Chapter 15

Kent's Point of View:


I'm here in our gym room. I was about to finish and immediately took the towel and wiped my sweat. I'm only wearing my sweatpants, and since today is Saturday, we thought of chilling somewhere else. Jacques planned this, and I can't do anything but say yes to him. 


[Handa na ang lahat, Kent. Kayo na lang ang hinihintay ko.] Sabi ni Jaques. 


"Yeah, and we will be there. Mas mabuti ngang hintayin mo na lang kami," sagot ko at agad na binaba ang tawag. 


I do the alternate dumbbell curl at nang matapos ay huminga ako ng malalim at kinuha ang towel. Bumuntong hininga ako at agad na lumabas ng kwarto. Mabilis akong bumaba habang pinupunasan ko ang pawis ko. I bet Natasha is in the backyard doing her exercise and Stella doing her swimming stunts.


"Sila mommy at daddy?" Tanong ko sa maid nang makababa ako. 


"Natutulog pa rin po sila dahil late na rin sila umuwi kagabi," sagot ng maid. 


I nodded my head and walked towards the door. Napatingin ako sa gilid nang makalabas ako. I smiled when I saw Cruzette and Jake in the cradle. I watched Natasha rehearsing while Stella just got out of the swimming pool. 


"Oh, hi! Kanina ka pa ba diyan?" Tanong ni Stella habang suot ang purple na swimsuit. 


Tumayo ako at binigay sa kanya ang towel. "Kakagising ko lang. Sinabi na ba sa 'yo na aalis tayo?"


"Thanks, kuya..." Ngumiti si Stella at agad na nilagay sa katawan ang towel. "Kasama sila Drake 'no?"


Nagtaas ako ng kilay. "Are you that close that you're excited to see him?"


Natawa si Stella at naglalambing na yumakap sa akin. "Kuya, I'm a woman now and it's normal to have a... thing with someone." Bumitaw si Stella at kinindatan ako. "We're pretty good."


Napatingin kami kay Natasha dahil sa taas ng talon niya. Sa ibang bansa may kanya-kanya kaming posisyon at at may kanya-kanya rin kaming gamit sa panlaban. Si Natasha, bukod sa pana at palaso, magaling rin s'ya sa kutsilyo. Si Stella na magaling sa espada habang ako, mahilig sa iba't ibang klase ng baril.


"Kuya, towel please..." Mabilis kong kinuha ang towel at agad na inabot sa kanya. "Thanks. Saan tayo pupunta mamaya?" Mabilis na kinuha ni Natasha ang hot chocolate sa tabi ko.


"Akin 'yan eh!" Napasimangot ako nang inumin ni Natasha ang hot chocolate na para sa akin. Tumawa lang s'ya at mas lalong inubos. "Serene Stay Resort." 


Umirap ako kay Natasha na mas lumakas ang tawa. Napatingin kami sa dalawa naming kapatid na tumakbo papunta sa akin.


"Kuya Kent, sama kami!' Sigaw ni Cruzette.


"Kids are not allowed to go to that resort, Cruzette." Nagtaas ng kilay si Natasha at tinignan ang bunso namin na ngumuso kaagad. "At... magagalit si mommy kapag nalaman niyang sumama kayo."


Tinignan ako ni Cruzette at kagaya ng mga mata ni Natasha na nang-aakit, tinignan niya ako. "Kuya... I want to join too! Is that bawal po?"


Umiling ako at hinaplos ang buhok ni Cruzette. "Next time sasama ka sa amin pero ngayon, hindi. I will buy you some dolls. Is that okay?"


Tumango-tango si Cruzette at niyakap ako kaya natawa ako. Ito ang gusto ko sa kapatid kong bunso, okay na ang mga pasalubong sa kanya. "I love that." saad nito.


Nag-iimpake ako ng damit ko. I'm wearing a black pants, a white V-neck t-shirt, and a leather jacket. When I finished organizing my things, I immediately took out my cellphone and a small bag. I immediately left the room and caught up with my two siblings. Natasha is wearing cargo pants and a halter top, while Stella, on the other hand, is wearing a simple dress and boots.


"You guys ready?" Tanong ko at sinuot ang salamin ko. Tinignan ko ang maids. "Call me if something happens."


"Nandito na sila!" Sigaw ni Stella at nauna ng lumabas. 


"Sa sobrang excited nakalimutan ni Stella ang maleta niya." Natatawang kinuha ni Natasha ang maleta ni Stella. 


Ngumiti ako kila mommy na kakababa lang ng hagdan. She was confused and when daddy whispered to her, she smiled at me. Humalik ako kay mommy sa pisngi at niyakap si daddy na nakangisi at hawak si mommy. 


"Did you bring a gun?" Tanong ni mommy. 


"Yes, ma'am and please, don't worry. You trained us, remember?" Nakangiting sabi ko. Madalas kasi ay nag-aalala si mommy kapag umaalis kami kaya madalas sumusunod s'ya sa amin.


"Let them, babe. Lumalaki na sila kaya naman kailangan natin silang bigyan ng freedom. Hindi naman sila matatagalan doon at nandyan naman si Kent," mahinahon na sabi ni daddy. 


Tumango ako at bumuntong hininga naman si mommy at niyakap ako. Mabilis akong naglakad palabas at agad na sumakay ng malaking van. Tumabi ako kay Jacques na nasa cellphone ang tingin.

"Finally, I'm able to breathe!" Natatawang sabi ni Ate Klarisse Salvador.

"Matagal na din tayong hindi nakapag-bonding," sabi naman ni Kuya Thobi Sarmiento.


Ngumisi ako dahil totoo naman 'yon. Matagal na rin kaming hindi lumalabas dahil abala ang lahat sa kani-kanilang mga gawain sa school. Ang iba sa amin ay kasal na at ang iba naman at natali sa arranged marriage dahil sa tradisyon.  


"Fuck!" Lahat kami ay napatingin kay Jacques Martinez. Tiningnan ko ang tinitingnan niya at nakita kong babae na naman. "She's so... hot!" 


"Putang ina patingin nga!" Si Archiel Lopez. "Oo nga gago ang ganda. Si Angeles 'yan, nursing."


"Ito naman si Andrea..." Sabi ni Jetro Martinez. "Pustahan tayo may gusto sa akin 'to. Chat nang chat sa akin eh!"


Nagtawanan kaming lahat sa sinabi ni Jetro pero totoo 'yon. Wala ni isang hindi nagkakagusto sa pamilya namin. Pagdating sa babae, si Jetro, Archiel, at Jaques ang magaling. Kaya naman laging napapagalitan ang mga 'yan dahil ilang babae ang kasama. Napailing ako, buti na lang ay isa na lang ang babae na kinukulit at inaasar ko. What?


"Kain muna tayo dito." Napakurap ako nang marinig si Shane. "Baka mabaliw na 'tong si Kent at nakangiti ng mag-isa dito."


"What? Hindi ah!" Depensa ko sa sarili ko at umiling pa. "You're being paranoid, Shane." Umirap ako at agad na binuksan ang pinto.


Inalalayan ko ang mga babae na bumaba at sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng fast food. Lahat ng tao ay nakatingin sa amin kaya umiwas ako ng tingin. Apat na table ang pinagdugtong namin para magkasya kaming lahat. Ang tatlong lalaki ang um-order ng pagkain habang kami, naiwan sa table.


"Oh, kayo na ulit?" Gulat na napatingin si Ate Klarisse kila Natasha at Wade. "Eh, 'di ba, Savannah? Nakita pa natin 'tong si Wade na may kasamang babae na naman?"


Natawa si Ate Savannah. "Oo, nakita namin 'yan kausap ang cheerleader na si Bea."


"Shut up Klarisse and Savannah!" Iritadong sabi ni Wade. Nanlaki ang mga mata ng dalawa naming ate at natawa naman ako. 


"What did you say? Wala ka talagang respeto!" Iritadong sabi ni Ate Savannah at natawa kaming lahat.


"Nililigawan ko pa lang si Natasha," seryosong sabi ni Wade. 


"Ah..." Si Jaques at ngumisi. "Nililigawan pero naghahalikan na? Bago na pala ngayon—Aray!"


Natawa kami nang ibato ni Wade ang walang laman na bottled water kay Jaques na masama ang tingin. Napailing na lang ako ngunit aaminin ko na masaya ako kapag masaya ang mga kapatid ko. Wala akong hihilingin kundi ang maging masaya sila sa buhay nila. Corny? Yes.

"Mabuti na ang ganyan. Para naman hindi na kami namomroblema kay Wade kada may pinapaiyak na babae!" Sabi ni Sunshine. 


"Masakit na ang ulo ko kay Natasha... ayaw ko ng dagdagan pa." Natawa kaming lahat ngunit masama na ang tingin ng kapatid ko. "Just... kidding." Napakamot si Wade sa batok. 


Napailing ako at agad ng dumating ang order namin. Kanya-kanya kaming kuha at masayang kumain. Hindi pa rin natapos sila Ate Klarisse sa pagtatanong at napunta 'yon kay Stella at Drake na magkatabi. 


"We're... cool," sagot ni Stella. 


"And healthy," sagot ni Drake at ngumisi. 


"Dapat nga hindi na ako nagtanong sa inyo," inis na sabi ni Ate Savannah. 


Unti-unti ay natigilan ako nang lahat sila ay napatingin sa akin. Kumunot ang noo ko at sinubo ang fries na hawak ko. 


"Sila may mga lovelife na eh, ikaw? Kailan ba lalambot ang puso mong bato?" Tanong ni Kuya Toby. 


"I don't have time for that," bored kong sagot. 


"Walang time o may nagugustuhan pero tinatago lang?" Si Natasha na ngumisi sa akin. "Sa bagay, maganda naman si Zein. Matalino. Higit sa lahat, type mo."


"Sino si Zein?" Nagtatakang tanong ni Ate Savannah. 


Umirap ako at hinayaan silang mag-kwento tungkol sa amin ni Zein. For now, I'm enjoying my time with her and I'm not taking advantage of what we have right now. 


"Oh, do you like her?" Tanong ni Ate Klarisse.


"Me?" Natawa ako. "I'm just enjoying being with her."


"What if one day, kuya?" Tanong ni Natasha. "I mean... magustuhan niyo ang isa't isa?"


Natigilan ako at napaisip pero wala naman akong masagot. Tanging gusto ko lang ay kilalanin si Zein. 


"Gusto ko lang s'yang... kilalanin." Pagsabi ko non ay naghiyawan ang mga pinsan at kaibigan ko kaya napailing ako habang may munting ngisi sa labi. 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top