CHAPTER TWELVE

ANGELA'S POV:

Isang buwan na ang nakalipas at kakauwi lang namin dito sa Manila last week, the doctor suggested na magbed rest daw muna ako sa ospital since dapat daw talaga ang pahinga sa kondisyon ko, di sa unang linggo ay di ako nakakagalaw masyado since sumasakit siya paminsan-minsan.

Sa pangalawang linggo ko naman sa ospital ay naglalakad-lakad na ako, sabi ng doktor na around 2 weeks talaga gumagaling yung gunshot wounds sa abdomen but since uuwi pa kami ng manila, dapat daw magstay muna kami sa ospital for another five days para linisin pa ito, obserbaran, para di magkainpeksyon.

I walk 2-3 times per day for the second week at noong pinaextend kami ng 5 days ay nagkaroon na ako ng proper meal like yung mga gusto kong kainin ay pwede ko ng kainin.

Byernes ng gabi noong linggo na yun kami bumyahe pauwi ng Manila, nagkaroon ulit ako ng dalawang araw na pahinga pagkatapos no'n.

Hiningi ko na rin yung mga pinapasagot ng prof namin sa PPG at ginawa agad noong Sabado ring iyon para matapos na.

Lunes na ngayon at sabi ni Dad na susunduin niya raw ako dito sa bahay kaya sinabihan ko na lamang ang apat kong kaibigan na hindi muna ako makakasabay sa kanila ngayon.

Sa katunayan ay nahirapan talaga ako sa binigay na parang module ni Mrs. Perez pero kinaya naman dahil nagresearch ako sa mga hindi ko maintindihan.

Ngayo'y nasa labas na ako at inaabangan ang pagdating ni Dad, nakita ko ang mga kaibigan ko na kakalabas lamang sa bahay nila.

Kumaway sila sa akin at sinabing mauuna na raw sila kasi baka raw makita pa sila ni Dad at kung ano na naman daw ang maisip no'n.

'Di ko naman sila masisisi kasi alam kong kilala na nila si Dad, si Dad na hanggang ngayon walang tiwala sa mga nakakasalamuha ko maliban sa kanila, si Dad na hanggang ngayon ay walang tiwala sa akin, sa sarili niyang anak, si Dad na walang ibang pina-prioritize kundi ang emperyo ng mga Mafia at Gangsters.

Napabalik lamang ako sa aking ulirat nang marinig ko ang isang malakas na busina mula sa sasakyan na ngayo'y nakaparada sa harapan ko.

Napatingin ako sa taong nasa loob nang ibinaba nito ang bintana sa backseat at nakita ko naman agad ang mukha ni Dad.

"Halika na, anak. Baka ma-late ka pa." malumanay'ng pag-aya nito, tumango ako at binuksan agad ang pintuan sa backseat at pumasok kaagad. Nagmano ako rito at saka siya nginitian.

"Pasensya na po kung naabala kita, marami ka pa yatang aasikasuhin?" tanong ko rito. Napagalaw naman siya sa puwesto niya at tinitigan ako ng diretso at saka ngumiti.

"Oo marami pero mamaya pa naman ang mga iyon at gusto kong makita ka, anak. Kamusta na? Hindi na ba masakit iyang sugat mo?" tanong ni Dad at napaturo sa may tiyan ko. Oh really, now? Nag-aalala talaga siya?

"Maayos na po ako, iniinom ko naman po yung mga niresita na gamot ng doktor at nililinisan ko po itong sugat ko ng maayos." Sagot ko at itinaas ang blouse ko at pinakita sa kanya ang sugat ko na ngayon ay very visible pa rin ang mga tahi.

Napapatango naman siya. "I've heard about the news regarding the Mayor's son that's from Cebu, noong araw din na iyon noong nabaril ka ay nadakip siya ng mga baril." Biglaan nitong sambit na lihim na nakapagpangisi sa akin.

"Why are you telling me that, Dad? I also have seen the news about that Mayor's son, it serves him right since maling-mali naman talaga ang ginawa niya. Tama naman diba po ako?" napakunot-noo ako noong tanungin ko iyon at sinagot siya ayon sa nalalaman ko at sa mga naibalita sat v na paulit-ulit kong naririnig doon sa ospital.

Napatango-tango ulit ito at saka hinawakan ang mga kamay kong nasa aking hita.

"I just hope that you were not there that time and was hoping that that gunshot was really from the thief that you told me." Seryoso at kalmado nitong saad.

I shrugged my shoulders and answered him, "What would be my reason for being with that Mayor's son, anyways? We were in Cebu to do a project and attended a meeting with Tiffany's tito, Dad. A business meeting that I was really engrossed to the point that I wanted to invest in their project, I wanna be like you Dad, a great businessman."

Napangiti ito dahil sa sinagot ko at sa tingin ko'y napanatag ko ang loob niya and that's actually good! It was fun playing with each other, Dad.

Namayapa ang katahimikan pagktapos kaya napatingin ako sa labas ng bintana.

Nakita ko ang mga punuan na nadadaanan namin, there was also a little field na parang ang sarap titigan ng pangmatagalan, memories started flashing on my mind.

Napapikit ako at naisipan ang mga panahong magkasama pa kami ng kakambal ko, mga pangyayari na ngayo'y naging ala-ala na lamang dahil wala na siya sa piling ko.

Nasaan ka na ba, Kuya Craine? Ilang taon pa baa ng dapat kong tiisin para lang makapiling ka? Ilang taon ko pa ba dapat maghirap? Naalala mo pa kaya ako? Naalala niyo pa ba ako?

Napangiti ako ng pagak at naramdaman ang pagtulo ng mga mumunting luha sa aking mata na agad kong pinunasan sa paraang di mahahalata ng aking ama. Ama. Hahaha!

Napahinto ako nang maramdaman ang dalawang pares ng mga mata na ngayo'y nakatingin sa akin sa rear view mirror, kaagad ko namang iniwas ang aking tingin nang mapag-alaman na mula pala ito sa driver na kanang kamay lang pala ni Dad.

Hindi magkalayo ang edad namin pero wala na akong pakealam do'n.

Ilang sandali lang ay napahinto na ang sasakyan at nilingon ko si Dad na ngayon ay sinalubong ako ng ngiti.

"Sige na anak, mag-ingat ka. Huwag umusisa sa mga bagay na dapat di ka sangkot." Makahulogang sabi nito na binalewala ko na lamang.

"Opo, Dad. Mag-ingat din po kayo. Mauna na po ako." Pagpapaalam ko dito at bago pa ako lumabas ay hinalikan ko si Dad sa pisngi, kita ko naman ang pagtingin ng kanang kamay ni Dad sa'kin bago ako tuluyang makalabas. He's weird.

Pumunta ako sa parking lot dahil sa text ni Kylie na nasa parking lot pa raw sila, hinihintay ako.

Dumiretso agad ako roon at binalewala ang mga tinginan ng mga estudyanteng nadadaanan ko. The hell I care sa kung anong isipin nila sa mukha ko.

Para naman kasing di halata na di ako nagsuklay pero buhaghag lang talaga ng kaonti ang buhok ko ngayon tas dagdagan mo pa ng makapal na kilay ko which is natural at sobrang kapal na glasses. Oh, alam ko namang mawe-weirdan ka rin 'pag nakita ako sa personal kaya stop na.

NAABUTAN ko naman ang aking mga kaibigan na ngayo'y nakasandal sa sasakyan habang si Tiffany at Bea naman ay naka squat position pa.

Una akong nakita ni Nicole na ngayo'y umiinom ng paboritong nitong dutch mill, napatayo siya agad ng maayos ng makita ako at inagaw ang pansin ng tatlo saka tinuro ang direksyon ko.

"Tara na, Gel! Ang hina naman magpatakbo ng driver niyo eh!" nakangusong salita ni Tiffany habang pinagpagan ang kanyang uniform.

"Ewan ko ba dun sa kanang kamay ni Dad, sobrang weird. Bahala na nga! Sige tara na."

Tinungo naming ang shortcut papunta sa building namin, "Malas naman oh! Daming estudyanteng dumadaan dito ngayon, pati mga batchmates din natin nandyan." Naiinis na untag ni Bea.

Agad naman naming nakita ang mga nagkukumpulang estudyante sa may bulletin board habang paakyat kami sa ramp. "Ano kayang meron?" tanong ko sa aking sarili.

"Tara na, malalaman din natin 'yan mamaya. Sa announcement na lamang ng guro natin alamin." Napatango naman kami sa sinabi ni Nicole at nagpatuloy-tuloy na sa paglalakad.

Nang makarating sa classroom ay nadatnan agad namin ito na sobrang ingay at magulo, sobra. Napahinto lamang ang mga ito nang sumigaw si Lance na kagrupo ko noon sa reporting, "Hi nerds! Kamusta kayo? Lalo na ikaw Angela!"

Halos lahat ng kaklase namin ay napalingon sa direksyon namin at makikita ang pagkalito sa mga mukha nito at may iba pa na tinaasan kami ng kilay. Grabe! Hahaha!

Pumunta muna kami sa aming upuan bago ako sumagot, "Maayos na, nakarecover na rin salamat sa Diyos." Napangiti ako ng pilit sa kanya na tinanguan niya lamang.

Napaayos ng upo ang lahat nang marinig ang pagbukas ng pintuan at napamaktol nang mapag-alaman nilang hindi pala iyon si Ms. Cordova, walang iba kundi ang limang prinsipe nila.

Napatingin naman ako sa bawat-isa sa kanila at agad napaiwas ng tingin nang makita yung tukmol na si James.

Napahawak agad ako sa aking dibdib at napatingin na lang sa kung saan-saan at pilit na kinakalma ang sarili. Naman oh!

Ilang sandali ang nakalipas ay dumating na rin sa wakas si Ms. Cordova at agad naming siyang binati at umupo rin ulit pagkatapos.

"I think alam na yata ng karamihan sa inyo ang mangyayari sa susunod na linggo? Well, para sa hindi alam ang mangyayari ay sa susunod na linggo na ang Intramurals niyo which means dapat lahat kayo ay present next week." Napatingin-tingin naman ito sa mga papel na hawak niya at may tinuro-turo.

"But before anything else, do you have someone in mind para lumahok sa Mr. and Mrs. Intramurals ng section ninyo? Since madami kayong sections ay kayo rin lang ang maglalaban pero makakasabayan niyo pa rin ang lower years, of course. So someone?" mahaba nitong pagpapaliwanag at naghanap pa ng volunteer para sa kung sino ang ipapambato ng section namin.

Biglang napatayo si Rachel habang nakataas din ang kanyang kanang kamay.

"Miss!" pag-aagaw pansin nito sa guro sa harapan namin. Napatingin naman sa kanya si Ms. Cordova, "Yes, Rachel?"

"Actually I have someone in my mind na very suitable for the title 'Mr. Intramurals'!" eksaherada nitong pagbabanggit sa huling sinabi.

"And may I know who you're pertaining to, Ms. Rachel?" tanong ng guro namin.

Agad namang tinuro ni Rahel ang likuran namin kaya napatingin din kami, "Si James, Miss!" sigaw nito na nakapagpaayos ng upo ni James at ginulo ang buhok.

"What?" tanong nito na halatang hindi nakinig sa pinag-uusapan. Bingi lang ang 'peg?

"Is it okay for you to be this section's representative, Mr. Park?" tanong ni Ms. Cordova kay James na tinanguan lamang nito, attitude ka boy?

"It's settled for the Mr. Intrams then! Sa mga babae naman tayo, anyone?"

May nagtaas naman ng kamay, 'di ko pa talaga kabisado lahat ng pangalan ng mga kaklase ko kasi nga hindi ako masyadong nakinig noong first day.

"Miss, si Mika po! Siya po yung last pambato namin!"

Napapailing naman si Ms. Cordova, "I'm sorry but nasa rules na hindi raw pwede isali ulit ang mga nakasali na. 'Give chance to others' ika nga nila."

Napapatango-tango naman ang mga kaklase ko, biglaang nagcompress ang apat kong kaibigan nang nag gesture itong si Bea na lumapit daw sa pwesto ko.

"May chismis ako sa inyo, di naman daw yan nanalo si Mika last year kasi ang layo raw ng sagot nito sa tanong." Tinitigan ko naman siya nang sabihin niya iyon.

"Ang bad mo Bea! You're super judger talaga!" conyo pang sabi ni Tiffany na nakapaghagikgik sa kanila.

"Tsk, huminto nga kayo dyan, wag pairalin katoxic-an."

"Huhu sorry, Gel. Ano lang kasi yun chismis of the class kaya ni-share it ko sa inyo para updated kayo diba? Saka maganda naman yan si Mika." Napatawa naman ito sa sariling sinabi.

"Si Angela, Miss!" napatingin ako sa biglaang nagsabi noon at napahinto sa pakikinig sa kung ano-anong pinag-uusapan ng mga kaibigan ko.

Ang siyang sumigaw ng pangalan ko ay walang iba lang naman kundi ang kagrupo kong si Lance! Sinamaan ko siya ng tingin at binelatan lang ako nito, aba aba.

Narinig ko naman ang bulung-bulungan ng iba kong kaklase, ang kapal na nga daw ng suot kong glasses ang kapal pa daw ng mukha ko para sumali.

Sorry ka 'te, maganda ako. 

"Miss, we actually saw Angela's hidden beauty unexpectedly and trust us with this wala kayong panghihinayangan." Pagkaklaro ni Lance sa mga nagbubulungang mga kaklase ko.

Napapatango naman ang aking ibang mga kagrupo, dahil talaga yun sa asungot na James na yun!

Wala pa talaga akong experience sa ganto, all my life puro pakikipaglaban lang ang nasa isipan ko, namin.

"Then are you okay with this, Miss Ciamco?" tanong ni Ms. Cordova sa'kin kaya napatingala ako mula sa pagkakasubsob sa desk at nakita ang sari-saring emosyon na nakikita ko sa mga mukha ng aking mga kaklase.

May mga mukhang hopeful sa isasagot kong 'oo' kung sasagutin ko man ito, may ibang wala lang at naghihintay sa isasagot ko, may ibang nakasalubong ang kilay dahil 'di sang-ayon at may ibang natatawa.

The hell I care! Sasagot na sana ako nang may biglaang tumayo kaya napatikom na lang ako sa aking bibig.

"Miss! Ganun-ganun na lang po? How about our approval 'di niyo hihingin?" sumbat ng kaklase kong babae. Bigla namang bumulong si Bea sa amin.

"Bes, bitter yan kasi hindi yung kaibigan niyang si Mika ang pinasali o baka bitter din kasi di siya yung pinasali." Saad nito sa sobrang hinang boses na sakto lang para marinig namin.

"Pwede naman siyang magvolunteer, duh!" segunda pa ni Kylie.

Nagsiayos naman ng upo ang iba nang napapalakpak si Ms. Cordova para kunin ang atensyon ng lahat.

"Ms. Gomez, we are about to head to the votings after Angela's approval and also, please don't raise your voice kasi wala kang kalaban dito. Understood?" kalmadong saad ng aming guro.

"But Miss how can you assure that Angela wouldn't embarrass our section if she can't answer the questions given by the judges?" dagdag pa nito na nakapagpatayo kay Nicole.

"Let me ask you, Ms. Gomez, how can you assure that your speculations of Angela are true? 'Cause I bet you're thinking that she can't answer anything because she's dumb, right? Paano kung ihampas ko itong perfect score na nakuha niya mula kay Ms. Perez para naman matauhan iyang pagka-judgemental mo!" galit nitong sigaw kaya agad ko siyang hinawakan sa kamay para huminahon at napatingin naman siya sa'kin saka siya tumango.

"I'm sorry, Miss. I lost my temper." Nakangiti lamang na tumango si Ms. Cordova at napabaling sa kung sinong Gomez na yun. "I'm sorry Gel, it's just that I can't stand how she degraded you. Sobrang judgemental."

Nginitian ko lang si Nicole at nagpasalamat. There may be some ways na mali si Nicole but as my friend, she did the right thing at super thankful ko sa kanya.

"Then would you volunteer yourself to be one of the candidates, Ms. Gomez?" tanong ni Ms. Cordova sa babae. Agaran naman itong napailing at napaupo. "No, Miss. I'm sorry."

Bumaling naman si Ms. Cordova sa akin, "So, Angela?"

"Okay po, I'll be joining." Napapalakpak naman ito pati na rin ang mga kaibigan ko at sina Lance.

"Okay, so our candidates would be James Park and Angela Ciamco. Good Luck and God Bless to you two." Nakangiting wika ni Ms. Cordova.

Napabuntong hininga ako at nakita ang masasamang tingin na pinukol ng grupo noong Gomez kanina at iniwas agad ang tingin sa kanila.

I guess I'll be doing my very best to prove to those girls that their mindset is really toxic, very.

You don't have to instantly degrade someone just because you don't want them in that position if you don't even know them truly at nakakasakit iyon, hindi man ako nasaktan because what they've said isn't true pero paano na lang kung iba ang nabiktima nila at mahina ang emotional control diba?

That's just too much kung gano'n!

Napatingin naman ako sa bandang likuran ko nang maramdamang may nakatitig sa akin, titig mula kay James. Agad naman siyang napaiwas ng tingin nang mahuli ko ang paninitig niya.

Kinalabit naman ako ni Kylie kaya agad akong napabaling sa direksyon niya.

"Gel, Dad sent me a text minutes ago. He wanted to meet us pagkatapos ng mga klase natin." Pagpapaalam nito. "May sinend ba siyang address?"

"Wala pero sa hapon niya na raw isesend at sabi niya'y dumiretso raw tayo agad doon." Napatango-tango ako.

"Alright, mauna na lamang kayo mamaya. Dad is suspecting me at kailangan ko munang magpanggap na uuwi ako at magpapakuha ako sa kung sinong driver niya para hindi siya lalong magtaka sa mga kinikilos ko." Tumango rin naman sila kapagkuwan.

I think this day will be a very long and tiring day.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top