinasabi ni mommy..." bulong-bulong ni Kent kaya kumunot na naman ang noo ko.
Umupo s'ya sa tabi ni Natasha na hinihila s'ya kanina pa.
"Bakit pala kayo nandito, hija? Akala ko ay sa susunod na buwan pa kami magbabayad ng bahay?" tanong ni mama.
Nanlaki ang mata ko at OA na napatingin kay mama. "Ano po, mama? Bayad? Bakit tayo magbabayad sa kanila?"
"Si mommy po ang kausapin niyo tungkol dyan. We came here to Zein..." mahinahon na sabi ni Natasha. Nakakagulat na mahinahon s'ya ngayon ha? "Now, brother."
Kent cleared his throat and smiled pero halatang napipilitan. "S-sorry..."
Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko ay hindi totoo ang sorry niya. Pinagmasdan ko s'ya ulit at nakita kong iritado na s'ya kaagad.
"Zein, do you hear me?" iritadong tanong niya. Umalis muna si mama para sa pagkain nila. "I said—"
"Narinig ko," malamig na sagot ko. I smirked secretly. "Ayaw ko, hindi sincere."
"What? I said sorry almost three times! We're wasting our time here, Natasha," galit na sabi niya. "Let's go, Natasha."
I raised my brow and looked at him. "Mag-sorry ka kapag bukal na sa loob mo... hindi 'yung labas sa ilong mo."
Nakatulala pa rin ako hanggang ngayon pagkatapos namin mag-usap ni mama kagabi, nung umalis sila Kent. Itong bahay namin ay pagmamay-ari nila Sir Tristan at ng pamilya niya. Way back then, magkaibigan si mama at si Sir Tristan at dahil umalis si mama sa Astrid—kung saan kami ipinanganak, binigay ito ni Sir Tristan sa kanya. Ayaw ni mama na walang bayad kaya pumayag si Sir Tristan na bayaran namin.
Small world. Literal bang pinaglalapit kami? Para ano? Para mag-away araw-araw?
Pumasok akong nakasuot ng uniform ng university. Maroon mini skirt above the knee ang haba, white polo long sleeve, maroon blazer, and maroon necktie. Nahihiya ako sa totoo lang kaya naman hindi mailarawan ang mukha ko ngayon na papasok ako sa classroom namin. I sighed and bowed my head.
"Oh, my God!" Cielo in her exaggerated voice. Lumapit s'ya sa akin. "Ang ganda mo! Your creamy legs blend on that skirt!"
Napasinghap ako lalo nang napatingin sa akin si Jaques. Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi ni Cielo kaya nagmamadali akong naglalakad papunta sa upuan naming dalawa.
"Ang ingay mo..." nahihiyang bulong ko.
She giggled. Natawa na lang ako at inayos ang upuan ko. Hindi ako mapakali dahil sa skirt ko pero napakaganda ng uniform namin. Para na rin akong isang mayaman dahil sa sobrang classy ng uniform.
"Oh, wow! Ang ganda mo," sabi ni Rosalinda. "I envy you! Ang ganda ng curves mo..."
"Naku! Ikaw rin naman. Petite pero maganda," nakangiting sabi ko.
Ngumuso s'ya at nilagay ang palad sa baba niya. "Cheerleader kasi ako at kailangan laging naka-diet. Lagi kasi akong binubuhat."
I was about to answer when our teacher came. Umayos kaagad ako ng upo lalo na nung pinalabas niya ang mga worksheets sa subject niya.
"Let's proceed to Oral Communication lesson number two," sabi ng teacher. "Communicating with others is a new experience. We are either the ones starting the conversation process or the ones receiving it. As the exchange of information progresses, both the source and the recipient go through favorable or unfavorable experiences."
He's tackling communication models. Ito ang tinuturo niya sa amin nung nakaraan pero hindi parte ng lesson. Gusto niyang magkaroon kami ng kaalaman sa communicating lalo na sa reporting namin.
"There are models of a communication process. The first one is linear communication. Do you have any idea about it? Since you're with your modules right now, can you give me a short brief about this?" seryosong sabi niya.
I raised my hand. Tumango s'ya at agad akong tumayo.
"Linear communication is one-way, focusing on the transmission of a message to a receiver who never responds or has no way of responding to the information conveyed," mahinahon na sabi ko.
He smiled. "That's right."
Umupo ako at agad na nakinig sa kanya tungkol sa communication models. Maraming example ang binigay niya katulad na lang ng prescon o kaya naman ang mga batang nagbabasa ng poems. Marami rin akong natutunan dahil magagamit ko ito sa business. Pagkatapos ng ilang sandali ay nagbigay agad s'ya ng dalawang assessment kung talaga bang may naiintindihan kami sa mga pinagsasabi niya.
"I forget, under Linear Communication, there is an example about the Shannon-Weaver model of communication. That was on your module, and take a look at it," he said. "The given example was the model, and it is the mother of communication."
Tumango kaming lahat. Ipinagpatuloy ko ang pagsasagot dahil kailangan ito bago matapos ang oras niya. Nang ilang sandali lang, natapos ko ang akin dahil nasa module naman na ang sagot. Ngumiti ako at agad na pinasa sa teacher namin ang module ko. Tinignan ko sila Rosalinda na nag-uusap tungkol sa paano nila gigisingin si Natasha pagkatapos umalis ng teacher.
"Gisingin mo na kaya?"
"Masamang pangitain ang gisingin ang isang Natasha."
"Natasha... Wake up," mahinahon na sabi ni Rosalinda. "Tapos na ang subject natin—"
Maski ako nagulat sa biglaang pagbukas ng mga mata ni Natasha. Napalunok ako dahil mabilis niyang kinuha ang gamit niya at agad na lumabas. Nagkatinginan kami ni Cielo at nagkibit balikat naman s'ya kaya napiling ako. Lumabas agad kami ng classroom at agad na naglakad sa maraming tao sa hallway.
"In fairness, bagay sa kanya ang uniform natin."
"Yes, but I can't see anything but trash..."
Mabilis akong hinila ni Cielo na salubong ang kilay. Naglakad kami sa ibaba at agad na dumiretso sa canteen. Tahimik akong naglalakad nang marinig ang pinag-uusapan ng mga Martinez at mga kaibigan nila.
"Gago! Hindi mo naman kayang pagselosin si Natasha e! Ikaw 'tong nagseselos!"
"Shut up!" Si Wade sa iritadong boses.
Hindi ko sila pinansin at pumasok sa cafeteria ng school. Nauna akong naglakad kay Cielo para humanap ng upuan. Hindi nakatakas sa akin ang mga estudyante na pinag-uusapan ako at ang suot kong uniform.
"Gosh! Bumagay pala talaga sa kanya ang uniform natin? I can't imagine!"
"Well, it suits her but she's still the ugly big fat girl! Oh, trash too." They all laughed.
Cielo tapped my shoulder.
"Don't mind them... you look stunning kasi kaya naiinggit sila sa 'yo," nakangiting sabi niya. "Ako na ang bahala sa pagkain natin. Libre ko kasi sinuot mo na ang uniform natin!"
I rolled my eyes mentally dahil nakarinig na naman ako ng tilian. Hindi na bago sa akin kapag dumating sila ay nagtitilian o nagbubulungan ang mga tao. Napailing ako at agad na umupo dala ang pagkain ko. Nagkatinginan kami ni Kent at kagaya ko, nakakunot rin ang noo niya at iritadong nakatingin sa akin. Ano na naman kaya ang problema niya? May kasalanan pa kaya s'ya sa akin at hindi ko makakalimutan 'yon.
"Okay ka lang, Zein?" nag-aalala na tanong ni Cielo nang mabilaukan ako.
Tumango ako at agad na kumain. Nag-focus ako sa pagkain ko kahit pa naririnig ko ang bulungan sa kabilang table. Pinag-uusapan kaya nila ako? Sinadya kong tumingin sa table nila at nakitang wala na si Kent. Kumunot ang noo ko at pinaglaruan ang kutsara at tinidor ko.
"Zein?" Napatingin ako kay Jaques. "Usap daw kayo ni Kent. Hihintayin ka niya sa likod, sa garden."
"Huh?" Wala sa sarili kong tanong. Lahat ay nakatingin sa akin kaya nagtaas s'ya ng kilay. Cielo was tapping my arm ngunit ang paningin ko ay na sa table nila. "A-Ako?
He chuckled kaya napakurap ako. "You heard me, Zein. Ayaw niyang naghihintay kaya pumunta ka na sa garden. Good luck!
Hindi ko pinansin ang mga tingin nila sa akin at nagmamadaling pumunta sa lugar na sinabi ni Jaques. Bakit kaya? Himala at gusto niya akong kausapin. Nakita ko kaagad s'ya at kahit nakatalikod s'ya ay mahahalata mo talagang lagi s'yang nasa gym dahil sa katawan niya.
"K-Kent..." tawag ko. Kinakabahan ako kaya hinawakan ko ang skirt ko.
He turned to look at me. Nagulat pa ako sa ginawa niyang hakbang kaya umiwas ako ng tingin. Sasaktan niya kaya ako? Napapikit ako ngunit napadilat nang walang hirap niyang iniangat ang sleeve ng polo ko. Nagpakita ang isang cute na band aid sa kanya kaya napalunok ako dahil hindi ko maintindihan ang ginagawa niya.
"Masakit pa rin ba?" bulong niya. Napapikit ako dahil sa mahinahon niyang boses ngunit agad ring dumilat. Napatingin ako sa daliri niyang hinahaplos ang band aid ko. "Tell me... Masakit pa rin ba?"
I looked at him and he looked serious while caressing my pulse. I smiled a bit ngunit agad ko ring tinikom ang bibig ko at pinagmasdan s'ya.
"Hindi naman na masakit. Ginamot ko 'yan kagabi," mahinahon na sabi ko.
Lumayo s'ya ng kaunti kaya napatingin ako sa kanya. He sighed and shook his head bagay na ipinagtataka ko.
"I'm sorry, Zein," mahinahon na sabi niya. "I'm really sorry."
Napasinghap ako at napatingin sa mga mata niya. His gray eyes were soft, and I could see my reflection in his eyes. Napalunok ako at natawa nang kaunti para maiwasan ang awkward na nararamdaman.
"O-Okay lang kasi may mali rin naman ako. S-Sorry rin..." nakangiting sabi ko.
He nodded his head and looked at me. Kalmadong-kalmado ang aura niya ngayon, hindi ko ito madalas na makita ngunit na-e-enjoy akong nakikita na kalmado s'ya.
"B-Balik na ako?" tanong ko. Hindi ko na kaya ang tingin niya sa akin dahil kapag hindi pa ako tumigil ay baka bumigay ang mga tuhod ko. "Okay na ang sorry mo... halatang seryoso."
He shook his head, and I can see that he's smirking. "Go ahead, chubby girl."
Nanlaki ang mata ko ngunit nagtaas lang s'ya ng kilay. Ngumuso ako at agad na tumalikod sa kanya ngunit natigilan sa huli niyang sinabi.
"I love your scent... it's addicting." Bulong niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top