Chapter 21

Kent's Point of View:


I can't erase those memories of Zein dancing in front of us. The way her hips move, her glance, her smiles, and everything. Hindi mawala sa akin ang lahat ng 'yon na hanggang ngayon ay paulit-ulit na nag-re-reply sa utak ko. Jacques made a video of Zein's dance performance para raw may copy ako. Tarantado talaga. Akala niya siguro patay na patay ako kay Zein.


"Eat more, Zein," sabi ko. 


Bumuntong hininga ako. Tinignan ko si Zein na tahimik na kumakain. Napangiti ako dahil sa pisngi niyang punong-puno ng pagkain. Napailing ako at kumain na lang rin para mawala sa isip ko ang paggiling niya kanina lang. Ang bawat kibot ng maliit niyang baywang at pag-sway ng kanyang katawan ay nagdadala ng kakaibang pakiramdam sa akin. I wonder if she can dance it in front of me. Napatingin ako kay Zein at nakitang nahihirapan ito sa kanyang buhok kaya agad kong kinuha ang buhok niya kaya napatingin s'ya sa akin. 


"Thanks..." Ngumiti si Zein. "Baka mangalay ka."


Umiling ako. "I won't."


I always wonder why I was like this to her. Bakit napaka possessive ko pagdating kay Zein? Na kahit nagkaroon lang s'ya ng sugat sa braso o maliit man 'yan o malaki ay natataranta na agad ako. Tinignan ko ulit si Zein tsaka ko binitawan ang kanyang buhok. I always wonder... do I like this girl? 


"Nag-sorry ka na ba doon sa lalaki?" Naputol ang pag-iisip ko sa mga bumabagabag sa utak ko nang magsalita s'ya. "Huh, Kent?"


"Aren't you done with that issue, Zein?" Kinuha ko ang tissue at binigay sa kanya na agad niyang tinanggap.


"Hindi talaga ako matatapos sa issue na 'to hangga't hindi ko nakikita o narinig ang sorry mo sa kanya. Hello? Dumaan na ang birthday ko, Kent Thomas," sabi ni Zein.


Natawa ako. I really like teasing her. "Dapat nga maging thankful ka sa akin dahil ako ang humarap sa kanya. Simpleng "Thank you, Kent." lang diyan, Zein, oh." Ngumisi pa ako lalo para asarin s'ya.


"Kent..." Napalunok ako dahil tila napigtas ko na ang pasensya niya. "You will say sorry to him. Ngayon mismo."


Nilagay ko ang siko sa lamesa at nilagay ang mukha ko sa palad ko. "Tell me... Zein. Do you like that guy?" 


"A-Ano?" Tila nanlalaki ang mga singkit na mata ni Zein.


I looked at her seriously and I was wondering if she likes that guy. Tinignan lang ako ni Zein at hindi na sumagot pa kaya umirap ako.


"Are you guys fighting again?" tanong ni Clyte. 


"Ask her." Tinuro ko si Zein. 


"Bakit ako? Ikaw 'tong nang-aaway diyan!" sagot ni Zein. 


Tumawa si Archiel kaya napatingin kaming dalawa ni Zein sa kanya. "Alam niyo? Ganyan na ganyan ang mommy at daddy ko. Diyan nagsimula sa bangayan na 'yan."


"Eh, 'di ba ganyan rin sina Tita Cathalina at Tito Tristan?" Nakangising tanong ni Clyte.


"Shut up!" sigaw naming pareho ni Zein. Dahilan para magtawanan pa sila nang malakas.


Zein's cheeks became red. Ngumisi ako at agad na ring kumain. Kumain kami ng sabay-sabay at panay ang tukso sa aming dalawa dahil hanggang sa pagkain, nag-aaway pa rin kami. After we ate, we went out to the cafeteria and walked to digest the food.


"Saan mo ako dadalhin?" Gulat kong tinignan si Zein na hawak na naman ang kamay ko. "Zein!"


Mariin akong tinignan ni Zein. "You will say sorry to him. Whether you like it or not."


"What? Hindi ako mag-so-sorry!" Pilit kong hinihila ang kamay ko sa kanya. "Zein, what the fuck—" Natikom ko ang bibig ko ng masama niya akong tinignan.


She called the boy, and I looked at her patiently. Tinignan ko silang nag-uusap dahilan para umirap ako. Maya maya lang naglakad si Zein papunta sa akin at ngumiti ng matamis. I didn't speak or move. I just stare at the boy in front of me.


"Kent Thomas," tawag ni Zein. 


I cleared my throat and fixed my clothes. "S-Sorry." I looked at Zein. "Happy now?"


She smiled sweetly at me. "Thanks, Kent. Wala naman talagang kasalanan si kuya at mali rin ang ginawa mo. 'Wag mo na uulitin next time, okay?"


Kunot noo akong tumango. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumuso ako para pigilan ang ngiti na gustong lumabas sa bibig ko. We sat on the bench chair and looked at the other students. Zein and I are close. Hindi na namin namamalayan ang oras kapag magkasama kaming dalawa o kaya naman hindi na namin napapansin na may kasama kami. We just enjoy being together. Friends pa ba ang tawag doon?


"Oh?" Gulat na sabi ni Natasha. "Kuya said sorry to that boy?"


"Yes!" Ngumiti si Zein. "Hindi kasi marunong mag-sorry. Mali rin naman ang ginawa niya."


"Tss..." Kinulot ko ang dulo ng buhok ni Zein. "Kasalanan niya 'yon. Hindi ko problema."



Bumalik na rin kami sa kanya-kanya naming klase. We're in college now and after how many months, second year college na rin kami. Ngumuso ako at agad na napatingin sa teacher namin.

"You will study the strategies and techniques used to build and maintain strong relationships with customers. You will learn about customer satisfaction, customer loyalty, customer retention, and customer relationship management (CRM) systems..."


We're in the second semester. Sabi ng iba mahirap daw ang second semester at mukhang nage-gets ko na 'yon ngayon. Huminga ako ng malalim at agad na nagsulat. Next month, birthday ko na. Hindi ko alam anong ganap. Isa lang naman ang gusto ko at 'yon ay makasama si Zein at ipasyal s'ya sa lugar na hindi niya pa napuntahan.


"Dad?" tawag ko ng biglang tumawag si daddy. 


[Are you home?] 


"Hindi pa po. Last subject na rin naman namin dad. Bakit po?" tanong ko. 


[Wala lang. Mag-ingat kayong ng mga kapatid mo. Make sure na uuwi rin sila Clyte na ligtas, okay?]


Napa kurap naman ako. "O-Okay, dad."


Nang matapos ang klase ay agad akong tumayo at kinuha ang bag. Kakasabi lang ni Zein na umuwi na s'ya dahil maaga natapos ang klase niya. Huminga ako ng malalim at agad na nakita ang iba kong kaibigan at pinsan. Ngumisi ako at agad na inakbayan si Stella. 


"Tara na?" tanong ko. 


"Let's go!" Sabay-sabay na sabi nilang lahat. 


We went to the parking lot, and they went in their car. Natawa na lang ako at naiwan kaming tatlo ng mga kapatid ko sa tapat ng dalawang kotse at motor. Tinignan ko si Natasha na nakakunot ang noo sa hindi kalayuan.


"What's going on?" tanong agad ni Stella ng mapatingin kay Natasha.


"Shh..." Nilagay ni Natasha ang kanyang hintuturo sa bibig niya. "Someone is here."


Napatingin ako sa paligid at agad akong umilag sa lumipad na kutsilyo. Napasigaw si Stella kaya mabilis ko s'yang hinawakan at si Natasha ang tumakbo. Agad kong sinuntok sa panga ang isang mabilis na tumakbo at agad na hinawakan ang pangalawang mabilis. Nagugulat ako sa bawat kilos at galaw nila. Nagugulat ako sa paano nila naiilagan ang bawat suntok at sipa naming magkapatid. 


"Kuya... I think nakita ko na sila," bulong ni Natasha. 


"Saan?" tanong ko. 


"Hinahanap nila ang box." Tinignan ako ni Natasha. Natigilan ako. "Hindi sila nandito para sa ating tatlo. Kundi nandito sila dahil akala nila nasa atin ang box. Mom called me earlier just to inform me about the box at sinabi—"


Mabilis kaming naghiwalay ni Natasha dahil iba't ibang klase ng palaso ang tumama sa gilid namin. Stella was hiding in her car, and I nodded my head to her, and she nodded. 


"Where's the box, Martinez?!" Narinig namin na sigaw ng lalaki. "Kailangan lang namin ang box! 'Yun lang ang kailangan namin at hindi kayo! Ngayon—"


"Wala sa amin ang box!" sigaw ni Natasha. "We don't have any idea where that box is! Ni hindi namin alam—"


"Alam niyo ang nakalagay sa box na 'yon dahil kayo... kayo mismo ang gumawa ng mga lason na 'yon!" Sigaw ng lalaki. "Cathalina and the rest of royalties... want us dead because she betrayed us."


Natigilan kaming pareho ni Natasha at napatingin sa lalaki. Nakasuot ng purong mahabang kasuotan ang lalaki. He has a quiver on his left side and a bow on his right arm. Tinignan ko si Natasha, at hindi ko man lang nakitaan ng kahit anong takot ang kapatid ko. Stella, on the other hand, was scared. Hawak niya ang kanyang kutsilyo at handang umatake. 


"My mom didn't betray all of you. You... among the royalties know it," malamig na sabi ng kapatid ko. "Even the queen, she knows that my mom is innocent."


Walang nagsalita. Hindi man lang namin narinig ang boses. Tinignan ko ang paligid at nakitang wala na sila. Huminga ng malalim ang kapatid kong si Natasha at agad na tinignan si Stella. 


"Ano 'yon?" tanong ko. 


"Assassin." Nagkibit balikat si Natasha. "Kilala 'yon ni mommy kaya sigurado rin akong tumawag sa 'yo si daddy para sabihin na kailangan mong panatilihing ligtas ang lahat."


"Box?" tanong ko. 


Nagkibit balikat si Natasha. "Ang alam ko... sa bahay mismo ni Zein nakatago ang box pero hindi ako sigurado kung nandoon pa. Tinitignan ko pa ang sukat ng bahay nila."


"Wait? Zein's house? Bakit hindi ko alam ang bagay na 'to?" nagtatakang tanong ko. 


Natawa si Natasha at sumakay sa kanyang motor. "Masyado kang abala kay Zein na nakalimutan mong delikado ang buhay niya kapag kasama tayong tatlo nila Stella." Bumusina si Natasha. "Stella, go. Susunod ako sa kotse mo."


Napakurap ako. Ano ngayon? Kaya ko namang protektahan ang babaeng gusto ko 'di ba? Wait... g-gusto ko? Natawa ako ng wala sa oras. Obvious ba, Kent? Gusto mo naman s'ya. Natawa na naman ako. 


"Fuck." Kinilabutan ako sa sarili ko. "Makauwi na nga!" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top