1st Rain

Made by oshcult thank you 😘

1st Rain
Owner



"Cane? Ikaw ba 'yan?" Pupungas-pungas na umupo ako sa kama ko at napatingin sa orasan. 12 am, bakit gising pa siya?

"Eloise.." nakangiting tawag niya sa akin at yumakap ng mahigpit. Halatang masayang masaya siya kaya niyakap ko 'rin ng natatawa.

"Di 'rin ako magtatagal, magpapaalam lang ako sayo"

"Saan ka pupunta ng ganitong oras? Sobrang dilim pa...bukas ka na umalis"

"Kasama ko naman si Simone"

Si Simone? Napanguso ako, yung seryoso niyang bodyguard?

"Saan kayo pupunta?"

"Di ko 'rin alam hehehe"

Napasimangot ako sa sagot niya.

"Sige, una na 'ko. Ingat ka lagi ah?"

"Matatagalan ka ba?" Malungkot na tanong ko. Lumambot ang mukha niya.

"Hindi ko 'rin alam, pero babalik ako. H'wag ka ng malungkot. Nandyan pa naman sina Kuya at lalo na ang asawa mo"

"Hindi ko asawa si Rain"

"Wala akong sinasabing pangalan hahahaha yieeh"

"Cane naman 'eee"

"Hahahaha okay titigil na 'ko, sasabog na mukha mo sa sobrang pula"

May pagkabully talaga 'tong babaeng 'to

"Alis na 'ko, h'wag mong sasabihin na nagpaalam ako sayo ah? Basta nagising ka at di mo alam, okay?"

"Sige ingat ka, bestfriend."

Tinanguan ako ni Simone at tuluyan na nilang sinara ang kwarto ko.

Ilang minuto pa kong nakatulala sa pinto na pinaglabasan ni Cane at napanguso.

Saan kaya 'yon pupunta? Ang laki ng bitbit nilang bag.

Bumalik na lamang ulit ako sa pagtulog.

"Good morning, baby" bati ng lalaking nakahiga sa kama ko pagdilat ko pa'lang ng mga mata ko. Hindi na 'ko nagulat dahil gawain na niya talaga 'yan.

Baby...

"Rain, bawal ka dito"

"Why is that? Huh?"

"Dalaga na 'ko tapos nakikihiga ka"

"Yeah, and this is the right time for us to get married right?" Malaki ang ngising tanong niya.

Kinurot ko ang matangos niyang ilong -__-

"Malabo na talaga mata mo, tingnan mo nga 'to, ito, at ito" turo ko sa mga tagyawat ko sa noo at nilapit sa'kanya.

"I understand"

"Anong I understand?"

"That can't be help, you keep thinking of me"

"Ee?"

"Pfft, go and shower." Bumangon siya at gaya ng araw araw ay naka sando ito at kagagaling lang sa gym.

Napasapo ako sa noo ko dahil di ko mapigilang mapatingin sa maganda niyang katawan. Nang mawala na siya sa kwarto ko ay naligo na 'ko. Habang nagsisipilyo ako may bigla akong naalala. Panaginip lang ba 'yon? O talagang pumasok si Cane sa kwarto ko at nagpaalam?

Napabuntong hininga ako habang nakaupo sa loob ng kotse. Sinilip ko ang nagmamaneho'ng si Rain na seryosong nakatutok sa daan. May malalim siyang iniisip, na-eenganyo ako'ng lalo na pagmasdan siya.

Tanda 'ko pa nung una kami'ng magkita. Nagtatampisaw ako sa ulan kasama ang mga kasama ko sa bahay ampunan. Maputik ang damit, magulo ang buhok at tawa ng tawa. Nang biglang may humintong magarang kotse at bumaba 'don ang napakagandang babae. Kilala ko siya.

Siya si Eve Henderson lagi ko siyang nakikita sa magazines at may malaking painting ng mukha niya sa entrada ng bahay ampunan. Siya ang lifetime savior namin ayon sa mga Madre at nangangalaga sa 'amin. Napakaganda niya!

Kasunod na bumaba nito ang napag alaman ko na asawa niya. Napakagwapo nito. Inalalayan niya ang asawa niya. Napangiti ako sa tinginan nila sa isa't isa dahil kitang kita doon ang pagmamahal.

Hindi naman sila nauulanan dahil may mga mabilis na umalalay sa'kanila at nagbigay ng mga payong.

"Wow!" Bulaslas ng napakagandang babae na kasing edad ko siguro. Para siyang manika. Hindi nakakasawa'ng tingnan.

Sumunod na bumaba ang tatlong lalaki na sa tingin ko'y mga Kuya niya. Tiningnan ko isa isa ang mga 'to bago bumuntong hininga...tumingala ako sa umuulan na langit at kasama 'non ang ngiting may halong kalungkutan.

Gusto ko 'rin maranasan magkaroon ng pamilya.

Ipinikit ko ang mga mata ko nagpasya na tumigil na sa pagpapaulan dahil nanginginig na 'ko sa lamig.

I really love, Rain.

Nararamdaman ko siya at parang nararamdaman niya rin ang nararamdaman ko.

"

Eloise! Tawag na tayo"

"Sige susunod na ako!"

Sa huling pagkakataon ay muli kong binalikan ng tingin ang pamilyang dumating. Papasok na sila pero may isang batang lalaki ang nanatiling nakatayo sa gilid ng kotse. Hawak ng isang kamay nito ang itim na payong habang ang kabila naman nitong kamay ay nasa bulsa niya. Hindi ako sigurado kung saan siya nakatingin.

Yumuko ako ng konti at tumalikod na ng tuluyan.

Nang makaligo na 'ko ay pumuslit ako at pupunta na sana ako ng tore nang...

"Saan ka pupunta?" Napamulagat ako ng makilala ang nagtanong sa akin

"Ako nga pala si Cane, nice to meet you! Nakita kita kanina sa ulan"

"Ako si E-Eloise...pupunta ako ng tore para tingnan ang rainbow" napatingin ako ng konti sa Kuya niya na nasa likuran niya.

"Wow! Tore? Gusto ko 'rin pumunta! Tara!"

"Ha?"

Nagulat ako ng hilain ako ni Cane. Tahimik na nakasunod ang kuya niya. Siya yung nahuling pumasok.

"Meron nga'ng rainbow!"

Napangiti ako ng malawak dahil meron nga.

"Araw araw ka bang umaakyat dito?" Excited na tanong ni Cane

"Sa t'wing umuulan" sambit ko

"--I love, Rain kasi!" Ngiting ngiti ko pa'ng dagdag

"Really?" Napabaling ako sa Kuya niya na ngayon lang nagsalita at parang nagpipigil ng ngisi habang nakatingin sa rainbow

"Kuya Rain she loves you"

"Ha?"

"I'm Rain Thurston"

"O__O huh?"

"I'm glad you love, Rain" napanganga pa ako nang i-pat nito ang ulo ko.

"Hahahahahaha" tawa ni Cane at iniwan kaming dalawa.

***

Hanggang sa dumating yung araw na may kukuha na sa akin.

"You heard that, Eloise Ichikawa? You are mine and soon I'm going to change your last name to mine and you can't do anything about that"

Seryosong sambit ni Rain na nagpawindang sa akin.

"Too bad...I want her too, Kuya Rain" sambit ng kararating na si Cane na mukhang kanina pa'ng nanonood. Hinila niya ang braso 'ko.

Isa pa itong si Cane. Sinabi niyang aampunin niya ako. Sa tono niya parang kayang kaya niya 'yon ng wala ang tulong ng pamilya niya.

"Cane, you can still be bestfriends.."

"Uh, okay hehehe"

O__o

At doon na nagsimula ang pagbabago ng buong buhay ko.

***

Nagulat ako ng makita ang pagzoom ng mukha niya sa mukha ko at pag click ng seatbelt ko. Nasa University na pa'la kami.

"Thanks"

Ngumisi siya at lumabas na ng kotse, pinagbuksan niya ako at nabigla ako nang bigla niya akong iikot at niyakap ng mahigpit.

"R-Rain?"

"Go straight in your room, never look back"

"Anong nangya--" pinilit ko na tumingala

"Baby, don't be stubborn.." buntong hininga niya habang sinisiksik ako sa dibdib niya

"Ano ba kasi 'yon?"

Humawak ako sa braso niya at pinilit lumayo pero may naramdaman akong basa

"Shit..shit"

"D-Dugo!"

Namutla ako ng makita ang dumudugo niyang braso.

"You're really are stubborn, now get in the car!"

Ipinasok niya 'ko sa loob ng kotse ulit. Biglang naging itim ang mga bintana ng kotse. Wala akong marinig.

"Rain! Rain! Palabasin mo 'ko dito! Anong nangyayari?!"

Pinilit kong buksan lahat ng pinto pero nakalock lahat.


"Rain! Rain! Aaaaah!" Biglang umandar ang kotse. Paano--?



Hindi ko alam ang mga nangyayari. Iyak ako ng iyak. Natatakot ako. Huminto ang kotse at iyak pa'rin ako ng iyak habang yakap ang tuhod ko.

Napatalon ako sa gulat nang biglang bumukas ang kotse.

"Rain!"

"Tahan na, I'm sorry...everything's alright"

Iyak pa'rin ako ng iyak.

"Ikaw kasi!"

"My poor baby.."

"Ayoko na sumakay dito huhuhu"

"Okay di na tayo sasakay dito, tahan na"

Nakarinig ako ng mga motor na parating at ang dating itim na mga salamin ay bumalik na sa dati. Nakita ko sila Dominic, Trec, Keynald at Justin na paparating.

"Yung sugat mo, R-Rain. Pumunta tayo sa Ospital" inayos niya ang buhok ko at tumango. Parang wala lang sa'kanya ang sugat sa braso niya.

Bumaba ako sa kotse ng natataranta.

"D-Dominic, isakay mo siya sa likod mo please"

"Okay?"

"Wait..what are you doing?" kunot noong tanong ni Rain

"Kay Dominic ka umangkas"

"And you?"

"Uh...kay.." nagtaka ako ng mamutla at ngumiwi sina Trec, Keynald at Justin

"No way..." madiing tutol niya at bigla akong sinampa sa motor ni Dominic!

"RAIN!"

"Tss"

"Waaah!" napayakap ako ng mahigpit sa'kanya dahil sa pagharurot niya ng mabilis

"Much better.."

@Cloud University Hospital


"Tito Sky, malalim po ba ang tama niya?"


"You don't have to be worry, hindi naman delikado ang tama niya.." nakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Tito Sky. Natawa ito bigla


"Bakit po?"


"Naaalala ko ang sarili ko sayo sa t'wing napapahamak ang ina nila" nakangiting sambit niya.



Ginulo niya ang buhok ko na kinanguso ko



"Once a 'Thurston' falls hard hindi na masasalba.."



Iniwan ako ni Tito Sky na nakanganga.



Wala sa sarili'ng pumasok ako sa loob ng kwarto ni Rain. Nakatingin siya sa bintana habang nakatingin sa ulan.



"The 'Rain' falls really hard, baby...you loves 'Rain' right?"


"Oo naman, I love...Rain"


"Good, I'm glad"

seryosong sambit niya

"Hindi naman mahirap mahalin si Rain" napaiwas ako ng namumula dahil sa biglang paglingon niya sa akin at bigla siyang tumikhim dahil sa pagkabigla? O kumati lang lalamunan niya?


"Really?"



Simula nung 7 years old pa'lang ako niligawan na niya ako. Ilang taon na 'ko? Dise-otso na 'ko. Wala akong magawa ng ianunsyo niya 'yon o hindi ko 'rin gustong pigilan siya? Hindi ko alam. Alam ko naman na bata pa kami at di ko 'rin maintindihan kung anong nakita niya sa akin. Mas ramdam ko 'yung pag-gabay at alalay niya sa akin mula nung bata pa 'ko. Gustong gusto ko siya at sobra akong humahanga sa'kanya.



Napasinghap ako sa gulat ng may yumakap sa akin mula sa likuran!



Hindi ko namalayan na nasa likuran ko na siya. Pinatong niya ang baba niya sa balikat ko.




"Can you make Rain happy?"



Nahihiyang tumango ako at pumikit ng mariin dahil sa paghalakhak niya.



"Then please say 'yes'"



"Yes"



Inikot niya ako paharap sa'kanya at lumapat ang labi niya sa labi ko.




And now...I'm Eloise Ichikawa. His officially girlfriend, and owned by him.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top