CHAPTER TWENTY-FIVE
THIRD PERSON'S POV:
Takbo nang takbo lamang ang ginawa ng sampo habang si James ay patuloy na kinakaladkad si Angela na lutang pa rin.
Ngayo'y nakarating na sila sa parking lot kung saan nila pinarada ang kani-kanilang sasakyan.
Niyugyog ni James ang balikat ni Angela kaya napabalik ito agad sa kanyang ulirat. "Y-yes?" utal nitong tanong na ikinabuntong hininga ng binata.
"Can you drive your car?" tanong ni James na agad ikinatango ni Angela.
Nanlaki ang mga mata ni Angela dahil sa kakarating na kalalakihan mula sa elevator.
"Get in your car and follow me. No further questions please." Tumango naman si James sa sinabi ng dalaga at patakbong tinungo ang sasakyan at pumasok agad.
Nakita ni Angela ang mga papalapit na kalalakihan kaya agad siyang pumasok sa kanyang sasakyan at pinaandar ito.
Pinaharurot niya ang kanyang sasakyan palabas nang automatic na bumukas ang garage door, nakita naman niya ang mga sasakyan ng mga kaibigan niya na nakasunod sa kanya kaya binalik niya na ang kanyang atensyon sa daan at sa pagmamaneho.
Nabagabag lamang siya noong tumunog ang monitoring device at nakita niya ang tawag na mula kay Bea.
Pinindot niya ang screen at sinagot ang tawag, "Yeah?"
"Gel, they're following us!" naghy-hysterical na saad ng nasa kabilang linya.
"Drive faster." Kalmadong sagot ni Angela at pinatay na ang tawag.
She immediately stepped on the accelator pedal and speed up.
Lumiko siya nang makita ang daanan papunta sa kanilang headquarters, nasalubong niya ang ilan-ilang dahon at natakpan pa nito ang windshield ng sasakyan niya.
Nagpatuloy lamang siya sa pagmamaneho at nakarinig ng sigawan, sigaw ng mga lalake kaya napapailing siyang pumasok sa gate ng kanilang headquarters at dumiretso sa parking lot.
Hindi na sila mahahanap pa ng nakasunod sa kanila dahil parang sa isang masukal na gubat ang kanilang dinaanan pati na rin kung saan matatagpuan ang kanilang headquarters.
Sumunod sa kanya ang siyam sa pagpasok sa parking lot at ipinarada na rin ang kani-kanilang mga sasakyan.
Lumabas na si Angela sa kanyang sasakyan matapos itong iparada ng maayos, nakatayo siyang hinintay ang kanyang mga kaibigan at sina James na lumabas.
Lumapit si Angela sa mga kaibigan niyang lumapit din sa kanya at kakalabas lang.
Nilingon naman nila ang kanilang mga kasama at inaya silang pumasok na
Nagsinghapan sina James nang makita at makapasok na ng tuluyan sa unang palapag kung saan nakalagay ang halos na kagamitan nila panlaban at pati ang mini gym.
"Let us tour you around." Maikling saad ni Angela at nakangiting tumango sa kanya sina James, tumitingin-tingin ang mga ito sa mga baril, katana at iba pa.
Nagpaalam si Kylie sa mga kaibigan niya na pupunta lang siya sa second at third floor para buksan ang mga ilaw.
"You sure have a lot of things para gamitin sa mga labanan, ang yayaman!" nakangiting wika ni Liam habang nilalaro-laro sa kamay niya ang isang baril.
Lumapit sa kanya si Bea at kinuha ang baril sa kamay niya at tinutok sa dibdib niya.
"We didn't ask these from our parents, sariling pera namin ang ginamit para ibili ang mga kagamitan dito well syempre except sa pagpapatayo ng headquarters. Sagot na kasi ito ng Dad ni Angela." Napatangong napatingin si Liam sa direksyon ni Angela.
Pagkatapos magtingin-tingin ang limang lalake sa mga kagamitan sa unang palapag ay sumakay na sila sa elevator at ngayo'y literal silang napanganga sa nakita nila sa pangalawang palapag.
"What the hell!?" manghang bulalas ni Kairo at napapatingin sa iba't-ibang advanced computer sa isang U-squared table at sa isang 219 inch wall TV.
Lumapit si Kairo sa isang gaming chair at napatingin kina Angela, "Can I?" tumango ang apat na babae sa pagpapaalam nito.
"He loves computer a lot and he's actually the hacker of our group so I'm sorry kung ganyan siya ka-excited mahawakan ang mga advanced computers niyo." Pagpapaumanhin ni James sa apat na ikinailing ni Nicole.
"You really don't have to say sorry, pareho pala sila ni Kylie. Kylie's life is all about computers and stuffs at siya rin ang hacker sa grupo namin aside from Angela." Nakangising saad nito na napatingin kay Angela at kay Kylie na kakarating lamang.
Maiging tinignan ni Kylie ang ginagawa ni Kairo sa computer at kalaunan ay lumapit ito at napaupo sa isa pang gaming chair. "Mauna na kami sa itaas Ky, we'll give all of your time here!" natatawang paalam ni Tiffany at sinamaan lamang siya ng tingin ng kaibigan.
Sumakay na sila ulit sa elevator at tinungo naman ngayon ang ikatlong palapag kung saan makikita ang kanilang sala at mini room.
Pagkalabas nila sa elevator ay hinayaan nila ang lima na libutin ang sala.
"Feel at home!" nakangiting saad ni Bea sa kanila at napaupo rin sa sofa at binuksan ang tv.
"Aren't you going to sleep?" tanong ni Nicole na ngayon ay humihikab na.
"Mamaya na! Absent naman tayo mamaya eh! Manunuod muna kami ng horror movies." Masayang sabi ni Tiffany at napakindat pa kay Nicole nang sabihin iyon, umupo na rin ito katabi si Bea.
Napaupo rin ang tatlong kaibigan ni James sa pahabang sofa at pinanuod lang ang ginawa ni Bea na ngayo'y nakatayo na at ini-insert ang movie na kanilang papanuorin.
Nagpaalam na si Nicole sa kanila na matutulog na ito kaya tumango lamang sila at nag 'good night' dito.
"By the way, you can stay here as long as you want. I mean, pwede naman tayong sabay na lamang umuwi." Suggest ni Angela na ikinalingon ng mga kaibigan ni James sa kanya, pati si James na nasa tabi niya ay napatitig sa kanya.
"We don't have spare clothes." Untag ni James sa kanyang tabi pero nginitian lamang siya ni Angela.
"We have." Sagot ni Angela sa kanya na ikinakunot ni James ng noo.
"For men?" nakasalubong ang mga kilay nitong tanong. Tumango naman si Angela sa kanya at sumagot, "Yeah, napaparito ang pinsan ni Kylie minsan and yeah we also have a spare room."
"Miss Angela, ano naman ulit ang pakay ng Mungiki Organization ngayon sa iyo?" biglaang singit ni Rain na ikinatahimik ng lahat.
"Nasa kanila na ulit si Arturo, ang kanang kamay ng lider ng organisasyong iyon at sa tingin ko'y hindi ako ang kanyang pakay. Pakay niya si Dad at hindi ko alam kung anong dahilan pero isa lang ang aking nababatid, tungkol ito sa paghingi ng tulong ni Dad sa kanya tungkol sa kambal ko." Paliwanag ni Angela sa kanila na ikinakunot naman ng kanilang noo.
"Anong meron sa kakambal mo, Angela?" tanong naman ngayon ni Liam kaya lumapit si Bea sa kanya at binatukan siya kaya napadaing ito.
"What? Is it wrong to ask that?" tanong naman nito kay Bea at inirapan lamang ito ng dalaga.
"I don't want to talk about that anymore." Ngumiti lamang ng pagak ang dalaga.
"I'm sorry." Nakayukong pagpapaumanhin ni Liam na ikinatango lang ni Angela.
Bigla namang dumating sina Kylie at Kairo at tinawag ng mga ito ang pansin ng lahat.
"Guys!" napatingin ang lahat sa direksyon nila nang sabay nila itong sabihin, nagkatinginan sila at napatawa dahil sa ginawa.
"We saw the CCTV sa bandang labas ng gate natin pati ang CCTV sa arena na aming hinack at pinasok ang system, wala na ang mga sumalakay at nakaalis na rin sila sa lugar na ito." Paninimula ni Kylie na ikinapalakpak nina Tiffany at Bea.
"Maaari niyo bang i-check ang flights mamayang umaga? Let us make sure na aalis na talaga ang mga iyon dito. We shouldn't have brought Arturo here." Napapailing na sambit ni Angela.
"I guess Tito is now furious knowing the situation awhile ago, mabuti na lamang at wala siya ano?" napatango-tango naman si Angela sa sinabi ni Kylie.
"Galit na galit na iyon panigurado."
Tinapik ni Kylie ang balikat ni Angela at lumapit kina Bea para manuod din ng horror movie.
Napabuntong hininga si Angela at humarap kay James na ngayo'y nakatitig lang pala sa kanya.
Iniwas niya ang kanyang kanyang tingin at nagsalita, "Can I talk to you?" tanong nito at tinignan ulit ang binata.
"Sure! Ano iyon?" napapailing si Angela at hinablot ang kamay ni James at pumasok na sila sa elevator.
"Not here." Sagot naman niya at pinindot ang numerong '4' na papuntang 4th floor ng HQ nila.
Napakunot noo si James at naguguluhan kung saang lupalop siya dadalhin ng dalaga pero agad itong nahiwagaan nang makitang sa rooftop pala. Madilim sa labas at sobrang lamig pa dahil sa hangin.
Sumunod lamang ang binate kay Angela, kumuha ng banig si Angela sa gilid at nilatag iyon sa sahig.
Si James naman ay kinuha ang telescope at inadjust ito at pinaliit sakto lang kapag nakaupo silang dalawa.
Umupo si Angela sa banig at pati rin si James na ngayo'y napapatingin na sa kalangitan gamit ang teleskopyo.
"What are we going to talk about again?" paninimula ni James na patuloy pa ring pinapanuod ang kalangitan.
Napabuntong hininga si Angela at tiningala rin ang langit at tinignan ang mga mumunting bituin.
"I wanted to tell you the story of me losing my twin."
Napahinto si James sa kanyang ginagawa at napalingon kay Angela. Gumalaw siya sa kanyang kinauupuan at ngayo'y nakaupo na siya ng paharap sa dalaga.
"Interesting." Wika nito na ikinangiti lamang ni Angela.
"I lost him when I was four years old, sabi ni Dad na nawala raw siya habang naglalaro kami sa amusement park. Either may kumuha sa kanya or nawala siya sa kanyang pinuntahan sa kung saan man iyon." Napahinto ito at napasubsob sa kanyang binti.
"Bakit hindi niyo siya nahanap kaagad? You're rich and you have the oney and the connections so bakit?" napabuntong hininga si Angela at napapailing.
"I don't even know, kaya ngayong kaya ko na siyang hanapin ay kaya kong banggain ang kung sino para mahanap siya. I'm really desperate now."
Napahawak si James sa kanyang baba at napapaisip, "More desperate than your Dad?" napatawa na lamang si Angela at napasang-ayon sa sinabi ng katabi.
"I don't even think they care kasi all I know, ang emperyo lang namin ang iniisip nila. But me? I don't fucking care about the empire, hindi ko naman madadala iyon hanggang sa pagkamatay ko." Napangisi si James sa sinabi ni Angela at napapailing.
"That's the only thing that I remember but as much as I know, wala akong ganoong memory pero iyon ang pinaniniwalaan ko dahil iyon ang sinabi nina Dad sa akin." Napahiga naman ngayon si Angela sa banig at napatitig sa langit.
"Hindi ba kayo magkalapit ng ama mo?" tanong ni James sa katabi.
"We were. Not until he transferred me sa school natin ngayon. Of course, ayokong umalis sa paaralan natin noon because I was hoping that you'd come back but I think maganda rin pala na nagtransfer ako kasi nakita ulit kita rito."
Napapailing na tumawa si James at naging tahimik sila ng ilang sandali pero sinira na agad ni James ang katahimikan na namamagitan nilang dalawa.
"But why are you telling me these things right now?" napaupo ulit si Angela nang marinig iyon mula sa binata at tinignan ito ng seryoso.
Hinawakan niya ang mga kamay ni James at napapikit ito, James was then taken aback with the pleading eyes Angela was showing.
"Please... tulungan mo 'ko. Tulungan mo akong hanapin ang kapatid ko. Please..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top