Chapter 6
Zein's Point of View:
Isang linggo na pala ang nakalipas simula nung pumasok ako sa unibersidad na ito. Hindi mawala ang mga bullies na sa physical appearance tumitingin. What's the problem of being chubby? Hindi ko rin kasalanan kung hindi sila kumakain tatlong beses sa isang araw o hindi masarap ang pagkain nila. Aaminin kong na nai-insecure ako sa katawan ko pero ito na talaga ako, eh. Ano pa ba ang magagawa nila? Can we normalize having this body?
Palagi kong nakakasalubong si Kent, ang tagapagmana ng Martinez. Napansin ko lang na masungit at snob talaga s'ya at kung paano niya iwasan at sungitan ang mga babae na umaaligid sa kanya ay nakakatakot. Napansin ko rin na may tattoo s'ya at mas napansin ko ring mas angat talaga ang itsura niya sa kanilang lahat o baka para sa akin lang. Nakakatakot si Kent kaya naman ako na lang rin ang umiiwas dahil may nasabi sa akin ng kaibigan ko na kapag nilapitan mo si Kent, maraming hihila sa buhok ko.
"Malaman ka lang hindi ka naman mataba. Sakto nga lang ang katawan mo! Hindi mataba at hindi rin payat. Chin up!" I smiled when I remembered what Cielo told me about my body.
I wear a red polo t-shirt, black slacks, and flat sandals. Lumabas kaagad ako sa kwarto at mabilis na bumaba. Naabutan ko sila mama at papa sa sala kaya ngumiti ako.
"Aalis ka na, Zein?" tanong ni mama.
Ngumiti ako. "Opo mama. Mamaya pa po ako uuwi."
"Anak, nag-aalala ako... hindi mo naman kailangan mag-trabaho dahil kaya naman namin ng papa mo—"
"Mama, kaya ko po okay? Malakas pa po ang katawan ko at nag-usap na rin po tayo tungkol dito," mahinahon na saad ko.
Papa smiled at me; I know he's proud. Nasabi ko na ito sa kanila at alam kong pumayag sila kahit labag sa loob nilang dalawa.
"Hayaan mo na ang anak mo, Zariya, malaki na 'yan. Ihahatid na kita sa labas, anak," nakangiting sabi ni papa.
Kumuha si papa ng tricyle na kilala niya ang driver. Ngumiti ako at humalik sa pisngi ni papa bago tumulak papunta sa casino-restaurant. Waitress ako doon at maganda naman ang pakikitungo sa akin ng mga kasama ko. Strikta at masungit nga lang ang head manager namin pero ayos naman sa akin.
"Nandito na tayo, Zein."
Napakurap ako at agad na bumaba pagkatapos magbayad. Naglakad ako nang kaunti at agad tinulak ang glass door. Sa pagpasok mo ay pula at itim ang theme ng restaurant. Ang red carpet ay ang tatapakan mo dahil nakabalot ang sahig ng malaking red carpet. Sa gilid nitong restaurant ay isang casino pero bago ka makapasok doon, dadaan ka sa malaking pinto ng restaurant. Shortcut daw sabi ng manager namin. Magaling ang architect ng casino-restaurant na ito dahil kapag makikita mo sa labas, hiwalay ang restaurant at casino pero kapag pumasok ka sa loob, magkadikit lang sila. Ang malaking pinto lang ang humaharang papunta doon.
"Zein! Ang aga mo ata ngayon?" tanong ni Precious.
"Wala naman akong masyadong gagawin ngayon kaya maaga ako pumasok," sabi ko.
"Sana dumating ang mga Martinez at mga kaibigan nila," si Cristine na nakanguso habang inaayos ang damit niya.
"Aba ang gaga lalandi na naman! Lahat ata sila ay gusto mong madikitan!" natatawa na sabi ni Berna.
Madalas ay nandito ang mga Martinez kasama ang mga pinsan o kaibigan nila. At kapag ganun, ang mga waitress dito ay buhay na buhay. Malaki sila mag-tip kaya naman ang karamihan ay nasa night shift dahil madalas nandito sila. Hindi ko sila masisisi, gwapo at maganda ang mga 'yon at kahit ako, gustong-gusto ko silang makita.
"Mamaya lang ay parating na ang mga Martinez. Dito sila kakain ayon sa boss natin. 'Wag tatanga-tanga at umayos kayong lahat!" sigaw sa amin ng head manager namin.
Napalunok ako at agad na tumango. Ito ang unang beses na sila lang ang pupunta dito kaya kinakabahan ako at pinagpapawisan.
"Oh my God si Kent!" si Precious sa natutuwang boses. Namumula pa ang magkabila niyang pisngi.
"Ayusin ang trabaho. Kailangan malinis at walang palpak! Umayos kayong lahat kung ayaw niyong mapagalitan ng boss natin. Oh, s'ya, kumilos na kayong lahat!" sigaw ng head manager namin.
Nagmamadali kaming mag-ayos at agad kong kinuha ang papel at ballpen ko para mamaya. Huminga ako nang malalim at panay ang tingin sa pinto dahil mamaya lang, nandyan na sila.
"Shet, shet! Nandyan na..."
Mabilis akong napatingin sa pinto at napasinghap nang makita sila. Unang pumasok ang dalawang mag-asawa na kapwa mga nakasuot ng pormal na kasuotan, I bet they're in their 30's or 40's at kasama nila sila Natasha at Stella na mga nakasuot ng skinny jeans at trouser. Huling pumasok ay si Kent, wearing his black tuxedo and he screams power and authority—lahat naman sila.
He has chocolate brown hair styled in a slick back, but with some bangs left on his forehead. He has gray, sharp almond eyes, a pointed aquiline nose, and a red, heavy lower lip. I saw the line on his lower lip even though he was far away from me. He has hard features, like her dad. You can clearly see his tattoos from here, especially the one under his ear. He's also 6'2 like his dad, and you will notice their actions are firm and proper.
"Good evening, madame and sir," bati ko at tiningnan sila isa-isa. Namamangha ako sa family genes nila.
Madame Cathalina looked at me down to my name plate. Ang asawa niya ay nakahawak sa likod ng kanyang upuan habang ang isang kamay nito ay nasa hita niya. They looked so good.
"What do you guys want to eat?" kalmado na tanong ni Sir Tristan pagkatapos niya akong obserbahan.
"Chicken Piccata, Ribeye Steak, and juice," sabi ni Madame Cathalina. Tinitignan niya ang mga anak niya.
"Chicken Salad, Taco Salad, and Gravy Burger," sabi ni Stella.
"Cheese Curds, Hot Turkey, and Wine please," sabi ni Natasha.
Napatingin naman sila kay Kent na tahimik na nakatingin sa akin. Napalunok ako at iniwas ang paningin sa kanya.
"Mac and Cheese and Avocado Shake," seryosong sabi niya.
He can't take his eyes off me. Gusto kong pagtaasan s'ya ng kilay kaso nakakahiya naman kung gagawin ko 'yon.
Tumango ako at ngumiti. "Give me a minute to prepare your food."
Mabilis akong umalis at agad na napahawak sa dibdib ko. That was intense!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top