3rd Rain

3rd Rain
Mafia Lord Confession
Part 1

"Look who's here.."

Huminga ako ng malalim at hindi pinansin ang boses na pamilyar na nakasandal sa katabi ng locker ko.

Nag angat ako ng tingin kay Giselle. This girl is very obsessed of Rain. Lumipat ang tingin ko sa mga nasa likuran niyang lalake'ng schoolmates namin at kinilabutan sa malagkit na tingin ng mga ito sa akin. Huli ko'ng tiningnan ang pamilyar na lalake'ng may pilat sa pisngi na sa tanda ko ay gawa ni Cane.

Isang taon na rin ang lumipas, pero talagang siniguro ni Cane na hindi 'yon mawawala sa pisngi niya anuman ang gawin niya. Tumingin ako sa mga mata ni Xin na nagbabaga ang mga matang nakatingin sa akin dahil siguro napansin niyang nakatingin ako sa pisngi niya.

Tinalikuran ko sila, para umiwas sa gulong pwedeng mangyari at hindi naman ako nabigo dahil nasa likuran ko na pala ang mga ka-gang ni Rain.

"Do we have a problem here?" Malamig na tanong ni Keynald, at umabante sa mga ito. Nag siatrasan naman ang mga ito.

"Tss.." umalis sila sa pangunguna ni Giselle.

"Are you okay, Eloise?" Alalang tanong ni Trec. Nakangiting tinanguan ko ito.

"Let's go?" Aya nila

Tumango ako at sumabay ng lakad.

Nagliwanag ang mukha ko nang makita si Rain na nakasandal sa kotse niya at may seryosong kausap sa selpon. Nang matanaw niya kami ay agad siyang nagpaalam sa katawagan niya. Nang makalapit ako ay mabilis niya'ng hinagkan ang noo ko.

"Hi, misis..." ngising bati niya

"Baliw.." nakangiting tugon ko

Pinagbuksan niya ako ng kotse at bago siya pumasok ay nakita kong nag usap sila saglit ng kagang niya at nakita ko ang pagtagis ng perpekto niyang panga at tumango, saka tinapik ang mga balikat ng mga ito at pumasok sa loob ng kotse.

"Okay ka lang, Rain?" Pukaw ko sa'kanya, at nakangusong inabot ang kamay niya.

"Yes, baby.."

"Hay, I really miss, Cane. May balita na ba sa'kanya?"

Nakita ko ang pagbusangot ng mukha ni Rain na kinahaklak ko.

"That lady, hindi pa'rin namin mahanap," namomoblemang sambit ni Rain.

Nababatid ko na tulad niya ay problemado din sina Thunder at Storm. Anim na buwan ng wala si Cane, nag aalala na'rin ako.

"Don't worry too much, she's Hurricane after all.." seryosong sambit ni Rain, napatingin ako sa'kanya ng sabihin 'yon dahil parang napakalalim ng ibig sabihin 'non.

Nakangiting tumango na lang ako. Nasa stop light kami kaya nakahinto ang kotseng sinasakyan namin. Kanina ko pa siyang pinagmamasdan, ang gwapo niya talaga. Ang makapigil hininga niyang panga, ang may kakapalan at perpektong kilay, ang mga mata niyang seryoso parati, ang matangos niyang ilong at ang labi niyang walang araw na hindi nakakaligta na dumampi sa mga labi ko. Nakita ko ang pag-guhit ng ngisi niya sa'kanyang mga labi.

Namula ako pero ngayon ay medyo nasanay na'rin ako, hindi na tulad noon na sobrang hiya ako kapag nahuhuli niya ako.

"I love the way you look at me, Eloise.." nanindig ang buong katawan ko sa baritonong sambit niya sa pangalan ko, nakagat ko ang labi ko at tumingin sa mga mata niya.

"I love you too.." nakangiting sambit ko.

"Come here.." seryosong utos niya, ngunit naglalambing ang mga mata na nakatingin sa akin.

"Ha?"

Nabigla ako ng kabigan niya ang batok ko at hinalikan ako.

"It's really addicting.."

Para naman akong ewan na nakatulala. Bumalik siya sa pagmamaneho habang malawak ang ngiti sa labi na parang bata na nakuha ang gusto.

He's really a kissing monster.

Nakita ko na kinuha ng malaking kamay niya ang maliit kong kamay at pinagsalikop, at dinala sa labi niya. Hindi ko mapigilang mapangiti. He's really sweet and...still mysterious.

Bumaling ako sa bintana, matagal ko ng alam na hindi ordinaryo ang pamilyang Thurston.

At mas lalo ko iyong napatunayan nang mabaril si Rain.

"Do you trust me, baby? malamig at malambing na tanong ni Rain

"Huh?"

"Gusto ko'ng ipikit mo ang mga mata mo.." mahinang sambit niya, kinakabahang tiningnan ko siya.

"Now...close your lovely eyes, Eloise.." wala sa sariling sinunod ko siya.

Biglang nabuhay ang music ng kotse niya.

"Rain? Bakit mo ako pinapipikit?"

"I don't want you to witness this...don't ever open your eyes"

Iyon ang huli ko'ng narinig at biglang tumulin ang kotseng sinasakyan namin. Sunod sunod na putok ang narinig ko.

"R--Rain...?" Nanginginig na tawag ko sa pangalan niya. Idinilat ko ang mga mata ko, narinig ko siyang mahina at sunod sunod na napamura. Bigla niya'ng hinarang ang palad niya sa tapat ng mga mata ko.

"Don't--" inalis ko ang kamay niyang nakaharang sa mga mata ko.

Namutla ako nang makita na may bahid ng dugo ang salamin ng kotse'ng sinasakyan namin. May mga humahabol na dalawang kotse na nasa dalawang gilid namin at nagpapaulan ng bala! Sobrang daming kotse ang nagpapaulan ng bala sa likod din!

"Hey, Thunder, Storm...code red. Track us, yeah...yeah my baby is scared.." napanganga ako sa pagiging kalmado niya sa kabila ng mga nangyayari.

"See 'ya.." malamig na pagputol niya ng tawag sa kausap niya.

"Rain! How can you be so calm?!" Tanong ko at hinampas siya sa braso

I can't believe him!

"I'm not" seryoso'ng sambit ni Rain. What? Sa lagay na 'yan? Di siya kalmado?

"...but I need to, baby" natahimik ako sa sunod niyang sinabi

Hininto niya ang kotse at seryosong humarap sa...akin.

"Because your husband is a Mafia Lord..."

He's...what? O__O

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top