2nd Storm

2nd Storm
Hide and Chase

Nakahinga ako ng maluwag nang makapasok sa room ng hindi nagku-krus ang landas namin ni Storm.

"Para kang krimenal, Lash." napasimangot ako sa sinabi ni Denise dahil para akong tanga.

Ginulo ko ang buhok ko na mas lalong kinaweirdo ko sa paningin nila.

"Naka-drugs ka ba girl? Hahahahaha!" tawa ni Jenova at hinarap sa mukha ko ang salamin niya at nakita ko ang sabog kong buhok at malaking eyebag.

"You're really a mess." may pagkahisterikal na sambit ni Lailah

"Nababaliw na 'ko! Nababaliw na 'ko sa'kanya! Kasalanan niya kung bakit ako natutuliro!" Hindi ko masabi-sabi 'yon dahil kapag sinabi ko ang nangyayari sa akin hindi sila maniniwala!

Biglang sumeryoso ang mga mukha nila.

"Tell us, may umaaway ba sayo dito?" -- Jenova

Nakwento ko kasi sa mga ito ang experience ko sa dati kong school. Galit na galit sila. Sa wakas nakahanap na 'ko ng mga totoong kaibigan, God. Thank you so much.

"Uh, may itatanong nga pala ako.." sambit ko ng nakakunot noo

"Ano?" -- Lailah

"May garden ba kayong alam dito? Puro blue?" Nagkatinginan ang tatlo na gulat na gulat

"OMG! Nakalimutan namin sabihin sayo..." -- Denise

"Huh?"

"Prohibited area 'yon girl, oras na makatapak ka 'don makikick-out ka sa University na 'to!" -- Jenova

😶

"Eee?"

"Paano mo nalaman 'yon?" -- Denise, nag aalalang nakatingin sila sa akin

"N-narinig ko lang"

Parang nakahinga sila ng maluwag. Mabuti pa sila nakahinga ng maluwag samantalang ako...

"Fafa Storm, own that garden. So, wag kang pupunta doon ah?" Paalala nila sa akin

Oo, sabi niya nga pag aari niya 'yon at sabi niya
...waah!

"Ayos ka'lang ba talaga?" -- Denise

"Oo hehehe."

Sa sumunod na subject hindi ko sila kasama at wala kaming Professor.

"Kyaaah si Storm"

"OMG where?!"

Napadiretso ako ng upo mula sa pagkakaub-ob sa desk ko. Nandyan siya!

Mabilis akong umexit sa room namin at tumakbo. Saan ako pupunta?

Saan? Saan?

Hindi ako pwede mag-cutting may next subject pa ko! May exam pa.

Hinihingal na napadpad ako sa tahimik na library. May mga mangilan-ngilan na nagbabasa. Binigay ko ang i.d ko sa librarian na nagtataka sa itsura ko.

Tipid na nginitian ko ito at nahihiyang yumuko.

Napakaraming libro! Isinantabi ko muna ang takot ko. Ayokong maalala ang pangit na alaala ng dating library na pinupuntahan ko noon.

Tama, magrereview na lang ako.

Nagpunta ako sa may dulo, sa parte na hindi gaanong dinadaanan at pinupuntahan at umupo sa lapag.

Sinandal ko ang ulo ko sa shelves at napatulala. Di ko namalayang nakatulog ako sa sobrang pagod.

"Pakipot ka, pinahiya mo 'ko! Ang tagal ko ng pumoporma sayo!"

Napapikit ako sa galit na sigaw ni Julian. Nasa library ako ngayon at hawak ako ng dalawang kaibigan niya sa magkabilang braso.

"Julian, wag mo gawin sa akin 'to"

"Ano pa bang gusto mo?! Sabihin mo! Masyado kang pa-Maria Clara!"

"Una pa'lang sinabi ko na sayo n-na wala akong--"

"Pagsisisihan mo ito..." kinabahan ako ng humakbang ito palapit sa akin at punitin ang blouse ko!

"JULIAN!"

Nakita ko ang nakakatakot na ngisihan ng mga kaibigan niya. Nagpumiglas ako.

"Tulong! Tu--"

Tinakpan niya ng mariin ang bibig ko. Naluha ako sa takot binabalak nila. Bago pa nila matupad ang masamang balak nila ay ginamit ko ang buong lakas ko kahit na nanghihina na ako at tumakbo habang yakap ang sarili ko.

Napasinghap ako sa gulat nang may humawak sa mukha ko!

"Storm" naka-injan sit ito sa harapan ko habang pinupunasan ang basa kong pisngi. Hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

"A-Anong ginagawa mo dito?"

"What are you doing? You keep on hiding and running away from me"

Namula ako ng bigla niyang ilapit ang mukha niya at pinagmasdan akong lalo ng seryoso.

"But...I don't mind finding and chasing you"

"A-Ano bang sinasabi mo?"

Napabuntong hininga siya at dahil napakalapit ng mukha niya ay tumama sa akin ang mabango niyang paghinga. N-napakalapit niya!

"Pfft, cute.." biglang pisil niya sa ilong ko

Nakahinga ako ng konti ng maluwag ng lumayo ito at umupo ulit ng maayos.

"K-Kanina ka pa?" Tumayo ako at sinilip ang malaking orasan.

Tumayo 'rin siya.

"Have you eaten?" Malayong sagot niya

Mabagal na umiling ako habang nakatingin dito...

"Good, let's eat together"

"Ha?!"

Nagulat ako ng kunin niya ang shoulder bag ko at pinagsalikop ang mga kamay namin!

No! Sabihin niyong nananaginip lang ako!

"Storm...Storm, s-sandali"

"You forgot something?" Tanong niya habang diretso ang tingin at hila ako, hindi naman mabilis ang lakad niya kaya kitang kita ko ang pamimilog at ngangahan ng mga nadadaanan namin!

Napadaan kami sa room nila Jenova na nakanganga 'rin pati ang mga professors sa kada room na napapahinto sa pagtuturo.

Paano ako napunta sa sitwasyon na'to?

*facepalm*

"Baby, wait me here" sambit niya ng makaupo ako sa upuang hinila niya para sa akin. Napatingin ako sa kabilang mesa dahil may narinig akong nabulunan. Narinig nila.

Nagulat ako ng halikan ako ni Storm sa noo.

Nakatulalang sinundan ko ito ng tingin.

Nangyayari ba talagang ito?

Pagkarating niya ay nilapag niya sa harapan ko ang binili niya. Paano niya nalaman ang usual na binibili ko at favorite drinks ko?

"Okay, let's eat now, baby."

"E?"

"Why? Do you like anything else?"

Napatitig ako sa'kanya. Wala lang sa'kanya na pinagtitinginan kami at pinag uusapan. Sa tingin ko hindi ako makakakain ng maayos.

"Everyone, get out." seryosong utos niya. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya! Nag alisan ang mga nasa cafeteria ng walang reklamo.

"Bakit mo ginawa yon?! Omygosh."

"You're not comfortable, now eat."

"Nakakahiya ano bang nangyayari?" Hilamos ko sa mukha ko dahil nababaliw na ko!

"Masasanay ka'rin, I can even kiss you in front of everyone. Right here. Right now."

😵

"Storm, anong sinasabi mo? Bakit kung umarte ka parang b-boyfriend kita? At hindi ako naniniwalang gusto mo 'ko" ito na yata ang pinakamahaba kong nasabing sentence.

"I already informed your parents, baby. Liligawan kita."

"You...you anoooo?"

"Stop making that face, I might lose my control."

😶

Omygod. Omygod. Omyyyyygod!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top