Chapter 18

Zein's Point of View:


Pagkatapos naming kumain ay sumandal s'ya sa sofa. Pinanood ko ang paglunok niya at ang paggalaw ng mga mata niya habang nakapikit. Ngumiti ako. Pinagmasdan ko si Kent dahil ngayon ko lang s'ya nakita sa malapitan. Sinimulan ko sa mga kilay niya pababa sa mahaba at naka-curve niyang pilik-mata. Matangos ang ilong ni Kent at ang panga niya ay sobrang attractive. I looked at his lips and it was red, I gulped.


"K-Kent? Hindi pa ba tayo uuwi? L-Late na kasi..." Tiningnan ko ang tattoo ni Kent at napansin na parang buong braso nito ay may tattoo ngunit dahil nakasuot kami ng blazer ay hindi napapansin 'yon ng mga teacher. 


"Do you want to go home?" tanong niya. Nakapikit pa rin ang mga mata niya at mukhang nagpapahinga. 


Tumango ako at napalunok. "Para makapag pahinga ka. Mukhang pagod ka eh."


I watched how he opened his eyes, and he looked at me directly. Mahigpit ang hawak ko sa bedsheet ng kama nang tumingin s'ya sa akin. Tumayo s'ya at dumiretso sa isang malaking pinto.


"Kent." 


"Accessed." Nagulat ako ng biglang magsalita ang pinto.


Natawa si Kent sa reaksyon ko. "Automatic ang pinto na 'to pero kailangan ng accessed naming lahat." 


Tumango ako at napasinghap ng kunin ni Kent ang kamay ko. Napatingin ako sa kamay naming dalawa dahilan para makagat ko ang labi ko. Sa tuwing hawak ni Kent ang kamay ko ay ang liit non tingnan dahil sa kamay niyang malaki ngunit sakto lang para sa kamay ko. Bumaba kaming dalawa at hindi pa rin matigil ang kaba sa aking dibdib habang mahigpit na nakahawak sa kamay ni Kent.


"Nandito na pala sila!" Bumaba ang tingin ni Wade sa kamay naming dalawa ni Kent. Kumurap ako. "Oh... holding hands."


"In love na eh," nang-aasar na sabi ni Rosewell. "Bakod na bakod ang barbie doll eh."


Imbes na tanggalin ni Kent ang kamay niya ay mas lalo niya pang hinawakan ang kamay ko. Huminga ako nang malalim at tinignan si Kent na kinakausap ang kapatid niya.


"Kent?" I called him softly.


"Yes?" Tinignan niya ako. 


"A-Ang kamay ko..." mahinang sabi ko at ini-angat ang kamay naming dalawa. 


He chuckled sexily. "Oh, I forgot."


Sabay kaming naglakad papunta sa parking lot. Malalim na ang gabi pero marami pa ring estudyante. Tumigil kami sa pagtawa nang may bigla na lang humarang sa daanan. Medyo malaki ang parking lot at walang tao kaya agad akong kinabahan dahil may dala silang bakal, kahoy, at iba pang matigas na bagay.


"In the middle of the night?" Natatawang sabi ni Kent. Hinarang ni Kent ang likod niya sa harap ko. "What do you need?"


"Kailangan pa ba itanong 'yan? Malamang ikaw!" sigaw ng lalaki. "Hindi kami pupunta dito kung wala kaming kailangan sa 'yo, Kent Martinez, ang dakilang mamamatay tao kapag galit!" Nagtawanan silang lahat. 


Nanginig ang kamay ko. Ayaw ko sa lahat ay ganitong eksena at higit sa lahat, ayaw ko ng gangster. Umatras ako at huminga ng malalim. Natatakot ako para sa aming lahat dahil marami sila kumpara sa amin at may dala silang bakal. Napalunok ako at tiningnan ang mga kasama ni Kent na isa-isang nilapag ang mga bag at handa na ang mga itong sumugod. 


"Wala akong alam sa mga sinasabi mo. Kung gusto mo akong patumbahin eh, dapat... handa ka," nagbabanta ang boses ni Kent.


Tumawa ang lalaki. "Nagbabanta ka eh 'no? Napakatapang mo pero duwag ka pagdating sa mga mahal mo pero teka... Ngayon ko lang napansin na marami kang kasama na maganda." Napunta ang tingin ng lalaki sa akin. "Pero mas gusto ko ang babaeng nasa likod mo." Kumaway pa s'ya sa akin.


Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na humawak kay Kent. Nakita ko ang pag-flex ng braso ni Kent at ang pagtatagis ng panga nito.


"Don't look at her, idiot," malamig na sabi ni Kent. Hinarang niya ang braso sa akin kaya kinagat ko ang labi ko. 


"Ganito na lang..." Ngumiti ang lalaki. "Hindi ka namin gagalawin basta ibibigay mo sa akin ang mga babaeng kasama mo... lalong-lalo na ang babaeng nasa likod mo. Hindi ba magandang deal 'yon, Kent?"


"Don't say my name, bastard. Ang pangit pakinggan lalo na't galing sa mabaho mong bibig," sabi ni Kent. 


Tila napikon ang lalaki at sumugod ang isa sa kanila. Hinintay ni Kent ang paglapit at isang malakas na suntok sa panga ang pinakawalan ni Kent. Napasinghap ako dahil sa gulat at nakitang dumugo ang pisngi ng lalaki.


"Kent!" sigaw ko. Hinila ko s'ya. "Please, umuwi na tayo..."


Tinignan ako ni Kent. His eyes become soft. "Zein... I'm fine. Hindi mo ako mapipigilan na basta na lang manahimik lalo na't gusto ka ng pangit na lalaking 'to. I will be careful, and I won't let them touch you."


"Pero Kent—"


"You'll be safe in my arms, Zein. Trust me." Ngumisi si Kent.


Tinitigan ko si Kent at para akong hinehele ng kanyang boses. Alam kong matapang s'ya pero nag-aalala ako na baka mapahamak s'ya. Tinignan ko ang mga lalaki at nakitang nag-aabang lang sila na sumugod kay Kent. Tinignan ko ang mga kasama ni Kent at nakitang handa na ang mga 'to. 


"Kent... I'm scared," bulong ko. 


"Sa tingin mo ba kaya nila ako?" bulong ni Kent. "I am Martinez, Zein."  


Napatingin ako kay Natasha nang nilapag nito ang bag at pumunta sa harap pero agad na sumama si Wade. Namangha ako sa tapang ni Natasha at the same time, nag-aalala ako sa kanya. 


"Bakit hindi pa natin simulan?" tanong ni Natasha. "Gusto na naming umuwi." Tila iritado pa ang mukha niya.


"Oh..." Umungol ang lalaki at tumawa. "Ang tapang, gusto ko niyan."


Tumawa si Natasha at naglakad pero mas nagulat ako ng inisang suntok niya ang mas malapit sa kanya. Napaatras ako ng sumugod si Kent kasama si Natasha pero mas natigilan ako ng makitang dalawa lang sila.


"Teka!" sigaw ko. "Anong ginagawa niyo?! Bakit nakatunganga lang kayo diyan?"


Umiling si Sunshine. "No, Zein. Hayaan mo sila."


"A-Ano? What's wrong with you?!" Hindi ako makapaniwalang napatingin sa kanilang lahat. 


Hinawakan ako ni Archiel kaya napatingin ako sa kanya. "Ayaw ng dalawang 'yan ang iniistorbo sila. Look at Wade..." Tinignan ko si Wade na kinakausap ni Jaques na tila pinapakalma ito. "Kagaya mo, gusto niyang tumulong pero hindi pwede dahil kilala niya ang magkapatid. Mapapahamak ka lang, Zein. Tsaka kaya nilang dalawa 'yan. Trust the Martinez's blood."


Napalunok ako at pinanood ang magkapatid na nasa unahan. Walang takot na hinarap nilang dalawa ang mga lalaking may dalang matigas na bagay. Swabe at kalmado ang kilos ni Natasha habang si Kent naman ay may diin ang bawat suntok at may pwersa. Tinignan ko ang mga lalaki at nakitang naglabas sila ng kutsilyo sa dalawang magkapatid na umatras.


"Kent!" Pinigilan ako ni Sunshine. "Oh my God!"


Sinalag ni Kent ang kutsilyo at binali ang braso ng lalaki. Umikot si Natasha at sinipa sa batok ang isa pa. Hindi matigil ang pawis ko sa nakikita ko at naalala ko lang ang mga gangster noong high school ako. Pumikit ako at hinayaan ang mga tainga ko na makinig sa kanila. Hindi ko kaya na makita si Kent na nasusugatan ng kutsilyo o kahit na ano.


"Zein..." Naramdaman kong may humawak sa akin. "Zein..."


Dinilat ko ang mga mata ko at nakita si Kent na naliligo sa pawis. Hindi niya ako hinayaan na makita ang mga lalaki dahil hinarang niya ang katawan niya. Napakurap ako at mabilis s'yang niyakap.


"Kent!" sigaw ko. "Damn you!" Hinigpitan ko ang yakap sa kanya. 


Natawa si Kent. "I'm fine, Zein. Wala akong sugat, ni hindi nga nila ako nasugatan."


Humiwalay ako kay Kent at tiningnan ang mga braso niya. I checked everything and looked at him. Natigilan ako ng makitang seryoso s'yang nakatingin sa akin. 


"Are you... worried?" tanong niya. "Please." 


"Yes!" sigaw ko. Ngumiti s'ya at kinagat ang labi. "Sinong hindi mag-aalala kung nakikita kitang nakikipag away? Sinong hindi mag-aalala, Kent?" Halos manghina ako sa huli kong sinabi dahil sa reaksyon ng kanyang mukha. 


Ngumiti si Kent at hinawakan ang kamay ko. Marahan niya akong niyaya sa motor niya.


"Natasha, mauna na ako." Tinignan nito ang kapatid. "Jethro, make sure na makakauwi kayo ng ligtas."


"Yes, Kent!" sigaw ni Jethro. "Ingat kayo ni Zein."


"Kami ng bahala dito," sabi ni Rosewell. "Ingat kayong dalawa."


Tumango lang si Kent at sinuklay ang basa niyang buhok. Pinagmasdan ko lang s'ya na kunin ang helmet na kulay pink? Para kanino 'yon? Napa kurap ako ng isuot niya 'yon sa akin. Tahimik kaming dalawa


"Sakay," utos niya nang makasakay s'ya sa motor niya.


Sumakay ako at hinawakan ang magkabilang baywang niya. "Kent..."


"Yep?" tanong niya at in-start ang motor. 


"Are you... a gangster?" tanong ko. 


Tumigil ang motor kaya napahawak ako sa blazer niya. Hindi niya ako sinagot. Wala akong nakuhang sagot galing sa kanya kaya kinabahan ako. Kinakabahan ako na baka ang sagot niya ay ang nasa isip ko. Kinakabahan ako na baka totoo nga ang nasa isip ko at hindi niya lang masabi dahil alam niyang takot ako.


"What if I am?" malamig niyang sagot. Natigilan ako at lumuwag ang hawak ko sa blazer niya. "Ano ngayon kung gangster ako, Zein? Are you... scared?"


Hindi ako sumagot at hinawakan ang blazer niya. 


"Umuwi na tayo, Kent." Naging malamig ang boses ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top