Chapter 10

Zein's Point of View:


Pagpasok ko pa lang ay topic na kaagad ang nangyari noong mga nakaraang araw. They're insisting that I like Kent at gusto ko raw na mapansin ako ng lalaking 'yon. Hindi na lang ako nagsalita dahil kung papatulan ko ang bagay na 'yon, mas lalong iinit ang mga mata sa akin. Before going here, I finish the assignments and housework so that they have nothing to do when they come home. It's Monday night, which is why there are few people in the restaurant, but they are all there in the casino.


I cleaned my table and wiped the wine glasses. Na-a-amaze ako sa shelves na nandito dahil puro at orihinal pala ang mga wine dito. Sabi sa akin, gawa raw ito ng pamilya ni Madame Cathalina. How can she manage her work, being a mother, and a wife? Napangiti ako. She's very hard working at gustong-gusto kong inspirasyon si Madame Cathalina.  


"Ang laki ng tip sa table ko kanina. Akalain mong dalawang libo pagkatapos kong magbigay ng sigarilyo," natatawa na sabi ni Nadia.


"Same, sis! Ang laki rin ng tip na binigay ni Sir Wade kagabi," nakangiting sabi ni Precious.


"Shet." Napatingin ako kay Nam na pinapaypayan ang sarili. Napatingin s'ya sa amin at ngumiti. "Dito muna ako, hindi ko na kaya doon sa casino. Napakaraming manyak!"


Nakipag kwentuhan ako sa kanila habang naglilinis. Tinignan ko ang table ko at nakitang may tao na. I walked towards them and asked for their orders. Naging abala ako sa mga customers dahil sunod-sunod ang pumapasok sa entrance at kaunti lang kaming waitress. 


"Zein, number twenty-two. Pa-assist na lang. Salamat!"


Tumango ako at agad na naglakad papunta sa lamesa na may tao. Narinig ko pa ang pinag-uusapan nila tungkol sa negosyo at iba pang agenda. Nagkandahilo-hilo na ako sa mga orders pero kaya ko naman. I saw Madame Cathalina walking kaya nanlaki ang mga mata ko. She found my eyes at agad s'yang naglakad papunta sa table na naka-assist sa akin. 


"Good evening, ma'am. May I know your orders?" pormal na tanong ko. 


Nag-angat s'ya ng tingin sa akin. Namamangha pa rin ako kada tinitignan niya ako. She's a model, I know. Madalas ko makita ang mga bikini pictures niya sa magazine at sa billboard. She's classy, elegant, and she's like a princess. 


"Hello, Zein," nakangiting bati niya. Nagulat ako ngunit ngumiti ako pabalik. "Pasensya ka na sa nangyari noong nakaraang araw. Pinagsabihan ko na si Kent at nasabi niya sa akin na nag-sorry na s'ya. Am I right?"


"Yes po, ma'am..." nahihiya kong sabi. "May mali rin po ako kaya naiintindihan ko po ang reaksyon niya."


"Is your pulse, okay?" nag-aalala na tanong niya nang makita ang band aid.


"Yes, ma'am. Maayos na po ang sugat ko," nakangiti kong sagot.


Sinabi niya sa akin ang pagkain na gusto niya at agad kong sinulat ang mga 'yon pagkatapos naming mag-usap. Kaagad akong bumalik sa counter kahit ramdam ko ang tingin sa akin ng mga tao. Pinagsilbihan ko ang ibang customers at nakita ang grupo ng mga kababaihan sa likod ng table ni Mrs. Martinez.


"Oh, girls the pig is here!" She announced it to her friends. "I didn't know na you're working here pala as a waitress. How cheap is it? You're studying in a most popular school and makikita ka namin here?"


I calmed myself and smiled a bit.


"May I know your orders?" tanong ko. 


"You're so rude! Nag-uusap pa nga tayo e," natatawang sabi niya na tila nakikipagbiruan ako sa kanya. Nagtaas s'ya ng kilay at tinignan ako. "Did you know that this girl is talking to Kent? As if magugustuhan ka ng anak mayaman na si Kent Martinez? Para sa kanya... ang mga babae ay isang barbie doll. You better stay away from him—"  


"Ma'am, may I know your orders?" I cut her off. 


The girl next to her laughed and whispered. They were laughing loudly as I stood in front of them. They're pretty and rich, but their habits are garbage. Napailing ako at agad na kinuha ang mga orders nila. Isa-isa ang pag-order nila kaya natagalan ako bago makaalis sa lamesa kung nasaan sila. Sinabi ko ang order nila at naghintay ako ng 30 minutes. Nang hawak ko na ang tray na para sa kanila ay bigla na lang akong sumalampak sa sahig, tumama nang malakas ang pisngi ko. 


"Oh my God! Tatanga-tanga ka na namang baboy ka. Pati ang damit ko natapunan mo. This is so fucking expensive!" She slightly kicked my waist kaya napadaing ako sa heels niya.  


"Ops..." bulong ng isa nang tapunan nila ng soup ang ulo ko. They all laughed. "Perfect na sa gubat... tutal you're like a black pig. Madumi, pangit, at higit sa lahat malandi. That suits her guys!"


Nangingilid ang luha sa mga mata ko habang dahan-dahan na tumatayo. Lahat sila ay nakatingin sa akin at pinagtatawanan ako. Everyone is holding their cell phone and laughing. Hindi ko alam kung bakit kasalanan ang pagiging mataba. Nagkakagulo na ang restaurant at wala man lang ginawa ang mga kasama ko, nanatili lang silang nakatayo at nakaiwas ang paningin. Wala akong makita dahil sa panlalabo ng mga mata ko, naninikip ang dibdib ko habang nakayuko at pinagkakaisahan nilang lahat. 


"Get out of my way!"


Namilog ang mga mata ko nang makita si Kent. I can see that he's tipsy! His gray eyes were looking at me. Galit na galit ang mga hakbang niya at nang matunton niya ang kinaroroonan ko, hinubad niya ang jacket niya. Tinakpan niya ako at doon nagsimulang tumulo ang mga luha ko. 


"Where's the manager?" He shouted. Hinawi niya ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko. Yumuko ako at nanatiling umiiyak. 


"Sir..." kinakabahan na tawag ng manager namin. 


"Where were you when this was happening?" malamig na tanong niya. 


Napatingin ako sa manager namin. Nanginginig s'ya sa takot at malikot rin ang mga mata niya. 


"I was in my office," sagot ng manager namin. She looked at me angrily and pointed her finger secretly at me. "What's this mess all about?"


Napayuko ako. Mawawalan pa ata ako ng trabaho dahil sa gulo na ito. 


"Kinakausap kita kaya sa akin ka tumingin at 'wag sa kanya!" sigaw na naman ni Kent. Napatingin ako sa malayo nang makita si Madame Cathalina na gulat na nakatingin sa akin. "Mommy!"


"What's happening?" tanong niya. Napatingin s'ya sa akin at nanlaki ang mga mata niya sa itsura ko. "Bakit ganyan ang itsura ni Zein?" 


Tinuro ni Kent lahat ang manager namin. "Did you hire her, mom? Did you hire this stupid manager? Bakit hindi niya alam ang nangyayari dito? Hindi ba dapat chini-check niya ang mga staff niya?"


Madame Cathalina looked at me. Napayuko ako at napailing dahil nakakahiya sa maraming tao. Narinig ko pa silang nag-uusap at kahit punong-puno ng luha ang mga mata ko, hinawakan ko si Kent. He looked at me and I shook my head. 


"T-Tama na..." nanginig ang boses ko. "Ilabas mo na ako dito..."


"Fuck," bulong niya. Hinila niya ako habang nakatakip sa ulo ko ang jacket. "I hate you for being so kind to the point that they're abusing you." 


Bakit... Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top