Chapter 2
Zein's Point of View:
Nakakahiya! Nabangga ko pa 'yung lalaki! Eh, kasi naman may hinahabol ako! Kaya hindi ko na natignan ang mukha niya kaya bahala na s'ya. Senior High School na ako at balak kong mag-business administration sa college para matutunan ang negosyo at makapagpatayo ng malaking flower shop. Matagal ko ng pangarap ang magkaroon ng flower shop dahil gusto ko ang mga bulaklak at ganun rin si mama. Gusto ko, kapag nakatapos ako, magpapatayo ako ng flower shop para makatulong sa mga magulang ko.
Hindi naman kami mahirap o mayaman, siguro sapat lang. Si mama ay isang teacher sa pribadong paaralan habang ang papa ko naman ay isang waiter sa kilalang restaurant. Sa hirap ng buhay, kailangan naming lumipat dito sa Manila para makahanap ng trabaho at magkaroon ng tahimik na buhay. Mama left her luxurious life and married my father. Gusto ni lola na ipakasal si mama sa isang mayaman na negosyante kaso tumakas si mama at papa kaya kami napunta dito. I got my scholarship from one of the most popular schools here in our town. Masaya ako doon dahil pangarap kong makapasok sa isang magandang eskwelahan.
"Bahala na nga. Kung hindi ako makabili ng gusto ko, marami pa namang pagkakataon," bulong ko sa aking sarili habang naglalakad.
Bullying, for me, is the worst experience I ever had. I'm chubby but some people say that my body is curvy. Lagi akong tinutukso sa dati kong eskwelahan kaya hindi na rin bago na nakakarinig ako ng masakit na salita galing sa kanila. Pagpasok ko pa lang sa isang mall store ay nakatingin na sila sa akin, the disgust is evident in their eyes. I didn't mind them at agad na kinuha ang bag na sapat sa pera ko and when I was about to get the bag, may kamay na kumuha non sa shelves.
Napatingin ako sa babae at nahihiya kong inabot ang bag sa kanya. "Uh... Sa 'yo na lang. Marami pa naman siguro silang stock dito."
"This bag has the lowest stock here in this mall. Do you like it?" kalmado na tanong niya.
I chuckled awkwardly. "H-hindi na. Bibili na lang ako ng bago at baka marami—"
"Take this."
Gulat akong napatingin sa kanya. She smiled a bit and placed the bag in my hand.
"Take this. I won't mind. See you around," nakangising sabi niya at agad na umalis sa harap ko.
Napangiti ako at niyakap ang mamahaling bag. Nagmamadali akong pumunta sa counter at agad na pumila para bayaran ang bag. She looks like a daughter of a billionaire kaya bakit s'ya bibili ng 2,500 na bag 'di ba?
"Two thousand five hundred pesos, ma'am."
I smiled. "Ito po ang bayad ko. Thank you!"
Nakangiti akong umalis doon at walang kahit na sino ang makakasira ng ngiti ko ngayon not until I went to a fast-food restaurant. Napawi ang ngiti ko nang makita ang mga nanghuhusga nilang tingin sa akin. Naging mabagal ang paglalakad ko at unti-unti ay nawalan ako ng kumpyansa sa katawan ganun din sa aking mukha.
Why do they hate chubby girls so much?
I smiled at the cashier. "One large French Fries, regular Hamburger, one Spaghetti, and Iced Tea."
The cashier smiled at me. Nanatili akong nakatayo ngunit may naririnig akong bulungan sa likod ko.
"Ang takaw niya naman! Kaya ganyan ang katawan, eh!"
"Hindi ko nga alam kung saan niya ba sinisiksik ang lahat ng nakakakain niya! Wala ng magkakagusto sa babaeng 'yan. Tatandang dalaga 'yan."
Nangilid ang luha sa mga mata ko at agad kong kinuha ang tray. Naglakad ako at umupo sa gilid, kung saan walang tao para kumain. Huminga ako ng malalim at kumain nang tahimik. Kahit anong sabihin sa akin ng mga tao, alam ko sa sarili ko na malusog lang ako at hindi mataba dahil tatlong beses akong kumakain sa isang araw at mahal na mahal ako ng mga magulang ko.
I smiled.
"Ano ba! Sardinas na nga tayo dito sa loob tapos papasok ka pa?"
I froze and looked at them. Sasakay na sana ako ng jeep nang magsalita ang nasa harapan—sa gilid nakaupo.
"Wag ka ng pumasok! Anak ng tokwa naman at kaunting space na lang meron kami dito."
"Kaya nga! Kung papasok ka, paano na lang kami makakahinga niyan?"
Nagtawanan ang mga kabataan na nasa gitna nakaupo. Nangilid agad ang luha sa mga mata ko at kung hindi pa ako bumitaw at bumaba ay malamang kinaladkad na ako ng jeep. Bumuntong hininga ako at matiyaga na naghintay sa isa pang jeep para makauwi at makapag pahinga.
"Zein, anak? Nakauwi ka na pala. Ginabi ka na ha?" tanong ni papa.
"Nag-ikot-ikot pa kasi ako papa. Bumili pa ako ng ilang notebooks at namasyal na rin sa mall," nakangiting sagot ko.
Bumuntong hininga s'ya. "Pasensya ka na at hindi kita nasamahan. Ngayon lang rin kami pinauwi ng boss namin dahil masyadong maraming customer kanina..."
Uminom ako ng tubig para pigilan ang pagkabasag ng boses ko.
"Okay lang naman po, papa. Nag-enjoy naman po ako sa labas," nakangiting sabi ko.
He chuckled and shook his head. "Ikaw talaga, oh, s'ya at mag pahinga ka na dahil maaga pa ang pasok mo bukas. Ang mama mo ay tulog na rin, maaga pa ang pasok niya bukas."
I kissed his cheeks and smiled. "Good night po, papa."
"Good night..."
Umakyat ako sa itaas at agad na pumasok sa kwarto. I sighed and smiled at the mirror dahil kahit anong sabihin nila sa akin, maganda ako at sexy. I smiled.
This is self-love.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top