Chapter 12
Zein's Point of View:
Ilang buwan na ang nakalipas simula nung makapasok ako sa school na ito. Nakakatuwa na kahit paano nagi-improve ako sa lahat ng subjects at naba-balance ko rin ang trabaho at pag-aaral ko. From the beginning of the scene at the casino-restaurant, there was talk of what happened there, and I heard some gossips that I was attracted to Kent. They always say that I'm attracted to the leader of a group, which is Kent, but that wasn't true. Kent and I never stopped fighting, and as long as I could, I really avoided them all.
Diretso ang lakad ko papunta sa gymnasium ng school. Everybody is ready to vote for the deserving SSG team. Hindi na malabo na mananalo ang mga Martinez dahil sa ganda ng platform nila. Maganda rin ang teamwork nila at hindi talaga kami tinitipid sa impormasyon.
"Wade is taking too long! Nage-emote pa ba?" tanong ni Archiel. Nakilala ko sila isa-isa dahil kay Rosalinda and I swear, wala kang malalait sa mga Martinez at sa mga kaibigan nila. "Nasa rooftop pa rin ba?"
"She's with Natasha and doing some lovey-lovey," humalakhak si Jetro. "Tang ina kung nakita niyo lang nakita ng mga mata ko... Putcha! Matatawa kayo."
"I told them to fix everything. Nakinig na siguro sa akin dahil paulit-ulit na rin ako," sabi ni Sunshine. "Four years na silang hiwalay and knowing Wade, he won't let that slide."
Napaawang naman ang labi ko sa narinig ko. May ganitong eksena pala sa pamilya nila at napansin ko nga rin na may something talaga si Wade at Natasha. I know some of them are playboys but as I witnessed earlier, they're good at handling each other.
"Speaking of the devil womanizer..." Stella chuckled. "He looks so happy today."
Napatingin naman kaming lahat sa paparating na si Wade. Wade's hands were on Natasha's waist. Pareho silang nakatingin sa isa't isa dahil nag-uusap silang dalawa. Wade's smile was my evidence that he's happy with Natasha kaya napangiti ako.
"Ayos ba?" nakangising tanong ni Clyde. "Kailangan pala bugbugin ka para puntahan ka ni Natasha."
Nakipag-apir si Wade sa mga kaibigan niya habang hawak ang kamay ni Natasha na tahimik lang. Umupo silang dalawa at katabi ko si Natasha. Napatingin naman ako kay Kent na nakatingin na rin pala sa akin. My cheeks reddened; it was obvious that I was in awe of Natasha and Wade's relationship. I looked away, but my ears kept listening to Natasha and Wade's whispers.
"Mas bagay pa kayong dalawa kaysa sa mga babaeng dinadala ni Wade," sabi ni Reina.
"True," sabi naman ni Clyte. Tumango naman ako na para bang kasali ako sa pinag-uusapan nila.
Clyde chuckled. "Sabi ko nga kung ayaw niya kay Natasha... edi itutuloy ko ang panliligaw ko sa kanya."
"Back off, Clyde. What's mine is mine..."
Dumating ang dean at agad na pumunta ang mga representatives sa unahan. Sila Clyde, Jaques, Wade, Archiel, at si Shane lang ang natirang nakaupo. Tinignan ko silang lahat at nakita ko kung gaano ka seryoso ang mga Martinez at 'yun ang bagay na lamang sila plus, matalino silang lahat.
"Boto mo sila ha?" bulong ni Cielo.
"We will see," nakangiting sabi ko.
Bago magsimula ay kailangan nilang magsalita sa unahan. They need to lay out and show us their plans for this school. The yellow team spoke first. We all listened to them, and I nodded because every plan they had was good. After they spoke, the seniors suddenly became noisy because of Kent.
"As an aspirant to the school's highest position, I am here in front of you today. Your support means a lot to me, and I'm grateful for it. I'll do everything in my power to keep your interests in mind and gain your trust... But I can't do it on my own. You must assist me and stand by me. Together, we can create a brighter future for future generations as well as for ourselves. Together, let's strive for a better tomorrow. Thank you!"
Napangiti ako at agad na pumalakpak para sa kanilang lahat. Si Roswell ang tagapagsalita nilang lahat tungkol sa mga platform at plano nila. Walang tapon ang platform nila dahil sa galing niyang magsalita. They have a program for clean and green, bullies, peace, and an exclusive camping for all of us. I am grateful for that, but I also applaud them because their platforms will be loved, and the students will really enjoy them. The voting started, and I was amazed by the number or votes for Kent and the entire red team.
"Stella Gabriella Martinez for East High University's Muse!"
Buong botohan ay nakatingin sa akin si Kent kaya naman tinataas ko ang kamay ko at pekeng ngumti sa kanya. Nanalo silang lahat at hindi na rin ako nagulat dahil kahit saan tingnan, maganda talaga ang plano nila. Hindi lang sila ang magkakaroon ng benefits maging ang buong school.
"I'm not surprised," nakangising sabi ni Shane.
"Congrats everyone," nakangiting sabi ni Wade.
Namilog ang mga mata ko dahil nasa tabi ko na si Kent. Everyone was celebrating and good thing, naging maayos ang dalawang groupo. Walang naging problema dahil nag-usap silang dalawa. Nakakagulat na magkakaroon ng malaking office ang nanalo at sila ang bahala sa rules at events ng school. Mayaman talaga sila at hindi na nakakagulat dahil puro mayaman nga naman ang nandito.
"Are you wearing cycling shorts?" tanong niya.
Napatingin naman ako sa skirts ko at nakitang nakikita nga ng kaunti ang kalahati ng hita ko. Tinignan ko s'ya na nasa unahan ang tingin.
"Oo may suot ako," sabi ko. "Bakit mo natanong?"
"Nothing."
Napatingin s'ya sa akin at ganun rin ako sa kanya. Kitang-kita ang matalim niyang mga mata kapag seryoso s'ya at ang dimple niya na namana niya kay Ma'am Cathalina ay halata rin kapag pinaglalaruan niya ang labi niya. Nanlaki ang mata ko dahil biglang umupo si Jaques sa gilid ni Kent at mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang dumampi ang labi ni Kent sa labi ko.
"Oh My God!" si Cielo sa malakas na boses.
Nanlaki ang mga mata ko at tinulak kaagad si Kent. Napahawak ako sa labi ko at pareho kaming gulat na nakatingin sa isa't isa. Napalunok ako at mabilis na tumayo dahil namumula nang sobra ang mga pisngi ko.
Ang first kiss ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top